Share

Chapter 3

Natuto si Sofia sa mga gawaing bahay na ngayon pa lamang nito nagawa kaya nahihirapan man ay tiniis at pinag-aralan iyon ng dalaga para hindi mapaalis sa mansyon. Araw-araw naman itong nasisigawan ni Benedict dahil sa mga palpak na niluluto nito.

"Ano ba Sonia? Kelan pa naging fried chicken ang chicken na 'to huh?" sigaw ni Benedict sa dalaga.

"Sorry po Sir Benedict! Medyo nasunog ko po ata!" napangiwi pa at hiyang-hiya na sagot ng dalaga.

"Señorito Benedict! Huwag na po kayo magalit kay Sonia pasasaan ba't magiging perfect din ang pagluluto nito!" kindat pa ni Nanay Belen dito.

Napailing na lamang ang binata sa sinabi ng matandang katulong nito.

Padabog namang pumasok si Sofia sa kanyang silid.

"Naku kung hindi lang talaga ipapakasal ako ng dad ko sa matandang bilyonaryo na iyon eh hindi sana ako narito at sinisigawan lang ng impaktong lalaki na 'yon!" gigil na pinaghahampas pa nito ang kama na animo'y bata na nagdadabog.

"Pagpasensyahan mo na si Señorito Benedict! Mabait naman iyon medyo suplado nga lang!" natatawang ani ni Belen.

Napahinto naman si Sofia sa pagdadabog nang magsalita ang matanda.

"Pasensya na rin po Nay Belen, pero ang sarap po talagang tirisin ng Señorito Benedict na iyon!" nakasimangot pa na sagot nito.

Natatawa naman ang matanda sa pagiging isip bata ni Sofia.

Hindi naman mapawi ang mga ngiti ni Benedict sa loob ng kanyang silid habang nakaupo sa sofa nito. Hindi malaman ng binata kong bakit sa tuwing pinagagalitan at nakikita nitong naiinis ang dalagang si Sofia ay napapangiti naman siya nito.

"Dammnn! Benedict! What the heck at nagkakaganyan ka sa maid na 'yon huh?" naiiling pang saway ni Benedict sa sarili.

Tumayo at pumasok sa banyo nito ang binata para mag-shower.

Abala naman si Sofia sa paglilinis ng kusina nang pumasok si Belen na may dalang bagong mga cover ng kama.

"Oh! Nay Belen saan n 'yo po dadalhin ang mga bedsheet na 'yan?" tanong nito sa matanda.

"Naku mabuti na lamang at narito ka Sonia! Siguro ikaw na lang ang mag-akyat nito sa silid ni señorito!" ani nito.

"Ako po?" gulat na tanong nito sa matanda.

"At bakit naman hindi Sonia?" takang tanong ng matanda.

"A_ahh! Wala po nay! Sige po at ako na lamang ang magdadala nito sa itaas," pilit na ngiti ng dalaga at kinuha ang bedsheets na dala nito.

"Salamat Sonia! Sumasakit na kasi ang mga tuhod ko kaya nahihirapan na akong umakyat!" paliwanang ng matandang si Belen.

Nagpaalam na si Sofia sa matanda at padabog-dabog na umakyat ang dalaga. Napahawak pa si Sofia sa kanyang bewang nang akyatin ang pagkahaba-habang hagdan ng mansyon.

"Bakit kasi ang yaman-yaman ng impaktong ito eh hindi man lang malagyan ng elevator ang mansyon," naiiling pang si Sofia at huminga muna nang malalim ng nasa tapat na ng silid ni Benedict.

Kumatok ang dalaga sa pinto nito pero walang sumasagot. Sunod-sunod pa na katok ang ginawa ni Sofia pero walang Benedict ang nagbubukas ng pinto. Dahan-dahang binuksan nito ang pinto ng silid ng binata. Napapikit pa si Sofia nang maamoy ang napakabangong silid nito.

Kinuha ni Benedict ang tuwalya nito at itinapis sa kanyang hubad na katawan. Habang si Sofia naman ay abala sa pagpapalit ng cover ng kama ng binata. Hirap na hirap ang dalaga sa pagbubuhat ng kama dahilan para matumba ito. Napapikit na lang si Sofia at hinihintay ang paglagapak sa sahig pero mas nagulat ito ng maramdaman na may mga kamay na sumalo dito.

Dahan-dahang iminulat ni Sofia ang kanyang mga mata at gulat na gulat ito ng mapagsino ang sumalo sa kanya.

"Tatayo ka pa ba? Ang bigat mo eh!" ani nito at nakatitig sa dalaga.

Parang nahipnotismo naman si Sofia sa pagkakatitig sa binata at nagumpisa nang kumabog nang mabilis ang kanyang puso dahilan para mainis ang binata.

"Hey! Are you okay?" inis na tanong nito sa dalaga.

Tarantang napatayo si Sofia at hindi inaasahang naapakan nito ang cover ng kama at sabay silang tumimbuwang sa sahig. Hindi inaasahang naglapat ang mga labi ng dalawa habang nakaibabaw naman ang binata kay Sofia. Ramdam ni Sofia ang pag-init ng kanyang mukha at panginginig ng mga tuhod nito.

"Sorry! Aalis na ako!" ani ni Sofia at itinulak nito si Benedict at nagmamadaling lumabas ng silid ng binata.

Napailing at napasalampak naman sa kama nito ang binata habang nakangiti at naaalala ang tagpo sa kanila ni Sofia.

"Oh! Sonia, natapos mo ba ang pagpalit ng bedsheet ng señorito?" tanong ni Belen sa nagmamadaling si Sofia.

"Opo Nay Belen," sagot nito at mabilis na nagtunggo sa banyo.

"Ano ba Sofia! Wake up! it's just a kiss! No it's my first kiss!" naiinis pang si Sofia habang nakaharap sa salamin ng banyo.

Hindi maintindihan ni Sofia ang kanyang nararamdaman sa sandaling iyon, halos umapoy sa pagkapahiya ang kanyang mukha kanina lalo nang n*******n siya ng binata.

"She's cute! Her lips napakavirgin pa!" pilyong anas ni Benedict habang nakahiga sa kama.

Araw-araw ay napapansin ni Benedict na umiiwas na sa kanya ang dalagang si Sofia. Maging si Belen ay napapansin din dahil sa palaging pagtatanong nito sa kanya kung narito ba ang kanilang señorito.

"Señorito, may nagawa na naman po bang kapalpakan si Sonia sa inyo?" magalang na tanong ni Belen sa binata.

"Wala naman po nay! Bakit po?" tanong nito.

"Ahhh! Wala naman para kasing umiiwas sayo si Sonia, baka kako may nagawa na naman na kapalpakan at nahihiya sayo!" sagot ng matanda.

May kapilyuhang sumilay ang mga ngiti nito habang kausap si Belen.

"Maiba nga pala tayo nay! Ayaw n 'yo po bang magbakasyon man lang para naman po makapag-relax kayo?" tanong nito sa matanda.

"At bakit ayaw mo na ba makita ang nag-iisang Nanay Belen mo dito sa mansyon huh?" kunyaring nagtatampong matanda.

"Naku Nay Belen hindi naman po alam mo naman na simula pagkabata eh ikaw na ang tumayong nanay ko simula ng mag-divorce si mom at dad!" lambing nito sa matanda at niyakap pa ito ni Belen.

Napangiti naman at humanga ang dalaga kay Benedict nang makita kung gaano nito kamahal ang matandang katulong nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status