Share

Maid for YOU
Maid for YOU
Author: manang_gapat

Chapter 1

Nasa harapan ng salamin ng kanyang silid ang dalagang si Sofia, iniisip pa rin nito ang kanyang narinig na pag-uusap ng kanyang mommy at daddy tungkol sa pagkalugi ng kanilang negosyo.

"Are you sure Armando na si Sofia ang gagawin mong kabayaran sa malaking utang natin, kay Don Facundo?" tanong ni Almira sa asawang si Armando.

"Almira, listen, kapag nakasal si Sofia kay Don Facundo ay mababayaran na natin ang lahat ng pagkakautang natin sa kanila, ayaw mo ba nun?" naiinis na tanong ni Armando sa asawa.

"Pero Armando, kaligayan ng anak mo ang kukunin natin sa gagawin mo!" naiiyak na wika ni Almira.

"Damn you Almira... don't be too stupid! Mas malaki ang mawawala sa 'tin kapag patuloy na bumagsak ang kumpanya natin, kaya wala na tayong magagawa kung iyon ang gusto ni Don Facundo," mariing anas ni Armando.

Napatulo na lamang ang mga luha ni Sofia sa mga naririnig nito. Ayaw nitong makasal sa isang matanda at mawala ang kanyang kalayaan kaya agad na umisip si Sofia ng paraan para hindi matuloy ang pinaplano ng daddy nito.

Kinuha ni Sofia ang kanyang backpack at kumuha ng mga ilang importanteng gamit sa kanyang cabinet at isinilid ito sa kanyang bag, maging ilang pirasong damit ay kumuha rin ito. Tiningan ni Sofia ang paligid mula sa bintana ng kanyang silid. Nakita nitong pinalilibutan ng mga bodygurads ang buong mansyon.

"Go girl, mag-isip ka kung paano ka makakalabas ng mansyon," anas ni Sofia sa sarili.

Maya-maya pa ay naalala nito ang sekretong lagusan sa garden ng mansyon kaya naman agad itong nag-isip ng paraan paano makakatakas sa bodyguard na naroon. Itinago ni Sofia ang kanyang backpack sa mga halaman at nagkunwaring namimitas ng bulaklak.

"Magandang umaga po Ms. Sofia!" bati ng bodyguard na naroon.

"Good morning din po, kuya! Ahmm by the way kuya pwede ba akong makahingi ng favor sa 'yo?" tanong nito.

"Yes Ms. Sofia, ano po ba ang maipaglilingkod ko sa 'yo?" tanong agad nito.

"Okay lang po ba na ikuha mo ako ng gunting sa kitchen para makakuha ako ng mga roses sa garden?" nakangiting tanong nito.

"Sige po, wala pong problema, pero huwag po kayong masyadong lalayo hangga't hindi pa ako nakakabalik," pakiusap naman nito sa dalaga.

"Yes kuya!" sagot ni Sofia at kunyari pang nagtitingin-tingin ng mga roses.

Agad na kinuha ni Sofia ang kanyang backpack nang makaalis na ang bodyguard at agad na tumakbo sa sekretong lagusan.

"I'm so sorry kuya, sana hindi ka mawalan ng trabaho," paghingi ng tawad nito sa bodyguard habang nagmamadaling tumakbo papalabas ng mansyon. Lakad takbo ang ginawa ng dalaga para makalayo sa mansyon dahil sa oras na malaman ng mga ito na nawawala sya ay maaari itong maabutan ng mga bodyguards.

"Sofia, honey!" tawag ni Almira sa labas ng kwarto ni Sofia.

"Donya Almira, nakita ko po si Ms. Sofia kanina na bumaba at may dala-dalang bag," sagot naman ng isang maid ng mga ito.

"Bag?" takang tanong nito.

"Yes po, pero nakita ko po ito na nagpunta sa garden," sagot ulit nito.

"Okay! Thank you!" sagot ni Almira at bumaba na ito para hanapin sa garden ang anak.

Napalinga-linga si Almira sa kanilang garden pero wala doon ang anak na si Sofia. Agad naman nakita nito ang bodyguard na naroon.

"Nakita mo ba ang Ma'am Sofia mo?" tanong nito sa lalaki.

"Ahmm kanina po narito lang at humingi pa nga ng gunting para sa pagkuha ng roses sa garden, pero pagbalik ko po galing sa loob ay wala na po dito si Miss. Sofia," sagot nito at kakamot-kamot pa.

"Sige at hahanapin ko na lang ito baka nasa library lang or sa loob ng bahay," paalam nito sa bodyguard.

Nagtunggo si Almira sa loob ng mansyon pero walang bakas na naroon ang nag-iisang anak na dalaga.

"Sofia...! Hija, nasaan ka?" tawag pa nito at nakisuyo na rin sa mga katulong na hanapin ang dalaga.

"Anong nangyayari, Almira?" takang tanong naman ni Armando sa asawa.

"Hindi ko makita ang anak mo, wala din sa kwarto at kahit saan pang parte ng mansyon," sagot ni Almira.

Pinatawag ni Armando ang mga tauhan nito at pina-review ang cctv sa buong mansyon.

"What if narinig ni Sofia ang tungkol sa pagpapakasal nito kay Don Facundo?" tanong ni Almira sa asawa.

"Kung umalis man sya dahil sa narinig nya ito, I will make sure na hindi nya matatakasan ang pagpapakasal kay Don Facundo," mariing wika ni Armando.

Ipinanuod ng tauhan nito ang cctv footage kung saan tumatakbo palabas ng mansyon ang dalagang si Sofia. Napakuyom naman ang mga kamao ni Armando nang makita ang pagtakas ng kanyang anak na si Sofia.

"Kayo..! Go and get here...!" pagalit na utos ni Armando sa mga tauhan nito.

"Yes Sir..!" sabay-sabay na wika ng mga ito at isa-isa nang nagsialisan ang mga ito.

"Armando, huwag mo sasaktan ang anak mo!" pagmamakaawa naman ni Almira sa asawa.

"I'll teach her a lesson na ang isang Del Mundo ay may isang salita, kailangan niyang magpakasal kay Don Facundo, sa ayaw at gusto nya!" pagalit na anas nito at pumasok na sa kanyang opisina.

Napadpad sa Tomas Morato ang dalaga at nadaanan nito ang iba't ibang klase ng restaurant kaya naman mas lalo pang kumulo ang tiyan nito nang maamoy ang usok ng barbeque.

"Hindi ko na kaya talagang gutom na ako!" anas nito pero nasa pintuan pa lang ito ng restaurant ay agad na napaatras ito, tanging credit cards at atm lamang ang kanyang dala-dala at walang cash kaya natakot ito na ma-detect ng daddy nito kung nasaan siya.

Laglag ang balikat na umalis si Sofia sa harap ng restaurant at naglakad palayo, napasigaw pa si Sofia nang biglang may isang kotse na pula ang muntik nang makasagasa sa kanya.

"OMG! Hoy bumalik ka rito..!" sigaw ni Sofia nang hindi huminto agad ang kotse kaya naman inis na inis ang dalaga.

Maya-maya pa ay huminto ang pulang sports car at bumaba ang isang lalaking matangkad na nakasuot ng simpleng t-shirt na puti at jogging pants. Agad namang lumapit si Sofia sa lalaki para sermunan ito pero mas naningkit ang mga mata ni Sofia nang abutan lamang nito ng calling card ang dalaga at agad na umalis ang lalaki na wala man lang sinabi na kahit ano.

"What? Ganun-ganon na lang ba 'yon? Muntik na akong mamatay pero calling card lang ang ibibigay mo sa 'kin?" sigaw na tanong ni Sofia rito habang matinding inis ang nararamdaman.

Sumakay ng kotse ang lalaki at paharurot na umalis ito. Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki nang makitang inis na inis ang babae habang papadyak-padyak pa sa sahig at sumisigaw.

"Cute!" nakangiting anas nito.

Naiwan namang pulang-pula ang mukha ni Sofia dahil sa pagkainis sa lalaki na muntik nang makabangga sa kanya.

"BENEDICT MONTEVERDE!" anas ni Sofia nang mabasa ang calling card.

Nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalaga kahit na naiinis pa rin ito, gutom na gutom na kasi ang dalaga kaya naman nang makita nito ang isang maliit na mall sa kabilang kalye ay napangiti ito. Napalinga-linga muna ito at isinuot ang sumbrero at sunglasses papasok ng mall para walang makakilala rito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status