Simple lang ang pangarap ni Lalaine Madrigal at yun ay ang magkaron ng maayos na trabaho na may mataas na salary para maipagamot ang kanyang ina na may malubhang karamdaman hanggang sa makilala niya ang aroganteng si Juaquin Cristobal ang CEO ng pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas. Siya na kaya ang sagot sa pangarap ni Lalaine? At ano kaya ang gagampanan ng binata sa buhay ng dalaga?
View MoreNahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta
“Aika, mahuhuli na ako sa interview ko! Ikaw na muna ang bahala kay Inay, ha?” sigaw ni Lalaine habang sinusuot ang kanyang mataas na sapatos.“Oo, Lalaine! Mag-iingat ka, goodluck!” tugon ni Aika sa kanya. Mabilis na nanakbo palabas ng barong-barong na bahay si Lalaine patungo sa sakayan ng dyip.Si Lalaine Madrigal ay dalawampu’t-isang taong gulang, maganda, matalino, mabait, masipag at matiyaga, kakapagtapos lamang ng kolehiyo sa kursong Business Management sa Lungsod ng Maynila at nakapagkamit ng pinakamataas na karangalan sa buong batch nila. Ulila na sa ama at tanging ina na lamang niya ang kanyang kasama. Pinilit niyang makatapos kahit pa kayod-kalabaw siya para lang matustusan ang kanyang pag-aaral ng mga panahong yun, nag-aaral sa umaga at sumasideline naman sa gabi dahil sa kagustuhan na rin niyang maipagamot ang kanyang ina na may malubhang karamdaman. Si Aika na kanyang kapitbahay ang nagiging katuwang niya sa pag-aalaga sa kanyang ina kung umaga ngunit hindi ito palaging
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments