“I don’t hold a grudge against you… Oportunist at ambitious!? How dare he use such words to me?!” inis na pag-uulit ni Lalaine habang nagmamartsa palabas ng kumpanya. “Wala daw galit pero labas naman sa ilong mga pinagsasabi niya. Saka hindi man lang niya ako ininterview! Seriously?!! Dahil lang sa isang tanong, rejected ako! What kind of professionalism does he have?!” buryong reklamo ni Lalaine. Muli niyang nilingon ang building na kanyang nilabasan at tinitigan ito sa huling pagkakataon, “pinapangako kong kailanman ay hindi na ako tutuntong sa kumpanyang yan kahit pa lumuhod sa akin ang Juaquin Cristobal na yan!”
Tumalikod si Lalaine at sumakay ng dyip pauwi, hindi pa rin pinanghihinaan ng loob ang dalaga kahit pa pangtatlumpu’t-anim na siyang tinatanggihan ng mga kumpanyang kanyang inaapplyan dahilan sa pagiging huli, overqualified, o intimidated sa kanya ang ilang mga interviewer dahil sa dami ng mga achievements na nakamit niya.
“Oh, kumusta ang interview?” Bati ni Aika sa kanya pagkarating niya ng bahay.
Napabuntong-hininga ito habang hinuhubad ang mataas na suot nitong sapatos at iiling-iling sa kaibigan, “hindi ako natanggap,” masama ang loob niyang sagot.
“Huh?! E, paano na yan?” tanong ni Aika.
Hinarap ni Lalaine ang kaibigan saka ngumiti, “pero syempre hindi ako susuko para kay nanay, no!”
“Ano ng plano mo?” muling hirit ng kaibigan.
“Susubok pa rin ako pero habang wala pang opportunity, itutuloy ko muna ang pagiging beauty vlogger,” pursigido niyang tugon, “siya nga pala, kumusta si nanay?” dagdag niya.
“Natutulog siya. Kung yan ang desisyon mo, susuportahan kita. Basta tawagan mo lang ako kung kailangan mo uli ng magbabantay kay tita.”
“Oo, salamat. Ha?” masayang sabi ni Lalaine.
Gabi-gabing naka-live si Lalaine at pinapakita sa kanyang mga viewers ang iba’t-ibang beauty products at may libreng tutorial pa ng pagme-make-up sa huli ng kanyang video kung saan ginagaya niya ang mukha ng mga international artist kaya naman napakaraming mga na-eenganyong panuorin siya at mga nakasubscribe sa lahat ng kanyang videos mapalalaki man dahil na rin sa kanyang angking talent sa pagkokolorete at pagsusuhestiyon ng mga bagay na produkto para sa mga kababaihan.
Kinabukasan ay naalimpungatan si Lalaine dahil sa nabasag na baso, agad siyang tumayo at tinignan ang kanyang ina, “nay, nauuhaw po ba kayo?” tanong niya na tinanguan naman ng kanyang ina na si Mercy, “bakit hindi niyo po ako ginising agad?” kinuha niya ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso, “n-aawa kasi ako sa’yo, anak, hindi ko man lang magawang matulungan ka,” tugon nito.
“Nay, okay lang po yun. Ang mahalaga ay gumaling ka, okay?” tinulungan ng dalaga ang ina na makaupo at pinainom ng tubig. Agad niyang nilinis ang nagkalat na bubog sa sahig nila matapos makainom ng tubig ang ina, tumunog ang kanyang telepono bago pa man siya makapunta sa kusina para magluto.
“Sino naman kaya itong nagtext sakin?” tanong niya sa sarili habang binubuksan ang message na nareceive niya. Nagtatalon siya sa tuwa ng mabasa ang congratulations for passing the final interview at niyakap ang ina sa sobrang tuwa, “nay, may trabaho na po ako! Mapapagamot ko na kayo,” masaya niyang balita sa ina.
“Mabuti naman, anak. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sinagot na rin niya ang ating mga dasal,” usal ng ina habang umuubo.
Dahil sa tuwa na nababalot sa kanyang puso ay hindi na niya nabasa kung anong kumpanya ang tumanggap sa kanya kaya naman bitbit ang selpon patungo sa kusina ay muli niyang pinasadahan ng basa ang text na kanyang natanggap.
“Cristobal Diamond Corporation! Sa pagkakatanda ko ay ni-reject niya ako personally, ah! Baka nagkamali lang ang HR nila,” agad niyang binura ang mensahe at hindi nareply sa text.
Makalipas ang tatlong-araw na pag-ignore niya sa mga texts offer ng Cristobal company, si Lalaine ay busy sa pagluluto ng tanghalian nang magtahulan ang mga aso sa buong paligid ng kanilang lugar at marinig ang malakas na pagkatok sa pinto ng kanilang maliit na tahanan.
Tumingin sa orasan si Lalaine, “ang aga naman yata ni Aika.” Sabi niya at mabilis na nagtungo upang pagbuksan ng pinto ang inaakalang kaibigan na dumating.
“Aika, bakit ang aga-aga mo namang dumating?” tanong niya habang ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa kanyang telepono.
“Ms. Madrigal, my staff has been trying to reach you but it seems like you aren’t interested in working in my company,” napataas siya ng paningin sa lalaking may-ari ng modular na malaking boses. Nandulat ang kanyang mga singkit na mata nang masilayan niya ang CEO na si Juaquin Cristobal sa labas ng tarangkahan ng kanyang tinitirahan. Si Juaquin ay isa sa mga kilalang businessman sa bansa dahil sa kanyang mga achievements, pagiging mahusay na businessman at kakisigang taglay ngunit sa kabila ng kanyang mga katangiang ito ay hindi maikakailang single ang binata dahil sa kagustuhan niyang makipagbalikan pa rin sa kanyang dating nobya na si AJ Monzon.
Napakunot ng noo ang dalaga nang rumehistro sa kanyang ala-ala kung paano siya nito tinaggihan, minaliit at hindi binigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kakayahan, “Mr.Cristobal! As far as I remember, you rejected me directly! Kaya paanong I am selected to be your secretary?” mataas na tono niyang tanong, alam niyang mahirap lang sila pero hindi dahilan ang estado ng buhay na mayroon siya para maliitin ng mga taong makapangyarihan.
“I change my mind, Ms. Madrigal. I want to hire you now,” swabeng tugon nito.
“It’s not good for a CEO na magpaiba-iba ng desisyon, dapat once you decide, final na.” Sabi niya at saka humalukipkip.
“Well, that’s my personality and no one can change that. Maari bang papasukin mo man lang ako sa loob ng bahay niyo para makapag-usap tayo ng maayos?” hiling nito sa dalaga.
“No, wala na tayong dapat pang pag-usapan pa—”
“A-anak… H—hindi ako makahinga…” mabilis tumulo ang luha ni Lalaine nang marinig iyon, iniwang nakatayo ang binata sa bukana ng pinto at mabilis nanakbo sa kwarto ng ina.
“N-nay…” natagpuan niya itong hirap na halos huminga sa kwarto at tila nanghihina na, nag-iisip siya kung kanino makakahiram ng nebulizer para sa ina ngunit hindi gumagana ng matino ang kanyang isipan at hindi nya namalayang binuhat na ng driver ni Juaquin ang kanyang ina.
“Gusto mong mailigtas ang nanay mo, diba?” napatingin ang dalaga sa binatang nakatayo sa kanyang tabi, “ano pang tinutunganga mo riyan? Follow me and we’ll send your mother to the hospital.”
Walang nagawa si Lalaine kundi ang sumunod sa binata, sumakay siya sa loob ng sasakyan.
Nang makarating sila ng ospital ay agad inasikaso ng mga nars at doktor ang kanyang ina, dinala ito sa private room at roon binibigyan ng paunang lunas.
Matapos niyang masaksihan ang pag-aasikaso ng mga manggagamot sa kanyang ina ay doon na pumasok sa kanyang isipan ang pagtanggap sa alok na trabaho sa kanya ni Juaquin.
Hinarap niya ang binata na noon ay kalapit lamang niya, “s-sir. I want to apologize for being rude just now and… payag na akong maging sekretarya mo.”
“No. You’re not working as my secretary anymore,” seryosong sambit ng binata. Napatanga si Lalaine sa narinig, “because you will be working with me as my pretend fiancee.” Anunsyo ni Juaquin na mas lalong nagpalaglag ng panga ni Lalaine.
---
“Dude, anong pumasok sa isip mo at sa dinami-rami ng babae sa mundo bakit yung Lalaine pa ang pinili mong pagpanggapin bilang nobya mo?” reklamo ni Sandro sa kaibigang si Juaquin matapos malaman ang pagkatao ni Lalaine mula sa masusing pagpapaimbestiga ng kaibigan.Pinilig niya ang swivel chair na kanyang inuupuan at tumayo saka umikot sa desk niya at hinarap si Sandro, “dahil she is the best fit on this play.”“What do you mean by that?” nagtatakang tanong nito.“Dahil sa lahat ng babaeng na-link sakin ay sa kanya ko lamang nakitaan ng selos si AJ,” pagtatapat niya sa kaibigan.“I have no idea na marunong palang magselos itong si AJ,” nakangising tugon nito, napahinto siya sa pagsasalita nang may kumatok sa opisina ng kaibigan at ibinaling ang kanyang paningin sa papasok na tao.Tila huminto ang kanyang mundo at nanlaki ang mga mata nang bumungad ang isang magandang binibini na nakasuot ng red wine button down polo short sleeve dress na hanggang tuhod lamang at bumagay sa maputi nito
Nanlaki ang mga mata ni Lalaine sa sinabi ng binata sa kanya, “wala sa usapan natin yan!” reklamo niya ngunit nagsawalang kibo si Juaquin at bumalik sa kanyang upo saka dumikwatro at ginalaw ang upuan na parang dinuduyan ang sarili. Ngumisi ito sa dalaga at nagsabing, “kasalanan ko bang hindi ka pala marunong magbasa ng kontrata?”Galit na itinapon ng dalaga ang kanyang paningin sa binata at sinisi ito, “kasalanan mo ito dahil minamadali mo ako.”Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ng binata, nanlisik sa inis ang mga mata ni Lalaine nang masilayan ang mapangkutyang ngiti ng binata.“P-pero paano kung hindi siya maapektuhan sa mga actions na gagawin natin sa harap niya?” Tanong niya sa binata.Mabilis tumayo si Juaqin at nakalapit agad sa kanya ng hindi niya namamalayan, marahan siyang itinulak sa desk nito at itinukod ang kanyang kamay sa magkabilang tabi ng desk habang inilalapit ng husto ang mukha nito sa mukha ng dalaga.“A-anong binabalak mong gawin sakin?” nauutal na tanong niya, w
“Wala na siya kaya pwede ka ng tumigil pagpapanggap,” nakangising bulong ng binata sa nakatangang si Lalaine.Napamulat ang dalaga at namilog ang mga mata sa narinig na bulong nito sa kanya, pinamulahan siya ng pisngi at agad ibinaling ang mga mata sa ibang direksyon, “a—alam ko! Pwede bang lumayo ka na sakin,” nahihiyang singhal niya.Tumayo si Lalaine at inayos ang nagusot na hapit nitong bistida, “tingin ko nama’y wala ka ng anumang kailangan sakin. Maaari na ba akong umalis?” tanong niya sa binata.“Makakaalis kana, tatawagan na lamang kita kung kailan kita kailangan,” tugon nito.Walang anu-anong lumabas ng opisina si Lalaine dahil sa hiya na naramdaman niya at pag-aakalang muli siyang hahalikan ng binata. Nakayuko niyang binabaybay ang daan palabas ng kumpanya ng mga Cristobal nang may mabangga siya at nagkahulog ang mga gamit nito sa sahig.Agad yumuko si Lalaine para tulungang damputin ang mga gamit ng nakabangga, “p-pasensya na. Hindi ko sinasadya,” paghingi niya ng paumanhin
Namilog ang mga mata ni Lalaine sa inis sa isinagot sa kanya ni Juaquin na para bang wala na siyang karapatang magdesisyon sa buhay niya atparang nabili na nito ang buong pagkatao niya dahil lang sa halagang kinakailangan niya para sa kanyang inang nakaratay sa ospital.May mga namuong luha sa kanyang mga mata dahil sa panliliit sa sariling kanyang nadarama, gustong-gusto niyang umiyak ngunit ayaw niyang makita ni Juaquin na mahina siya dahil alam niya sa sarili niyang aalipustahin siya nito.Buong biyahe ay nakalingon lamang si Lalaine sa bintana ng sasakyan at hindi kumikibo, ayaw na niyang makipagtalo pa sa binata dahil pakiramdam niya ay nauubos lamang anglakas niya.Ngunit talaga yatang inuubos ni Juaquin ang pasensya ng dalaga nang halos humagis siya mula sa kanyang inuupuan nang biglang pumreno ito, mabuti na lamang at nakakapit siya ng mahigpit.“Pwede bang ayusin mo ang pagmamaneho mo?” naiinis na komento ni Lalaine kahit nakatuon ang paningin sa labas ng bintana ay alam ni J
“Lalaine’s POV”“Teka, parang may mali.” Napaisip ako kung bakit ko pa sinagot si AJ samantalang ang misyon ko lamang ay pagselosin siya para bumalik na siya kay Juaquin hindi para agawin ang lalaking yun sa kanya pero bakit ganun ang naging sagot ni Juaquin kay AJ.“I think she wants you back,” komento ko. Alam kong narinig niya ang sinabi ko pero nagsawalang kibo na lamang siya.“Nakapagdesisyon na rin ako na yung kwarto na yun ang gusto kong pag-stayan,” itinuro ko sa kanya ang kwarto malapit sa hagdan sa ikalawang palapag.“Why do you want that room?” tanong niya sakin pagkaharap niya.“Sa palagay ko naman ay babalikan ka na ng dating mong kasintahan and… it will be easy for me to pack my things and leave your house,” simple kong sagot sa kanya, wala naman kasi akong other reason para pumili ng kwarto at isa pa sanay na ako kahit sa sofa lang niya ko patulugin. Laking hirap kaya ako kaya kahit anong pahirap niya sakin hindi ko aatrasan para lang sa nanay ko.“Since nakapagdesisyon
Nag-alangan kumuha ng mga damit si Lalaine sa store na siya namang napansin ng binata kaya kumilos na rin siya para kumuha ng mga damit na nababagay sa dalaga at pinasukat na lamang sa kanya. Nang matapos ng magsukat ng mga damit si Lalaine ay agad nang binayaran ng binata ang lahat ng mga damit na kumasya sa kanya, binilhan niya rin ito ng bag, sapatos at ilang mga alahas.“I thinks that’s enough, hindi ko naman kailangan ng napakaraming material na bagay dahil ang tanging kailangan ko lamang ay mabuhay ang nanay ko, gumaling siya. That’s all I want,” bulong niya sa binata.“But I am not doing it for your happiness, tandaan mo sa mata ng publiko ikaw ang nobya ko kaya natural lang na bilhan kita ng mga bagay na ito,” singhal niya.“Are you hungry, honey?” biglang tanong ng binata sa kanya, nakipagtinginan si Lalaine sa mata ni Juaquin na parang nagtatanong kung anong ibig sabihin nito ngunit nginitian lamang siya nito.“Akala ko ba uuwi na tayo?” inilapit ni Lalaine ang mukha niya sa
“Hey, AJ! Where’s your boyfriend?” bati ni Merriel nang magkita sila ng kaibigan sa park malapit sa kumpanya ni Juaquin. Lumapit si Merriel at nagbeso sa kaibigan.“He is busy with some stuff,” umiikot ang matang sagot nito sa kaibigan na tila inis sa ginagawa ng kanyang bagong nobyo.Naupo ang dalawa sa bench habang si AJ ay nakakailang pakawala na ng buntong hininga.“Kung sawa ka na sa inaasal ng boyfriend mo, why don’t you dump him? Tingin ko naman ay mahal mo pa rin si Juaquin since lagi mo siyang bukambibig sakin maging ang bago nitong nobya. I am sure madali mong makukuhang muli si Juaquin dahil higit na maganda ka kaysa sa pinalit niya sa’yo,” payo ni Merriel sa dalaga.Bakas ang pagkairita ni AJ nang banggitin ng kaibigan ang tungkol sa bagong nobya ng dating kasintahan.“Yes, I am sooo annoyed sa ginagawa ng boyfriend ko but I never think of dumping him kahit na palagi niya akong dinidisappoint. Wala, mahal ko talaga siya and about Juaquin, he’s just a toy for me. I don’t ca
Agad nagtungo ng banyo si Lalaine nang makarating sa bahay at naligo. Mahigit isang oras ang itinagal niya sa loob dahil sa lagkit ng kanyang buhok na tumigas na rin sanhi ng pagtapon ng smooties sa kanyang ulo. Tumutulo ang kanyang mga luha habang nililinis ng mabuti ang buhok, "hindi ko deserve ang lahat ng mga masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanila, hindi ko deserve na ipahiya sa maraming mga tao dahil lang sa mahirap ako pero tatanggapin ko para kay nanay. Gusto kong mabuhay pa siya ng maraming taon, siya na lang ang meron ako.” Sabi niya sa sarili.Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya ng banyo, halos mapatili siya nang makita si Juaquin sa loob ng kanyang silid at nakaupo sa gilid ng kama na para bang hinihintay siya nito.“A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?” tanong niya. Tumingala ito sa kanya at napansin niya ang pamumula ng mga mata ng dalaga.Agad namang inalis ni Lalaine ang tingin niya, “kung nandito ka para humingi muli ng kapatawaran, okay lang. Okay na ako,
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta