Agad nagtungo ng banyo si Lalaine nang makarating sa bahay at naligo. Mahigit isang oras ang itinagal niya sa loob dahil sa lagkit ng kanyang buhok na tumigas na rin sanhi ng pagtapon ng smooties sa kanyang ulo. Tumutulo ang kanyang mga luha habang nililinis ng mabuti ang buhok, "hindi ko deserve ang lahat ng mga masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanila, hindi ko deserve na ipahiya sa maraming mga tao dahil lang sa mahirap ako pero tatanggapin ko para kay nanay. Gusto kong mabuhay pa siya ng maraming taon, siya na lang ang meron ako.” Sabi niya sa sarili.Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya ng banyo, halos mapatili siya nang makita si Juaquin sa loob ng kanyang silid at nakaupo sa gilid ng kama na para bang hinihintay siya nito.“A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?” tanong niya. Tumingala ito sa kanya at napansin niya ang pamumula ng mga mata ng dalaga.Agad namang inalis ni Lalaine ang tingin niya, “kung nandito ka para humingi muli ng kapatawaran, okay lang. Okay na ako,
“Good morning, ma’am and sir, kasalukuyan pong under observation ang pasyente.” Balita ng doktor kina Lalaine.Napabitiw na sa pagkakakapit si Lalaine sa binata at humingi ng paumanhin, “pagpasensyahan mo na ako, Juaquin, dala lamang ito ng aking damdamin. Hindi ko makakaya kung sakaling mawawala sa piling ko ang aking ina,” paliwanag niya sa binata.Hinaplos ni Juaquin ang ulo ngg dalaga na siyang ikinagulat nito, “okay lang na ipakita mo ang kahinaan mo sa panahong kailangan mo ng masasandalan. I am always here and willing to let you lean on my shoulder,” seryosong sabi ni Juaquin.Natulala si Lalaine sa mukha ng binata ngunit habang nakatitig siya sa malaanghel nitong mukha ay siya namang bilis ng kabog ng kanyang dibdib. Kumurap siya ng paulit-ulit ngunit hindi nawawala ang kakaibang liwanag na nakikita niya sa mukha nito.“Bakit? Anong nangyari sa mata mo? Napuwing ka ba?” Agad inilapit ni Juaquin ang kanyang labi malapit sa mata ng dalawa at hinipan ang kanyang mata, napapikit s
Nakaramdam ng kirot si Juaquin nang matagpuan niya si Clyde na nakayakap kay Lalaine.“What do you think you are doing to my fiancee?” usal niya kay Clyde. Hindi niya napigilan ang sarili na magsalita ngunit hindi na niya ito mababawi na siyang ikinagulat ni Lalaine.Ang usapan lamang nila ay magpapanggap na nobya nito ngunit ngayon ay nag-level up na at fiancee na agad siya ng isa sa pinakamayamang businessman sa bansa.Nilakihan ng mata ni Lalaine ang binata at parang tinatanong kung anong sinasabi nito ngunit hindi ito kumibo, hinawakan siya ni Juaquin at hinila palapit sa kanyang bisig.“I am just trying to protect her from the media to be seen,” tugon ni Clyde.“Protect?” tumingin siya ng seryoso sa katunggali, “baka naman para makayakap ka lang sa kanya? Kung hindi moa lam, I want to inform you na siya ang aking babaeng pakakasalan kaya wag mong mahawak-hawakan ni daliri niya,” pagbabanta niya.Natawa naman si Clyde sa ginawang pagbabanta nito sa kanya, “are you threatened?” tan
“Can you return my phone now?” tanong ni Lalaine sa binata.“No, you are not allowed to use socil media for now. Ibabalik ko sa’yo ito kapag nasolusyunan ko na ang problema mo, for now, kumain ka na muna para lumakas ang iyong katawan at hindi ka magkasakit,” payo nito sa kanya. Naantig ang puso ni Lalaine dahil sa pagpapakita nito ng pag-aalala sa kanya ng mga sandaling iyon at pakiramdam niya ay mas lalo siyang nahuhulog dito ngunit pinipigil lang niya ang damdamin.“You have to listen to me, Lalaine. Ayokong nakikita kang nasasaktan,” ani Juaquin sa kanya.Gustong-gusto niyang itanong dito kung bakit ayaw siya nitong nakikitang nasasaktan ngunit ayaw niyang makaramdam ng iba pang klaseng sakit bukod sa kanyang nararamdaman ngayon.Tahimik niyang tinanggap ang pasta at tinikman ito, parang bigla siyang napangiti nang matikman ang pasta na maraming cheese at mas lalong naging okay ang mood niya nang tikman rin ang chocolate ice cream na maraming peanuts and buong tsokolate.“Ang sara
“Clyde’s POV”Hindi ko lubos akalain na mabilis matatabunan ng isang bagong kontrobersyal na balita ang mga sabi-sabi tungkol sa amin ni Lalaine Madrigal.Hindi ko inexpect na kayang manipulahin ni Juaquin ang balita para sa babaeng iyon, mukhang totoo nga na may namumuong pagmamahalan sa kanilang dalawa.Itinaas ko ang aking tingin nang pumasok sa aking opisina si David, siya ang aking assistant.“Good news, sir! Naglaho na ang mga negative comments sa inyo ni Ms. Madrigal sa buong social media at maari na nating i-promote sa publiko ang ating bagong mga products. Isa pa, maaaring isipin nilang palabas lang natin ang mga bali-balita para mai-promote ang ating mga produkto,” sabi nito.“Paano ka nakasisiguro na maraming tatangkilik ng ating mga produkto?” duda ako sa mga sinasabi ng aking assistant dahil napakaimposibleng magtiwala agad sa amin ang mga tao matapos gumawa ng ingay ng nangyari sa amin kahapon.“Milyong mga tao na ang nagtatanong sa profile ni Ms. Madrigal kung kailan ma
Nagising si AJ kalapit ang isang matipuno at makisig na businessman, walang iba kung hindi si Clyde.Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang binata, “C—Clyde??” bulong niya sa sarili. Kinalog niya ang kanyang ulo at pumikit saka muling iminulat ang mga mata, “isa lang ito sa aking mga paniginip, hindi ba?” tanong niya sa sarili ngunit natauhan siya nang kurutin niya ang kanyang braso.“Ibig bang sabihin… t—totoo ito?” natataranta siyang umalis sa kama at dinampot ang kanyang mga nakakalat na damit sa sahig at nagbihis sa banyo.Maingat na kinuha ni AJ ang bag at nanakbo palabas ng silid, matulin siyang naglakad palabas, “paanong siya yung lalaki kagabi? Imposible! Kung alam ko lang na siya yun ay iniwasan ko na agad, bakit ba naman sa dinami-dami ng makakaone-nightstand ko ay siya pa?” naiinis niyang reklamo, sa tulin ng kanyang paglalakad ay hindi niya namalayang makakabangga pala siya.“Pase—” “AJ” sabay nilang sabi, napatigil si AJ nang makitang binalikan pala siya ni Merrie
“How are you doing?” maingat na ibinaba ni Juaquin si AJ nang magising ang dalaga. Nakakunot ang noo niya nang harapin si Juaquin at gulong-gulo ang isipan niya sa mga pangyayari lalo na nang makita rin niya ang binata na buhat siya nito.Tahimik siyang nag-iisip at napansin naman ito ng binata na parang ayaw siya nitong kausapin and he understands her dahil alam niyang may pinagdadaanan ito.“I watched the news about you and your… Gerald. I feel sorry for you,” seryoso niyang sinabi.“I don’t need your sympathy, Juaquin,” hindi makatingin si AJ sa mga mata ng binata dahil hindi niya matanggap na kaharap niya ito. Iniisip niyang gusto lang nitong ipamukha sa kaniya kung gaano kamali ang kanyang napiling ipalit sa kanya.“What am I doing here?! Wag mong sabihin saking nagsleep walk ako kasi I don’t buy that ridiculous joke,” prangka niyang sabi.Nagpigil ng tawa si Juaquin dahil alam pa rin ni AJ ang mga kalokohan niya kapag inaasar niya ang dalaga, “your friend came to me. She told me
Tulalang naglakad si Lalaine paalis sa kumpanya ng lalaki, tinatanong ang sarili kung bakit pa siya umibig sa isang katulad niya.Parang wala sa sariling naglalakad lang si Lalaine nang hindi tumitingin sa kanyang dinaraanan, sobrang sama ng kanyang loob na para bang may nakapatong na napakabigat na bato sa kanyang dibdib na nagpipigil sa kanya upang mahirapang huminga.Halos mapatalon siya nang marinig niya ang tunog ng busina, doon siya natauhang tumatawid na pala siya ng kalsada.“Hooooy! Ano ba?! Kung gusto mong magpakamatay, wag kang mandamay ng iba!!” sigaw ng lalaki sa kanya sabay harurot ng sasakyan.Pumara siya ng sasakyan at nagpahatid pabalik sa rest house ni Juaquin. Hinanap niya ang kanyang selpon sa loob at roon nakita niya ang mga mensahe ng mga staff ng kumpanya ni Juaquin tungkol sa pagbabalita nilang magkaholding hands na pumasok ang dalawa sa opisina nito.Hindi rin nakaligtas sa kanyang mata ang bagong balitang nagkalat online kung saan ang headline ay tungkol kay
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta