Tulalang naglakad si Lalaine paalis sa kumpanya ng lalaki, tinatanong ang sarili kung bakit pa siya umibig sa isang katulad niya.Parang wala sa sariling naglalakad lang si Lalaine nang hindi tumitingin sa kanyang dinaraanan, sobrang sama ng kanyang loob na para bang may nakapatong na napakabigat na bato sa kanyang dibdib na nagpipigil sa kanya upang mahirapang huminga.Halos mapatalon siya nang marinig niya ang tunog ng busina, doon siya natauhang tumatawid na pala siya ng kalsada.“Hooooy! Ano ba?! Kung gusto mong magpakamatay, wag kang mandamay ng iba!!” sigaw ng lalaki sa kanya sabay harurot ng sasakyan.Pumara siya ng sasakyan at nagpahatid pabalik sa rest house ni Juaquin. Hinanap niya ang kanyang selpon sa loob at roon nakita niya ang mga mensahe ng mga staff ng kumpanya ni Juaquin tungkol sa pagbabalita nilang magkaholding hands na pumasok ang dalawa sa opisina nito.Hindi rin nakaligtas sa kanyang mata ang bagong balitang nagkalat online kung saan ang headline ay tungkol kay
Umorder si Juaquin ng maraming pagkain sa kantina tapat ng paaralan ng mga batang huling kasama ni Lalaine habang pinaghihintay ang kanyang assistant sa mga bata.Hindi alintana sa kanya ang pagod at pagkabagot sa init ng panahon habang naghihintay sa mga nasabing estudyante sa picture magkaroon lamang ng lead kung saan niya maaring makita si Lalaine dahil hindi niya ito matawagan o makita ang mga post sa social media.Ilang sandali pa ang lumipas ay nagdatingan na ang mga estudyante kasama ang kanyang assistant.“Sir, ito na po sila,” sabi ni Ced na kanyang assistant.Kabadong nagtinginan ang mga estudyante sa isa’t-isa na para bang nagtataka at iniisip kung may mali ba silang nagawa o naoffend ba nila si Juaquin sa kanilang post.Napansin naman ni Juaquin ang takot na reaksyon ng mga bata kaya ngumiti siya, “I know what you are all thinking pero wala kayong nagawang mali,” paliwanag niya.Naglakas loob na magsalita ang isa sa kanila, “kung wala po kaming nagawang mali, ano po ang gi
“Anong sinabi mo?” bulalas ni Lalaine kay Juaquin. Napakamot ng ulo ang binata at tila binuhusan ng tubig nang mapagtanto niya ang kahulugan ng kaniyang sinabi.“Hahanapin kita kahit saang lupalop ka pa ng mundo naroon dahil malaking pera ang pinakawalan ko at kulang pa ang ginawa mo para tumbasan yun.” Hirit nito.“Sabi ko na. Sila lang ang nag-aakala na may pagtingin sakin ang walang awang mokong na ito,” bulong ni Lalaine. Nabaling ang tingin ng dalaga sa coat na nakapatong mula sa kanyang likuran matapos niyang sumbatan ang binata ng walang awa. “May natitira pa pala kahit katiting,” dagdag niya.“I can hear you, darling,” umakbay si Juaquin sa kanyang balikat at nilapit ang mukha niya malapit sa kanya habang nagtatama ang kanilang mga mata na siyang nagpakabog at naging dahilan ng pagwawala ng puso ni Lalaine.“Wala akong pakinggan kahit narinig mo, hindi ko naman sinisecret,” inis na irap ni Lalaine sa binata.Hindi makapaniwala si Juaquin sa inasal sa kanya ni Lalaine dahil ito
“Inlove sa’yo?” Iniikot ni Lalaine ang kanyang mga mata, “luh! Asa ka!” dagdag niya at kumaripas ng takbo palayo, “direk! Magbihis na muna ako, di ko na kaya ang lamig!” sigaw niya at tuluyang pumasok sa hallway.Natatawa namang pinapanuod ni Juaquin mula sa malayo ang nanlalamig na si Lalaine na para bang wala ng ibang tao sa paligid niya ang kanyang nakikita hanggang sa magsalita ang direktor.“Tunay nga pala ang pag-ibig mo kay Lalaine…Hindi ko lubos paniwalaan ito hanggang sa makita ko sa’yong mga mata ang kaligayahang iyong nadarama. Napakaswerte niya sa isang lalaking tulad mong handang suyurin ang buong lugar makita lang ang babaeng minamahal,” matalinghagang pagbibitaw nito ng salita.Natigilan si Juaquin at lumingon sa direktor na umagaw ng kanyang atensyon, hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito na lamang ang kanyang nadarama para kay Lalaine. Hindi niya maisip kung anong pumasok sa isip niya kung paanong ginawa niya ang lahat hanapin lang ang babaeng ito pero pilit niyan
Nakatikom pa rin ang bibig ni Lalaine at hindi kumikibo kahit pa nakarating na sila sa function hall ng hotel para magsaya, hindi pa rin niya kinikibo ang binatang si Juaquin at itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa wine na nasa harapan niya.Malakas ang tugtog sa paligid at ang lahat ay may kanya kanya ng mundo at nagsasaya habang si Lalaine ay naiwan sa isang sulok at iniinom na lamang ang napaglaruan niyang damdamin.“Hi, Ms. Lalaine. Mukhang kailangan mo ng makakausap,” sabi ng isa sa mga crew na si Gibo.Ngumiti lang ang dalaga dito at sinenyasan na maupo katabi niya, ipinagsalin pa siya nito ng wine sa baso. “Drink more, I won’t ask you anything mukhang may mabigat kang pinagdadaanan,” komento ni Gibo sa dalaga.Tahimik na uminom ng uminom ang dalaga ng wine hindi niya namamalayang naglalakbay na pala ang kamay nito sa kanyang hita at hinahaplos-haplos ito hanggang sa bumaba ang tingin ni Lalaine dito.“A—anong ginagawa mo?” tanong ni Lalaine ngunit nakaramdam siya ng p
Dumadagundong na katok sa pintuan ang gumising kay Aika nang mga sandaling iyon, napabalikwas sa higaan ang dalaga at sinuklay na lamang niya ng kanyang mga daliri ang magulo at sabit sabit na buhok. Hindi na niya nagawang maghilamos at magsipilyo dahil sa ingay na dulot ng bisitang nangangatok ng kaniyang bahay na naging sanhi ng pag-iingay ng mga aso sa buong paligid. “Sino kaya ‘yan? Ang aga-agang istorbo, tiyak buong barangay namin gising dahil sa ingay ng mga aso,” bulong niya habang inaalis ang kawit ng pinto ng bahay nila. “Sino ‘yan?” tanong niya ngunit walang umiimik mula sa labas na nagpahinto sa kanya na buksan ang pinto. “Paano kung masamang tao pala ang nasa labas tapos bigla akong patayin dito sa loob ng bahay? Ano na lang mangyayari saking pamilya? Bago pa lang akong nagtatrabaho, wala pa kong naiipon nito. Hindi pwede… hindi pwede.” Nagbalik balik ng lakad si Aika at hindi malaman kung ano ang dapat gawin ng mga sandaling iyon. “Hindi ako murderer, okay?” paniniguro
Nagpatuloy si Sandro sa paglalakad sa loob ng mall matapos niyang makabangga ang isang dalaga, pumasok siya sa store ng mga relo upang bumili ng pangregalo sa kanyang magbibirthday na lolo.Isa-isa niyang siniyasat ang mga watch hanggang sa mapili niya ang classy na watch na babagay sa kanyang grandpa, pinabalot na niya sa cashier ang watch at nang magbabayad na siya ay napansin niya ang pitakang sumabit sa zipper ng dala niyang maliit na bag.Napakunot noo siya at buong taka kung paanong napunta sa kanya ang pitakang iyon hanggang sa mapagtanto niya ang babaeng nakabangga niya kanina.“Sir, one hundred thirty nine thousand po,” pag-uulit ng kahera sa kanya, agad kinuha ni Sandro ang kanyang pera at nagbayad sa kahera habang ang pitaka ng babaeng nakabangga niya ay inilagay niya sa bag.“Thank you,” sabi ng cashier sa kanya na siyang tinugunan niya ng isang tango sa binibini.Dala ang regalong binili para sa lolo ay nagtungo si Sandro sa lost and found para isurrender ang pitaka nguni
“Kumusta ka na, Ai? Mukhang naka-getover ka na sa pagkawala ng pera mo last time ah?” bati ni Lalaine sa kaibigang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Aba, syempre, bff! Hindi pwedeng istay natin ang negative energy sa ating buhay kasi nakakaattract yun ng kamalasan,” tugon ni Aika sa kanyang kaibigan. “Siya nga pala, kumusta ang pagpunta sa inyo nung ex-nobya ni papa Juaquin mo?” pang-aasar niya.“Papa ka dyan!” saway ni Lalaine saka ibinaling ang tingin sa labas ng salaming dingding ng fastfood chain.“Wag ka ng mag-deny! Alam kong type na type mo si papa Juaquin! Alam kong hilatsa mo, girl!”Nahihiyang lumingon-lingon si Lalaine sa sinabi ng kaibigan, “oo na kaya wag ka ng maingay. Mahal ko na siya, okay na ba?” pag-amin nito sa kaibigan. Hindi na maitago ni Lalaine ang damdamin sa binata kaya tanging pag-amin na lang sa kaibigan ang alam niyang solusyon para mabawasan ang dala niya sa kanyang dibdib.“Hala siya, umamin nga! Akala ko ba forever mo ng idedeny yang feelings mo for
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta