“Dude, anong pumasok sa isip mo at sa dinami-rami ng babae sa mundo bakit yung Lalaine pa ang pinili mong pagpanggapin bilang nobya mo?” reklamo ni Sandro sa kaibigang si Juaquin matapos malaman ang pagkatao ni Lalaine mula sa masusing pagpapaimbestiga ng kaibigan.
Pinilig niya ang swivel chair na kanyang inuupuan at tumayo saka umikot sa desk niya at hinarap si Sandro, “dahil she is the best fit on this play.”
“What do you mean by that?” nagtatakang tanong nito.
“Dahil sa lahat ng babaeng na-link sakin ay sa kanya ko lamang nakitaan ng selos si AJ,” pagtatapat niya sa kaibigan.
“I have no idea na marunong palang magselos itong si AJ,” nakangising tugon nito, napahinto siya sa pagsasalita nang may kumatok sa opisina ng kaibigan at ibinaling ang kanyang paningin sa papasok na tao.
Tila huminto ang kanyang mundo at nanlaki ang mga mata nang bumungad ang isang magandang binibini na nakasuot ng red wine button down polo short sleeve dress na hanggang tuhod lamang at bumagay sa maputi nitong balat, nakabagsak ang kanyang hanggang balikat na tuwid na blonde na buhok at maging ang full bangs niya ay tuwid na tuwid rin.
“Sandro, this is my fiancee, Lalaine Madrigal,” nakangiting pagpapakilala ni Juaquin sa dalaga saka ipinulupot ang kanyang kamay sa baywang ng dalaga na siya namang ikinagulat at ikinailang ni Lalaine. Nais niyang alisin ang nakapulupot na kamay nito sa kanyang bewang ngunit sumagi sa kanyang isipan ang kanilang kasunduan.
Napatayo sa kinauupuan si Sandro dahil hindi niya ine-expect na ganito pala kaganda itong si Lalaine sa personal, “nice to meet you, Ms. Madrigal. I’m Sandro Valdez, Juaquin’s friend,” iniabot ni Sandro ang kanyang kamay sa dalaga upang makipag-shakehands ngunit hindi ito pinayagan ng kaibigan na mahawakan man lang ang kamay ng dalaga at siya na lamang ang umabot sa kamay ni Sandro at nakipag-shake hands dito.
“Akala ko ba ay magpapanggap lang, bakit naman parang sineseryoso naman niya?” bulong ni Sandro matapos agawin ang kamay niya sa mahigpit na pagkakahawak ng kaibigan sa kanya, naisipan na niyang magpaalam kay Juaquin nang mga sandaling iyon at lumabas ng opisina nito.
“Masyado namang makahawak ang lalaking ito sakin. Kainis! Hindi ba’t sinabi ko na dati na hindi na ako kailanman tutungtong pa sa lugar na ito… Bakit kasi kailangan pa akong magipit ng ganun?” tanong ni Lalaine sa sarili.
-Flashback-
“Payag na ako to work with you as your secretary,” Lalaine said out of a sudden. Hindi na nagulat si Juaquin nang bigkasin ng dalaga ang mga salitang iyon dahil ito na ang inaasahan niya umpisa pa lang ng magkusa siyang dalhin ang ina ng dalaga sa pribadong ospital, marahan niyang hinarap ito.
“Secretary? Wala akong naaalalang magtatrabaho ka bilang sekretarya ko,” tugon nito.
Nagsalubong ang kilay ni Lalaine at napapilig ng ulo, hindi niya alam kung anong nais ni Juaquin sa kanya, “if I’m not working with you as your secretary, ano palang magiging trabaho ko?”
“You will be working as my pretend fiancee,” usal nito.
“A-anong sinasabi mo?!” gulat niyang tanong sa binata, minasdan niya ang ekspresyon ng mukha nito sa pag-aakalang nagbibiro lamang ito ngunit nanatiling malamig at walang emosyon na makikita sa mukha nito na parang isang papel na walang laman.
“Nagbibiro ka lang, diba?” paniniguro ni Lalaine at saka pilit na tumawa.
“I’m serious, Ms. Madrigal,” seryosong tugon nito.
“H-hindi ako papayag, ayoko,” mabilis niyang pagtanggi sa alok na trabaho ng binata.
Ipinasok ni Juaquin ang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at kinuha ang papel sa loob nito, iniabot niya iyon sa dalaga, “I don’t like forcing people, Ms. Madrigal kaya kung tinatanggihan mo man ang offer ko then let’s just forget that I say something to you.”
Nakatitig si Lalaine sa papel na hawak nito, iniisip kung anong meron sa papel na yun kaya naman kaysa maging isang palaisipan sa kanya kung anong nakasulat sa papel ay tinanggap niya iyon mula sa binata.
Halos mabitawan niya ang papel dahil sa panginginig ng kanyang mga kamay matapos makita ang nakasulat sa papel na bayarin niya sa ospital at ang unang pumasok sa kanyang isipan ay ang tanggapin ang alok ng binata.
Nag-angat siya ng tingin ngunit nakatalikod na si Juaquin at naglalakad na palayo, “M-Mr. Cristobal!” tawag niya dito na nagpahinto sa kanya sa paglalakad.
Tumaas pakurba ang mga labi ni Juaquin nang sandaling tawagin siya ni Lalaine, he really know how to play this game. Plantsado ang plano niyang ito kung saan alam niyang wala ng lusot si Lalaine para makatakas pa sa ganitong sitwasyon, marahan niyang nilingon ang dalaga at hinintay itong makalapit sa kanya.
“Mr. Cristobal! Payag na akong magpanggap na nobya mo!” Desperada niyang usal dito na siyang ikinatuwa ng damdamin ni Juaquin.
“Good! Dahil tinanggap mo na ang alok ko, you will be starting to work with me as soon as possible. Tomorrow dumiretso ka ng opisina ko and you will sign the contract, my driver will send you clothes to wear.” Usal nito saka iniwang nakatunganga ang dalaga.
-End of flashback-
“Umalis na siya, can you let go of me now?” inis niyang sabi sa binata at agad namang tinugunan ng binata ang hiling niya ngunit halos itulak siya nito palayo.
“Tss. Walang modo,” inis na bulong ni Lalaine habang hinihila pababa ang hapit niyang dress na umangat.
“What did you say?” tanong ni Juaquin sa kanya.
“Nasan na ba ang kontrata? Magpirmahan na tayo,” nagmamadaling tugon niya upang maiiwas ang tanong nito sa kanya.
Naglakad patungo sa chair niya si Juaquin at itinulak nang marahan ang folder na nakapatong sa desk nito, “here’s the draft of the contract, check it at kung wala ka ng problema, you can sign it.”
Ibinaba ni Lalaine ang kanyang tingin sa folder at binuksan ito, maingat niyang binasa ang mga clause sa kontratang kanyang pipirmahan. Nagningning ang mga mata niya nang mabasa ang halagang 500,000 pesos na kikitain nito kada buwan ngunit nawala ang kinang na yun at napalitan ng takot dahil sa nabasa niya.
“A-ano to? Seryoso ka?!” nabigla niyang tanong matapos mabasa ang mga nakasulat. “Sigurado kang kailangan pang mag-kiss holding hand at yakap sa harap ng ex mo?!”
“Yes. Paano babalik ang dati kong nobya kung hindi convincing ang pagpapanggap mo?” swabeng tanong nito.
Napangisi siya at bumulong, “desperado.”
“What did you say?” nagdilim ang paningin nito sa narinig niyang sinabi ni Lalaine.
“D-don’t take it to heart, Mr. Cristobal. Gusto ko lang malaman kung gaano ka ka-sure na babalikan ka ng dati mong nobya kapag nakita niyang magkasama tayo?”
“Hindi ako sigurado pero ang sinisiguro ko sayo, mananatili ka saking tabi kung hindi siya babalik sakin.” Desperado nitong sabi na nagpakaba ng dibdib ng dalaga.
“H-hindi ito pwede!” reklamo niya.
“Well, hindi ikaw ang masusunod,” usal ni Juaquin.
“W-wala yan sa usapan nating dalawa!” inis niyang sambit.
“Wala nga pero nakasulat ito sa pinirmahan mong kontrata,” nakangising sinabi ni Juaquin sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Lalaine sa sinabi ng binata sa kanya, “wala sa usapan natin yan!” reklamo niya ngunit nagsawalang kibo si Juaquin at bumalik sa kanyang upo saka dumikwatro at ginalaw ang upuan na parang dinuduyan ang sarili. Ngumisi ito sa dalaga at nagsabing, “kasalanan ko bang hindi ka pala marunong magbasa ng kontrata?”Galit na itinapon ng dalaga ang kanyang paningin sa binata at sinisi ito, “kasalanan mo ito dahil minamadali mo ako.”Lalong lumawak ang ngiti sa mukha ng binata, nanlisik sa inis ang mga mata ni Lalaine nang masilayan ang mapangkutyang ngiti ng binata.“P-pero paano kung hindi siya maapektuhan sa mga actions na gagawin natin sa harap niya?” Tanong niya sa binata.Mabilis tumayo si Juaqin at nakalapit agad sa kanya ng hindi niya namamalayan, marahan siyang itinulak sa desk nito at itinukod ang kanyang kamay sa magkabilang tabi ng desk habang inilalapit ng husto ang mukha nito sa mukha ng dalaga.“A-anong binabalak mong gawin sakin?” nauutal na tanong niya, w
“Wala na siya kaya pwede ka ng tumigil pagpapanggap,” nakangising bulong ng binata sa nakatangang si Lalaine.Napamulat ang dalaga at namilog ang mga mata sa narinig na bulong nito sa kanya, pinamulahan siya ng pisngi at agad ibinaling ang mga mata sa ibang direksyon, “a—alam ko! Pwede bang lumayo ka na sakin,” nahihiyang singhal niya.Tumayo si Lalaine at inayos ang nagusot na hapit nitong bistida, “tingin ko nama’y wala ka ng anumang kailangan sakin. Maaari na ba akong umalis?” tanong niya sa binata.“Makakaalis kana, tatawagan na lamang kita kung kailan kita kailangan,” tugon nito.Walang anu-anong lumabas ng opisina si Lalaine dahil sa hiya na naramdaman niya at pag-aakalang muli siyang hahalikan ng binata. Nakayuko niyang binabaybay ang daan palabas ng kumpanya ng mga Cristobal nang may mabangga siya at nagkahulog ang mga gamit nito sa sahig.Agad yumuko si Lalaine para tulungang damputin ang mga gamit ng nakabangga, “p-pasensya na. Hindi ko sinasadya,” paghingi niya ng paumanhin
Namilog ang mga mata ni Lalaine sa inis sa isinagot sa kanya ni Juaquin na para bang wala na siyang karapatang magdesisyon sa buhay niya atparang nabili na nito ang buong pagkatao niya dahil lang sa halagang kinakailangan niya para sa kanyang inang nakaratay sa ospital.May mga namuong luha sa kanyang mga mata dahil sa panliliit sa sariling kanyang nadarama, gustong-gusto niyang umiyak ngunit ayaw niyang makita ni Juaquin na mahina siya dahil alam niya sa sarili niyang aalipustahin siya nito.Buong biyahe ay nakalingon lamang si Lalaine sa bintana ng sasakyan at hindi kumikibo, ayaw na niyang makipagtalo pa sa binata dahil pakiramdam niya ay nauubos lamang anglakas niya.Ngunit talaga yatang inuubos ni Juaquin ang pasensya ng dalaga nang halos humagis siya mula sa kanyang inuupuan nang biglang pumreno ito, mabuti na lamang at nakakapit siya ng mahigpit.“Pwede bang ayusin mo ang pagmamaneho mo?” naiinis na komento ni Lalaine kahit nakatuon ang paningin sa labas ng bintana ay alam ni J
“Lalaine’s POV”“Teka, parang may mali.” Napaisip ako kung bakit ko pa sinagot si AJ samantalang ang misyon ko lamang ay pagselosin siya para bumalik na siya kay Juaquin hindi para agawin ang lalaking yun sa kanya pero bakit ganun ang naging sagot ni Juaquin kay AJ.“I think she wants you back,” komento ko. Alam kong narinig niya ang sinabi ko pero nagsawalang kibo na lamang siya.“Nakapagdesisyon na rin ako na yung kwarto na yun ang gusto kong pag-stayan,” itinuro ko sa kanya ang kwarto malapit sa hagdan sa ikalawang palapag.“Why do you want that room?” tanong niya sakin pagkaharap niya.“Sa palagay ko naman ay babalikan ka na ng dating mong kasintahan and… it will be easy for me to pack my things and leave your house,” simple kong sagot sa kanya, wala naman kasi akong other reason para pumili ng kwarto at isa pa sanay na ako kahit sa sofa lang niya ko patulugin. Laking hirap kaya ako kaya kahit anong pahirap niya sakin hindi ko aatrasan para lang sa nanay ko.“Since nakapagdesisyon
Nag-alangan kumuha ng mga damit si Lalaine sa store na siya namang napansin ng binata kaya kumilos na rin siya para kumuha ng mga damit na nababagay sa dalaga at pinasukat na lamang sa kanya. Nang matapos ng magsukat ng mga damit si Lalaine ay agad nang binayaran ng binata ang lahat ng mga damit na kumasya sa kanya, binilhan niya rin ito ng bag, sapatos at ilang mga alahas.“I thinks that’s enough, hindi ko naman kailangan ng napakaraming material na bagay dahil ang tanging kailangan ko lamang ay mabuhay ang nanay ko, gumaling siya. That’s all I want,” bulong niya sa binata.“But I am not doing it for your happiness, tandaan mo sa mata ng publiko ikaw ang nobya ko kaya natural lang na bilhan kita ng mga bagay na ito,” singhal niya.“Are you hungry, honey?” biglang tanong ng binata sa kanya, nakipagtinginan si Lalaine sa mata ni Juaquin na parang nagtatanong kung anong ibig sabihin nito ngunit nginitian lamang siya nito.“Akala ko ba uuwi na tayo?” inilapit ni Lalaine ang mukha niya sa
“Hey, AJ! Where’s your boyfriend?” bati ni Merriel nang magkita sila ng kaibigan sa park malapit sa kumpanya ni Juaquin. Lumapit si Merriel at nagbeso sa kaibigan.“He is busy with some stuff,” umiikot ang matang sagot nito sa kaibigan na tila inis sa ginagawa ng kanyang bagong nobyo.Naupo ang dalawa sa bench habang si AJ ay nakakailang pakawala na ng buntong hininga.“Kung sawa ka na sa inaasal ng boyfriend mo, why don’t you dump him? Tingin ko naman ay mahal mo pa rin si Juaquin since lagi mo siyang bukambibig sakin maging ang bago nitong nobya. I am sure madali mong makukuhang muli si Juaquin dahil higit na maganda ka kaysa sa pinalit niya sa’yo,” payo ni Merriel sa dalaga.Bakas ang pagkairita ni AJ nang banggitin ng kaibigan ang tungkol sa bagong nobya ng dating kasintahan.“Yes, I am sooo annoyed sa ginagawa ng boyfriend ko but I never think of dumping him kahit na palagi niya akong dinidisappoint. Wala, mahal ko talaga siya and about Juaquin, he’s just a toy for me. I don’t ca
Agad nagtungo ng banyo si Lalaine nang makarating sa bahay at naligo. Mahigit isang oras ang itinagal niya sa loob dahil sa lagkit ng kanyang buhok na tumigas na rin sanhi ng pagtapon ng smooties sa kanyang ulo. Tumutulo ang kanyang mga luha habang nililinis ng mabuti ang buhok, "hindi ko deserve ang lahat ng mga masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanila, hindi ko deserve na ipahiya sa maraming mga tao dahil lang sa mahirap ako pero tatanggapin ko para kay nanay. Gusto kong mabuhay pa siya ng maraming taon, siya na lang ang meron ako.” Sabi niya sa sarili.Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya ng banyo, halos mapatili siya nang makita si Juaquin sa loob ng kanyang silid at nakaupo sa gilid ng kama na para bang hinihintay siya nito.“A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?” tanong niya. Tumingala ito sa kanya at napansin niya ang pamumula ng mga mata ng dalaga.Agad namang inalis ni Lalaine ang tingin niya, “kung nandito ka para humingi muli ng kapatawaran, okay lang. Okay na ako,
“Good morning, ma’am and sir, kasalukuyan pong under observation ang pasyente.” Balita ng doktor kina Lalaine.Napabitiw na sa pagkakakapit si Lalaine sa binata at humingi ng paumanhin, “pagpasensyahan mo na ako, Juaquin, dala lamang ito ng aking damdamin. Hindi ko makakaya kung sakaling mawawala sa piling ko ang aking ina,” paliwanag niya sa binata.Hinaplos ni Juaquin ang ulo ngg dalaga na siyang ikinagulat nito, “okay lang na ipakita mo ang kahinaan mo sa panahong kailangan mo ng masasandalan. I am always here and willing to let you lean on my shoulder,” seryosong sabi ni Juaquin.Natulala si Lalaine sa mukha ng binata ngunit habang nakatitig siya sa malaanghel nitong mukha ay siya namang bilis ng kabog ng kanyang dibdib. Kumurap siya ng paulit-ulit ngunit hindi nawawala ang kakaibang liwanag na nakikita niya sa mukha nito.“Bakit? Anong nangyari sa mata mo? Napuwing ka ba?” Agad inilapit ni Juaquin ang kanyang labi malapit sa mata ng dalawa at hinipan ang kanyang mata, napapikit s
Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“
Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.
“Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”
“Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani
Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit
Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo
“Anak, kilala mo ba ang pulis na iyon? Bakit niya tayo tinulungan?” tanong ni Olivia sa anak, napansin niyang iba ang tinginan ni Franco at ng kanyang anak kaya hindi niya maiwasan ang magtanong dahil nag-aalala rin siya sa pwedeng mangyari sa anak niya.“Sort of,” tugon ng anak, napasimangot si Olivia sa anak sa sagot nitong hindi niya mawari, “anong sort of, anak? Tutulungan ka ba niya kung hindi kayo ganun kakilala? Saka bakit ganun kayong magtinginang dalawa? May relasyon ba kayo?” sunod na sunod na tanong ni Olivia.“Wala, ma,” namumula ang mga pisngi ni AJ na siyang nasilayan ng ina niya.“Wala o wala pa?” pilit pinapaamin ni Olivia ang anak ngunit hindi ito umamin, “dyan ka nga, ma. Punta lang ako sa mga kasama kong bilanggo,” saad niya at iniwanan ang ina.Simula noon, nadalas ang patagong pagkikita nila ni Franco at palaging may nangyayari sa kanila, sa banyo, sa sulok o di kaya ay sa kwarto ng binata. Maraming beses na ginamit nilang dalawa ang isa’t-isa para maalis ang lami
Hindi makatulog ng mahimbing si Franco magmula nang halikan siya ni AJ nung araw na sinundo niya si AJ patungo ng bilangguan. Alas dose na ng gabi at gising na gising pa rin si Franco, hindi siya mapakali sa loob ng barracks nila kaya lumabas siya para makapagpahangin hanggang sa dalawin siya ng antok.Paulit-ulit sumasagi sa isipan niya ang mga halik at haplos na ipinaramdam sa kanya ni AJ, hindi niya namamalayang naglalakad na pala siya patungo sa kulungan ng mga bilanggo hanggang sa mahinto siya sa tapat ng bilangguan ni AJ.Nakita niya ang dalaga na nakahiga sa malamig na semento sa loob ng kulungan na may nakalatag na isang manipis na katya sa sahig, para silang mga sardinas na nagsisiksikan sa isang lata sa sobrang sikip para sa kanila.Pinagmamasdan niya ang natutulog na dalaga hanggang sa maalimpungatan si AJ, maingat siyang tumayo para hindi niya magising ang iba pang mga preso na katabi niya, hinakbangan niya ang mga ito para malapitan ang binata.Humawak ang dalaga sa rehas
Tahimik na kumakain sina Lalaine kasama ang kaibigan at ama nito sa isang restaurant nang biglang ipalabas ang balita tungkol kay AJ at sa ina nitong nailipat na ang dalawa sa correctional. Nakahinga na siya ng maluwag dahil wala ng takas ang dalawa ngunit hindi pa rin niya maging masaya sa pagkamit ng hustisya para sa kanyang ina kahit pa nakakulong na ang dalawa at mapagbabayaran na nila ang kasalanan.Masakit pa rin para kay Lalaine ang nangyaring pagkawala ng kanyang ina dahil lang sa pagmamahal ni AJ para kay Juaquin, napansin ni Aika na nakatulala ang kanyang kaibigan, “anong problema, bff? Malungkot ka pa rin ba?” tanong ni Aika.“Hindi ko lang maiwasang maisip si nanay kahit pa nakakulong na ang mag-inang iyan, I missed her so much but I can’t do anything but to miss her,” pag-amin niya, hindi niya maiwasang maluha sa harap ng mag-ama, tumalikod si Lalaine at pinunasan ang luha.“Bakit? Anong problema? Baka makatulong ako sa problema niya?” tanong ni Jose sa anak niya.“Pa, ta