"Sir?" sambit ko."Sinungaling ka rin talaga no!" anito na umarko pa ang kilay. Bigla akong kinabahan, sinabi na yata ni Lyn ang lahat."Sir..." napatungo ako. "Hindi mo naman kailangang bolahin si Lyn para lang magpa-impress. Dapat nga, sinabi mo ang totoo," anito na sadyang kinugulat ko. Nagtaka ako, akala ko'y alam na niya ang lahat. Iyon pala ay sa ulam ang tinutukoy ni sir, napangiti akong bigla. At ganoon din si sir sa akin. Ang guwapo talaga niya kapag nakangiti.Napabuntong-hininga ito, bago kumuha nang baso at nagtimpla nang kape. Sa 'di kalayuan, tanaw pala kami ni Lyn na nagngingitian, kaya ngitngit na ngitngit 'to sa galit."Talagang sinusubukan ako nang babaeng 'to ah!" bulong ni Lyn.Lumabas na nang kusina si Reyman at naupong muli sa sofa. Hindi niya gustong paasahin si Lyn, pero hindi rin niya 'to maitaboy."Reyman, may gusto ka ba sa katulong mo?" tanong ni Lyn. Natigilan si Reyman sa tanong nito.Tumingin si Reyman, tinitigan si Lyn bago muling bumaling sa tv. "Com
"Ano bang problema Affy? Bakit madalas kong maramdaman na napakalungkot mo. Bakit hindi mo sabihin sa akin ang nararamdaman mo't dinadaan mo na lang sa iyak? May problema ba sa pamilya mo? May nararamdaman ka bang kalungkutan? Bakit ba gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganyan?" Kinuyom ni Reyman ang kamay niya, naiinis siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa. Gusto sana niyang puntahan si Affy para alamin kung ano ang bumabagabag sa isip nito. Pero pinanghihinaan siya nang kalooban dahil alam niyang mapapahiya lang siya. Gusto sana niyang sa balikat niya umiyak si Affy, para naman mahaplos niya ang likod nito at kahit papaano'y maramdaman niyang dinadamayan niya ito. Pero paano? Paano niya magagawa iyon? Kahit na nahihirapan ang kalooban ay nagpasya na siyang muling bumaba upang magpahangin sa labas. Kailangan niyang mag-isip, upang sa ganoon ay kumalma ang pakiramdam niya. Hindi man aminin ni Reyman sa sarili, pakiramdam niya ay nagkakaroon na siya nang interes kay Affy,
Napasulyap ako sa bintana, at lumapit ako roon upang tingnan ang madilim na kalangitan. Kung ilalarawan ko ang buhay ko para akong isang bituin. Nagniningning sa kalangitan pero napapalibutan nang madilim na kapaligiran. Hindi ko matanaw ang sikat nang araw, ang araw na siyang pag-asa ko sana. Buong buhay ko nakabihag ako sa desisyon ni Dad. Naging sunod-sunuran ako na parang walang sariling buhay. Oo siya ang nagbigay nang buhay sa akin. Kompleto ako sa lahat nang bagay, sagana sa pagkain, lahat nang naisin kong materyal na bagay ay naibibigay, ngunit isa lang ang hindi ko makamit. Ang kalayaan, ang kayaan na siyang magiging sanhi sana nang kasiyahan ko. Nakalaya nga ako, pero pakiramdam ko nakakulong pa rin ako, dahil ano mang oras ay makikita at matatagpuan na ako ni Dad. Lalo na ngayon na ipinakakasal pa ako sa hindi ko gusto, paano pa ako makakalaya sa kadiliman? Pero ngayon na wala nga ako sa amin, nakatakas nga ako sa kamay ni Dad, narito nga ako sa malayo at nakakagalaw nang m
"Common bro, wala kang dapat ipangamba. Easy lang naman iyan kung tutuusin, okey bibigyan kita nang idea. Tayong mga lalaki, palagi natin iniisip kung bakit sila nagkakaganoon, samantalang silang mga babae naman ay iniisip nila kung paano ba nila tayo pakikisamahan. Hindi lang tayo ang naaapektuhan, ganoon rin sila. Pero kung sakaling ganiyan ang nararanasan mo. Don't give up bro, napakaraming way para maresolba ang problema. Teka nga muna, kailan mo ba ako ihaharap sa babaeng iyan? Medyo naiintriga kasi ako, gusto ko na siyang mameet.""Hindi ko alam kung nasaan siya, at mukhang hindi na siya babalik," tugon niya."What do you mean bro? Bigla na lang siyang naglahong parang bula? Bakit? Ano bang pinagmulan nang away ninyo?" curious na tanong nito."Bro, hindi mo mauunawaan, bigla na lang siyang dumating sa bahay ko. Tapos bigla din siyang umalis. Para siyang isang bagyo na ginulo niya ang buhay ko, tapos aalis siya at mag-iiwan nang marka?" saad niya."Hahaha. So you mean, nagsama na
"Alam mo kung wala kang sasabihin, huwag kang manggambala sa akin!" galit na sambit ni Reyman. Kaya agad ko nang pinatay ang cellphone. Gusto ko sanang kalimutan na si Reyman, pero itong puso ko'y pilit pa ring gumagawa nang mga bagay na maglalapit sa aming dalawa. Bumukas ang pinto at bumungad ang mga babaeng mag-aayos sa akin. Dala ang mga gamit nila ay sinimulang ayusin ang buhok ko."Napakaganda mo naman ma'am, pero nakikita ko sa mata mo ang kalungkutan," sambit ng babaeng make-up artist."Uy! Huwag mo ngang takutin si Ma'am, ginagamit mo na naman ang pagkamanghuhula mo!" bulyaw ng isa pang babae na nag-aayos nang buhok ko."Okey lang. Tama naman siya, hindi talaga ako masaya." Malungkot na sabi ko, kaya't nalungkot din ang mga kaharap ko. "Ma'am, sayang naman ang ganda mo kung hindi ka ngingiti. Pero kung lovelife nga ang problema ay nauunawaan kita ma'am," anito. "Buti pa kayo, tiningnan lang ninyo ako'y alam na ninyo na may problema ako. Samantalang ang mga magulang ko. Kah
"Hello? Hello!" Ngunit wala siyang marinig na tugon. Niloloko ba siya ng tumawag sa kanya? Sino naman kaya 'tong nang-aabala sa kanya? Tatawag—pero hindi magsasalita? Inis na pinagsabihan niya ito. Pero nakarinig siya nang isang sinok na parang umiiyak, kaya nagtaka siya at patuloy na pinakinggan ang nasa kabilang linya. Pero binaba niya iyon matapos marinig ko ang sinok na pumukol sa isipan ko, parang kilala ko ang sinok na iyon? Siya lang ang narinig kong umiiyak, at sumisinok sa tuwing iiyak. "Hindi kaya... hindi kaya si Affy iyon?" Gusto sana niyang tawagan ito upang tanungin kung bakit siya umalis, pero hindi naman niya alam kung paano, dahil nga walang rumihistro na numero, wala siyang magawa at inis na napasandal sa sasakyan. "Bakit ba nagpaparamdam pa siya tapos hindi naman niya ako kakausapin? Hindi ba niya alam kung anong nararamdaman ko ngayon? Lalo niya akong pinahihirapan!" Sumakay siya sa sasakyan, ngunit hindi niya agad pinaandar 'to. Nakatitig siya sa unahan nang sas
Hanggang sa magsipagpasukan na ang lahat. Nanatili siyang nakatalikod sa pinto, at narinig pa niya ang tawag ng kanyang kaibigan na nasa likuran na niya."Bro!" tawag ni Miguel. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago lakas loob na tumayo, at hinarap ang dalawa. Biglang huminto ang mundo ni Reyman nang makita niya ang babaeng pakakasalan ni Miguel. Maging ang paghinga niya'y parang kinapos pa, dahil hindi niya inaasahan na si Fara, at si Affy ay iisa. Nagulat din si Fara, dahil hindi niya inaasahan na makikita niya si Reyman sa party. Nanghihina ang tuhod nito at nangilid ang luha niyang bigla. Gusto sana niyang mag-explain dito. Pero nakita niyang napapailing si Reyman na napaatras pa. "Bro, she is my fiancee... Fara pabolosa." Pakilala sa kanya ni Miguel. Nanatiling nakatitig si Reyman kay Fara, upang hindi makita ni Reyman ang nagbabadyang luha na gustong pumatak sa mata niya ay napatungo ito, bago inilahad ang kamay upang kamayan si Reyman. "Fara," pakilala niya sa s
Sa totoo lang, hindi ako natatakot na hanapin ako sa party. Ang kinatatakot ko, ay ang itsura ni Reyman ngayon. Seryoso itong nagdadrive. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero iisa lang ang nasa isip namin. Ang makalayo sa lugar kung saan pinahihirapan ang mga puso naming pareho."NASAAN ang anak ko?!" galit na tanong ni Mario. Walang makasagot nang katanungan kaya ibinalibag nito ang nahawakang baso. "Hayop ka Reyman! Manang-mana ka talaga sa Ama mo!" bulyaw nito na kinatakot naman ng mga bisita."Ninong, calm down! Hindi magagawa sa akin ni Reyman na traydorin ako. Kilala ko siya, at kaibigan ko siya. Siguro'y may dahilan siya kaya nawawala silang dalawa," ani Miguel sa kanyang Ninong na nagwawala."Tama ang anak ko pare, huwag muna tayong mambintang. Hindi natin hawak ang utak nilang dalawa. Saka, hindi naman magkakilala ang dalawa hindi ba? Kaya bakit naman gagawan ni Reyman ng masama ang anak mo?" dagdag naman ng Ama ni Miguel.Nagngangalit ang mga ngipin ni Mario, na t