Share

Chapter 26

"Ano bang problema Affy? Bakit madalas kong maramdaman na napakalungkot mo. Bakit hindi mo sabihin sa akin ang nararamdaman mo't dinadaan mo na lang sa iyak? May problema ba sa pamilya mo? May nararamdaman ka bang kalungkutan? Bakit ba gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganyan?" Kinuyom ni Reyman ang kamay niya, naiinis siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa. Gusto sana niyang puntahan si Affy para alamin kung ano ang bumabagabag sa isip nito. Pero pinanghihinaan siya nang kalooban dahil alam niyang mapapahiya lang siya. Gusto sana niyang sa balikat niya umiyak si Affy, para naman mahaplos niya ang likod nito at kahit papaano'y maramdaman niyang dinadamayan niya ito. Pero paano? Paano niya magagawa iyon?

Kahit na nahihirapan ang kalooban ay nagpasya na siyang muling bumaba upang magpahangin sa labas. Kailangan niyang mag-isip, upang sa ganoon ay kumalma ang pakiramdam niya. Hindi man aminin ni Reyman sa sarili, pakiramdam niya ay nagkakaroon na siya nang interes kay Affy,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Napoleon Rocaberte
yes d' best ...
goodnovel comment avatar
Marivic Mayano
Good story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status