"Alam mo kung wala kang sasabihin, huwag kang manggambala sa akin!" galit na sambit ni Reyman. Kaya agad ko nang pinatay ang cellphone. Gusto ko sanang kalimutan na si Reyman, pero itong puso ko'y pilit pa ring gumagawa nang mga bagay na maglalapit sa aming dalawa. Bumukas ang pinto at bumungad ang mga babaeng mag-aayos sa akin. Dala ang mga gamit nila ay sinimulang ayusin ang buhok ko."Napakaganda mo naman ma'am, pero nakikita ko sa mata mo ang kalungkutan," sambit ng babaeng make-up artist."Uy! Huwag mo ngang takutin si Ma'am, ginagamit mo na naman ang pagkamanghuhula mo!" bulyaw ng isa pang babae na nag-aayos nang buhok ko."Okey lang. Tama naman siya, hindi talaga ako masaya." Malungkot na sabi ko, kaya't nalungkot din ang mga kaharap ko. "Ma'am, sayang naman ang ganda mo kung hindi ka ngingiti. Pero kung lovelife nga ang problema ay nauunawaan kita ma'am," anito. "Buti pa kayo, tiningnan lang ninyo ako'y alam na ninyo na may problema ako. Samantalang ang mga magulang ko. Kah
"Hello? Hello!" Ngunit wala siyang marinig na tugon. Niloloko ba siya ng tumawag sa kanya? Sino naman kaya 'tong nang-aabala sa kanya? Tatawag—pero hindi magsasalita? Inis na pinagsabihan niya ito. Pero nakarinig siya nang isang sinok na parang umiiyak, kaya nagtaka siya at patuloy na pinakinggan ang nasa kabilang linya. Pero binaba niya iyon matapos marinig ko ang sinok na pumukol sa isipan ko, parang kilala ko ang sinok na iyon? Siya lang ang narinig kong umiiyak, at sumisinok sa tuwing iiyak. "Hindi kaya... hindi kaya si Affy iyon?" Gusto sana niyang tawagan ito upang tanungin kung bakit siya umalis, pero hindi naman niya alam kung paano, dahil nga walang rumihistro na numero, wala siyang magawa at inis na napasandal sa sasakyan. "Bakit ba nagpaparamdam pa siya tapos hindi naman niya ako kakausapin? Hindi ba niya alam kung anong nararamdaman ko ngayon? Lalo niya akong pinahihirapan!" Sumakay siya sa sasakyan, ngunit hindi niya agad pinaandar 'to. Nakatitig siya sa unahan nang sas
Hanggang sa magsipagpasukan na ang lahat. Nanatili siyang nakatalikod sa pinto, at narinig pa niya ang tawag ng kanyang kaibigan na nasa likuran na niya."Bro!" tawag ni Miguel. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago lakas loob na tumayo, at hinarap ang dalawa. Biglang huminto ang mundo ni Reyman nang makita niya ang babaeng pakakasalan ni Miguel. Maging ang paghinga niya'y parang kinapos pa, dahil hindi niya inaasahan na si Fara, at si Affy ay iisa. Nagulat din si Fara, dahil hindi niya inaasahan na makikita niya si Reyman sa party. Nanghihina ang tuhod nito at nangilid ang luha niyang bigla. Gusto sana niyang mag-explain dito. Pero nakita niyang napapailing si Reyman na napaatras pa. "Bro, she is my fiancee... Fara pabolosa." Pakilala sa kanya ni Miguel. Nanatiling nakatitig si Reyman kay Fara, upang hindi makita ni Reyman ang nagbabadyang luha na gustong pumatak sa mata niya ay napatungo ito, bago inilahad ang kamay upang kamayan si Reyman. "Fara," pakilala niya sa s
Sa totoo lang, hindi ako natatakot na hanapin ako sa party. Ang kinatatakot ko, ay ang itsura ni Reyman ngayon. Seryoso itong nagdadrive. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero iisa lang ang nasa isip namin. Ang makalayo sa lugar kung saan pinahihirapan ang mga puso naming pareho."NASAAN ang anak ko?!" galit na tanong ni Mario. Walang makasagot nang katanungan kaya ibinalibag nito ang nahawakang baso. "Hayop ka Reyman! Manang-mana ka talaga sa Ama mo!" bulyaw nito na kinatakot naman ng mga bisita."Ninong, calm down! Hindi magagawa sa akin ni Reyman na traydorin ako. Kilala ko siya, at kaibigan ko siya. Siguro'y may dahilan siya kaya nawawala silang dalawa," ani Miguel sa kanyang Ninong na nagwawala."Tama ang anak ko pare, huwag muna tayong mambintang. Hindi natin hawak ang utak nilang dalawa. Saka, hindi naman magkakilala ang dalawa hindi ba? Kaya bakit naman gagawan ni Reyman ng masama ang anak mo?" dagdag naman ng Ama ni Miguel.Nagngangalit ang mga ngipin ni Mario, na t
Hindi magawang makapagsalita ni Reyman. Kaya naman napatungo lang ito, sa inis ko ay napapailing na lang akong lalong umiyak. "Wala kang masabi? Dahil hindi mo rin ako naiintindihan 'di ba? Gusto mo ba akong tulungan Reyman?" lakas loob kong tanong. Umangat 'to nang tingin pero nanatiling blanko ang mukha kaya naman hindi ko na hinintay pa ang sagot niya.Humugot ako ng malalim na hininga bago lakas loob na nagsalita. "Marry me." Napamaang si Reyman sa sinabi ko, at kinakapa kung totoo ba ang mga sinasabi ko."Ano? Bingi ka ba ha! Ang sabi ko, pakasalan mo ako!" sigaw ko kay Reyman. Sa itsura ni Reyman, alam ko na ang sagot niya, at ito ay hindi niya ako kayang pakasalan, sapagkat hindi naman niya ako gusto. Napapahiyang tumungo ako at lalong naiyak sa harapan nito."Iuwi mo na ako," saad ko. Pero nanatiling nakatitig si Reyman sa akin, kaya't pumasok na lang ako sa sasakyang para doon ipagpatuloy ang pag-iiyak. Napakasakit sa damdamin na hindi ka mahal ng mahal mo, iyong sa i
"Humarap sa akin si Reyman at tinitigan ako sa mata. Kaya napatungo ako pero hinawakan niya ang baba ko bago nagsalita." "Huwag ka nang mangamba, dahil hindi ka na pakakasal sa hindi mo mahal," anito kaya napatingin ako sa mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Obvious naman hindi ba? Na hindi ako nagpakasal kay Miguel, dahil hindi ko siya mahal, pero kay Reyman magpapakasal ako nang walang alinlangan. Kailangan pa bang ipagsigawan iyon?"Parating na sila," wika ng Papa ni Reyman na kasalukuyang pababa na nang hagdan.Kaya naman natameme na naman ako at hindi makapagsalita. Nahihiya ako sa Ama ni Reyman."Napakagandang bata naman nito iho, hindi na ako magtataka, dahil alam ko naman na noong bata ka pa ay magaling ka na talagang pumili. Hindi ako nagkamali na ampunin ka," saad ng Ama nito kaya muli na naman akong nagulat.Ampon? Ampon lang si Reyman? Kung ganoon, nasaan ang mga magulang niya? ISA lang ang dahilan ni Reyman, kung bakit sa kabila nang h
Tumango ito bago ngumiti. Kaya mas lalo akong kinabahan sa ngiti niyang iyon. Pagdating sa banyo ay bigla akong nagtitili na walang tinig na maririnig sa akin. Kilig na kilig ako sa ngiti niyang iyon. Sa mga oras na ito, mag-asawa na kami ni Reyman, kaya naman dapat ihanda ko na rin ang sarili ko dahil honeymoon na ang kasunod nito.Naghubad na ako at naligo, kinudkod kong maigi ang katawan ko, ayokong may masabi sa akin si Reyman. Ang sarap sa pakiramdam na hindi na kami mag-amo ngayon, kun'di mag-asawa na kami. Nainis man ako kanina dahil hindi niya ako sa labi hinalikan. Ayos lang iyon, baka bumawi siya ngayon. Matapos ang dalawang oras ko sa banyo ay handa na akong ibigay ang sarili ko kay Reyman. Nakatapis lang akong lumabas ng banyo, at nang tingnan ko si Reyman, kamuntikan nang malaglag ang panga ko, tulog na ito at mukhang humihilik pa."Dalawang oras akong nagkudkod ng katawan? Tutulugan lang pala niya ako?"Kabanata 19.BNaiinis man ay nagsuot na lang ako ng bathrobe. Naup
"Nagseselos ka ba kay Lyn? Siguro naman may karapatan akong gawin ito." Hinawakan niya ang pisngi ko at bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Dilat na dilat ang mata ko sa ginawa ni Reyman, at unti-unting napapikit dahil nakuha ko na ang inaasam kong halik.Ilang segundo na yata akong nakapikit, hind ko alam kung anong magiging reaksyon ko kung kikiligin ba ako o maiinis dahil saglit lang ang halik na iginawad sa akin ni Reyman. Nagmulat ako nang mata at nakita kong nakatitig pa rin sa akin si Reyman. Napamaang na lang ako sa kanya habang si Reyman naman ay ngumiti bago nagsalita."Diyan ka muna, lalabas lang ako para i-check ang emails ko," anito bago tumalikod na at umalis na nang kuwarto. Narinig ko ang pagsara nang pinto, saka lang ako nakahinga ng maluwag at nagpakawala nang malalim na paghinga. "Hi-hinalikan ako ni Reyman?" Kinapa ko nang daliri ko ang labi ko, ramdam ko pa ang init nang labi ni Reyman na kanina lang ay dumampi roon at siniil ako ng halik. Napakalakas n