Hindi magawang makapagsalita ni Reyman. Kaya naman napatungo lang ito, sa inis ko ay napapailing na lang akong lalong umiyak. "Wala kang masabi? Dahil hindi mo rin ako naiintindihan 'di ba? Gusto mo ba akong tulungan Reyman?" lakas loob kong tanong. Umangat 'to nang tingin pero nanatiling blanko ang mukha kaya naman hindi ko na hinintay pa ang sagot niya.Humugot ako ng malalim na hininga bago lakas loob na nagsalita. "Marry me." Napamaang si Reyman sa sinabi ko, at kinakapa kung totoo ba ang mga sinasabi ko."Ano? Bingi ka ba ha! Ang sabi ko, pakasalan mo ako!" sigaw ko kay Reyman. Sa itsura ni Reyman, alam ko na ang sagot niya, at ito ay hindi niya ako kayang pakasalan, sapagkat hindi naman niya ako gusto. Napapahiyang tumungo ako at lalong naiyak sa harapan nito."Iuwi mo na ako," saad ko. Pero nanatiling nakatitig si Reyman sa akin, kaya't pumasok na lang ako sa sasakyang para doon ipagpatuloy ang pag-iiyak. Napakasakit sa damdamin na hindi ka mahal ng mahal mo, iyong sa i
"Humarap sa akin si Reyman at tinitigan ako sa mata. Kaya napatungo ako pero hinawakan niya ang baba ko bago nagsalita." "Huwag ka nang mangamba, dahil hindi ka na pakakasal sa hindi mo mahal," anito kaya napatingin ako sa mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Obvious naman hindi ba? Na hindi ako nagpakasal kay Miguel, dahil hindi ko siya mahal, pero kay Reyman magpapakasal ako nang walang alinlangan. Kailangan pa bang ipagsigawan iyon?"Parating na sila," wika ng Papa ni Reyman na kasalukuyang pababa na nang hagdan.Kaya naman natameme na naman ako at hindi makapagsalita. Nahihiya ako sa Ama ni Reyman."Napakagandang bata naman nito iho, hindi na ako magtataka, dahil alam ko naman na noong bata ka pa ay magaling ka na talagang pumili. Hindi ako nagkamali na ampunin ka," saad ng Ama nito kaya muli na naman akong nagulat.Ampon? Ampon lang si Reyman? Kung ganoon, nasaan ang mga magulang niya? ISA lang ang dahilan ni Reyman, kung bakit sa kabila nang h
Tumango ito bago ngumiti. Kaya mas lalo akong kinabahan sa ngiti niyang iyon. Pagdating sa banyo ay bigla akong nagtitili na walang tinig na maririnig sa akin. Kilig na kilig ako sa ngiti niyang iyon. Sa mga oras na ito, mag-asawa na kami ni Reyman, kaya naman dapat ihanda ko na rin ang sarili ko dahil honeymoon na ang kasunod nito.Naghubad na ako at naligo, kinudkod kong maigi ang katawan ko, ayokong may masabi sa akin si Reyman. Ang sarap sa pakiramdam na hindi na kami mag-amo ngayon, kun'di mag-asawa na kami. Nainis man ako kanina dahil hindi niya ako sa labi hinalikan. Ayos lang iyon, baka bumawi siya ngayon. Matapos ang dalawang oras ko sa banyo ay handa na akong ibigay ang sarili ko kay Reyman. Nakatapis lang akong lumabas ng banyo, at nang tingnan ko si Reyman, kamuntikan nang malaglag ang panga ko, tulog na ito at mukhang humihilik pa."Dalawang oras akong nagkudkod ng katawan? Tutulugan lang pala niya ako?"Kabanata 19.BNaiinis man ay nagsuot na lang ako ng bathrobe. Naup
"Nagseselos ka ba kay Lyn? Siguro naman may karapatan akong gawin ito." Hinawakan niya ang pisngi ko at bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Dilat na dilat ang mata ko sa ginawa ni Reyman, at unti-unting napapikit dahil nakuha ko na ang inaasam kong halik.Ilang segundo na yata akong nakapikit, hind ko alam kung anong magiging reaksyon ko kung kikiligin ba ako o maiinis dahil saglit lang ang halik na iginawad sa akin ni Reyman. Nagmulat ako nang mata at nakita kong nakatitig pa rin sa akin si Reyman. Napamaang na lang ako sa kanya habang si Reyman naman ay ngumiti bago nagsalita."Diyan ka muna, lalabas lang ako para i-check ang emails ko," anito bago tumalikod na at umalis na nang kuwarto. Narinig ko ang pagsara nang pinto, saka lang ako nakahinga ng maluwag at nagpakawala nang malalim na paghinga. "Hi-hinalikan ako ni Reyman?" Kinapa ko nang daliri ko ang labi ko, ramdam ko pa ang init nang labi ni Reyman na kanina lang ay dumampi roon at siniil ako ng halik. Napakalakas n
"Titingnan ko lang naman, baka malaki ang sugat mo." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa pisngi at pinaharap ko siyang pilit. Pero pilit din itong umiiwas."Huwag na nga, okey lang sabi ako." Muli itong umiwas pero pilit ko pa rin siyang pinaharap."Hindi puwede, sabing patingin!" pangungulit ko sa kanya, hanggang sa inis na hinawakan niya ako sa balikat at bigla niya ako hinalikan muli sa labi. Natigilan ako at natameme. "Ano? Hindi ba, hindi ako nasaktan? Kaya huwag mo akong alalahanin, ayos lang ako." Tumayo ito at naghubad nang damit. Mas lalo akong nashocked. "Oh my God! Papatayin ba ako ni Reyman sa sobrang kilig? Hinalikan na naman niya ako, tapos ngayon parang wala lang sa kanya na maghubad talaga mismo sa harapan ko. Napatingin ako sa abs niya, hindi pa nga ako nakakamove on sa halik, pero heto... nakakapawis ng noo ang nasisilayan ko. "Hey! Tititigan mo na lang ba ako? Wala ka bang balak kumain?" tanong nito.Napalumod laway ako. "Puwede ko bang kainin iyan? Est
"Paano ba akong hindi maiiyak, tingnan mo ang nangyari sa 'yo! Kamuntikan nang mawalan ka nang mukha." Natatawa itong kinabig ako kaya naman napatuon ako sa dibdib niya. "Okey lang ako, basta para sa 'yo, gagawin ko ang lahat." Mahinang sabi nito. Umaasa na naman tuloy 'tong puso ko, alam ko naman na lasing si Reyman, bukas ay limot na niya ang sinabi niya."Matulog ka na," sabi ko sa kanya. Pero imbis na sundin ako ay umupo ito at tinitigan ako. Nanatili lang naman akong nakatitig sa kanya, hanggang sa dumapo ang kamay nito sa pisngi ko, napapikit naman ako dahil sa mainit na palad niyang nakahawak sa akin. Pakiramdam ko, puso ko ang hinahaplos niya. "Reyman..." sambit ko sa kanya, at nang magmulat ako'y nakita kong palapit na ang labi nito sa akin.Tinugon ko ang halik na ginawad ni Reyman, hanggang sa maramdaman kong gumagapang ang kamay niya sa leeg ko, patungo sa balikat. Parang kinikiliti ang pakiramdam ko, lalo na at lalo pang lumalim ang paghahalikan naming dalawa. Hanggang
May kumatok sa pinto at bumukas iyon. Bumungad ang assistant nito na napatingin pa sa akin."Sir, magsisimula na po ang meeting," anito.Tumango si Reyman. "Okey, susunod na ako." "Okey sir," saad nito bago muling isinara ang pinto.Kinuha naman ni Reyman ang laptop niya na nakapatong sa mesa bago lumapit sa akin."Let's go." Hinawakan na ako nito sa kamay at niyaya na palabas ng office. Pagpasok namin sa pinaggaganapan ng meeting ay nagsipagtayuan ang mga Board Member ni Reyman. Mga nakatingin ito sa akin, at kapwa lahat ay may tanong. Sino ba ako?"Good Morning. Bago tayo magsimula, ipapakilala ko muna sa inyo ang aking asawa. Si Fara Fabolosa Fernandez," Kapwa nagulat ang lahat sa narinig."May asawa ka na pala, Mr. Fernandez. Hindi yata namin nabalitaan na ikinasal ka, at pamilyar sa akin ang apilyedo niya," lakas loob na sabi ng isang board member niya."Anak siya ni Mr. Mario Fabolosa, ang isa sa may pinakamalaking kumpanya rin dito sa Pilipinas," dagdag pa ni Reyman. Humang
"May problema ba?" tanong nito na kinagulat ko ang bigla niyang pag-imik."Ha? Wala naman, ituloy mo lang iyan. Okey lang naman ako rito." Ngumiti ako sabay baling sa ibang bagay. Bakit ba niya naisipan na isama ako rito? Kung nasa bahay ako, marami na akong nagawa. Pinagseselos lang yata niya si Lyn e! Well, nagawa naman niya, dahil kitang-kita ko na ngitngit na ngit git ito kanina sa galit.May kumatok sa pinto at makailang saglit pa'y bumukas iyon at bumungad ang assistant ni Reyman. Muli na namang napatingin ito sa akin."Sir, nagtawag po ang suppliers natin. Narito raw po siya ngayon sa Manila. Kung free daw po kayo ay sana'y gusto niyang makipag-usap sa inyo. May ilang bagay lang daw po siyang gustong sabihin."Sige. Sabihin mo, pumunta na lang siya rito sa office at dito na lang kami mag-usap." Tumango ito bago muling lumabas. "Ahm... ang dami mo pala talagang ginagawa rito huh, hindi ba nakakapagod iyan? 'Yung meeting dito, meeting doon?" "Hindi naman nakakapagod ang isang