May kumatok sa pinto at bumukas iyon. Bumungad ang assistant nito na napatingin pa sa akin."Sir, magsisimula na po ang meeting," anito.Tumango si Reyman. "Okey, susunod na ako." "Okey sir," saad nito bago muling isinara ang pinto.Kinuha naman ni Reyman ang laptop niya na nakapatong sa mesa bago lumapit sa akin."Let's go." Hinawakan na ako nito sa kamay at niyaya na palabas ng office. Pagpasok namin sa pinaggaganapan ng meeting ay nagsipagtayuan ang mga Board Member ni Reyman. Mga nakatingin ito sa akin, at kapwa lahat ay may tanong. Sino ba ako?"Good Morning. Bago tayo magsimula, ipapakilala ko muna sa inyo ang aking asawa. Si Fara Fabolosa Fernandez," Kapwa nagulat ang lahat sa narinig."May asawa ka na pala, Mr. Fernandez. Hindi yata namin nabalitaan na ikinasal ka, at pamilyar sa akin ang apilyedo niya," lakas loob na sabi ng isang board member niya."Anak siya ni Mr. Mario Fabolosa, ang isa sa may pinakamalaking kumpanya rin dito sa Pilipinas," dagdag pa ni Reyman. Humang
"May problema ba?" tanong nito na kinagulat ko ang bigla niyang pag-imik."Ha? Wala naman, ituloy mo lang iyan. Okey lang naman ako rito." Ngumiti ako sabay baling sa ibang bagay. Bakit ba niya naisipan na isama ako rito? Kung nasa bahay ako, marami na akong nagawa. Pinagseselos lang yata niya si Lyn e! Well, nagawa naman niya, dahil kitang-kita ko na ngitngit na ngit git ito kanina sa galit.May kumatok sa pinto at makailang saglit pa'y bumukas iyon at bumungad ang assistant ni Reyman. Muli na namang napatingin ito sa akin."Sir, nagtawag po ang suppliers natin. Narito raw po siya ngayon sa Manila. Kung free daw po kayo ay sana'y gusto niyang makipag-usap sa inyo. May ilang bagay lang daw po siyang gustong sabihin."Sige. Sabihin mo, pumunta na lang siya rito sa office at dito na lang kami mag-usap." Tumango ito bago muling lumabas. "Ahm... ang dami mo pala talagang ginagawa rito huh, hindi ba nakakapagod iyan? 'Yung meeting dito, meeting doon?" "Hindi naman nakakapagod ang isang
"Bibili ka rin ba? Ginugulo mo lang ang mga damit, hindi mo kayang bilhin iyan kasi mamahalin ang mga damit dito," natatawang sabi ni Lyn."Ah... Eh... may pera naman ako, kaya okey lang." "Saan galing? Baka nagnanakaw ka ha!" anito sabay talikod at sinukat ang damit na kanina pa kapit. Kulay red iyon na halos kagaya ng damit niyang suot, labas ang cleavage at halos kita na ang kuyukot.Matapos niyang magsukat ay lumapit ang saleslady."Ma'am, kukunin mo po?" tanong nito."How much?" "2,800 ma'am, bagong labas po kasi ito at gawa sa mamahaling tela." Saglit na natigilan si Lyn. "Really? Maganda sana... kaya lang, medyo luwag sa akin. Wait hahanap ako nang iba." Dumampot ito ng isa at tinanong kung magkano ulit ang presyo. "This Dress?" "850 po 'yan ma'am," tugon ng saleslady. "Okey. I will buy this dress." Inabot nito sa saleslady ang damit."Hindi mo na po ba susukatin ma'am?" tanong muli nito. "No. It's okey. May pupuntahan pa kami e, here's may card." Inabot ang Atm, kinuha
"Coffee... tinimpla ko ito para sa 'yo..." napailing ako. "Mali. Baduy!" Umubo muna ako bago muling nagsalita. "Alam ko na ayaw mo ng coffee, pero baka lang gusto mo... inumin mo na ito please..." Natatawa ako sa sinasabi ko hanggang sa..."Fine. Give me the coffee." Bigla akong napalingon at namutlang bigla ng makita ko sa likod ko si Reyman. Namulang bigla ang mukha ko."Ka-kanina ka pa riyan?" tensyonado kong tanong."Bakit? Importante ba iyon?" Lumapit 'to at kinuha sa kamay ko ang kape. "Ah... e... hi-hindi naman, nagulat lang ako. Ba-bakit ka ba biglang nasulpot? May sa multo ka rin e!" aniya.Hindi ito nagsalita, bagkus ininom nito ang kape mismo sa harapan ko, matapos no'n ay napatingin 'to sa suot ko. Sinipat nito ang kabuoan ko kaya bigla akong nakaramdam ng kaba at pamumula ng mukha. "Nagagandahan na yata siya sa 'kin." Napatungo akong bigla, nahihiya ako sa suot ko."Saan galing iyang damit mo? Saka bakit ba ganiyan ang suot mo?" tanong nito na titig na titig sa akin."A.
Pero mukhang nahirapan ito dahil hindi niya maipasok, madulas nga ito, pero iba pa rin kapag ipapasok na. Saglit ko itong binitawan, kasi lumuhod ito sa harapan ko, hinawi nito ang hita ko at ikiniskis doon ang ulo. Napapikit ako dahil sa init na nararamdaman ko sa pagitan ng hita ko. Hanggang sa, naramdaman ko ang ulong nagpipilit makapasok sa maliit na butas ko. Napakunot noo ako, kasabay nang pagmulat ko'y napatingin ako kay Reyman. Nanginginig ang katawan nito habang pilit na pinapasok ang kanyang pagkalalaki sa akin. Nakaramdam ako ng hapdi, at parang pinupunit ang balat ko. "Hindi naman siguro ako mamamatay niyan, kaya go lang!" sigaw ko sa isip ko.Mayamaya pa'y naramdaman ko ang kirot dulot nang nabitak kong balat. Kasabay noon ang pag-ungol ni Reyman, dahil sa sabik na naramdaman. Muli itong yumakap sa akin pero nakabuka pa rin ang hita ko. Hanggang sa..."Ahhh... shit! Uhhh... Reyman..." ungol ko. Hinalikan ako ni Reyman, habang gumagalaw ito sa ibabaw ko. Matapang ako pero
"Hanggang kailan mo ba ako pasasayahin, Reyman?" "Hanggang may ngipin ka pang-ingingiti," tugon nito.Niyakap ko naman siya at isinandal ang mukha ko sa dibdib niya. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagpapasaya sa 'yo at nagmamahal ng totoo.Natigil ang lambingan namin ng magsalita ang assistant ni Reyman. "Sir, may kaunting problema po tayo," saad nito. Napakunot noo si Reyman, at napaisip. "Problema? Bakit, anong problema?" Nagkatitigan ang dalawa, maging ako ay nawala rin ang ngiti sa labi.Naka-upo ako sa sofa, habang si Reyman at ang assistant nito ay pinag-aaralan ang mga dokumento na nakalagay sa lamesa. May nawawala raw na pera sa kumpanya, at ito ay napermahan daw ni Reyman kaya naman nakalabas ang perang 'di hihigit sa 40% na share. "Sigurado ka bang perma ko iyan? Para kasing hindi ko naman iyan pinermahan. Wala akong nabasa na ganiyan," ani Reyman."Sir, perma mo po ito, pero hindi po ako ang nagpaperma nito sa inyo. Nagtataka lang ako, bakit may perma ninyo ito n
Ilang beses na nga raw siyang napagtripan ng mga taong nagdadaan doon. Binubugbog daw siya at minsan ay iniihian pa habang siya ay natutulog. Nangangalakal na lang daw ito sa ngayon dahil walang tumanggap na trabaho sa kanya, ito ay dahil sa Ama niyang si Mario, patuloy pa rin daw kasi nitong pinahihirapan siya. Lalo akong nakaramdam ng galit sa Ama ko, dahil sa pera nawalan na ito nang pakiramdam para pahalagahan ang mga kaibigan, at pamilya. Nalimutan na nito ang maging mapagbigay sa kapwa. Nakakabagabag lang sa damdamin, na sa kabila ng kayamanang tinatamasa, naging bato ang puso nito. Napatingin ako sa taas, kung saan naroon sa kuwarto si Reyman, hindi ako makapaniwala na ganito kagrabe ang galit niya sa kanyang Ama. Kaya pala naman napakasungit nito at palaging tahimik, may pinagdaanan ito noong bata pa lang siya. Kasalanan 'to ng Ama ko, kaya naman nakasira siya ng pamilya. Sana'y hindi ganito si Reyman. Sana'y kompleto pa ang pamilya nito.Sinubukan kong kausapin si Reyman, n
"Anong pinagsasabi mo?! Pumunta ka ba rito para sirain kami ng Mommy mo? Utos ba iyan sa 'yo ng asawa mo? Para mapilitan akong tanggapin ko siya? Huwag ka nang umasa, Fara! Dahil kahit mamatay pa ako'y hindi ko matatanggap ang lalaking iyan!" singhal ni Dad."Bakit Dad? Dahil ba hindi mo matanggap na si Tito Philip, ang mahal ng babaeng kinasama mo noon? Na nagpakamatay siya dahil hindi niya matanggap na hindi siya gusto ni Tito Phillip, dahil nabuntis mo siya? Kaya galit na galit ka sa kanya, dahil hindi pera ang dahilan, hindi ba? Kun'di isang babae ang pinag-ugatan ng lahat!" Natulala si Mommy sa siniwalat ko. Maging si Dad ay hindi makapaniwala na malalaman ko ang lahat ng nangyari sa kanila. Kaya pala takot siyang mapalapit ako kay Reyman, iyon ay dahil baka malaman ko ang nakaraan na matagal na niyang itinago."Totoo ba 'to, Mario?" nangingilid ang luhang tanong ni Mommy."Hi-hindi totoo iyan! Sinungaling ang anak mo! Siguro'y—" "Magtigil ka!" sigaw ni mom. Natigilan naman si D