"Anong pinagsasabi mo?! Pumunta ka ba rito para sirain kami ng Mommy mo? Utos ba iyan sa 'yo ng asawa mo? Para mapilitan akong tanggapin ko siya? Huwag ka nang umasa, Fara! Dahil kahit mamatay pa ako'y hindi ko matatanggap ang lalaking iyan!" singhal ni Dad."Bakit Dad? Dahil ba hindi mo matanggap na si Tito Philip, ang mahal ng babaeng kinasama mo noon? Na nagpakamatay siya dahil hindi niya matanggap na hindi siya gusto ni Tito Phillip, dahil nabuntis mo siya? Kaya galit na galit ka sa kanya, dahil hindi pera ang dahilan, hindi ba? Kun'di isang babae ang pinag-ugatan ng lahat!" Natulala si Mommy sa siniwalat ko. Maging si Dad ay hindi makapaniwala na malalaman ko ang lahat ng nangyari sa kanila. Kaya pala takot siyang mapalapit ako kay Reyman, iyon ay dahil baka malaman ko ang nakaraan na matagal na niyang itinago."Totoo ba 'to, Mario?" nangingilid ang luhang tanong ni Mommy."Hi-hindi totoo iyan! Sinungaling ang anak mo! Siguro'y—" "Magtigil ka!" sigaw ni mom. Natigilan naman si D
Nagsipagtayuan ang lahat, matapos na tumango ni Reyman."Kumusta, Mr. Fernandez? Ano nang balita sa hinaharap nating problema?" tanong ng isa sa Board Member."Sa ngayon, under observation pa ang lahat ng tauhan dito sa kumpanya, kapag nalaman ko kung sino ang trydor ay hindi ako makakapayag na hindi niya ito pagbayaran." "Mr. Fernandez, habang naghihintay tayo, naaantala ang lahat ng project natin. Baka puwedeng gawan mo ng paraan upang matapalan ang nawawalang pera, nang sa ganun ay sapat lang ang budget ng kumpanya." Suhestyon ni Mr. Roque,"What do you mean, Mr. Roque?"Nakakalokong ngumiti ito bago nagsalita. "Bakit hindi ka na lang makipagsanib sa kumpanya ng asawa mo? Total naman, at pamilya na kayo. Mas malaki ang kikitain natin kung—" Natigilan si Mr. Roque, ng biglang sinuntok ni Reyman ang lamesa at tumayo 'to, tumitig kay Mr. Roque, na para bang hindi nagustuhan ang sinabi."Huwag mong idamay sa problema natin ang ibang kumpanya! Kung wala kang tiwala sa ginagawa kong pa
"Oo manong, sundan mo!" utos ko rito na agad namang tumalima ang dryber. Sa isang bahay huminto ang sasakayan ni Lyn, kitang-kita ko na ibinaba ng assistant niya si Reyman at ipinasok sa bahay na parang walang tao. Sumunod si Lyn papasok ng bahay, nakangiti pa ito na parang may binabalak. "Hayop ka Lyn! Akala mo yata magtatagumpay kang agawin sa akin ang asawa ko, at kasabwat mo pa talaga ang assistant ni Reyman ha! Mga trydor kayo!" Makailang minuto pa'y lumabas na nang bahay ang assistant nito, at siya na ang nag drive ng sasakyan paalis sa lugar. Naiwan sa bahay si Reyman at Lyn, kaya naman nag-iinit ang ulo ko na bumaba ng sasakyan."Hintayin mo ako rito, manong! May babawiin lang ako!" Tumango ang dryber, saka ko tinahak ang daan palapit sa gate ng bahay. Bukas pa iyon dahil hindi naisara ang lock, kaya tuloy-tuloy akong nagpasok sa bahay. Nakakuyom ang palad ko na anumang oras ay pwedeng manampiga ito. Walang sabi-sabing pumasok ako sa bahay, may dalawang pinto roon na sa tingi
Matapos noon ay pinatay ko na ang gripo. Pinahid ko ang luha ko, at pinilit na pinakalma ang pakiramdam. Huminga ng malalim, bago nagpasyang bumalik na sana sa kuwarto. Pero napahinto ako ng paglingon ko'y makita ko si Reyman na nakatayo sa likuran ko. "Reyman? A-anong... ba-bakit ka bumaba? Hindi ka pa magaling." Tumungo ako, upang sana'y hindi niya makita ang namumula kong mata at ilong. Pero huli na ang lahat, dahil nakita niya pala akong umiiyak. "Bakit umiiyak ka?" tanong ni Reyman."Ha? Hindi no! Napuwing lang ako, halika na sa kuwarto mo, hindi ka dapat—" Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla na lang akong hawakan sa kamay ni Reyman, at higitin palapit sa kanya. Napasunod naman ako, dahil bigla na lang niya akong niyakap at napasubsob ako sa dibdib niya. "I'm sorry..." bulong nito.Natameme naman ako, at parang napapaawa sa sarili ko, kaya naluluha na naman ako. "Ano bang sinasabi mo, Reyman?" nagmamaang-maangan kong tanong. "Alam ko na nasasaktan kita, alam ko na nahihirap
"Ang talino mo hon, nagamit mo rin ang pagka Cum Laude mo. Magbibihis lang ako, at pupunta ako ng office. Babalik agad ako, okey?" Tumakbo na ito pataas at mabilis na nagbihis. Wala na naman akong nagawa, paano'y hindi ko rin masisisi si Reyman. Buong buhay niya'y ibinagay niya ang lahat ng oras at panahon sa kumpanya. Hindi ito makakapayag na ganun-gano'n na lang itong babagsak.Matapos na umalis ni Reyman, ay siyang bihis ko rin upang ako naman ang umalis. Kailangan kong komprontahin si Dad, dahil sa ginawa niyang pakikipagsabwatan kay Lyn.Agad akong nagpunta sa bahay."Nasaan si Dad?" tanong ko sa katulong."Nasa kuwarto niya ma'am, doon po nag-iinom at nagkukulong." "Ha? Bakit?" Natigilan ako sa tanong ko. Siguro'y dahil sa pag-alis ni Mom, kaya siya nalulungkot. Napaawa akong bigla kay Dad. Nagtungo ako sa kuwarto niya. Kumatok nang ilang beses pero wala akong tugon na narinig, kaya naman nagpasya na lang akong buksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang ilang bote ng alak, upos
"Kumusta ka mommy?" "Ito, nahihirapan ako anak, namimiss ko ang daddy mo, namimiss ko ang pagsilbihan siya. Hindi ako sanay matulog na wala siya sa tabi ko. Kahit na minsan mainit ang ulo n'ya ay sanay na ako, dahil minahal ko siya kahit na gano'n siya... hindi naman niya pinaramdam sa akin na hindi niya ako mahal, palagi siyang nag-aalala kapag may sakit ako. Palagi niya akong inilalabas sa tuwing may free siyang oras. Hindi ko naramdaman na nagkaroon siya ng ibang babae, dahil ramdam ko naman na mahal niya ako. Hindi ko akalain na magkakaroon pa siya ng babae, sa kabila ng magandang pagsasama namin." Umiyak si Mommy, at maging ako'y naiyak na rin. Hinawakan ko siya sa kamay at pinisil-pisil iyon. "Mahal ko rin po si Dad, kaya naman hindi ko rin siya kayang tiisin," nagtatakang tumitig sa akin si Mommy. "Kasama ko po siya, mom." Nagulat ito at napalingon sa likod. Nakatayo si Dad sa bukana ng pinto. Sinenyasan ko siya, kaya lumapit si Dad at tumayo kami ni Mommy. Nang nasa harapan
“Kim, nariyan na ang inaantay natin,” bulong ni Donna sa akin. Napasulyap naman ako sa tinutukoy nito na si Alisha. Ang babaeng pinaka-sosyal sa party na ’yon.Ang ganda niya sa suot niyang red dress. Bakat na bakat ang hubog ng kaniyang katawan, dahil fitted ito sa kaniya. Nangingintab din ang diamond earrings nito, at ganoon din ang necklace nitong suot na lalong nagpatingkad sa cleavage nitong ubod ng lalim at puti. Ngumiti ako bago lumapit kay Alisha, dala ang isang baso na may lamang wine. “O hi, Alisha! How are you? Long time no see,” bati ko sa kaniya na ikinakunot naman ng noo ng kaharap ko. Mukhang nangangapa ito sa isipan kung kilala ba niya ako.“O my God! Don't tell na nalimutan mo na ako, magka-batch tayo noong college. Remember?” saad ko rito pero napapangiti na lang itong napatango-tango. “I'm sorry, medyo nakalimutan ko kasi ang name mo e. What's your name again?” tanong nito sa akin. “I'm Jane, nalimutan mo na nga ako. Pero it's okay, ikaw tandang-tanda ko
KINABUKASAN ay muli kaming nagkita ni Donna sa labasan upang alamin kung nabenta na ba ang alahas na nakulimbat namin kagabi. Ngunit nakasimangot itong dumating sa aming tagpuan. “Malas talaga ang araw ko ngayon. Hindi kinuha ang necklace dahil masyado raw mahal ang kuwintas na ’to. Binabarat ako kaya naman hindi ko na lang ibinigay,” saad ni Donna na halata pa rin sa mukha nito ang pagkainis na nararamdaman. Nakaupo ako sa mahabang silya at umiinom ng softdrinks. Ito ang almusal ko sa umaga dahil sanay na akong malamig kaagad ang hinahanap pagkakagising ko. Kinuha ko ang necklace at tinitigan ko ang pendant. “Impyernes, maganda talaga ang kuwintas na ito. Sige, hindi muna natin ibebenta ang isang ’to para magamit ko sa mga susunod nating target. Para namang magmukha akong class.” Wala kasi akong borloloy na nilalagay sa katawan, dahil sa pananamit at manipis na make-up na lang ako bumabawi.