Share

Chapter 53 Part 2

    KINABUKASAN ay muli kaming nagkita ni Donna sa labasan upang alamin kung nabenta na ba ang alahas na nakulimbat namin kagabi. Ngunit nakasimangot itong dumating sa aming tagpuan.

    “Malas talaga ang araw ko ngayon. Hindi kinuha ang necklace dahil masyado raw mahal ang kuwintas na ’to. Binabarat ako kaya naman hindi ko na lang ibinigay,” saad ni Donna na halata pa rin sa mukha nito ang pagkainis na nararamdaman.

    Nakaupo ako sa mahabang silya at umiinom ng softdrinks. Ito ang almusal ko sa umaga dahil sanay na akong malamig kaagad ang hinahanap pagkakagising ko.

    Kinuha ko ang necklace at tinitigan ko ang pendant.

    “Impyernes, maganda talaga ang kuwintas na ito. Sige, hindi muna natin ibebenta ang isang ’to para magamit ko sa mga susunod nating target. Para namang magmukha akong class.” Wala kasi akong borloloy na nilalagay sa katawan, dahil sa pananamit at manipis na make-up na lang ako bumabawi.

 
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status