#TarantadongBabae
Kabanata 4 MATAPOS ang trabaho ni Joshua sa opisina ay kaagad siyang nagtungo sa opisina ng ninong niya. Pinatatawag kasi siya nito dahil may importante raw itong sasabihin. Tamang-tama lang dahil makakausap niya ang ninong niya at makakapagpaalam siya na magli-leave muna siya ng ilang linggo para asikasuhin ang pagpapakasal nila ni Alisha. Ilang buwan na kasi siyang kinukulit ni Alisha at kung hindi niya magagawa ito'y muli na namang babalik ito sa ibang bansa upang magtrabaho. Pigilan man niya itong pumunta sa ibang bansa ay wala naman siyang magagawa dahil kahit nga siya ay hindi kayang tuparin ang pangako niyang magpapakasal sila. Ninong, bungad ni Joshua sa pintuan. O, nariyan ka na pala Joshua. Halika, pumasok ka at may importante tayong pag-uusapan. Tumuloy naman si Joshua at komportableng naupo sa harapan ng table nito. Kumusta, Joshua. Congratulations nga pala sa successful ng team nNILALAMIG ako... nanunuot ang lamig sa loob ng katawan ko kaya naman namaluktot ako upang mabawasan ang nararamdaman kong lamig. Pero ganoon pa rin, kaya naman nagmulat na ako ng mata at hinila ko ang kumot na nasa paanan ko lang. Isinaklob ko iyon sa aking katawan hanggang sa aking leeg, kaya naamoy ko ang kakaibang aroma na naamoy mula sa kumot.Napangiti ako dahil kakaiba ang amoy at nakaka-refresh ng pakiramdam. Iba rin pa lang maglaba si Donna.Pero napansin ko na parang iba ang paligid ng kuwarto. Kulay puti ang ding-ding at nakikita ko sa gilid ko ang mga kagamitan na parang hindi pamilyar sa akin.Doon ako napabalikwas nang bangon at kaagad na pinagmasdan ng maayos ang paligid.Nananaginip ba ako? Bakit ang ganda ng kuwartong tinutulugan ko? bulalas ko sa sarili. Pinisil-pisil ko pa ang pisngi ko upang magising ako, ngunit hindi... dahil totoo lahat ang nakkita kot nararanasan. O my God! Anong nangyari? Nasaan ak
MATAPOS maibenta ang mga nakulimbat na relo ay ipinabenta ko na ’yon kay Donna. Natulog maghapon at nang magising ay naroon na si Nanay—nakikiusap na umuwi na ako ng bahay.“Anak, patawarin mo ako kung naglihim kami sa ’yo. Hindi ko pinaalam sa ’yo ang katotohanan dahil natatakot akong umalis ka katulad na lang nito,” umiiyak na saad ni Nanay sa akin.Umiiyak din ako, ngunit tahimik dahil kinikimkim ko lahat ng sama ng loob. Hindi ako tumitingin sa kaniya dahil sa galit na nararamdaman ko.“Kaya pala ganiyan kayo sa akin, palagi ninyong sinasabi na hindi ako nagmana sa sipag ninyo. ’Yon pala ay dahil hindi n'yo ako tunay na anak. Nay, ang sakit malaman na ampon lang pala ako. Ngayon nangangapa ako kung sino ba talaga ako. Saan ako nanggaling, at ano ang tunay kong pagkatao?”“Anak, alam ko na mahirap sa ’yong patawarin ako. Pero nagbabakasakali pa rin ako
NATAWA si Joshua sa sinabi ko, kaya naman nagtatakang napatingin ako sa kaniya. “What's funny?” mataray na tanong ko sa kaniya. Nameywang pa ako dahil parang nairita ako sa tawa niyang iyon. Para kasing nakakaloko e! “First kiss? Really?” Muling tumawa ito, kahit na ang cute-cute niyang tumawa ay napipikon pa rin ako. “Ang kapal mo ha?! Hoy lalaki, hindi mo ako kilala kaya kung ayaw mong maniwala diwag! Tse!” Tumalikod ako at akmang magwo-walk-out na sana nang pigilan niya akong muli sa kamay. “Hep! Hep! Saan ka pupunta? Kung inaakala mo na makakatakas ka pa ngayon, no way! Hindi ko hahayaan na makaalis ka pa, dapat sa 'yo ay makulong para maparusahan ka sa masamang ginagawa mo!” anito. &nb
GALIT na galit ako nang hindi ako sunduin ni Joshua sa bahay. Kaya naman kinabukasan ay ako ang gumawa ng paraan upang magtagpo ulit kami. Pumunta ako sa mismong pinagtatrabahuhan niya upang doon siya komprontahin. “Akala yata ng mokong na ’yon maiisahan niya ako! Hindi niya alam na marami akong plano at walang makakapigil sa akin dahil ako yata si Kim.” Pasakay na sana ako ng elevator nang makasabay ko ang taong pakay ko kung bakit lumalapit ako kay Joshua— si Leo Angon. “O iha, nandito ka pala!” gulat na saad ni Leo. Napangiti ako sa matanda. Pagka-buenas ko nga naman o! Akalain mong magtatagpo ulit kami. “Sir, kumusta po kayo?” bati ko. Pumasok si Leo sa elevator, kaming dalawa l
Kabanata 9 MATAPOS na maituro sa akin ni Gerlie ang mga gagawin ko ay naiwan na ako sa aking sariling table. Si Gerlie ay ang isang empleyado rin ng kumpanya at ito ang inatasan ni Joshua upang magturo sa akin ng mga dapat kung gawin sa araw-araw. Madali naman akong matuto ngunit may ilang mga bagay na hindi ko lubos na maunawaan lalo na’t hindi naman ako nag-aral ng kolehiyo. Sa labas ng malaking opisina ni Joshua nakatayo ang table ko. Walang makakaraan sa kaniyang pintuan na hindi dumadaan sa akin. May sariling computer at may sariling gamit na roon. Halos kompleto na lahat, isa na lang ang kulang. Tumayo ako at pumasok sa personal kitchen, malapit lang iyon sa table ko dahil naroon ang mga personal things ni Joshua. May sarili itong ref, oven, rice cooker, heater at kung anu-ano pang appliances na puwedeng magamit para sa paghahanda ng pagkain. Saad ni Gerlie, h
Chapter 10 MATAPOS ang isang oras ay bumalik na ulit si Joshua sa office. Wala itong dala kaya naman medyo nairita ako.“Nasaan ang coffee ko?” tanong ko sa kaniya.Nakaarko ang kilay na tumingin ito sa akin at galit na nagsalita.“Ang lakas ng loob mong pabilhin ako ng coffee mo! Ano ako utusan mo?! Unang-una sa lahat ako ang boss mo. Kung hindi mo alam ang ibig sabihin no’n mag-resign ka na lang!”“Wow! Ang taray naman, resign kaagad? Hindi ba puwedeng LQ muna bago mag-resign? Okay fine! Kung hindi mo ako binili ay okay lang naman... actually busog pa naman ako. Pumasok ka na sa office mo dahil marami kang papel na dapat permahan. Kukunin ko mamaya kapag tapos mo nang basahin.” Sabay baling ko sa computer, alaala busy ako pero naglalaro lang naman ako.“Tsk!” Inis na tumuloy na ito sa loob ng office niya at pabagsak na isinara ang pintuan. Medyo nagulat p
Chapter 11 “WHAT’s happening here?” Isang tinig ang nagpatigil sa aming dalawa ni Joshua. Napasulyap kaming pareho sa pintuan at nakita namin doon si Sir Leo. “Ni-ninong?!” ani Joshua na kaagad nag-iba ang mood ng mukha. Ako naman ay tahimik na napatungo at hinintay ang susunod na mangyayari. Naglakad si Leo palapit sa amin. Nakangiti pa ito na tila natutuwang makita kaming dalawa. “Ang aga naman ng meeting ninyong dalawa. Sa labas pa lang ay naririnig ko na ang pagdedebate ninyo.” Nakangiti ngunit naroon pa rin sa itsura ang pag-aalala. “Sorry po, Sir Leo. Ako po ang may kasalanan kung bakit nagagalit si Boss Joshua. Hind
Chapter 11 “WHAT’s happening here?” Isang tinig ang nagpatigil sa aming dalawa ni Joshua. Napasulyap kaming pareho sa pintuan at nakita namin doon si Sir Leo. “Ni-ninong?!” ani Joshua na kaagad nag-iba ang mood ng mukha. Ako naman ay tahimik na napatungo at hinintay ang susunod na mangyayari. Naglakad si Leo palapit sa amin. Nakangiti pa ito na tila natutuwang makita kaming dalawa. “Ang aga naman ng meeting ninyong dalawa. Sa labas pa lang ay naririnig ko na ang pagdedebate ninyo.” Nakangiti ngunit naroon pa rin sa itsura ang pag-aalala. “Sorry po, Sir Leo. Ako po ang may kasalanan kung bakit nagagalit si Boss Joshua. Hind