Share

Chapter 49

Matapos noon ay pinatay ko na ang gripo. Pinahid ko ang luha ko, at pinilit na pinakalma ang pakiramdam. Huminga ng malalim, bago nagpasyang bumalik na sana sa kuwarto. Pero napahinto ako ng paglingon ko'y makita ko si Reyman na nakatayo sa likuran ko.

"Reyman? A-anong... ba-bakit ka bumaba? Hindi ka pa magaling." Tumungo ako, upang sana'y hindi niya makita ang namumula kong mata at ilong. Pero huli na ang lahat, dahil nakita niya pala akong umiiyak.

"Bakit umiiyak ka?" tanong ni Reyman.

"Ha? Hindi no! Napuwing lang ako, halika na sa kuwarto mo, hindi ka dapat—" Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla na lang akong hawakan sa kamay ni Reyman, at higitin palapit sa kanya. Napasunod naman ako, dahil bigla na lang niya akong niyakap at napasubsob ako sa dibdib niya.

"I'm sorry..." bulong nito.

Natameme naman ako, at parang napapaawa sa sarili ko, kaya naluluha na naman ako. "Ano bang sinasabi mo, Reyman?" nagmamaang-maangan kong tanong.

"Alam ko na nasasaktan kita, alam ko na nahihirap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Napoleon Rocaberte
good NOVEL ...️...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status