"Coffee... tinimpla ko ito para sa 'yo..." napailing ako. "Mali. Baduy!" Umubo muna ako bago muling nagsalita. "Alam ko na ayaw mo ng coffee, pero baka lang gusto mo... inumin mo na ito please..." Natatawa ako sa sinasabi ko hanggang sa..."Fine. Give me the coffee." Bigla akong napalingon at namutlang bigla ng makita ko sa likod ko si Reyman. Namulang bigla ang mukha ko."Ka-kanina ka pa riyan?" tensyonado kong tanong."Bakit? Importante ba iyon?" Lumapit 'to at kinuha sa kamay ko ang kape. "Ah... e... hi-hindi naman, nagulat lang ako. Ba-bakit ka ba biglang nasulpot? May sa multo ka rin e!" aniya.Hindi ito nagsalita, bagkus ininom nito ang kape mismo sa harapan ko, matapos no'n ay napatingin 'to sa suot ko. Sinipat nito ang kabuoan ko kaya bigla akong nakaramdam ng kaba at pamumula ng mukha. "Nagagandahan na yata siya sa 'kin." Napatungo akong bigla, nahihiya ako sa suot ko."Saan galing iyang damit mo? Saka bakit ba ganiyan ang suot mo?" tanong nito na titig na titig sa akin."A.
Pero mukhang nahirapan ito dahil hindi niya maipasok, madulas nga ito, pero iba pa rin kapag ipapasok na. Saglit ko itong binitawan, kasi lumuhod ito sa harapan ko, hinawi nito ang hita ko at ikiniskis doon ang ulo. Napapikit ako dahil sa init na nararamdaman ko sa pagitan ng hita ko. Hanggang sa, naramdaman ko ang ulong nagpipilit makapasok sa maliit na butas ko. Napakunot noo ako, kasabay nang pagmulat ko'y napatingin ako kay Reyman. Nanginginig ang katawan nito habang pilit na pinapasok ang kanyang pagkalalaki sa akin. Nakaramdam ako ng hapdi, at parang pinupunit ang balat ko. "Hindi naman siguro ako mamamatay niyan, kaya go lang!" sigaw ko sa isip ko.Mayamaya pa'y naramdaman ko ang kirot dulot nang nabitak kong balat. Kasabay noon ang pag-ungol ni Reyman, dahil sa sabik na naramdaman. Muli itong yumakap sa akin pero nakabuka pa rin ang hita ko. Hanggang sa..."Ahhh... shit! Uhhh... Reyman..." ungol ko. Hinalikan ako ni Reyman, habang gumagalaw ito sa ibabaw ko. Matapang ako pero
"Hanggang kailan mo ba ako pasasayahin, Reyman?" "Hanggang may ngipin ka pang-ingingiti," tugon nito.Niyakap ko naman siya at isinandal ang mukha ko sa dibdib niya. Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagpapasaya sa 'yo at nagmamahal ng totoo.Natigil ang lambingan namin ng magsalita ang assistant ni Reyman. "Sir, may kaunting problema po tayo," saad nito. Napakunot noo si Reyman, at napaisip. "Problema? Bakit, anong problema?" Nagkatitigan ang dalawa, maging ako ay nawala rin ang ngiti sa labi.Naka-upo ako sa sofa, habang si Reyman at ang assistant nito ay pinag-aaralan ang mga dokumento na nakalagay sa lamesa. May nawawala raw na pera sa kumpanya, at ito ay napermahan daw ni Reyman kaya naman nakalabas ang perang 'di hihigit sa 40% na share. "Sigurado ka bang perma ko iyan? Para kasing hindi ko naman iyan pinermahan. Wala akong nabasa na ganiyan," ani Reyman."Sir, perma mo po ito, pero hindi po ako ang nagpaperma nito sa inyo. Nagtataka lang ako, bakit may perma ninyo ito n
Ilang beses na nga raw siyang napagtripan ng mga taong nagdadaan doon. Binubugbog daw siya at minsan ay iniihian pa habang siya ay natutulog. Nangangalakal na lang daw ito sa ngayon dahil walang tumanggap na trabaho sa kanya, ito ay dahil sa Ama niyang si Mario, patuloy pa rin daw kasi nitong pinahihirapan siya. Lalo akong nakaramdam ng galit sa Ama ko, dahil sa pera nawalan na ito nang pakiramdam para pahalagahan ang mga kaibigan, at pamilya. Nalimutan na nito ang maging mapagbigay sa kapwa. Nakakabagabag lang sa damdamin, na sa kabila ng kayamanang tinatamasa, naging bato ang puso nito. Napatingin ako sa taas, kung saan naroon sa kuwarto si Reyman, hindi ako makapaniwala na ganito kagrabe ang galit niya sa kanyang Ama. Kaya pala naman napakasungit nito at palaging tahimik, may pinagdaanan ito noong bata pa lang siya. Kasalanan 'to ng Ama ko, kaya naman nakasira siya ng pamilya. Sana'y hindi ganito si Reyman. Sana'y kompleto pa ang pamilya nito.Sinubukan kong kausapin si Reyman, n
"Anong pinagsasabi mo?! Pumunta ka ba rito para sirain kami ng Mommy mo? Utos ba iyan sa 'yo ng asawa mo? Para mapilitan akong tanggapin ko siya? Huwag ka nang umasa, Fara! Dahil kahit mamatay pa ako'y hindi ko matatanggap ang lalaking iyan!" singhal ni Dad."Bakit Dad? Dahil ba hindi mo matanggap na si Tito Philip, ang mahal ng babaeng kinasama mo noon? Na nagpakamatay siya dahil hindi niya matanggap na hindi siya gusto ni Tito Phillip, dahil nabuntis mo siya? Kaya galit na galit ka sa kanya, dahil hindi pera ang dahilan, hindi ba? Kun'di isang babae ang pinag-ugatan ng lahat!" Natulala si Mommy sa siniwalat ko. Maging si Dad ay hindi makapaniwala na malalaman ko ang lahat ng nangyari sa kanila. Kaya pala takot siyang mapalapit ako kay Reyman, iyon ay dahil baka malaman ko ang nakaraan na matagal na niyang itinago."Totoo ba 'to, Mario?" nangingilid ang luhang tanong ni Mommy."Hi-hindi totoo iyan! Sinungaling ang anak mo! Siguro'y—" "Magtigil ka!" sigaw ni mom. Natigilan naman si D
Nagsipagtayuan ang lahat, matapos na tumango ni Reyman."Kumusta, Mr. Fernandez? Ano nang balita sa hinaharap nating problema?" tanong ng isa sa Board Member."Sa ngayon, under observation pa ang lahat ng tauhan dito sa kumpanya, kapag nalaman ko kung sino ang trydor ay hindi ako makakapayag na hindi niya ito pagbayaran." "Mr. Fernandez, habang naghihintay tayo, naaantala ang lahat ng project natin. Baka puwedeng gawan mo ng paraan upang matapalan ang nawawalang pera, nang sa ganun ay sapat lang ang budget ng kumpanya." Suhestyon ni Mr. Roque,"What do you mean, Mr. Roque?"Nakakalokong ngumiti ito bago nagsalita. "Bakit hindi ka na lang makipagsanib sa kumpanya ng asawa mo? Total naman, at pamilya na kayo. Mas malaki ang kikitain natin kung—" Natigilan si Mr. Roque, ng biglang sinuntok ni Reyman ang lamesa at tumayo 'to, tumitig kay Mr. Roque, na para bang hindi nagustuhan ang sinabi."Huwag mong idamay sa problema natin ang ibang kumpanya! Kung wala kang tiwala sa ginagawa kong pa
"Oo manong, sundan mo!" utos ko rito na agad namang tumalima ang dryber. Sa isang bahay huminto ang sasakayan ni Lyn, kitang-kita ko na ibinaba ng assistant niya si Reyman at ipinasok sa bahay na parang walang tao. Sumunod si Lyn papasok ng bahay, nakangiti pa ito na parang may binabalak. "Hayop ka Lyn! Akala mo yata magtatagumpay kang agawin sa akin ang asawa ko, at kasabwat mo pa talaga ang assistant ni Reyman ha! Mga trydor kayo!" Makailang minuto pa'y lumabas na nang bahay ang assistant nito, at siya na ang nag drive ng sasakyan paalis sa lugar. Naiwan sa bahay si Reyman at Lyn, kaya naman nag-iinit ang ulo ko na bumaba ng sasakyan."Hintayin mo ako rito, manong! May babawiin lang ako!" Tumango ang dryber, saka ko tinahak ang daan palapit sa gate ng bahay. Bukas pa iyon dahil hindi naisara ang lock, kaya tuloy-tuloy akong nagpasok sa bahay. Nakakuyom ang palad ko na anumang oras ay pwedeng manampiga ito. Walang sabi-sabing pumasok ako sa bahay, may dalawang pinto roon na sa tingi
Matapos noon ay pinatay ko na ang gripo. Pinahid ko ang luha ko, at pinilit na pinakalma ang pakiramdam. Huminga ng malalim, bago nagpasyang bumalik na sana sa kuwarto. Pero napahinto ako ng paglingon ko'y makita ko si Reyman na nakatayo sa likuran ko. "Reyman? A-anong... ba-bakit ka bumaba? Hindi ka pa magaling." Tumungo ako, upang sana'y hindi niya makita ang namumula kong mata at ilong. Pero huli na ang lahat, dahil nakita niya pala akong umiiyak. "Bakit umiiyak ka?" tanong ni Reyman."Ha? Hindi no! Napuwing lang ako, halika na sa kuwarto mo, hindi ka dapat—" Natigilan ako sa pagsasalita ng bigla na lang akong hawakan sa kamay ni Reyman, at higitin palapit sa kanya. Napasunod naman ako, dahil bigla na lang niya akong niyakap at napasubsob ako sa dibdib niya. "I'm sorry..." bulong nito.Natameme naman ako, at parang napapaawa sa sarili ko, kaya naluluha na naman ako. "Ano bang sinasabi mo, Reyman?" nagmamaang-maangan kong tanong. "Alam ko na nasasaktan kita, alam ko na nahihirap