Tumango ito bago nagpasyang umalis nang kuwarto ko. Napabuntong-hininga ako matapos na mawala sa harapan ko si sir, medyo kumalma na ako dahil hindi pa niya alam ang lahat. Alam kong darating ang oras na sasabihin iyon ni Lyn, sana naman manatiling tahimik si Lyn. Pagpasok ni Reyman sa kuwarto niya ay isinara niya agad ang pinto. Bago naupo sa kama at saglit na nag-isip. Oo, hindi siya naniniwala na walang problema si Affy, dahil hindi siya manhid para hindi maramdaman iyon. Napatingin siya sa kamay niya at naalala niya ang nakalipas. Nang yakapin siya ni Affy ay iba ang naramdaman niya, medyo nainis pa siya nang matapos ang tagpong iyon at lumayo na sa kanya si Affy. Gusto sana niyang gantihan ito nang yakap pero ayaw naman niyang mag-isip ito nang kung ano sa kanya. Hindi niya magagawang gumawa ng masama kay Affy lalo na at dadalawa lang sila sa bahay niya. Kinabukasan; Nakarinig muli ako nang doorbell sa labas nang bahay. Kasalukuyan akong nasa sala noon at nagpupunas nang mg
"Sir?" sambit ko."Sinungaling ka rin talaga no!" anito na umarko pa ang kilay. Bigla akong kinabahan, sinabi na yata ni Lyn ang lahat."Sir..." napatungo ako. "Hindi mo naman kailangang bolahin si Lyn para lang magpa-impress. Dapat nga, sinabi mo ang totoo," anito na sadyang kinugulat ko. Nagtaka ako, akala ko'y alam na niya ang lahat. Iyon pala ay sa ulam ang tinutukoy ni sir, napangiti akong bigla. At ganoon din si sir sa akin. Ang guwapo talaga niya kapag nakangiti.Napabuntong-hininga ito, bago kumuha nang baso at nagtimpla nang kape. Sa 'di kalayuan, tanaw pala kami ni Lyn na nagngingitian, kaya ngitngit na ngitngit 'to sa galit."Talagang sinusubukan ako nang babaeng 'to ah!" bulong ni Lyn.Lumabas na nang kusina si Reyman at naupong muli sa sofa. Hindi niya gustong paasahin si Lyn, pero hindi rin niya 'to maitaboy."Reyman, may gusto ka ba sa katulong mo?" tanong ni Lyn. Natigilan si Reyman sa tanong nito.Tumingin si Reyman, tinitigan si Lyn bago muling bumaling sa tv. "Com
"Ano bang problema Affy? Bakit madalas kong maramdaman na napakalungkot mo. Bakit hindi mo sabihin sa akin ang nararamdaman mo't dinadaan mo na lang sa iyak? May problema ba sa pamilya mo? May nararamdaman ka bang kalungkutan? Bakit ba gusto kong malaman kung bakit ka nagkakaganyan?" Kinuyom ni Reyman ang kamay niya, naiinis siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa. Gusto sana niyang puntahan si Affy para alamin kung ano ang bumabagabag sa isip nito. Pero pinanghihinaan siya nang kalooban dahil alam niyang mapapahiya lang siya. Gusto sana niyang sa balikat niya umiyak si Affy, para naman mahaplos niya ang likod nito at kahit papaano'y maramdaman niyang dinadamayan niya ito. Pero paano? Paano niya magagawa iyon? Kahit na nahihirapan ang kalooban ay nagpasya na siyang muling bumaba upang magpahangin sa labas. Kailangan niyang mag-isip, upang sa ganoon ay kumalma ang pakiramdam niya. Hindi man aminin ni Reyman sa sarili, pakiramdam niya ay nagkakaroon na siya nang interes kay Affy,
Napasulyap ako sa bintana, at lumapit ako roon upang tingnan ang madilim na kalangitan. Kung ilalarawan ko ang buhay ko para akong isang bituin. Nagniningning sa kalangitan pero napapalibutan nang madilim na kapaligiran. Hindi ko matanaw ang sikat nang araw, ang araw na siyang pag-asa ko sana. Buong buhay ko nakabihag ako sa desisyon ni Dad. Naging sunod-sunuran ako na parang walang sariling buhay. Oo siya ang nagbigay nang buhay sa akin. Kompleto ako sa lahat nang bagay, sagana sa pagkain, lahat nang naisin kong materyal na bagay ay naibibigay, ngunit isa lang ang hindi ko makamit. Ang kalayaan, ang kayaan na siyang magiging sanhi sana nang kasiyahan ko. Nakalaya nga ako, pero pakiramdam ko nakakulong pa rin ako, dahil ano mang oras ay makikita at matatagpuan na ako ni Dad. Lalo na ngayon na ipinakakasal pa ako sa hindi ko gusto, paano pa ako makakalaya sa kadiliman? Pero ngayon na wala nga ako sa amin, nakatakas nga ako sa kamay ni Dad, narito nga ako sa malayo at nakakagalaw nang m
"Common bro, wala kang dapat ipangamba. Easy lang naman iyan kung tutuusin, okey bibigyan kita nang idea. Tayong mga lalaki, palagi natin iniisip kung bakit sila nagkakaganoon, samantalang silang mga babae naman ay iniisip nila kung paano ba nila tayo pakikisamahan. Hindi lang tayo ang naaapektuhan, ganoon rin sila. Pero kung sakaling ganiyan ang nararanasan mo. Don't give up bro, napakaraming way para maresolba ang problema. Teka nga muna, kailan mo ba ako ihaharap sa babaeng iyan? Medyo naiintriga kasi ako, gusto ko na siyang mameet.""Hindi ko alam kung nasaan siya, at mukhang hindi na siya babalik," tugon niya."What do you mean bro? Bigla na lang siyang naglahong parang bula? Bakit? Ano bang pinagmulan nang away ninyo?" curious na tanong nito."Bro, hindi mo mauunawaan, bigla na lang siyang dumating sa bahay ko. Tapos bigla din siyang umalis. Para siyang isang bagyo na ginulo niya ang buhay ko, tapos aalis siya at mag-iiwan nang marka?" saad niya."Hahaha. So you mean, nagsama na
"Alam mo kung wala kang sasabihin, huwag kang manggambala sa akin!" galit na sambit ni Reyman. Kaya agad ko nang pinatay ang cellphone. Gusto ko sanang kalimutan na si Reyman, pero itong puso ko'y pilit pa ring gumagawa nang mga bagay na maglalapit sa aming dalawa. Bumukas ang pinto at bumungad ang mga babaeng mag-aayos sa akin. Dala ang mga gamit nila ay sinimulang ayusin ang buhok ko."Napakaganda mo naman ma'am, pero nakikita ko sa mata mo ang kalungkutan," sambit ng babaeng make-up artist."Uy! Huwag mo ngang takutin si Ma'am, ginagamit mo na naman ang pagkamanghuhula mo!" bulyaw ng isa pang babae na nag-aayos nang buhok ko."Okey lang. Tama naman siya, hindi talaga ako masaya." Malungkot na sabi ko, kaya't nalungkot din ang mga kaharap ko. "Ma'am, sayang naman ang ganda mo kung hindi ka ngingiti. Pero kung lovelife nga ang problema ay nauunawaan kita ma'am," anito. "Buti pa kayo, tiningnan lang ninyo ako'y alam na ninyo na may problema ako. Samantalang ang mga magulang ko. Kah
"Hello? Hello!" Ngunit wala siyang marinig na tugon. Niloloko ba siya ng tumawag sa kanya? Sino naman kaya 'tong nang-aabala sa kanya? Tatawag—pero hindi magsasalita? Inis na pinagsabihan niya ito. Pero nakarinig siya nang isang sinok na parang umiiyak, kaya nagtaka siya at patuloy na pinakinggan ang nasa kabilang linya. Pero binaba niya iyon matapos marinig ko ang sinok na pumukol sa isipan ko, parang kilala ko ang sinok na iyon? Siya lang ang narinig kong umiiyak, at sumisinok sa tuwing iiyak. "Hindi kaya... hindi kaya si Affy iyon?" Gusto sana niyang tawagan ito upang tanungin kung bakit siya umalis, pero hindi naman niya alam kung paano, dahil nga walang rumihistro na numero, wala siyang magawa at inis na napasandal sa sasakyan. "Bakit ba nagpaparamdam pa siya tapos hindi naman niya ako kakausapin? Hindi ba niya alam kung anong nararamdaman ko ngayon? Lalo niya akong pinahihirapan!" Sumakay siya sa sasakyan, ngunit hindi niya agad pinaandar 'to. Nakatitig siya sa unahan nang sas
Hanggang sa magsipagpasukan na ang lahat. Nanatili siyang nakatalikod sa pinto, at narinig pa niya ang tawag ng kanyang kaibigan na nasa likuran na niya."Bro!" tawag ni Miguel. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga bago lakas loob na tumayo, at hinarap ang dalawa. Biglang huminto ang mundo ni Reyman nang makita niya ang babaeng pakakasalan ni Miguel. Maging ang paghinga niya'y parang kinapos pa, dahil hindi niya inaasahan na si Fara, at si Affy ay iisa. Nagulat din si Fara, dahil hindi niya inaasahan na makikita niya si Reyman sa party. Nanghihina ang tuhod nito at nangilid ang luha niyang bigla. Gusto sana niyang mag-explain dito. Pero nakita niyang napapailing si Reyman na napaatras pa. "Bro, she is my fiancee... Fara pabolosa." Pakilala sa kanya ni Miguel. Nanatiling nakatitig si Reyman kay Fara, upang hindi makita ni Reyman ang nagbabadyang luha na gustong pumatak sa mata niya ay napatungo ito, bago inilahad ang kamay upang kamayan si Reyman. "Fara," pakilala niya sa s
#TARANTADONG_BABAE#LAST_CHAPTERKabanata 29 ISANG mainit na gabi ang pinagsaluhan naming dalawa ni Joshua. Sa pag-aakala kong magiging simpleng gabi lang ito’y doon ako nagkamali. Isang bagay na natuklasan ko kaya muling nagkaroon ng maraming katanungan sa aking isipan.“Are you ready?” bulong nito sa akin matapos ang mainit naming paghahalikan. Magkalapat ang aming katawan, parehong walang saplot kaya ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nito, lalo tuloy akong nagiging mapusok dahil nagiging sabik ako sa mga mangyayari.Tumango ako bilang tugon kay Joshua, kaya mabilis itong nagsimula. Akala ko puro sarap lang ang mangyayari ngunit nagkamali ako. Dumaloy ang sakit sa aking pagkababae ng magsimula ng ibaon ni Joshua ang kaniyang pagkalalaki. Medyo napaatras pa ako dahil sa pag-aakala na baka sala lang ang pagpasok nito, ngunit talagang naiiyak ako dahil ramdam na ramdam kong pinupunit ang aking ba
Kabanata 28 NANG matapos akong magpasukat ay nagtungo naman kami ni Donna sa office. Gusto ko lang makita si Joshua dahil ilang araw na itong abala sa trabaho.“Ikaw na lang muna ang umakyat sa taas may pupuntahan lang ako,” paalam ni Donna sa akin.“Ha? Saan ka pupunta?”“May tatapusin lang akong trabaho— naiwan kong trabaho kahapon.” Pagkasabi nito ay dali-dali na itong umalis. Napakunot-noo na lang ako sa ginawa ni Donna. Ayaw lang niya siguro akong samahan sa loob.Nagtuloy na ako papuntang elevator at nang magbukas iyon ay kaagad na akong pumasok. Mag-isa lang ako sa loob, tila pumapanig sa akin ang panahon. Naaalala ko pa ’yong nangyari sa akin noong nakaraan. Kung paano ako ipinahiya ni Alisha. Ganoon pa man ay gagampanan ko na lang ang nagawa ko, total naman ginawa ko lang iyon para mailayo na rin si Joshua kay Alisha.Tumunog na ang operato
Kabanata 27 ILANG ORAS ang lumipas ngunit wala pa rin si Joshua. Umalis kasi ito kasama si Alisha. Siguro'y naisip ni Joshua na umalis upang mailayo si Alisha sa akin."Ano kayang nangyari? Bakit hanggang ngayon, hindi pa sila bumabalik?" Pabalik-balik ako sa bintana upang alamin kung nariyan na si Joshua. Ngunit palagi akong bigo. Inabot na ako ng gabi sa paghihintay ay wala pa ring Joshua na dumadating, kaya nagpasya na akong umalis sa bahay ni Joshua. Nag-taxi na lang ako upang makauwi sa bahay. Pagdating sa bahay ay si Uncle ang kaagad kong nasalubong. Nag-aalala itong lumapit at nagtanong sa akin. "Iha, are you alright? Nabalitaan ko ang nangyari kanina, sinubukan kong tawagan ka pero hindi mo naman sinasagot ang phone mo.""Sorry po, Uncle Leo. Naiwan ko po 'yong phone ko sa office. Okay naman po ako gusto ko lang po magpahinga ngayon. Excuse me po..." Malungkot na umakyat ako sa hagdan patungo sa kuwarto. Pagdating sa
Kabanata 26 DINALA ako ni Joshua sa bahay niya, kung saan solo na naman namin ang isa’t isa. Pinaupo ako ni Joshua sa sofa.“Maupo ka lang diyan, kukuha ako ng yelo.”Naupo naman ako sa upuan at hinintay si Joshua na nagpunta sa kusina. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari sa akin ito. First time kong hindi gumanti sa kaaway ko. Siguro ay dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko.Mayamaya pa'y dumating na si Joshua. Umupo ito sa tabi ko at hinawi ang buhok ko na nakataklob sa aking noo.“A-anong gagawin mo?” tanong ko.“May bukol ka sa noo, lalagyan ko ng yelo para bumalik sa dati.” Inilapat nito ang yelo sa noo ko at doon ko lang naramdaman na nagkaroon pala ako ng bukol. Medyo manhid pa kasi ang ulo ko dahil sa pagsabunot sa akin ni Alisha. Parang biglang humapdi ang mukha ko. May maliliit Palawan akong kalmot sa noo. Mabuti na lang at hindi nabawasan ang ganda ko ka
Kabanata 25 PAGMULAT ng mata ko’y si Joshua ang una kong nakita.“Hanggang sa panaginip, ikaw pa rin ang nakikita ko. Sana hindi na ako magising...” saad ko sa sarili ko.Naalipungatan ito dahil sa pagbulong ko. Napatingin ito sa akin at napatitig.Nagkurap-kurap ako ng mata.“Bakit parang totoo ka?” tanong ko sa kaniya.Hindi ito nagsalita, bagkus hinaplos nito ang mukha ko.Naramdaman ko ang kamay nito, kaya mabilis akong napabangon.“Hindi ito panaginip?!” gulat na gulat kong tanong.Doon na tumambad sa akin ang hubad na katawan ko. Ganoon din ito na naka-boxer short lang ang pang-ibaba.“O my God! A-anong nangyari?!” Hinila ko ang blanket at siyang itinabon sa katawan ko. Pasalamat na lang ako at nakasuot ako ng panty. Tanging iyon lang ang natabunan.Seryoso ang mukha nitong napatitig sa akin.&nbs
#tarantadong_babae_updatesKabanata 24 NAPAHINTO ito at muling napatitig sa akin, para ko itong nahi-hypnotize. Napatango-tango ito at muling naupo sa kaniyang inuupuan.Napangiti ako bago nagtungo sa swimming pool. Talagang nagpapa-cute ako sa kaniya. Alam kong nakatitig siya sa akin habang nagsi-swimming ako. At iyon ang gustong-gusto ko— ang makuha ko ang atensyon niya. Humanda ka sa akin, sisiguraduhin kong mababaliw ka sa akin at makakalimutan mo iyang Alisha mo.Ilang minuto ang lumipas, nagsawa na ako sa paglalangoy. Umahon na ako sa tubig, pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang abutan ako ni Joshua ng towel.“Sa-salamat.” Inabot ko ang tuwalya at isinaklob sa katawan ko.“Ang sarap maligo, kung sana ay naligo ka... E ’di sana'y nawala iyang init ng katawan mo.”Napakunot-noo ito sa sinabi ko, pero hindi nagsalita. Baka nahuli nito ang ibig kong
HALOS malaglag ang panga ko sa sinabi ni Uncle Leo. Hindi man lang ako tinanong nito bago siya nagdesisyon, kaya parang nakaramdam ako ng pagkadismaya.“May problema ba sa pagsama sa 'yo ni Joshua, ha iha?” tanong nito sa akin.“Wa-wala naman po, baka lang po kasi makaabala ako sa kaniya. Kailangan po siya sa office hindi po ba?”“No iha. Ako na bahala sa office ngayon. Sa ngayon, gusto ko munang matapos ’yong pinaggagawa ko sa iyo.”Napatingin ako kay Joshua. Nahuli ko ang mata nitong nakatitig sa akin. Kaya parang nailang ako sa suot ko. Nakapantalon at t-shirt lang naman ako. Ito ang sinuot ko ngayon dahil feeling ko, masyado namang pangit ang outfit kung naka-dress ako or naka-short.“So may problema pa ba, iha?” muling tanong ni Uncle sa akin ng hindi ako kaagad nakasagot.“Wala po. Sige, Uncle. Aalis na po kami para makarating kaagad
#TARANTADONG_BABAE UPDATESKabanata 22 ILANG ORAS din akong ginambala ng utak ko, palaging laman noon ay Joshua. Paulit-ulit kong naaalala ang ginawa ko. Nahihiya pa rin ako sa sarili ko kapag naiisip ko iyon. Ganoon na ba ako kadesperada, at tinangka ko siyang halikan?Nagulat na lang ako nang biglang may nagsalita sa harapan ko.“Ano girl, tulala?” nakangising pukaw sa akin ni Donna.“Kanina ka pa ba riyan?!” gulat na gulat kong tanong.“Oo. Kanina pa, ano bang iniisip mo't hindi mo naramdaman ang pagpasok ko sa opisina mo ha?”“Ha? Ah, wala naman... medyo hang over lang siguro.”Saka ko lang napansin na may dala itong paper bag.“Ano iyan?” tanong ko.“Lunch na kaya, wala ka bang balak kumain? Anyways, alam ko naman na ganito ang mangyayari, kaya heto... may dala akong pagkain para sa ating dalawa.” Inil
Tarantadong BabaeKabanata 21 “WILBERT?! A-anong ginagawa mo rito?” gulat na tanong.“Katulad ng ginagawa mo, nagpapalipas ng oras— umiinom upang saglit na makalimot.” Ngumiti ito sabay lagok ng alak.“Ah...” tamad kong sagot.“Mukhang mabigat ang problema mo ngayon a, may maitutulong ba ako?” anito.“Wala naman, nagpapalipas lang ako ng oras.”Hindi ko ugaling i-share sa iba ang nararamdaman ko—lalo na kay Wilbert na alam kong may pagtingin din sa akin.“Ibang-iba ka na talaga ngayon, Kim.”“Ha? Anong iba? Ako pa rin naman ito...” Ngumiti ako ng bahagya.“No. I mean malayong-malayo na ang Kimberly na nakilala ko noon kaysa ngayon. Look at you now, lalo kang gumanda sa paningin ko. Kung noon ay hangang-hanga na ako sa 'yo, ano pa kaya ngayon?”Napangiti ako sa sinabi