Share

CHAPTER 4

AMBER RIZALYN JOY...

Nagsusumiksik s'ya sa ilalim ng isang bangketa para magtago. Sana hindi lang s'ya masundan ng mga lalaki.

Nanginginig s'ya sa takot at sa lamig na rin. Mabuti na lang at suot n'ya pa rin ang jacket na ibinigay sa kan'ya kanina ng ninang Fely n'ya.

Ang bag kung saan nakalagay ang kan'yang mga damit ay naiwan n'ya kanina at takot na s'yang balikan pa ito at baka kung anong gawin sa kan'ya ng mga lalaki.

Namaluktot s'yang nakatulog sa ilalim ng bangketa at nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng kung sino.

"Hoy umalis ka d'yan! Ginawa mong tulogan ang tindahan ko, alis," pagsusumigaw ng isang matabang ali. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin at napagtanto na tindahan pala ng mga gulay at kung ano-ano pa ang napuntahan n'ya kagabi.

Lumabas s'ya mula sa pagtatago sa ilalim at humingi ng pasensya sa masungit na ali. Naglakad-lakad s'ya sa paligid at nararamdaman nya ang pagkalam ng kan'yang sikmura.

Paano na s'ya kakain ngayon eh wala na ang pera na ibinigay sa kan'ya ng ninang n'ya. Naisipan n'yang balikan ang inupoan n'ya kagabi at nagbabasakaling naroon pa ang kan'yang bag ngunit nanghina s'ya ng makita na wala na ito sa upoan na pinag-iwanan n'ya kagabi.

Nanlumo s'yang napaupo at iniisip kung ano ang gagawin n'ya para mabuhay sa ganitong sitwasyon.

Lumipas pa ang mga oras at magtatakipsilim na naman. Wala pa s'yang kain simula umaga. Ilang beses na din s'yang naiyak dahil sa kan'yang sitwasyon.

Marami-rami pa ang mga tao sa paligid. May isang nag-iihaw sa kanto at kumalam ang kan'yang sikmura ng maamoy ang mabangong amoy ng iniihaw nito.

Dahan-dahan s'yang lumapit doon at nakita n'yang isang matanda ang natitinda. Napalunok s'ya ng laway habang nakatingin sa mga karne na niluluto nito.

"Oh ineng bibili ka ba?" tanong ng matanda sa kan'ya. Umiling s'ya sa matanda bilang tugon.

"Pasensya na po kayo lola wala po kasi akong pera," nahihiyang sabi n'ya rito.

"Gusto mo ba?" tanong nito habang may bitbit na pamaypay para sa mga iniihaw nito.

"W-Wala pa po kasi akong kain simula kahapon, b-baka po pwedeng makahingi kahit isa lang," nakayukong sabi n'ya rito.Hindi naman sumagot ang matanda at hindi n'ya rin nakikita ang reaction ng mukha nito dahil nakayuko lang s'ya at hiyang-hiya sa sarili at sa matanda.

"Oh s'ya ano pang hinihintay mo, halika ka na," tawag nito sa kan'ya. Umangat s'ya ng tingin at nakitang may inilagay itong mga stick ng inihaw sa maliit na mesa na nasa likoran ng ihawan at may kanin din sa isang plato.

"P-Papakainin n'yo po ako l-lola?" naiiyak na tanong n'ya rito dahil hindi s'ya makapaniwala na bibigyan s'ya nito ng pagkain.

"Sabi mo hindi ka pa kumakain simula kahapon kaya halika na, umupo ka na dito at kumain ka," aya sa kan'ya ng ginang. Hindi na s'ya nagpatumpik-tumpik pa, agad s'yang lumapit dito at naupo sa upoan.

"Maraming salamat po lola," tumutulo ang mga luha na pasasalamat n'ya rito habang ang mga mata ay nasa pagkain na nasa kan'yang likuran harapan .

"Oh s'ya tama na ang iyak kumain ka na muna d'yan at mag-iihaw pa ako," bilin nito sa kan'ya at bumalik na sa harap ng mga inihaw nito.

"Salamat po," mahinang pasasalamat n'ya rito at nagsimula ng kumain. Sobrang gutom na gutom s'ya at laking tuwa n'ya na may naawa sa kan'yang matanda. Mabilis n'yang naubos ang pagkain at sobrang nabusog din s'ya.

Hinimas n'ya ang t'yan at tipid na ngumiti.

"May naipakain na si nanay sayo baby, sana bukas may magbibigay pa rin sa atin ng pagkain," malungkot na pagkausap n'ya rito. Maya-maya pa ay dumami ang mga tao na bumibili ng inihaw at mukhang nahihirapan na ang matanda dahil sa dami ng order.

Mag-isa lang kasi ito at walang ibang tumutulong kaya nagpasya s'yang tumayo at nilapitan ito.

"Lola pwede ko ba kayong tulongan?" tanong n'ya rito. Umangat naman ito ng tingin sa kan'ya at nagtanong.

"Sigurado ka ba? Hindi naman kita siningil sa kinain mo kaya hindi mo na kailangan na magtrabaho dito," ang matanda sa kan'ya.

"Masaya po akong matulongan kayo lola kasi po pinakain n'yo ako, sige na po," pamimilit n'ya pa rito.

"Oh s'ya sige ikaw ang bahala. Oh ikaw doon sa harap para kumuha ng order, kasi mukhang hindi ka naman sanay sa ganitong trabaho, siguro sa pagsusulat mas magaling ka kaya doon ka sa harap," utos nito sa kan'ya. Ngumiti s'ya rito bago tumalikod at pumunta sa harapan.

Kinuha n'ya ang maliit na mga papel na ginupit-gupit nito para susulatan ng mga order at nagsimula ng magtanong sa mga nakapila kung ano ang mga order nila.

Maya-maya pa ay may dumating na grupo ng mga kalalakihan na sa tantya n'ya ay hindi nalalayo ang edad sa kan'ya. Siguro matatanda lang ang mga ito ng tatlo hanggang apat na taon sa kan'ya.

"Hello po ano po ang order n'yo?" tanong n'ya sa mga ito.

"Oi ang ganda naman ng tindera. Bago ka lang dito Miss? Ngayon lang kita nakita eh," tanong ng isang lalaki.

"Ahmmm, opo," tipid na sagot n'ya rito.

"Maka opo ka naman sa akin, hindi naman ako ganon katanda ah," reklamo nito.

"Hoy Red para kang si gago, mag order ka na nga d'yan," singhal ng isang kasama nito.

"Shut your fvcking smelly mouth Nicollai," balik singhal ng lalaki na kaharap n'ya na tinawag na Red ng kasama nito.

"Ok Miss bigyan mo kami ng fifty sticks ng pork barbecue," paunang order nito.

"Fifty sticks?" gulat na tanong n'ya. Tinaasan naman s'ya nito ng kilay at kinindatan.

"Yes Miss, fifty sticks tapos dagdagan mo na ng isaw, betamax at chicken feet," dagdag pa nito sa inorder.

"Sige ho, iyan lang ho ba lahat?" s'ya sa lalaki.

"Iyan na lahat Miss, wait ha tatawagin ko ang magbabayad. Hoy HJ lumapit ka rito," tawag nito sa isa sa mga kaibigan.

Natigilan s'ya ng marinig ang pangalang HJ. Bakit palagi n'ya itong naririnig at ngayon ay papalapit sa kan'ya ang tinawag ng lalaki na HJ.

"What?" tanong nito sa kaibigan. Biglang kumabog ng malakas ang kan'yang dibdib ng masilayan ang gwapong mukha ng tinawag ng lalaking customer n'ya na HJ.

"Bayaran mo lang lahat ng yan," utos ng lalaking umorder.

"P*****a ka pula bakit ako ang magbabayad ha? Eh ikaw tong order ng order tapos ako ang pagbayarin mo? Miss magkano lahat ng inorder ng gagong ito?"

"Biglang tumigil ang lahat ng masilayan n'ya ng harap-harapan ang lalaking nagngangalang HJ. Hindi s'ya nakahuma at tanging nakatingin lamang sa gwapong mukha nito.

"Miss alam kong gwapo ako pero baka pwedeng pakibilang na ng babayaran namin para makapagbayad na itong tukmol na ito," seryosong utos nito sa kan'ya na s'yang pumukaw sa pagkatulala n'ya.

Mga Comments (20)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
talagang ang tadhana lagi kayong pinagtatagpo,naiyak ako sa sinapit ni Amber grabe yong parents nya talagang pinalayas ng walang dala na kahit ano
goodnovel comment avatar
Jenie Celeste Gabrido
ohh nkalimutan mo na c amber
goodnovel comment avatar
Tria 0911
salamat po Author ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status