HOWALD JACOB (HJ)...
Bakasyon nila at wala silang pasok kaya naisipan nilang magkakaibigan na pumunta sa probinsya para maiba naman.Nagkasundo sila na sa probinsya ng mommy n'ya magbabakasyon dahil maganda ang klima sa lugar na iyon.Season din ng mga prutas kaya paniguradong marami silang mapagkukunan ng pagkain at hindi sila magugutom sa pupuntahan. Malaki ang farm nila sa probinsya at marami silang mga pananim tulad ng mga iba't-ibang prutas, gulay at kung ano-ano pa.Palagi na lang sila sa abroad pumupunta tuwing bakasyon at nakakasawa na ang ganong bagay kaya this summer ay sa probinsya ang destinasyon nila para maiba naman.Nauna s'yang umalis dahil wala na din naman s'yang gagawin sa Maynila at nangako ang ibang mga kaibigan na susunod ang mga ito. Marami silang negosyo sa naturang lugar at nautosan pa s'ya ng mommy n'ya na bisitahin ang mga ito lalong-lalo na ang pinaka sikat na university sa lugar na isa din sa pag-aari nila.At dahil wala pa sila Red at hindi nakasunod agad sa kan'ya, kaya ang kasama n'ya ay ang mga dating kaibigan n'ya dito sa probinsya. Inaya s'ya ng mga ito na mag bar at dahil wala namang gagawin ay pinaunlakan n'ya ang mga ito.Ngunit nauwi sa isang gabing pagkakamali ang pagsama n'ya sa mga kaibigan na mag bar. Nagising na lang s'ya kinabukasan na walang kahit anong saplot.Pilit n'yang inaalala ang nangyari ngunit wala talaga s'yang maalala. Hindi n'ya alam kung paano s'ya napunta sa kwartong ito.Masakit ang kan'yang ulo at parang umiikot pa ang kan'yang paningin kaya bumalik muna s'ya pagkakahiga ng ilang segundo bago naisipang bumangon.Nagsalubong ang kan'yang mga kilay ng makita ang pulang mantsa sa bedsheet. Pinadaanan n'ya ito ng kan'yang daliri at naramdaman na tuyo na ang naturang mantsa.Ngunit hindi s'ya mahimong magkamali, dugo ang mga pulang mantsa na nasa bedsheet.Sinipat n'ya ang kan'yang katawan kung may sugat ba s'ya ngunit wala naman s'ya may nakita na kahit ano maliban sa mga kalmot na nasa kan'yang braso.Nagsalubong ang kan'yang mga kilay kung paano s'ya nagkaroon ng mga kalmot."Kaninong dugo ang nasa bedsheet?" mahinang tanong n'ya habang nakatingin sa pulang mantsa.Wala sa sariling napatingin s'ya sa kan'yang pagkalalaki at napagtanto ang lahat ng makita na may mga natuyo ding dugo mismo sa kan'yang alaga."Fvck!" mariing mura n'ya ng mahimasmasan. Ngayon ay alam n'ya na kung saan galing ang dugo na nasa bedsheet."Damn it! I took her innocence! And who is she? Bakit wala man lang akong matandaan?" sunod-sunod na tanong n'ya sa sarili ngunit wala man lang may nakuhang sagot.Pagkalabas n'ya ng hotel ng araw na iyon ay hinanap n'ya ang mga kaibigan at tinanong ngunit walang may umamin sa mga ito. Sinubukan n'ya ding alamin kung sino ang babaeng nalapastangan n'ya ngunit walang mga cctv sa lugar dahil nasa probinsya sila.Mabilis na lumipas ang mga araw at walang nangyari sa paghahanap n'ya sa babae. Kaya tumigil muna s'ya at nagpahinga pero hindi pa rin mawala sa kan'yang isip na s'ya ang nakauna dito.It was his first time having a real sex with someone. He is already twenty two years old at ni minsan ay hindi pa s'ya nagka girlfriend kaya wala pa s'yang karanasan pagdating sa kama.Napaisip tuloy s'ya kung anong performance mayroon s'ya ng gabing iyon? Na satisfied n'ya din kaya ang babae? But knowing that she's a virgin malamang ay wala din itong alam kung ano at paano gawin ang ginawa nila."Earth to El Frio! Putang'ina ang layo na ng binakasyunan ng isip mo!" sita sa kan'ya ni Red na nakaupo sa kan'yang likuran. Sakay sila ng kan'yang kotse para maglibot sa buong bayan.Gabi na at wala ng masyadong tao kaya maganda ang gumala sa labas. Nakasunod na sa kan'ya ang mga kaibigan kaya magkasam sila ngayong nagbabakasyon sa probinsya ng kan'yang ina.Naapakan n'ya ang brake ng sasakyan ng biglang may babaeng tumatakbo na tumawid sa kalsada."Fvck!" mariing mura n'ya dahil muntik n'ya na itong masagasaan. Ngunit naintindihan n'ya kung bakit ito tumatakbo nang makita ang grupo ng mga kalalakihan na susundan sana ang babae, ngunit natigil ang mga ito ng bigla n'yang ilabas ang ulo sa bintana at sinigawan ang grupo."Hoy! Anong ginagawa n'yo?" malakas na sigaw n'ya sa grupo ng mga lalaki. Mukhang nahintakotan naman ang mga ito ng makita s'ya at nagsitakbo palayo.Nilingon n'ya ang parte na tinakbuhan ng babae ngunit hindi n'ya na ito makita."Hoy El Frio what's your problem man! You're beri-beri bugnutin lately, are you on your period? Or menopausal stage?" si Nicollai na umuklo pa ang ulo sa unahan para silipin s'ya. Sobrang lapit ng mukha nito sa kan'ya at naaamoy n'ya na ang hininga nito kaya agad n'yang pinalis ito gamit ang kan'yang palad para ibaling sa kabila ang ulo ng kaibigan."Lumayo-layo ka nga sa akin Evans, ang baho ng hininga mong gago ka!" singhal n'ya sa kaibigan."Hoy anong mabaho? Tang'ina mo El Frio nag toothbrush ako kanina no!" angal ng kaibigan sa kan'ya."Gumamit ka ba ng toothpaste?" singit ni Spike na kumakain ng dried mangoes na nabili nito kanina sa isang tindahan. Nakaupo ang tatlo sa likod at kung ano-ano ang mga kinakain na akala mo at mga patay gutom."Oo naman! Asin ang ginamit kong toothpaste!" sagot ni Nicollai na ikinaubo ni Spike."Gago! Kaya pala mabaho ang hininga mo kasi asin ang ginamit mong toothpaste," komento ni Red na busy sa paglalaro sa cellphone nito."Hoy pula na walang utak, hindi mo ba alam kung ano ang mga benefits ng asin? It's better than your fvcking fancy toothpaste ok? At sobrang nakakatipid ka pa. Mag research ka din kasi minsan na gago ka, hindi puro laro ng online games!" singhal ni Nicollai dito.Kinalabit naman ito ni Spike na nasa kabilang side ng binata at nagsalita habang nakalawit sa bibig nito ang isang strip ng dried mango."Ako alam ko ang benefits ng asin dude!" mayabang na sabi ni Spike sa kaibigan."Ano? Kung masagot mo lahat ng benefits eh di ikaw na ang matalino!" si Red dito."Panakot sa mga aswang dude! Kapag lalabas ka sa gabi at kung takot ka sa aswang magdala na ng asin," paliwanag nito sa mga kaibigan."Wahhhhhh!" nagulat silang lahat ng may biglang bumulaga sa kanilang sasakyan na isang baliw na babae na sobrang dungis at sabog ang buhok."Ahhhhhhhh!" gulat na sigaw ni Spike dahil nasa side nito banda biglang lumitaw ang babae. Dahil sa sobrang pagkagulat ay bigla itong tumalon sa kandungan ni Nicollai na kita din sa mukha ang gulat at biglang napayakap kay Red habang mariin na nakapikit ang mga mata.Hindi namalayan ng mga ito na nasa gilid pa rin sila ng kalsada nakatigil at hindi pa nakaalis sa hinintoan nila kanina ng may tumawid na babae.Nagtilian ang mga hayop na kaibigan sa loob ng sasakyan dahil sa pagkagulat ng mga ito sa babaeng baliw."Putang'ina n'yo manahimik kayong tatlo!" inis na singhal ni Ashton sa mga ito na nakaupo sa unahan katabi n'ya."Morgan may aswang. I'm scared!" madramang sumbong ni Spike na ikinatanggap nito ng isang malakas na batok mula kay Ashton."Gago! Mga gago kayong tatlo! Ang lalaki ng katawa—,""Waaahhhhhhh!" bulaga ulit ng babae sa side naman ni Ashton kaya hindi nito natapos ang sermon sa tatlo dahil tumalon ito sa kan'ya at mahigpit na nangunyapit."El Frio putang'ina patayin mo ang aswang na yan dude! Magkakasakit ako sa heart! Fvck!" si Ashton sa kan'ya sabay yugyog sa kan'yang balikat.Malakas n'ya itong sinapok sa ulo dahil pa sermon-sermon pa ito sa tatlong kaibigan eh numero uno din pala itong magugulatin at matatakutin lalo na sa usapang aswang.HOWALD JACOB (HJ)...Matapos nilang bumili ng nga inihaw ay nagpasya silang umuwi na. Medyo may kalayuan pa ang bahay nila mula sa centro. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan na kumakain ng inihaw na nabili nila kanina. Sumagi sa kanyang isip ang babaeng nagtitinda. Sa hinuha n'ya ay hindi pa ito tumuntong sa edad na desi-otso. Hindi n'ya makakalimutan ang magandang mukha ng dalaga.Gustong-gusto n'ya ang mapupungay na mga mata nito na kulay amber na bumagay sa hugis puso nitong pisngi."Ang ganda n'ong nagtitinda ng inihaw no? Mukhang type ni El Frio, panay ang sulyap eh," sabi ni Spike na puno ng karne ang bibig."Nahalata mo rin pala? Iba ang tingin ni El Frio doon, hindi ko man lang nakita ang ganong mga tingin kapag tinitingnan n'ya si Maxine," sabat naman ni Red."Bakit naman titingnan ng ganon ni Howald si Maxine?" nagtatakang tanong ni Nicollai sa mga ito."Ay hindi ba mag jowa sila?" si Red dito."Ay marites lang pula? Magkababata lang kami ni Maxine at wala akong gusto sa kan'ya,
AMBER RIZALYN JOY..."Oh s'ya Joy uuwi na ako, pasensya ka na hindi kita pwedeng isama sa bahay. Delikado kasi sa mga anak kong lalaki, ayokong mapag tripan ka nila," paalam ng matanda sa kan'ya. Naintindihan n'ya naman ito. Sinabi na nito sa kan'ya na mag-isa lang itong kumakayod para sa buong pamilya. Nalulong daw sa droga ang mga anak nitong mga lalaki at kapag wala s'yang maibigay na pera sa mga ito ay sasaktan s'ya ng mga anak.Naaawa s'ya sa matanda at parang gusto n'ya itong tulongan ngunit ng maalalala ang kan'yang sitwasyon ay mas nahabag s'ya sa kan'yang sarili.S'ya nga ay walang mapupuntahan at palaboy-laboy lang sa kalye."Walang kaso sa akin nay, ok na ako dito. Mag-ingat po kayo sa pag-uwi. Bukas po tutulongan ko po ulit kayo ha," nakangiting sabi n'ya sa matanda. Ngumiti din ito sa kan'ya at hinawakan pa ang kan'yang mga kamay."Napakabait mong bata Joy, hindi ko alam kung ano ang mga pinagdadaanan mo ngayon pero sana malampasan mo ang lahat ng ito. Tiwala lang sa taa
AMBER RIZALYN JOY....Pagkatapos n'yang magtinda ng mga gulay sa palengke ay pumunta agad s'ya sa pwesto ng ihawan ng matanda para doon naman tumulong.Maaliwalas ang kan'yang mukha na naglakad dahil may kinita s'ya sa ilang oras lang na pagtatrabaho. Binigyan s'ya ng limang daan ng ali sa palengke dahil napaubos n'ya ang mga paninda nitong gulay."Hello po nay, magandang hapon po," masayang bati n'ya sa matanda. Umangat naman ito ng tingin sa kan'ya at ngumiti ng makita s'ya."Nandito ka na pala Joy, kamusta ang araw mo?" tanong ng matanda sa kan'ya. Matamis n'ya itong nginitian at agad na tinulongan sa pagsalansan ng mga paninda nito."Ok naman po nay,nakahanap po ako ng trabaho sa palengke. Hanggang alas dos lang ng hapon kaya makakatulong pa rin ako sa inyo sa pag-iihaw," masayang kwento n'ya rito. Natuwa naman ang matanda at binati s'ya ngunit pinaaalalahanan din na buntis s'ya kaya hindi s'ya pwedeng mapagod ng husto at baka kung mapaano ang kan'yang anak.Naisip n'ya din iyan
AMBER RIZALYN JOY...Hindi n'ya alam kung paano pipigilan ang sarili dahil sa mga banat ni HJ sa kan'ya. Hindi agad umuwi ang mga ito at hinintay pang magsara sila. "Mauna na ako sayo Joy," paalam ng matanda sa kan'ya. Nakagat n'ya ang kan'yang mga labi dahil hindi n'ya alam kung paano aalis.Nakamata sa kan'ya si Howald at ang mga kasama nito ay nasa sasakyan at hinihintay ang binata."B-Bakit nandito ka pa? Umuwi ka na, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo," taboy n'ya rito. Ayaw n'yang malaman nito kung saan s'ya natutulog kaya kailangan n'yang itaboy ang lalaki kahit na gustong-gusto n'ya pa itong makausap ng matagal."Ihahatid na kita," sagot nito sa kan'ya na agad n'yang ikinaalma."No! I mean huwag na," awat n'ya rito."And why is that? Gabi na Amber at hindi safe para sayo ang maglakad mag-isa," giit pa nito."O-ok lang ako, sanay na ako dito. Tsaka baka makita ka pa ni tatay, tatagain ka no'n," panakot n'ya sa binata.Mataman s'ya nitong sinipat ng tingin na parang nananant
AMBER RIZALYN JOY..."A-Anong ginagawa mo dito?" nauutal na sita n'ya sa binata na malapad ang ngiti sa mga labi na nakatingin sa kan'yang mukha."Dinalhan ng atis ang baby Amber ko," sagot nito at walang kakurap-kurap na nakatingin sa kan'ya."B-Bakit mo naman ako dinalhan? H-Hindi na ako kakain n'yan," pagsisinungaling n'ya para maiwasan ang lalaki."I thought you like it?" nagtatakang sabi nito. Umiling s'ya bilang pagtanggi."H-Hindi ah! Gutom lang ako kahapon," pasupladang sagot n'ya rito. Kita n'ya ang disappointment sa mukha ni HJ. Laglag ang mga balikat na nagpaalam ito at tinalikuran s'ya bitbit ang plastic bag na may lamang atis.Para naman s'yang sinundot ng kan'yang konsensya dahil sa nakitang lungkot sa mga mata ng binata kaya bago pa ito tuloyang makapasok sa loob ng sasakyan ay nagpaalam na s'ya sa matanda na mauuna na para habulin si HJ.Mabilis ang kan'yang pagtakbo na sinundan ito at hindi alintanan na buntis s'ya."HJ sandali," malakas na tawag n'ya. Natigil naman i
AMBER RIZALYN JOY...Naging masaya ang sumunod n'yang mga araw. Hindi alintana ang hirap ng kan'yang sitwasyon. Tanging ang laman lamang ng kan'yang isip ay si HJ at hindi matatawarang kilig ang nararamdaman n'ya sa tuwing maiisip ang binata.Hindi man deritsahang sinabi sa kan'ya ni HJ ang nararamdaman nito para sa kan'ya ngunit ipinapakita naman nito through actions ang kung ano ang nasa loob ng puso nito.Sobrang maalaga nito, napaka thoughtful at sobrang napakalambing sa kan'ya.Kahit may takot sa dibdib na baka malaman nito ang kan'yang sitwasyon at iiwan s'ya ay tuloy pa rin s'ya sa pakikipaglapit sa binata hanggang sa hindi n'ya na namalayan na hulog na hulog na pala s'ya rito.Ngunit ika nga sabi ng iba walang forever kaya hindi na s'ya nagulat nang isang araw ay wala ng HJ na nagpakita pa sa kan'ya.Ni anino nito ay hindi n'ya na nasilayan at masakit para sa kan'ya ang paglisan nito ng hindi man lang nagpapaalam sa kan'ya.Sabi nga n'ya sa sarili na hindi na s'ya aasa pa ng
AMBER RIZALYN JOY..."Akin na ang braso mo Amber at ng magamot ko na ang mga sugat at kalmot mo," utos sa kan'ya ni nanay Teresita. Iniumang n'ya ang braso rito at sinimulan na nito ang paggamot sa mga sugat n'ya. Napangiwi s'ya dahil sa hapdi sa tuwing dadampi ang bulak na may antiseptic sa kan'yang balat."Ano ba kasi ang nangyari sayong bata ka? Bakit mo hinayaan na saktan ka ng babaeng iyon?" usisa ng ginang sa kan'ya."Nagtatrabaho po ako sa kan'ya nay," mahinang sabi n'ya rito na ikinatigil nito at may hindi makapaniwalang tingin na nag-angat ng tingin sa kan'ya."Anong sabi mo? Nagtatrabaho ka sa kan'ya? At paano nangyari iyon? Paano ka napunta sa lugar na iyon at nagtrabaho sa palengke?" sunod-sunod na tanong ni nanay Teresita sa kan'ya. Napayuko s'ya at biglang nahiya sa kan'yang sitwasyon. Kilala s'ya nito na mayaman at namumuhay na parang prinsesa ngunit sa isang iglap ay ito ang kinahinatnan n'ya. Mas masahol pa s'ya sa pulubi na walang mapupuntahan."P-Pinalayas po ako s
AMBER RIZALYN JOY....Naging maayos naman ang kan'yang buhay kasama ang kaibigan at ang nanay nito.Mahirap pero mas mabuti na kaysa noong nagpalaboy-laboy pa s'ya sa kalye. Tumutulong s'ya kay nanay Teresita sa pagluluto araw-araw at sa pagtitinda na din ng mga niluluto nitong ulam.Sumasama din s'ya sa paglalako nito kahit pa sinabi nito na huwag na s'yang sumama ngunit hindi s'ya nagpaawat rito.Kahit sa ganitong bagay man lang ay makatulong s'ya sa kabutihan ng mag-ina sa kan'ya."Oh Amber huwag kang masyadong magpapagod," saway sa kan'ya ni nanay Teresita. Pinunasan n'ya ang pawis sa kan'yang noo at nginitian ito."Ok lang po ako nay, huwag po kayong mag-alala sa akin," nakangiting sagot n'ya rito. Mainit na ang sikat ng araw at masakit na sa balat. Alam n'yang sa mga oras na ito ay pulang-pula na ang kan'yang pisngi ngunit masaya s'ya sa ginagawa at hindi alintana ang init.Dati hindi s'ya lumalabas ng bahay kapag ganito kainit at palaging may baon na sunscreen ngunit ngayon ay