MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG SUPORTA N'YO SA MGA STORIES KO.. HANGGANG DITO NA LAMANG SI ATTY. KAIRUS CREED MONTERO AT LIEUTENANT REESE DOMINIQUE EL FRIO— MONTERO...!! ELLA BELLE CARSON STORY AY KARUGTONG PO NG TEMPTING THE DEVIL MAFIA AND IT'S ON GOING NA PO. DOON N'YO NA MABABASA ANG IBANG GANAP. MARAMING SALAMAT PO ULIT! GOD BLESS EVERYONE ❤️ SIOBELICIOUS ❤️
REESE DOMINIQUE..."Hinahatulan ng hukomang ito ang nasasakdal na si attorney Kairus Creed Montero ng sampong taon na sa labas ng kwarto matutulog dahil sa sala na paglabag sa kautosan ng ating saligang batas Article 929 section 62 na ikaw attorney Kairus Creed ay hindi sumunod sa utos ni mommy na linisin ang banyo," sabi ng anak nila na apat na taong gulang na si Krieah Dennise.May hawak pa itong martilyo na kahoy at pinokpok ang mesa at matalim ang tingin sa ama na naghuhugas ng plato."Attorney Krieah pwede bang mag appeal ang nasasakdal?" tanong ni Creed sa anak ngunit pokpok ng martilyo ni Krieah muna ang sagot nito bago nagsalita."Objection your honor, hindi pwedeng mag appeal ang nasasakdal. There is no concrete evidence presented to this court na ang nasasakdal ay pwede pang mag appeal. He found guilty in this case and no appeal should be granted," seryosong sagot ng anak nila.Para itong totoong lawyer kung magsalita na mahina n'yang ikinataw. Kinagigiliwan ng lahat si Kri
AMBER RIZALYN JOY..."Whoooohhhh! This is life!" panabay na sigaw nilang magkakaibigan habang sumasayaw sa saliw ng musika sa loob ng bar. Desisyete anyos pa lamang sila at lahat ay menor de edad pa pero nakuha nilang makapasok sa naturang bar dahil sa kan'ya. She has everything na wala ang iba. Nag-iisang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang lugar. Lumaki na may ginto sa bibig at halos nakukuha ang lahat ng gusto sa buhay.Hinahayaan lang din s'ya ng kan'yang mga magulang na mag party kung saan dahil malaki ang tiwala ng mga ito sa kan'ya.Well hindi n'ya naman bibiguin ang mga ito. She can party all night ngunit hanggang doon lang iyon. Hindi s'ya lumalandi at wala s'yang boyfriend. She also excel in her academics at school. Katunayan she is the top student sa klase nila.Mayaman man at nasusunod ang lahat ng luho pero hindi s'ya pariwara na klase ng anak. Her parents loves her so much at ganon din naman s'ya sa mga ito."Amber c'mon drink this!" aya sa kan'ya Trisha
AMBER RIZALYN JOY....Araw ng lunes, maaga s'yang pumasok sa school. Medyo naging ok na ang kan'yang pakiramdam. Nilagnat s'ya ng dalawang araw at mabuti na lang at weekend at wala silang pasok."Amber ang baon mo anak," pasigaw na sabi ni ng yaya Dolores n'ya habang malalaki ang mga hakbang na naglakad palabas ng bahay.Nasa labas na s'ya at papasok na sana sa sasakyan na naghihintay. Nilingon n'ya ito at tamang-tama naman na narating nito ang kan'yang kinaroroonan."Salamat yaya," pasasalamat n'ya rito. "Walang anuman anak, oh s'ya mag-ingat ka Amber," bilin nito sa kan'ya. Tumango lang s'ya rito bilang tugon at pumasok na sa loob ng sasakyan."Tayo na ho tatay Delfin," aya na s'ya matanda.Agad namang umalis si tatay Delfin na s'yang nakatalagang driver n'ya. Tahimik lang s'ya sa byahe at iniisip ang nangyari sa kan'ya noong byernes."Anak ok ka lang ba?" tanong ni tatay Delfin sa kan'ya. Para n'ya na ring pangalawang ama ito. Baby pa lang s'ya ay driver na ito ng pamilya nila.Tum
AMBER RIZALYN JOY...Nanghihina s'yang napasalampak sa gilid ng daan. Kanina pa s'ya lakad ng lakad pero hindi n'ya alam kung saan pupunta. Wala s'yang pera at walang kahit na anong gamit. Hindi pa s'ya nakakain at gutom na gutom na s'ya. Nakaupo lang s'ya doon at nag-iisip kung sino ang pwedeng mahingan ng tulong.Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at napagtanto na malapit lang pala s'ya sa bahay ng kan'yang ninang. Dahan-dahan s'yang tumayo at binaybay ang daan patungo sa village kung saan ito nakatira.Pinapasok naman s'ya ng gwardya dahil kilala na s'ya nito. Madalas kasi s'ya bumibisita sa ninang n'ya at madalas din na sa bahay nito nagpapalipas ng gabi. Malayo-malayo pa ang bahay nito mula sa pinaka main gate ng village ngunit tiniis n'ya ang pagod sa paglalakad hanggang sa marating n'ya ang bahay ng ninang n'ya.Agad s'yang nag doorbell at binuksan naman ng katulong nito ang gate."Hi, nand'yan ba si nang Fely?" tanong n'ya rito."Nandito ho ma'am Amber, pasok ho kayo," mag
AMBER RIZALYN JOY...Nagsusumiksik s'ya sa ilalim ng isang bangketa para magtago. Sana hindi lang s'ya masundan ng mga lalaki. Nanginginig s'ya sa takot at sa lamig na rin. Mabuti na lang at suot n'ya pa rin ang jacket na ibinigay sa kan'ya kanina ng ninang Fely n'ya.Ang bag kung saan nakalagay ang kan'yang mga damit ay naiwan n'ya kanina at takot na s'yang balikan pa ito at baka kung anong gawin sa kan'ya ng mga lalaki.Namaluktot s'yang nakatulog sa ilalim ng bangketa at nagising dahil sa malakas na pagsigaw ng kung sino."Hoy umalis ka d'yan! Ginawa mong tulogan ang tindahan ko, alis," pagsusumigaw ng isang matabang ali. Inilibot n'ya ang kan'yang tingin at napagtanto na tindahan pala ng mga gulay at kung ano-ano pa ang napuntahan n'ya kagabi.Lumabas s'ya mula sa pagtatago sa ilalim at humingi ng pasensya sa masungit na ali. Naglakad-lakad s'ya sa paligid at nararamdaman nya ang pagkalam ng kan'yang sikmura.Paano na s'ya kakain ngayon eh wala na ang pera na ibinigay sa kan'ya n
HOWALD JACOB (HJ)...Bakasyon nila at wala silang pasok kaya naisipan nilang magkakaibigan na pumunta sa probinsya para maiba naman.Nagkasundo sila na sa probinsya ng mommy n'ya magbabakasyon dahil maganda ang klima sa lugar na iyon.Season din ng mga prutas kaya paniguradong marami silang mapagkukunan ng pagkain at hindi sila magugutom sa pupuntahan. Malaki ang farm nila sa probinsya at marami silang mga pananim tulad ng mga iba't-ibang prutas, gulay at kung ano-ano pa.Palagi na lang sila sa abroad pumupunta tuwing bakasyon at nakakasawa na ang ganong bagay kaya this summer ay sa probinsya ang destinasyon nila para maiba naman.Nauna s'yang umalis dahil wala na din naman s'yang gagawin sa Maynila at nangako ang ibang mga kaibigan na susunod ang mga ito. Marami silang negosyo sa naturang lugar at nautosan pa s'ya ng mommy n'ya na bisitahin ang mga ito lalong-lalo na ang pinaka sikat na university sa lugar na isa din sa pag-aari nila.At dahil wala pa sila Red at hindi nakasunod aga
HOWALD JACOB (HJ)...Matapos nilang bumili ng nga inihaw ay nagpasya silang umuwi na. Medyo may kalayuan pa ang bahay nila mula sa centro. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan na kumakain ng inihaw na nabili nila kanina. Sumagi sa kanyang isip ang babaeng nagtitinda. Sa hinuha n'ya ay hindi pa ito tumuntong sa edad na desi-otso. Hindi n'ya makakalimutan ang magandang mukha ng dalaga.Gustong-gusto n'ya ang mapupungay na mga mata nito na kulay amber na bumagay sa hugis puso nitong pisngi."Ang ganda n'ong nagtitinda ng inihaw no? Mukhang type ni El Frio, panay ang sulyap eh," sabi ni Spike na puno ng karne ang bibig."Nahalata mo rin pala? Iba ang tingin ni El Frio doon, hindi ko man lang nakita ang ganong mga tingin kapag tinitingnan n'ya si Maxine," sabat naman ni Red."Bakit naman titingnan ng ganon ni Howald si Maxine?" nagtatakang tanong ni Nicollai sa mga ito."Ay hindi ba mag jowa sila?" si Red dito."Ay marites lang pula? Magkababata lang kami ni Maxine at wala akong gusto sa kan'ya,
AMBER RIZALYN JOY..."Oh s'ya Joy uuwi na ako, pasensya ka na hindi kita pwedeng isama sa bahay. Delikado kasi sa mga anak kong lalaki, ayokong mapag tripan ka nila," paalam ng matanda sa kan'ya. Naintindihan n'ya naman ito. Sinabi na nito sa kan'ya na mag-isa lang itong kumakayod para sa buong pamilya. Nalulong daw sa droga ang mga anak nitong mga lalaki at kapag wala s'yang maibigay na pera sa mga ito ay sasaktan s'ya ng mga anak.Naaawa s'ya sa matanda at parang gusto n'ya itong tulongan ngunit ng maalalala ang kan'yang sitwasyon ay mas nahabag s'ya sa kan'yang sarili.S'ya nga ay walang mapupuntahan at palaboy-laboy lang sa kalye."Walang kaso sa akin nay, ok na ako dito. Mag-ingat po kayo sa pag-uwi. Bukas po tutulongan ko po ulit kayo ha," nakangiting sabi n'ya sa matanda. Ngumiti din ito sa kan'ya at hinawakan pa ang kan'yang mga kamay."Napakabait mong bata Joy, hindi ko alam kung ano ang mga pinagdadaanan mo ngayon pero sana malampasan mo ang lahat ng ito. Tiwala lang sa taa