Share

CHAPTER 3

AMBER RIZALYN JOY...

Nanghihina s'yang napasalampak sa gilid ng daan. Kanina pa s'ya lakad ng lakad pero hindi n'ya alam kung saan pupunta.

Wala s'yang pera at walang kahit na anong gamit. Hindi pa s'ya nakakain at gutom na gutom na s'ya. Nakaupo lang s'ya doon at nag-iisip kung sino ang pwedeng mahingan ng tulong.

Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at napagtanto na malapit lang pala s'ya sa bahay ng kan'yang ninang. Dahan-dahan s'yang tumayo at binaybay ang daan patungo sa village kung saan ito nakatira.

Pinapasok naman s'ya ng gwardya dahil kilala na s'ya nito. Madalas kasi s'ya bumibisita sa ninang n'ya at madalas din na sa bahay nito nagpapalipas ng gabi.

Malayo-malayo pa ang bahay nito mula sa pinaka main gate ng village ngunit tiniis n'ya ang pagod sa paglalakad hanggang sa marating n'ya ang bahay ng ninang n'ya.

Agad s'yang nag doorbell at binuksan naman ng katulong nito ang gate.

"Hi, nand'yan ba si nang Fely?" tanong n'ya rito.

"Nandito ho ma'am Amber, pasok ho kayo," magiliw na saad nito. Tipid s'yang ngumiti at pumasok na sa loob. Iginiya s'ya nito papasok at pinaupo sa sofa.

Iniwan s'ya ng katulong saglit para tawagin ang ninang n'ya sa taas. Maya-maya pa ay nakita n'ya itong pababa ng hagdan kasunod ang katulong na tumawag dito. Masaya s'yang tumayo at sinalubong ang ginang.

"Ninang Fely," tawag n'ya rito sabay yakap sa kan'yang ninang. Narinig n'ya ang marahas na pagbuntong hininga nito.

"Ninang?" nag-aalalang tawag n'ya rito. Pakiramdam n'ya kasi may bumabagabag dito at mukhang nahihirapan itong magsalita.

"I know why you are here Amber at ngayon pa lang ay hihingi na ako ng tawad sayo na hindi kita mapagbigyan. Your mom called me kanina and warned me not to help you dahil sisirain n'ya at pababagsakin ang mga negosyo ko kapag tinanggap kita sa pamamahay ko. You know your mom right? Kapag sinabi nito ay ginagawa n'ya," paliwanag ng ninang n'ya sa kan'ya.

Bumagsak ang kan'yang mga balikat sa narinig. Ganon ba kalaki ang galit ng kan'yang mommy sa kan'ya para itakwil s'ya ng ganito. Tumulo ang kan'yang mga luha dahil sa naisip.

Mabigat sa pakiramdam ang trato ng ina sa kan'ya. Oo kasalanan n'ya na nagpabuntis s'ya pero hindi n'ya naman ginusto ang nangyari. Kung walang naglagay ng droga sa kan'yang inumin ay hindi sana mangyayari ito sa kan'ya.

Wala sa sariling nahimas n'ya ang kan'yang t'yan. Nakasunod naman ang mga mata ng ginang sa kamay n'ya at kita n'ya ang pagtubig ng mga mata nito.

Kinabig s'ya nito at niyakap. Parang tuod lang s'ya na nagpatianod dito habang tahimik na lumuluha.

Ano ang kahihinatnan nila ng kan'yang anak? Anong kinabukasan ang maibibigay n'ya rito? Natatakot s'ya na baka hindi n'ya kayang buhayin ang kan'yang anak. Isusumpa n'ya ang sarili kapag may mangyaring masama sa dinadala n'ya.

"I wanted to help you Amber, alam mong parang anak na kita but I don't want to take the risk also dahil sa banta ng ina mo. I have money pero importanti sa akin ang mga negosyo ko dahil iyan na lang ang natirang alaala ng ninong mo sa akin, kaya inaalagaan ko iyan ng mabuti dahil iyan lang nag nagpapaalala sa akin sa namayapa kong asawa," umiiyak na paliwanag nito sa kan'ya.

"I-It's ok ninang, I understand po," mahinang sagot n'ya sabay pahid ng mga luha.

"S-Sige po aalis na po ako," paalam n'ya rito at tumalikod na. Ngunit hindi pa s'ya nakarating sa pintoan ay tinawag s'ya nito.

"Amber wait!"

"Bakit po ninang?" tanong n'ya rito. Lumapit ito sa kan'ya at may inilagay sa kan'yang palad.

"Take this para may magamit ka. And wait for me here kukunin ko ang mga damit mo na nandito sa bahay para may magagamit ka sa labas," sabi nito.

Naalala n'ya na marami pala s'yang damit dito dahil palagi s'yang nag o-overnight sa bahay ng ninang Fely n'ya.

Wala itong anak kaya palagi s'ya nitong hinihiram sa mommy n'ya mula pa pagkabata. At dahil busy ang mga ito sa kanilang negosyo kaya balewala sa mga magulang n'ya kung mag stay s'ya sa bahay ng kan'yang ninang ng ilang araw.

Nakatayo lang s'ya doon at hinintay na bumalik ang ginang. Binuksan n'ya ang kan'yang palad at tumambad sa kan'ya ang ilang piraso ng lilibuhing papel.

Itinago n'ya ito sa bulsa. Iingatan n'ya ang pera na ito para sa kan'yang baby. Kailangan nilang mabuhay na dalawa, hindi pwedeng wala s'yang gagawin at maghihintay na lamang ng milagro.

Hindi naman nagtagal at bumaba ang kan'yang ninang bitbit ang isang bag na may lamang mga damit n'ya.

"Here Amber, kunin mo din itong jacket at isuot. Huwag kang magpalamig sa labas dahil makakasama sayo yan at sa bata," bilin nito sa kan'ya. Tumango lang s'ya bilang tugon at kinuha ang jacket na iniabot nito at isinuot.

Kinuha n'ya din ang bag na may lamang mga damit at nagpaalam na rito. Niyakap s'ya nitong muli at awang-awa na sinapo ang kan'yang pisngi.

"Mag-ingat ka Amber at kumain ka ng maayos. Gamitin mo ang pera na ibinigay ko sayo. Kapag may kailangan ka tawagan mo ako, maliwanag ba?" bilin nito sa kan'ya. Tumango lang s'ya bilang tugon at tuloyan ng umalis ng bahay ng kan'yang ninang Fely.

Pagkalabas n'ya ng village ay sumakay s'ya ng jeep patungo sa kabilang bayan. Doon muna s'ya hahanap ng matutuloyan. Kailangan n'yang magtipid kaya naisip n'yang maghanap din ng trabaho para makapag ipon para sa kan'yang anak.

Lutang ang isip n'ya na nakasakay sa jeep hanggang marating ang kabilang bayan. Bumaba s'ya kasama pa ang ibang mga pasahero. Bitbit ang bag ay nagsimula na s'yang magtanong-tanong kung saan pwede may ma-rentahan na kahit maliit na bahay lamang.

Walang hotel o kahit maliit na pension house ang naturang lugar dahil nasa probinsya sila kaya wala s'yang alam kung saan s'ya matutulog mamayang gabi. Hanggang ngayon ay hindi pa s'ya nakahanap ng bahay na pwedeng rentahan at madilim na ang paligid dahil gabi na.Halos wala na ding tao sa paligid at nagsiuwi na sa kani-kanilang mga bagay. Sarado na rin ang ilang tindahan sa palagid.

Naupo s'ya sa isang bangketa at nag-iisip ng pwedeng gawin ngunit maya-maya lang ay may mga lalaking lumapit sa kan'ya. Nahintakotan s'yang napasiksik sa gilid ng palibotan s'ya ng mga ito.

"Miss may pera ka ba?" tanong ng isa na parang adik dahil namumula ang mga mata nito.

"W-Wala po, pasensya na po kayo, wala po akong pera," pagsisinungaling n'ya sa mga ito ngunit nahintakutan s'ya ng makita n'yang naglabas ng patalim ang isang lalaki.

"Magbibigay ka o gusto mo na lang na mamatay? Sa mukha mong yan wala kang pera? Ilabas mo ang pera mo!" sigaw nito sa kan'ya.

Dahil sa takot ay nanginginig at natataranta n'yang dinukot ang pera na ibinigay ng ninang n'ya mula sa kanyang bulsa at ibinigay sa mga lalaki.

Nagsitawanan naman ang mga ito at nag apir pa.

"Ang dami nito mga tol, swerte natin kay ganda," tuwang-tuwa na sabi nito. Lumapit pa sa kan'ya ang isang kasama ng mga ito at pinakatitigan ang kan'yang mukha. Nanginginig s'yang mas lalo pang sumiksik sa isang sulok at tuwang-tuwa naman ang mga ito na umupo pa sa tabi n'ya.

Madalang na lang ang mga tao sa lugar dahil gabi na at kung mayroon mang dumadaan ay wala namang pakialam sa kan'ya.

"Sayang to mga tol, ang puti at ang kinis oh. Mukhang yayamanin," sabi ng isa.

"Huwag po, maawa po kayo sa akin," naiiyak na pagmamakaawa n'ya sa mga ito ngunit nagsitawanan lamang ang mga lalaki.

Akmang hahawakan s'ya ng isa ng bigla s'yang tumayo at mabilis na tumakbo patungo sa kabilang side ng kalsada. Muntik pa s'yang mabangga ng isang kotse na paparating ngunit hindi s'ya tumigil dahil sa takot na baka maabutan s'ya ng mga lalaki.

"Hoy anong ginagawa n'yo?" narinig n'yang sigaw ng lalaki ngunit hindi na s'ya nag abala pang lingunin ito dahil sa sobrang takot.

"HJ kumalma ka, mga tambay lang yan," sagot ng kasama nito ngunit sobrang hina na ng boses dahil malayo-malayo na s'ya sa pinanggalingan n'ya kanina.

Tanging HJ lang ang narinig n'ya and the name sounds familiar to her. Parang ilang beses n'ya nang narinig ang pangalang HJ ngunit hindi n'ya matandaan kung saan n'ya ito narinig.

Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
kawawa naman si amber
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naiyak ako sa chapter na to laban lang amber at may tutulong din sayo na nay mabuting puso
goodnovel comment avatar
Tria 0911
laban kng Amber kaya mo yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status