AMBER RIZALYN JOY....Pagkatapos n'yang magtinda ng mga gulay sa palengke ay pumunta agad s'ya sa pwesto ng ihawan ng matanda para doon naman tumulong.Maaliwalas ang kan'yang mukha na naglakad dahil may kinita s'ya sa ilang oras lang na pagtatrabaho. Binigyan s'ya ng limang daan ng ali sa palengke dahil napaubos n'ya ang mga paninda nitong gulay."Hello po nay, magandang hapon po," masayang bati n'ya sa matanda. Umangat naman ito ng tingin sa kan'ya at ngumiti ng makita s'ya."Nandito ka na pala Joy, kamusta ang araw mo?" tanong ng matanda sa kan'ya. Matamis n'ya itong nginitian at agad na tinulongan sa pagsalansan ng mga paninda nito."Ok naman po nay,nakahanap po ako ng trabaho sa palengke. Hanggang alas dos lang ng hapon kaya makakatulong pa rin ako sa inyo sa pag-iihaw," masayang kwento n'ya rito. Natuwa naman ang matanda at binati s'ya ngunit pinaaalalahanan din na buntis s'ya kaya hindi s'ya pwedeng mapagod ng husto at baka kung mapaano ang kan'yang anak.Naisip n'ya din iyan
AMBER RIZALYN JOY...Hindi n'ya alam kung paano pipigilan ang sarili dahil sa mga banat ni HJ sa kan'ya. Hindi agad umuwi ang mga ito at hinintay pang magsara sila. "Mauna na ako sayo Joy," paalam ng matanda sa kan'ya. Nakagat n'ya ang kan'yang mga labi dahil hindi n'ya alam kung paano aalis.Nakamata sa kan'ya si Howald at ang mga kasama nito ay nasa sasakyan at hinihintay ang binata."B-Bakit nandito ka pa? Umuwi ka na, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo," taboy n'ya rito. Ayaw n'yang malaman nito kung saan s'ya natutulog kaya kailangan n'yang itaboy ang lalaki kahit na gustong-gusto n'ya pa itong makausap ng matagal."Ihahatid na kita," sagot nito sa kan'ya na agad n'yang ikinaalma."No! I mean huwag na," awat n'ya rito."And why is that? Gabi na Amber at hindi safe para sayo ang maglakad mag-isa," giit pa nito."O-ok lang ako, sanay na ako dito. Tsaka baka makita ka pa ni tatay, tatagain ka no'n," panakot n'ya sa binata.Mataman s'ya nitong sinipat ng tingin na parang nananant
AMBER RIZALYN JOY..."A-Anong ginagawa mo dito?" nauutal na sita n'ya sa binata na malapad ang ngiti sa mga labi na nakatingin sa kan'yang mukha."Dinalhan ng atis ang baby Amber ko," sagot nito at walang kakurap-kurap na nakatingin sa kan'ya."B-Bakit mo naman ako dinalhan? H-Hindi na ako kakain n'yan," pagsisinungaling n'ya para maiwasan ang lalaki."I thought you like it?" nagtatakang sabi nito. Umiling s'ya bilang pagtanggi."H-Hindi ah! Gutom lang ako kahapon," pasupladang sagot n'ya rito. Kita n'ya ang disappointment sa mukha ni HJ. Laglag ang mga balikat na nagpaalam ito at tinalikuran s'ya bitbit ang plastic bag na may lamang atis.Para naman s'yang sinundot ng kan'yang konsensya dahil sa nakitang lungkot sa mga mata ng binata kaya bago pa ito tuloyang makapasok sa loob ng sasakyan ay nagpaalam na s'ya sa matanda na mauuna na para habulin si HJ.Mabilis ang kan'yang pagtakbo na sinundan ito at hindi alintanan na buntis s'ya."HJ sandali," malakas na tawag n'ya. Natigil naman i
AMBER RIZALYN JOY...Naging masaya ang sumunod n'yang mga araw. Hindi alintana ang hirap ng kan'yang sitwasyon. Tanging ang laman lamang ng kan'yang isip ay si HJ at hindi matatawarang kilig ang nararamdaman n'ya sa tuwing maiisip ang binata.Hindi man deritsahang sinabi sa kan'ya ni HJ ang nararamdaman nito para sa kan'ya ngunit ipinapakita naman nito through actions ang kung ano ang nasa loob ng puso nito.Sobrang maalaga nito, napaka thoughtful at sobrang napakalambing sa kan'ya.Kahit may takot sa dibdib na baka malaman nito ang kan'yang sitwasyon at iiwan s'ya ay tuloy pa rin s'ya sa pakikipaglapit sa binata hanggang sa hindi n'ya na namalayan na hulog na hulog na pala s'ya rito.Ngunit ika nga sabi ng iba walang forever kaya hindi na s'ya nagulat nang isang araw ay wala ng HJ na nagpakita pa sa kan'ya.Ni anino nito ay hindi n'ya na nasilayan at masakit para sa kan'ya ang paglisan nito ng hindi man lang nagpapaalam sa kan'ya.Sabi nga n'ya sa sarili na hindi na s'ya aasa pa ng
AMBER RIZALYN JOY..."Akin na ang braso mo Amber at ng magamot ko na ang mga sugat at kalmot mo," utos sa kan'ya ni nanay Teresita. Iniumang n'ya ang braso rito at sinimulan na nito ang paggamot sa mga sugat n'ya. Napangiwi s'ya dahil sa hapdi sa tuwing dadampi ang bulak na may antiseptic sa kan'yang balat."Ano ba kasi ang nangyari sayong bata ka? Bakit mo hinayaan na saktan ka ng babaeng iyon?" usisa ng ginang sa kan'ya."Nagtatrabaho po ako sa kan'ya nay," mahinang sabi n'ya rito na ikinatigil nito at may hindi makapaniwalang tingin na nag-angat ng tingin sa kan'ya."Anong sabi mo? Nagtatrabaho ka sa kan'ya? At paano nangyari iyon? Paano ka napunta sa lugar na iyon at nagtrabaho sa palengke?" sunod-sunod na tanong ni nanay Teresita sa kan'ya. Napayuko s'ya at biglang nahiya sa kan'yang sitwasyon. Kilala s'ya nito na mayaman at namumuhay na parang prinsesa ngunit sa isang iglap ay ito ang kinahinatnan n'ya. Mas masahol pa s'ya sa pulubi na walang mapupuntahan."P-Pinalayas po ako s
AMBER RIZALYN JOY....Naging maayos naman ang kan'yang buhay kasama ang kaibigan at ang nanay nito.Mahirap pero mas mabuti na kaysa noong nagpalaboy-laboy pa s'ya sa kalye. Tumutulong s'ya kay nanay Teresita sa pagluluto araw-araw at sa pagtitinda na din ng mga niluluto nitong ulam.Sumasama din s'ya sa paglalako nito kahit pa sinabi nito na huwag na s'yang sumama ngunit hindi s'ya nagpaawat rito.Kahit sa ganitong bagay man lang ay makatulong s'ya sa kabutihan ng mag-ina sa kan'ya."Oh Amber huwag kang masyadong magpapagod," saway sa kan'ya ni nanay Teresita. Pinunasan n'ya ang pawis sa kan'yang noo at nginitian ito."Ok lang po ako nay, huwag po kayong mag-alala sa akin," nakangiting sagot n'ya rito. Mainit na ang sikat ng araw at masakit na sa balat. Alam n'yang sa mga oras na ito ay pulang-pula na ang kan'yang pisngi ngunit masaya s'ya sa ginagawa at hindi alintana ang init.Dati hindi s'ya lumalabas ng bahay kapag ganito kainit at palaging may baon na sunscreen ngunit ngayon ay
AMBER RIZALYN JOY...Panay ang hinga n'ya ng malalim para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan. Nanubig ang kan'yang mga mata ngunit pilit n'yang nilalabanan ang nararamdaman dahil ayaw n'yang makita s'ya ni nanay Teresita sa ganong sitwasyon.Itinuon n'ya na lang ang pansin sa mga paninda habang nakasunod sa ginang ngunit hindi n'ya maiwasan ang hindi maisip ang nakita kanina.Kaya ba hindi na ito nagpapakita pa sa kan'ya dahil may nobya na ito? O baka nobya na nito ang Maxine na iyon bago pa sila magkakilala at nagkunwari lang itong single.Parang tinutusok ng karayom ang kan'yang dibdib dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.Hindi n'ya na maipagkaila pa ang nararamdaman n'ya kay HJ, mahal n'ya na nga ang binata dahil hindi s'ya masasaktan ng ganito kung hindi n'ya ito mahal.Ngunit sino ba s'ya para seryosohin nito? Compared to Maxine she's nothing, isa s'yang palaboy at nakikitira lamang sa bahay ng kan'yang kaibigan.Walang pamilya, walang pera, wala lahat. Sa tingin n'ya hin
AMBER RIZALYN JOY..."Ahhhhhh!" malakas na sigaw n'ya ng biglang sumigid ang sakit sa kan'yang t'yan. Nasa kusina s'ya at kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.Napahawak s'ya sa gilid ng lababo dahil sa sobrang sakit at maya-maya pa ay naramdaman n'ya ang pagkabasa ng kan'yang mga binti."N-Nay," nasasaktang tawag n'ya kay nanay Teresita."Amber an—, Dyos ko Amber manganganak ka na ," natatarantang sigaw nito ng makita ang likido na dumaloy sa kan'yang binti."Nay tulong! Ang sakit!" umiiyak na paghingi n'ya ng tulong dito. Mabilis naman itong tumakbo sa labas at nagtawag ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.Maya-maya pa ay humahangos na nagsipasokan ang mga kalalakihan at walang pag-alinlangan na binuhat s'ya at isinakay sa nakaabang na tricycle sa labas."Teresita ang bag na may mga gamit ng bata huwag mong kalimutan," narinig n'yang sabi ni Aling Myrna sa nanay Teresita n'ya sabay abot ng bag. Agad naman itong kinuha ni nanay Teresita at dali-daling sumakay ng Tricycle na maghahatid