Belated Happy birthday to one of our Siobabies Admin Glory.. Thank you everything that you did sa page para mapasaya ang lahat.! Have a blast birthday 🎂🎉🎂
AMBER RIZALYN JOY....Naging maayos naman ang kan'yang buhay kasama ang kaibigan at ang nanay nito.Mahirap pero mas mabuti na kaysa noong nagpalaboy-laboy pa s'ya sa kalye. Tumutulong s'ya kay nanay Teresita sa pagluluto araw-araw at sa pagtitinda na din ng mga niluluto nitong ulam.Sumasama din s'ya sa paglalako nito kahit pa sinabi nito na huwag na s'yang sumama ngunit hindi s'ya nagpaawat rito.Kahit sa ganitong bagay man lang ay makatulong s'ya sa kabutihan ng mag-ina sa kan'ya."Oh Amber huwag kang masyadong magpapagod," saway sa kan'ya ni nanay Teresita. Pinunasan n'ya ang pawis sa kan'yang noo at nginitian ito."Ok lang po ako nay, huwag po kayong mag-alala sa akin," nakangiting sagot n'ya rito. Mainit na ang sikat ng araw at masakit na sa balat. Alam n'yang sa mga oras na ito ay pulang-pula na ang kan'yang pisngi ngunit masaya s'ya sa ginagawa at hindi alintana ang init.Dati hindi s'ya lumalabas ng bahay kapag ganito kainit at palaging may baon na sunscreen ngunit ngayon ay
AMBER RIZALYN JOY...Panay ang hinga n'ya ng malalim para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan. Nanubig ang kan'yang mga mata ngunit pilit n'yang nilalabanan ang nararamdaman dahil ayaw n'yang makita s'ya ni nanay Teresita sa ganong sitwasyon.Itinuon n'ya na lang ang pansin sa mga paninda habang nakasunod sa ginang ngunit hindi n'ya maiwasan ang hindi maisip ang nakita kanina.Kaya ba hindi na ito nagpapakita pa sa kan'ya dahil may nobya na ito? O baka nobya na nito ang Maxine na iyon bago pa sila magkakilala at nagkunwari lang itong single.Parang tinutusok ng karayom ang kan'yang dibdib dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.Hindi n'ya na maipagkaila pa ang nararamdaman n'ya kay HJ, mahal n'ya na nga ang binata dahil hindi s'ya masasaktan ng ganito kung hindi n'ya ito mahal.Ngunit sino ba s'ya para seryosohin nito? Compared to Maxine she's nothing, isa s'yang palaboy at nakikitira lamang sa bahay ng kan'yang kaibigan.Walang pamilya, walang pera, wala lahat. Sa tingin n'ya hin
AMBER RIZALYN JOY..."Ahhhhhh!" malakas na sigaw n'ya ng biglang sumigid ang sakit sa kan'yang t'yan. Nasa kusina s'ya at kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.Napahawak s'ya sa gilid ng lababo dahil sa sobrang sakit at maya-maya pa ay naramdaman n'ya ang pagkabasa ng kan'yang mga binti."N-Nay," nasasaktang tawag n'ya kay nanay Teresita."Amber an—, Dyos ko Amber manganganak ka na ," natatarantang sigaw nito ng makita ang likido na dumaloy sa kan'yang binti."Nay tulong! Ang sakit!" umiiyak na paghingi n'ya ng tulong dito. Mabilis naman itong tumakbo sa labas at nagtawag ng tulong sa kanilang mga kapitbahay.Maya-maya pa ay humahangos na nagsipasokan ang mga kalalakihan at walang pag-alinlangan na binuhat s'ya at isinakay sa nakaabang na tricycle sa labas."Teresita ang bag na may mga gamit ng bata huwag mong kalimutan," narinig n'yang sabi ni Aling Myrna sa nanay Teresita n'ya sabay abot ng bag. Agad naman itong kinuha ni nanay Teresita at dali-daling sumakay ng Tricycle na maghahatid
AMBER RIZALYN JOY...Hindi madali ang maging isang ina ngunit ginagawa n'ya ang lahat para maging mabuting nanay para kay Joshua.Halos maiyak na s'ya minsan lalo pa kapag nagkakasakit ang kan'yang anak ngunit kinakaya n'ya dahil walang ibang tutulong sa kanilang dalawa kundi ang mga sarili nila.Nagpapasalamat pa rin s'ya na kasama nila si Jessica at si nanay Teresita na s'yang katulong n'ya sa pag-aalaga sa anak.Nahirapan na din s'yang gumalaw para tumulong kay nanay Teresita dahil maliit pa si Joshua at aalagain pa talaga ito.Pero gayunpaman ay ginagawa n'ya ang kan'yang makakaya para makatulong pa rin sa ginang dahil ito ang nagpapakain sa kanilang dalawa ngayon ng anak n'ya."Teresita lumabas kayo d'yan, nandito sila senyora Haidee at senyor Jesus, namimigay ng mga ayuda para sa lahat," sigaw ni aling Myrna mula sa labas ng kanilang bahay.Dumungaw s'ya sa bintana para sagutin ito."Salamat po aling Myrna sabihan ko po si nanay," sagot n'ya rito habang karga-karga ang kan'yan
AMBER RIZALYN JOY...Umuwi sila ni nanay Teresita na sobrang daming bitbit. Pinaiwan pa sila saglit ng dalawang matanda dahil nagpabili pa ito ng sangkatutak na nga gamit at mga gatas ni Joshua.Natatakot s'ya ngunit may parte ng kan'yang puso na natuwa dahil ang daming ibinigay ng mga ito para sa kan'yang anak.Wala naman s'yang nagawa kundi ang tanggapin ang mga ito. May pera pa na ibinigay si senyora Haidee na ibinalik n'ya dahil sobra-sobra na ang tulong na ibinigay nito sa kanila ngunit iginiit ito ng ginang at sa ikalawang pagkakataon ay wala na naman s'yang nagawa kundi ang tanggapin ito at itago ang pera.Nang makarating sila sa bahay ay inilagay n'ya muna si Joshua sa kumot na ginawang duyan dahil natutulog ito at ayaw n'yang magising ang anak kapag sa papag n'ya ito inilapag. Inayos n'ya ang mga pinamigay na mga gamit ng dalawang matanda. Sobrang dami ng mga ito na halos mapuno ang maliit na silid na gamit nila ng anak.Kinuha n'ya ang sobre na ibinigay kanina ni senyora Hai
AMBER RIZALYN JOY...Hindi madali ang naging buhay nilang apat sa Maynila. Kung sa probinsya ay marami silang kapitbahay na handang tumulong sa kanila, sa Maynila naman ay kan'ya-kan'ya ang mga tao.Kan'ya-kan'yang diskarte para makaraos sa pang araw-araw. Naghirap silang apat ngunit hindi sila sumuko. Kung ano-anong trabaho ang pinasok nila ni nanay Teresita para may makain sila sa araw-araw.Si Jessica naman ay nag working student kapag may libreng oras para makatulong kahit sa allowance lamang nito hanggang sa makapag tapos ito at makapag trabaho sa isang kompanya. Bago pa lang ito kaya wala pang may naipundar.Kay bilis na lumipas ng mga araw at mga taon. Hindi n'ya namalayan na mag aanim na taon na pala silang umalis sa probinsya nila para magtago dito sa Maynila.At sa loob ng mahigit anim na taon na yan ay hindi matawarang kahirapan ang dinanas n'ya bilang isang single mom kay Joshua ngunit hindi s'ya sumuko.Lumaban s'ya ng lumaban sa buhay para sa kan'yang anak na s'yang la
AMBER RIZALYN JOY...Yakap-yakap n'ya ng mahigpit ang anak habang nasa loob ng kotse ng lalaking tumulong sa kanila.Tumutulo ang kan'yang luha habang nakatunghay sa maputlang mukha ni Joshua. Hindi matatawarang takot ang nararamdaman n'ya kanina ng mangisay at tumirik ang mga mata ng anak."Miss take this," napukaw s'ya ng magsalita ang lalaki. Nasa unahan ito kasama ang isa pang lalaki at nasa likuran naman silang dalawa ng anak. Tiningnan n'ya ito at nakita n'yang may inabot itong tuwalya sa kan'ya."It's clean, cover him para hindi mas lalong lamigin. I'm sorry I only have towel in my car," seryosong sabi nito sa kan'ya."S-Salamat sir," taos pusong papasalamat n'ya rito sabay kuha ng tuwalya. Tumango lamang ito sa kan'ya at ibinalik ang tingin sa unahan. Binalot n'ya ang anak at niyakap ng mahigpit. Sobrang init pa rin ng katawan nito at mas lalo pang dumami ang nga pulang pantal sa balat ni Joshua. Hindi n'ya namalayan na nakarating na pala sila sa hospital.Naunang bumaba ang
AMBER RIZALYN JOY...Limang araw silang nanatili sa hospital. Mabuti na ang lagay ni Joshua at bumalik na ang lakas at sigla ng anak n'ya.Malakas din itong kumain kahit masama ang pakiramdam, bagay na ipinagpasalamat n'ya dahil madali itong naka recover sa sakit nito. Kahit hindi nito sabihin ngunit alam n'ya na tinutulongan s'ya ng anak para hindi s'ya gaanong mag-alala rito.Maganda ang trato sa kanila sa hospital. Lahat ng kailangan nila ay provided ng mga ito. Araw-araw ding bumibisita si Drake sa kanila at sinisigurado na maayos ang kalagayan nilang mag-ina.Malaki ang pasasalamat n'ya sa lalaki dahil kung hindi sila nito tinulongan ay baka kung ano na ang nangyari sa anak n'ya ng araw na nagka dengue si Joshua.Gusto n'ya sanang itanong kay Drake kung sino ang tumulong sa kanila at nagbigay ng dugo para sa kan'yang anak. Gusto n'yang magpasalamat sa taong iyon, ngunit parang umiiwas si Drake sa tuwing nahahalata nito na magtatanong na s'ya.Hindi n'ya na lang itinuloy ang balak