AMBER RIZALYN JOY...Umuwi sila ni nanay Teresita na sobrang daming bitbit. Pinaiwan pa sila saglit ng dalawang matanda dahil nagpabili pa ito ng sangkatutak na nga gamit at mga gatas ni Joshua.Natatakot s'ya ngunit may parte ng kan'yang puso na natuwa dahil ang daming ibinigay ng mga ito para sa kan'yang anak.Wala naman s'yang nagawa kundi ang tanggapin ang mga ito. May pera pa na ibinigay si senyora Haidee na ibinalik n'ya dahil sobra-sobra na ang tulong na ibinigay nito sa kanila ngunit iginiit ito ng ginang at sa ikalawang pagkakataon ay wala na naman s'yang nagawa kundi ang tanggapin ito at itago ang pera.Nang makarating sila sa bahay ay inilagay n'ya muna si Joshua sa kumot na ginawang duyan dahil natutulog ito at ayaw n'yang magising ang anak kapag sa papag n'ya ito inilapag. Inayos n'ya ang mga pinamigay na mga gamit ng dalawang matanda. Sobrang dami ng mga ito na halos mapuno ang maliit na silid na gamit nila ng anak.Kinuha n'ya ang sobre na ibinigay kanina ni senyora Hai
AMBER RIZALYN JOY...Hindi madali ang naging buhay nilang apat sa Maynila. Kung sa probinsya ay marami silang kapitbahay na handang tumulong sa kanila, sa Maynila naman ay kan'ya-kan'ya ang mga tao.Kan'ya-kan'yang diskarte para makaraos sa pang araw-araw. Naghirap silang apat ngunit hindi sila sumuko. Kung ano-anong trabaho ang pinasok nila ni nanay Teresita para may makain sila sa araw-araw.Si Jessica naman ay nag working student kapag may libreng oras para makatulong kahit sa allowance lamang nito hanggang sa makapag tapos ito at makapag trabaho sa isang kompanya. Bago pa lang ito kaya wala pang may naipundar.Kay bilis na lumipas ng mga araw at mga taon. Hindi n'ya namalayan na mag aanim na taon na pala silang umalis sa probinsya nila para magtago dito sa Maynila.At sa loob ng mahigit anim na taon na yan ay hindi matawarang kahirapan ang dinanas n'ya bilang isang single mom kay Joshua ngunit hindi s'ya sumuko.Lumaban s'ya ng lumaban sa buhay para sa kan'yang anak na s'yang la
AMBER RIZALYN JOY...Yakap-yakap n'ya ng mahigpit ang anak habang nasa loob ng kotse ng lalaking tumulong sa kanila.Tumutulo ang kan'yang luha habang nakatunghay sa maputlang mukha ni Joshua. Hindi matatawarang takot ang nararamdaman n'ya kanina ng mangisay at tumirik ang mga mata ng anak."Miss take this," napukaw s'ya ng magsalita ang lalaki. Nasa unahan ito kasama ang isa pang lalaki at nasa likuran naman silang dalawa ng anak. Tiningnan n'ya ito at nakita n'yang may inabot itong tuwalya sa kan'ya."It's clean, cover him para hindi mas lalong lamigin. I'm sorry I only have towel in my car," seryosong sabi nito sa kan'ya."S-Salamat sir," taos pusong papasalamat n'ya rito sabay kuha ng tuwalya. Tumango lamang ito sa kan'ya at ibinalik ang tingin sa unahan. Binalot n'ya ang anak at niyakap ng mahigpit. Sobrang init pa rin ng katawan nito at mas lalo pang dumami ang nga pulang pantal sa balat ni Joshua. Hindi n'ya namalayan na nakarating na pala sila sa hospital.Naunang bumaba ang
AMBER RIZALYN JOY...Limang araw silang nanatili sa hospital. Mabuti na ang lagay ni Joshua at bumalik na ang lakas at sigla ng anak n'ya.Malakas din itong kumain kahit masama ang pakiramdam, bagay na ipinagpasalamat n'ya dahil madali itong naka recover sa sakit nito. Kahit hindi nito sabihin ngunit alam n'ya na tinutulongan s'ya ng anak para hindi s'ya gaanong mag-alala rito.Maganda ang trato sa kanila sa hospital. Lahat ng kailangan nila ay provided ng mga ito. Araw-araw ding bumibisita si Drake sa kanila at sinisigurado na maayos ang kalagayan nilang mag-ina.Malaki ang pasasalamat n'ya sa lalaki dahil kung hindi sila nito tinulongan ay baka kung ano na ang nangyari sa anak n'ya ng araw na nagka dengue si Joshua.Gusto n'ya sanang itanong kay Drake kung sino ang tumulong sa kanila at nagbigay ng dugo para sa kan'yang anak. Gusto n'yang magpasalamat sa taong iyon, ngunit parang umiiwas si Drake sa tuwing nahahalata nito na magtatanong na s'ya.Hindi n'ya na lang itinuloy ang balak
HOWALD JACOB (HJ)..."Damn it! Kung ayaw nilang makipag negosasyon then don't! I don't fvcking care about them, hindi sila kawalan," nangangalaiting galit na sabi n'ya sa kausap sa telepono.Nasa bahay sila ni Drake ngayon, dahil pinatawag sila ni Red para tulongan si Drake sa pagkuha sa asawa nito.Nataon din na tumawag ang kan'yang sekretarya para ipaalam sa kan'ya ang demands ng isang investor at binantaan pa s'ya nito na iurong ang mergeng ng kan'yang kompanya kapag hindi n'ya ibinigay ang hinihiling nito.The nerve of that man na takotin s'ya. Hindi yata ito na inform kung sino ang tinatakot nito. Nangangalaiti s'ya sa galit na tinapos ang pakikipag-usap sa sekretarya at nagpasyang bumalik na lamang sa living room, kung nasaan nag-umpokan ang mga kaibigan n'ya at nagkakagulo sa pangunguna ni Red.Ngunit sa pagpihit n'ya paharap sa pintoan ay s'ya ring paglabas ng isang babae. Nagulat ito ng makita s'ya at biglang nawalan ng balanse at akmang matutumba ito sa sahig kaya mabi
HOWALD JACOB (HJ)...Matapos pakalmahin ang sarili ay nagpasya s'yang bumalik sa mga kaibigan. Nagbabangayan pa rin ang mga ito sa living room ng bahay ni Drake ngunit nasa isang sulok lang.Viper is sitting on the sofa at tahimik na nanunuod ng tv, samantala ang kan'yang mga kaibigan ay nakatayo lang sa isang sulok at hindi gumagalaw dahil sa takot na habulin ni Viper.Parang gusto n'yang bumunghalit ng tawa sa mga hitsura ng mga ito lalo na si Red at Spike na namumutla sa takot sa ahas ni Esteban."Putang'inang buhay naman to oh, hindi ba tayo pwedeng gumalaw?" reklamo ni Nicollai."Eh di gumalaw kang gago ka para ikaw ang maging hapunan ni Viper," singhal ni Ashton dito."Hoy Morgan, hindi ba may sedative ka na dala-dala, iturok mo kaya yan kay Viper para makaalis na tayo rito. Nangangalay na ang mga paa ko sa kakatayo," reklamo at utos ni Red kay Ashton ngunit biglang namutla muli ng marinig nila ang tunog na likha ni Viper at parang galit."Shhhhhh....shhhhhhh...shhhhh!" si Viper
HOWALD JACOB (HJ)..."You are beautiful," paanas na sabi n'ya sabay haplos ng pisngi ni Amber na ikinapikit ng mga mata nito ngunit may butil ng luha na naglandas sa pisngi.Pinahid n'ya iyon at inilapit ang mukha sa mukha ni Amber na nakapikit. Akmang ilalapat n'ya na ang labi sa mga labi ng dalaga ng makarinig sila ng boses na papasok sa kusina at tinatawag ang pangalan na Rizalyn."Rizalyn nand'yan ka ba?" boses ng babae na alam n'ya na pagmamay-ari ni Cassandra.Nagising naman ang diwa ni Amber at agad na napamulat. Nagulat pa ito ng makitang sobrang lapit ng mukha n'ya rito. Agad itong lumayo sa kan'ya at humarap sa lababo.S'ya namang pagpasok ni Cassy sa kusina. Nagpalipat-lipat pa ito ng tingin sa kanilang dalawa ni Amber."Nandito ka pala Howald?" tanong nito. Cassy is also his childhood friend. Magkababata silang dalawa ngunit dahil sa Britain na ang mga ito nakatira ay madalang na silang magkita simula noong grade five sila hanggang ngayon.Pinsan ito ni Drake ngunit nagp
AMBER RIZALYN JOY...Matapos s'yang sunduin ni Esteban sa kanilang bahay ay dinala na s'ya nito sa bahay ni Drake.Sa sasakyan pa lang ay pinagsabihan na s'ya ni Esteban sa maaabutan nila para hindi na s'ya magulat.Ngunit hindi n'ya pa rin makuha ang hindi kabahan ng makita ang mga armadong kalalakihan na pagala-gala sa buong mansion ni Drake.Noong una ay nakaramdam s'ya ng pag-alinlangan ngunit maiging ipinaliwanag sa kan'ya ni Esteban na normal lang na may ganito si Drake dahil isa itong royalty.Naintindihan n'ya na ngayon kung bakit ayaw nitong isasama n'ya si Joshua sa bahay nito. Hindi nga angkop ang tanawing ito sa kan'yang anak.Sinalubong sila ng isang magandang babae at nagpakilala itong si Cassandra. Nagulat pa s'ya ng sinabi nito na katulad n'ya ay isa din itong katulong sa bahay ni Drake.Ang akala n'ya ay ito ang asawa ng lalaki dahil sobrang ganda nito.Hindi naman kasi ito mukhang katulong dahil napakaganda at napakakinis ng balat ng babae."Hi," nakangiting bati nit