Share

CHAPTER 6

HOWALD JACOB (HJ)...

Matapos nilang bumili ng nga inihaw ay nagpasya silang umuwi na. Medyo may kalayuan pa ang bahay nila mula sa centro.

Tuwang-tuwa ang mga kaibigan na kumakain ng inihaw na nabili nila kanina. Sumagi sa kanyang isip ang babaeng nagtitinda.

Sa hinuha n'ya ay hindi pa ito tumuntong sa edad na desi-otso. Hindi n'ya makakalimutan ang magandang mukha ng dalaga.

Gustong-gusto n'ya ang mapupungay na mga mata nito na kulay amber na bumagay sa hugis puso nitong pisngi.

"Ang ganda n'ong nagtitinda ng inihaw no? Mukhang type ni El Frio, panay ang sulyap eh," sabi ni Spike na puno ng karne ang bibig.

"Nahalata mo rin pala? Iba ang tingin ni El Frio doon, hindi ko man lang nakita ang ganong mga tingin kapag tinitingnan n'ya si Maxine," sabat naman ni Red.

"Bakit naman titingnan ng ganon ni Howald si Maxine?" nagtatakang tanong ni Nicollai sa mga ito.

"Ay hindi ba mag jowa sila?" si Red dito.

"Ay marites lang pula? Magkababata lang kami ni Maxine at wala akong gusto sa kan'ya," singhal n'ya rito.

"Eh doon sa tindira ng inihaw Howald may gusto ka ba?" si Ashton na isa ding marites sa mga kaibigan n'ya.

"Bakit naman ako magkakagusto doon? Eh ngayon ko nga lang nakita ang batang iyon," busangot na sagot n'ya sa mga ito.

"Bata? Makapagsalita ka El Frio mukhang ang tandang tanda na natin ah!" si Spike sa kan'ya

"Don't say that Howald, I'm still a baby you know!" maarteng sabi ni Red. Napailing na lamang s'ya sa mga kalokohan ng mga kaibigan.

Maya-maya pa ay hinablot ni Ashton ang hawak ni Red na stick ng karne at kinain. Inabot naman ito ni Red at muntik ng mag dive sa unahan ngunit agad na nahawakan ito ni Spike kaya hindi ito bumulusok sa unahan ng sasakyan.

Ngunit sa kasamaang palad ay ang suot nitong jersey short ang nahawakan ng isa at kasama ang brief nito ay nahila ni Spike ang short at nahubad.

Bumulaga sa mukha ni Spike at Nicollai ang puwet ni Red. Itinaas pa nito ang mga hita sa likoran ng upoan kaya nakabukaka sa mukha ng dalawa ang puwet nito.

"Putang'ina pula hindi ka ba naghugas ng puwet mo kanina after mong tumae?"sigaw ni Spike rito.

"Hindi," sagot nito na pilit pa ring inaagaw ang stick ng karne na hinablot ni Ashton dito na parang patay gutom.

"Ibalik mo sa akin yan Morgan! Gago ka huwag mong kainin ang taba," sigaw nito kay Ashton.

"Gago ka eh ano pala ang ginamit mo na panlinis sa puwet mo?"

"Yong dahon ng halaman, pakialam mo bang gago ka? Ibalik mo sa akin ang pagkain ko Morgan!" pasigaw na sagot nito sabay singhal kay Ashton.

"Tang'ina! Kaya pala ang baho ng puwet mo at may natira pang dumi, kulay brown at may dahon na green, gago ka!" nandidiring singhal ni Spike dito.

"Oh ano pa ang dinadakdak mo d'yan, linisin mo, kaysa naman puro ka reklamo. Oh dilaan mo na ang puwet ko Spike," malokong sagot ni Red at iniumang pa ang puwet kay Spike. Agad namang binuksan ng isa ang bintana at dumuwal dahil sa kalokohan ng kaibigan.

Tawa naman ng tawa ang tatlo samantalang s'ya ay napailing na lamang dahil sa mga ginagawa ng mga ito.

Wala s'yang pakialam sa mga kagagohan ng mga kaibigan dahil okupado ang isip n'ya ng mukha ng dalagang nagtitinda ng inihaw kanina.

Ngayon lang s'ya nagkaganito sa isang babae at masasabi n'yang wala s'yang ka ide-ideya kung ano ang tawag sa nararamdaman n'ya.

Narating nila ang kanilang bahay na wala nang ginawa ang tatlong kaibigan kundi ang magbardagulan.

Nauna na s'yang bumaba ng sasakyan at iniwan ang mga ito na parang mga bata na nag-aagawan pa rin ng binili nilang inihaw kanina.

Deritso s'yang umakyat sa kan'yang kwarto at ni lock iyon para hindi makapasok ang mga magugulong kaibigan.

Pabagsak s'yang nahiga sa kama at iniunan ang braso habang mariing nakatingin sa kisame. Naglalaro sa kan'yang balintataw ang imahe ng babae kanina ngunit natigilan s'ya ng may malabong imahe din ng babae ang bigla na lang na lumitaw sa kan'yang isip.

Ipinilig n'ya ang ulo dahil hindi n'ya matandaan ang malabong imahe ng babae na bigla na lamang lumitaw sa kan'yang balintataw. Ibinalik n'ya ang isip sa mukha ng dalaga kanina.

Ang mamula-mula nitong pisngi at ang magagandang kulay ng mga mata ang unang naka attract sa kan'ya rito.

"Ano kaya ang pangalan n'ya?" mahinang tanong n'ya sa sarili. Nakalimutan n'yang tanungin ang pangalan nito kanina dahil sa mga walanghiya n'yang kaibigan na sobrang magulo lalo na si Red.

Nakatulogan n'ya na lang ang pag-iisip tungkol sa babae. Kinabukasan ay maaga s'yang nagising.

Naligo s'ya at bumaba din agad at sa pag-aakala n'yang s'ya ang naunang nagising sa lahat ay hindi pala dahil naabutan n'ya ang tatlong kaibigan na nagkakape na sa balkonahe nila na nakaharap sa malapad na parang sa harapan.

"Oh gising ka na pala Mr. El Frio?" si Ashton sa kan'ya.

"Ay hindi s'ya gising Morgan, kaluluwa n'ya yang kinakausap mo," pabalang na sagot ni Red na kay aga-aga ang pambubwesit na ang ginagawa nito.

"Bakit ang aga n'yong nagising? Natulog ba kayo?" tanong n'ya sa tatlo.

"Syempre naman! Anong akala mo sa amin zombie?" pabalang na sagot ni Spike sa kan'ya na hindi n'ya na lang pinansin.

"We want to watch the sunrise kaya maaga kaming nagising," si Red ang sumagot sa tanong n'ya.

Tinanguan n'ya lang ang mga ito at iniwan saglit para pumasok sa kusina at para makapagtimpla ng kape.

Naabutan n'ya si nanay Koring na nagluluto ng almusal.

"Magandang umaga nay," bati n'ya rito.

"Magandang umaga anak, gising ka na din pala," sagot nito sabay bati sa kan'ya.

"Yes nay, akala ko ako ang pinaka maagang nagising, nauna pa pala ang tatlo sa akin."

"Ay kanina pa ang mga yan, alas kwatro pa lang ay gising na ang tatlo mong kaibigan," sagot ng matandang katiwala sa kan'ya.

Matagal na itong katiwala nila sa kanilang farm at parang lola na nila ito. Ito lang ang tanging tao na pinagkakatiwalaan ng kan'yang ina pagdating sa kanila.

"Natulog ba ang mga yan nay?"

"Natulog naman anak, tulog manok yata, lalo na yang si Red, s'ya ang nauna sa lahat eh," natatawang sagot nito. Napailing na lamang s'ya dahil kahit kailan talaga itong si Pula ang s'yang nangunguna sa mga kalokohan.

Paniguradong ginising nito ang tatlo para may kasama ito sa panunuod ng paglabas ng araw.

Matapos n'yang magtimpla ng kape ay nagpaalam na s'ya sa matanda na puntahan muna ang mga kaibigan.

Naabutan n'ya na naman ang mga itong nagbabardagulan. Tahimik lang s'yang naupo sa upoan paharap sa malapad na parang na nasa harapan ng inuopan nila.

"Hoy El Frio punta tayo mamaya sa prutasan n'yo ha! Gusto kong kumain ng atis," si Nicollai sa kan'ya. Tinaasan n'ya ito ng gitnang daliri at hindi man lang sinagot. Ibinalik n'ya ang tingin sa harapan at parang biro naman na biglang lumitaw doon ang imahe ng babae kahapon sa ihawan.

Ipinilig n'ya ang ulo dahil para na s'yang minumulto ng babae na hindi na ito mawala-wala sa kan'yang sistema.

Lumabas ang araw at tuwang-tuwa si Red habang nakatingin dito. Sa kanilang lahat ito ang may ganitong obsession sa sunrise at sunset.

"Tuwang-tuwa ampota! Ano ba ang mayroon sa sunrise at sunset Red na parang timang kang nakangiti habang nakatingin sa paglabas ng araw?" tanong ni Spike dito.

"I love the color, it's gold and it's beautiful," sagot nito na may kasama pang aksyon na animo'y tumutula.

"Baliw ka na talaga Pula, pangalan mo pula tapos favorite color mo gold? Ang gulo mong kausap," si Ashton rito sabay tayo at tinalikuran sila.

"Hoy saan ka pupunta Morgan?"

"Matutulog ulit dahil inistorbo mo ang masarap kong tulog na gago ka!" singhal nito kay Red na agad namang natahimik at nagkunwaring walang narinig.

Kinahapunan ay nagyaya ang mga ito na pumunta sa prutasan. Hindi s'ya tinantanan ng mga kaibigan hangga't hindi s'ya napapayag.

Kaya magkasunod silang lima na binaybay ang daan patungo sa prutasan. Pagdating nila ay namilog ang mga mata ng apat nang makita ang naglalakihang mga atis na gustong kainin ni Nicollai.

"Ang dami, tara sungkitin natin Spike," aya ni Red dito.

"Teka lang! Tingnan muna natin kung hinog na ang mga ito bago sungkitin para hindi masayang," si Nicollai dito.

"Oo nga, baka mamaya hindi pala hinog sayang lang," singit naman ni Ashton.

"Paano malalaman kung hinog na?" tanong ni Red sa mga ito.

"Akyatin mo Pula at tingnan mo kung hinog na ang mga yan," utos ni Nicollai dito. Agad namang sumunod si Red at inakyat ang puno ng atis.

Nakamasid lang s'ya sa mga ito at alam n'yang may kalokohan na binabalak ang tatlo dahil sa tinginan ng mga ito sa isat-isa.

"It's soft! I think hinog na ang mga ito," pasigaw na sabi ni Red.

"Hinog na ba?"

"Oo nga, hinog na lahat," sagot ni Red sa mga ito.

"Oh s'ya sige bumaba ka na Pula at susungkitin na natin," utos ni Nicollai dito na agad namang sinunod ng isa.

Pagkababa nito ay nagkanya-kanya na ang mga ito ng sungkit na mahina n'yang ikinasapo sa kan'yang ulo. Kahit kailan mga loko-loko talaga ang tatlong ito at nakisali pa si Ashton sa kulto ng mga baliw na kaibigan.

Pagkatapos nilang manguha ng prutas ay bumalik sila sa bahay at sumakay ng kotse.

Gustong bumili ng mga kaibigan ng inihaw ulit at sa isiping makikita n'ya ulit ang dalaga ay hindi na s'ya nagpatumpik-tumpik pa. Sumama agad s'ya sa mga ito.

Narating nila ang pwesto nito kahapon at hindi nga s'ya nagkamali. Nasa harapan ulit ito at umeestima sa mga customer para kuhanin ang mga order.

Pumila sila at natigilan ito ng makita silang lima sa pila. Nagtama ang kanilang mga mata at hindi n'ya alam kung bakit bigla na lang rumigidon ng sobrang lakas ang kan'yang puso.

Lumapit ito sa kanila at mas lalo pang lumakas ang pagtibok ng kan'yang dibdib.

"P-Pwede bang manghingi ng atis?" namumula ang pisngi na pakiusap nito kay Red na may bitbit na tatlong atis sa isang kamay habang kinakain naman ang nasa kabila na hawak.

"Kay El Frio ka manghingi Miss ganda kasi sa kan'ya ang mga to," utos ni Red dito sabay turo sa kan'ya. Kita n'ya pa ang mala demonyong ngisi ng kaibigan.

Humarap naman ito sa kan'ya at parang piniga ang kan'yang puso ng makita ang nagmamakaawang mga mata nito.

"Fvck!" mariing mura n'ya at walang pakundangang hinablot ang atis mula kay Red at humarap sa dalaga.

Iniabot n'ya rito ang naturang prutas at akmang kukunin na nito nang iurong n'ya ito pabalik sa kan'ya.

"Tell me your name first bago ko ibibigay sayo itong mga atis na hawak ko," utos n'ya rito.

"Amber! Amber ang pangalan ko," nahihiyang sagot nito. Lihim s'yang napangiti ng marinig ang pangalan ng dalaga.

"Your name suits you well..! It's beautiful just like your amber colored eyes," mahinang sabi n'ya rito na ikinapula ng mukha ng dalaga.

"Pretty!"

Mga Comments (77)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
ay mabuti nman jan na yata si amber nkatira kay lola tumutolong sa pag iihaw
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sayang wala man lang cctv sa bar na yon di sana alam na ni HJ kung sino ang bavaeng kaniig nya na walang iba kundi yong gumugulo sa isip nya
goodnovel comment avatar
Jenie Celeste Gabrido
hj sya Yan ang gumugulo sa isip myo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status