Share

CHAPTER 2

AMBER RIZALYN JOY....

Araw ng lunes, maaga s'yang pumasok sa school. Medyo naging ok na ang kan'yang pakiramdam. Nilagnat s'ya ng dalawang araw at mabuti na lang at weekend at wala silang pasok.

"Amber ang baon mo anak," pasigaw na sabi ni ng yaya Dolores n'ya habang malalaki ang mga hakbang na naglakad palabas ng bahay.

Nasa labas na s'ya at papasok na sana sa sasakyan na naghihintay. Nilingon n'ya ito at tamang-tama naman na narating nito ang kan'yang kinaroroonan.

"Salamat yaya," pasasalamat n'ya rito.

"Walang anuman anak, oh s'ya mag-ingat ka Amber," bilin nito sa kan'ya. Tumango lang s'ya rito bilang tugon at pumasok na sa loob ng sasakyan.

"Tayo na ho tatay Delfin," aya na s'ya matanda.

Agad namang umalis si tatay Delfin na s'yang nakatalagang driver n'ya. Tahimik lang s'ya sa byahe at iniisip ang nangyari sa kan'ya noong byernes.

"Anak ok ka lang ba?" tanong ni tatay Delfin sa kan'ya. Para n'ya na ring pangalawang ama ito. Baby pa lang s'ya ay driver na ito ng pamilya nila.Tumingin s'ya rito at ngumiti.

"Ok lang po tay," sagot n'ya sa matanda.

"Ang tahimik mo kasi at parang ang lalim ng iniisip mo," puna nito. Kilalang-kilala na nga s'ya ng mga ito. Madaling mapuna ng mga kasama nila sa bahay kung may problema s'ya o wala.

"Ganon po siguro tay kapag kagagaling lang sa sakit," natatawang sagot n'ya. Tipid naman itong ngumiti sa kan'ya.

"Hay, mag-ingat ka sa katawan mo Amber. Huwag kang abusado nag-iisa lang yan," pangaral ng matanda sa kan'ya.

"Opo tay, salamat po!" s'ya rito. Narating nila ang eskwelahan at ibinaba s'ya nito sa entrance ng kanilang paaralan. Nagpasalamat at nagpaalam na s'ya rito bago bumaba ng sasakyan.

Inilibot n'ya muna ang tingin sa paligid bago naglakad patungo sa gate. May gwardya na nakatalaga doon para mag check ng kanilang mga id.

Pumasok s'ya sa loob at dumiretso sa kanilang classroom, English ang first subject nila at bawal ang ma late dahil sobrang terror ng kanilang adviser sa English.

"Amber over here," tawag sa kan'ya ni Jessa na isa sa mga kaibigan n'ya. Nagkukumpolan ang mga ito at kung may anong tinitingnan.

"Hi," bati n'ya sa mga ito at naupo sa isang bakanteng upoan.

"Hoy Amber may gwapong outsider daw sa Business Ad department," kinikilig na kwento ni Trisha. Napakunot ang kan'yang noo dahil parang mga timang ang mga kaibigan na kilig na kilig ng mabanggit ang naturang outsider na sinasabi ng mga ito.

"Bakit outsider? Pwede na pala ngayon ang outsider sa university?" nagtatakang tanong n'ya sa mga kaibigan.

"Gaga! Anak kasi ng isa sa mga investors ng school at taga Maynila daw, tsaka Englishing te kaya pogi points," kinikilig na sabat na Alliyah sa kan'ya.

"Asus! Para kayong mga timang, para gwapo lang eh, dyan na nga lang kayo," pairap na sabi n'ya sa mga kaibigan at iniwan na ang mga ito para pumunta sa sariling upoan.

"Parang manang talaga tong ugali ni Amber pagdating sa mga lalaki ba," narinig n'yang puna ni Trish ngunit hindi n'ya na lang pinansin.

Hindi naman napag-usapan ng mga kaibigan ang nangyari noong byernes at nagpapasalamat s'ya na hindi na nagtanong pa ang mga ito.

Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang guro at nagsimula na ang kanilang klase. Isang oras at kalahati ang kanilang English subject at sa oras na iyon ay bawal ang mag excuse na mag toilet o kung ano pa man.

Sobrang strikta ng guro nila at walang sumasalungat dito dahil bagsak ang kalalabasan ng grades mo kapag kumontra ka sa rules n'ya.

Matapos ang klase nila ay agad s'yang lumabas at tumakbo patungo sa toilet. Kanina pa s'ya nagpipigil dahil nakalimutan n'yang dumaan sa toilet kanina bago s'ya pumasok sa klase.

Tumakbo s'ya sa hallway patungo sa banyo at hindi alintana ang ibang estudyante na nadadaanan n'ya. Malapit na s'ya sa banyo ng bigla s'yang mabangga sa isang matigas na katawan ng isang lalaki.

"I'm sorry!" hingi n'ya ng paumanhin dito na hindi man lang tiningnan ang mukha ng lalaki na nabangga.

"Hey! Be careful baka madulas ka! The floor inside is wet!" pasigaw na paalala nito sa kan'ya.

"Tang'ina HJ concern na concern ah," narinig n'ya pang tukso ng kaibigan ng lalaki dito.

"Thank you!" pasigaw din na sagot n'ya rito at nagmamadaling pumasok na sa loob ng banyo. Hindi n'ya na nakita pa ang malapad na ngiti ng lalaki habang sinusundan s'ya ng tingin.

Matapos makapagbawas ay guminhawa ang kan'yang pakiramdam. Naghugas s'ya ng kamay at agad na bumalik sa kanilang classroom dahil magsisimula na ang kanilang pangalawang subject.

Naging maayos naman ang kan'yang pag-aaral at naging tahimik na din. Himala na hindi na nagyaya ang mga kaibigan n'ya na gumimik. Ok lang din naman sa kan'ya dahil wala din s'ya sa mood na lumabas.

Mahigit dalawang buwan na ng huli nilang labas at iyon ay noong may nangyari sa kan'ya. Ipinilig n'ya ang ulo para alisin sa isip ang nangyari. Hangga't maari ay gusto n'ya na itong kalimutan at ibaon na sa limot.

Isang araw ay nagising s'ya na parang hinahalukay ang kan'yang t'yan. Bumangon s'ya at tumakbo sa banyo at sumuka sa inidoro. Parang mauubosan na s'ya ng hangin dahil sa pagsusuka na wala namang lumalabas kundi puro laway.

Nanghihina na s'ya at nananakit na din ang kan'yang ngalangala sa kasusuka.

"Amber nalili— , " hindi na natapos ni yaya Dolores ang gusto nitong sabihin nang makita s'ya sa kalunos-lunos na sitwasyon.

"Dyos na mahabagin, anong nangyayari sayong bata ka?" puno ng pag-aalala na tanong nito sa kan'ya sabay lapit at hinagod ang kan'yang likod. Suka pa rin s'ya ng suka hanggang sa umikot ang kan'yang paningin at bigla na lang nawalan ng malay.

Nagising s'ya na puro puti ang kan'yang nakikita. Inilibot n'ya ang tingin at nakita n'ya ang yaya Dolores n'ya na namumula ang mga mata at parang galing lang sa pag-iyak.

Nandito rin ang kan'yang mga magulang na ikinasalubong ng kan'yang kilay.

"Mommy, daddy," tawag n'ya sa mga ito ngunit nakatingin lamang sa kan'ya ang mga magulang at kita ang galit sa mga mata nito.

"A-Ano po ang nangyari?" naguguluhang tanong n'ya dahil ang tahimik ng tatlong kasama n'ya sa kwarto. Inilibot n'yang muli ang mga mata at doon n'ya lang napagtanto na nasa hospital s'ya.

Kaya siguro umuwi ang kan'yang mga magulang ng wala sa oras mula sa business trip ng mga ito sa Japan.

"Really Rizalyn? Hindi mo alam ang nangyayari?" may diin na tanong ng kan'yang mommy. Nawiwirdohan s'ya sa inakto nito. Her mom is always the sweetest at palagi itong malambing sa kan'ya kapag kinakausap s'ya.

But seeing her face now ay parang galit na galit ito at ganon din ang daddy n'ya.

"B-Bakit mommy? May nangyari ba? Hindi na po masama ang pakiramdam ko, pwede na tayong umuwi," sabi n'ya sa mga ito. Sasagot pa sana ito ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doctor.

"Mr. and Mrs. Borris pwede na pong umuwi ang anak ninyo. Everything is fine, the baby is healthy at malakas din ang kapit nito, ngunit iwasan pa rin ang mga bagay na makakapag bigay stress sa kan'ya. It's her first time pregnancy and she's only seventeen kaya kailangan n'ya ng tamang pag gabay para sa ikabubuti ng baby sa t'yan n'ya. Amber congratulations you are eight weeks pregnant," nakangiting bati ng doctor sa kan'ya ngunit hindi s'ya nakahuma dahil parang isang bomba sa kan'yang pandinig ang sinabi nito.

Hindi s'ya nakasagot at nakatulala lamang na nakatingin sa kawalan. Na blangko ang utak n'ya sa sinabi ng doctor sa kan'ya. Hindi n'ya na namalayan na nakalabas na pala ito at naiwan na lang silang apat sa kwarto.

"Get up now Rizalyn, let's go home," malamig na utos ng mommy n'ya sa kan'ya. Agad namang lumapit si yaya Dolores sa kan'ya at inalalayan s'ya nitong makabangon.

Para lang s'yang robot na sunod-sunoran sa pinapagawa nito sa kan'ya.

Nauna nang lumabas ang kan'yang mga magulang at naiwan silang dalawa ng kan'yang yaya.

"Y-Yaya," tawag n'ya dito ng makita n'ya itong umiiyak. Nasasaktan s'ya na nasaktan n'ya ito. Alam n'yang hindi ito nagkulang sa pagpaalala at pangaral nito palagi sa kan'ya.

"Bakit mo naman pinabayaan ang sarili mo Amber? Ilang beses kitang pinagsabihan anak bakit hindi ka nakinig sa akin. Galit na galit ang iyong mga magulang at natatakot ako sa kung anong gawin nila sayo. Ok lang sana na ako lang ang saktan nila anak, huwag ka lang!" umiiyak na sabi nito sa kan'ya.

Tumulo din ang kan'yang mga luha na niyakap ito.

"I'm sorry yaya, I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang nangyari yaya maniwala ka po sa akin. Hindi ko ginusto ang nangyari," humagolhol na sabi n'ya rito.

"Sabihin mo sa akin ang totoo Amber. May lumapastangan ba sayo? Kung hindi mo gusto ang nangyari, sino ang lumapastangan sayo?" lumuluhang tanong ng kan'yang yaya.

Wala s'yang maisagot dito dahil kahit s'ya ay hindi n'ya din alam kung sino ang kasama n'ya ng gabing iyon. Wala s'yang kahit na anong natatandaan sa nangyari.

Basta na lang s'ya nagising na may katabing lalaki na n*******d at wala na ang kan'yang pagkabirhen.

Tahimik silang lulan ng kotse ng mga magulang pauwi sa kanilang bahay. Walang isa sa kanila ang nagsasalita. Panay ang kiskis n'ya ng kan'yang daliri sa kan'yang palad dahil sa kaba.

Gusto n'ya mang kausapin ang mommy n'ya ngunit natatakot s'ya rito. Kita n'ya kung gaano kagalit ang mga mata nito.

Narating nila ang kanilang bahay na walang kahit na isang salita ang narinig sa sasakyan. Naunang pumasok ang mga magulang n'ya at nakasunod lang s'ya sa mga ito at sa likod n'ya ay si yaya Dolores.

Pagpasok nila sa loob ay isang malakas na sampal ang bumungad sa kan'ya mula sa kan'yang ina. Tumabingi ang kan'yang pisngi at hindi s'ya nakahuma dahil sa pagkagulat.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinaktan s'ya ng kan'yang mommy.

"Istupida! Paano mo nagawa sa amin ng daddy mo ang bagay na to Rizalyn?" umalingawngaw sa buong bahay ang pagsigaw ng kan'yang mommy.

"M-Mommy! I'm sorry," nanginginig at naiiyak na paghingi n'ya ng tawad dito.

"Sorry? Maibabalik pa ba ng sorry mo ang lahat? Tell me Amber! Tell me!" hysterical na sigaw nito. Lumapit naman ang kan'yang daddy at katulad ng kan'yang ina ay galit din ang nakikita n'ya sa mga mata nito.

Akala n'ya ay sasaktan din s'ya ng ama ngunit hindi nangyari, bagkus malamig itong nagtanong sa kan'ya.

"Who is the father of your child Rizalyn?" malamig na tanong ng ama. Hindi n'ya alam kung paano sagutin ang tanong nito kaya umiling na lamang s'ya habang lumuluha na nakatingin sa ama.

"Hindi mo alam? Hindi mo alam kung sino ang ama ng anak mo? Anong klaseng babae ka Rizalyn? Pakawala ka ba, na kung sino-sinong lalaki ang nakatikim sayo?" bulyaw ng mommy n'ya sa kan'ya.

"Rhea hin—," si yaya Dolores ngunit natigil ito ng singhalan ng kan'yang mommy.

"Shut up yaya! Isa ka din sa may kasalanan kung bakit nangyari ito. Ipinagkatiwala namin si Rizalyn sayo pero anong nangyari? Nabuntis s'ya na hindi alam kung sino ang ama! Anong klaseng tagapag-alaga ka?" sigaw mommy n'ya kay yaya Dolores.

Nilapitan n'ya ito at niyakap habang pareho silang umiiyak. Naaawa s'ya sa kan'yang yaya na nadamay sa kan'yang problema.

"Kung hindi mo alam kung sino ang ama ng anak mo Rizalyn pwes mamili ka. Ipalaglag mo ang bata at kakalimutan namin ang ginawa mo or you keep that child pero lalayas ka sa pamamahay ko! Choose dahil isang malaking kahihiyan para sa pamilya natin ang ginawa mo!" mariing sabi ng ina.

Nagulat s'ya at natulos sa kinatatayuan. Hindi n'ya akalain na magagawa ng mommy n'ya na papiliin s'ya at mas lalong hindi s'ya makapaniwala na kaya nitong utosan s'ya na patayin ang kan'yang anak.

Umiling s'ya habang hilam sa luha ang kan'yang mga mata. Hindi n'ya kayang patayin ang sariling anak. Kahit nabuo ito sa maling pagkakataon, dugo at laman n'ya ang nasa kan'yang sinapupunan at hinding-hindi n'ya ito papatayin kahit pa palayasin s'ya ng mga magulang.

"No mommy! I'm not gonna kill my baby. Dugo at laman ko ang nasa sinapupunan ko at hindi ko kaya ang pinapagawa mo sa akin. Apo mo ang iniutos mong patayin ko mommy, apo mo! Nasaan ang konsensya mo?" umiiyak na sigaw n'ya rito ngunit malakas lamang s'ya nitong sinampal muli at nanlilisik ang mga matang dinuro s'ya.

"If you can't get rid of that bastard then ngayon din ay umalis ka sa pamamahay ko. Umalis kang sarili mo lang ang dala mo at huwag na huwag kang magdala ng kahit na anong bagay mula sa pamamahay ko. Get out!" sigaw nito.

Lumuhod s'ya at nagmamakaawa dito na huwag s'yang palayasin dahil wala s'yang mapupuntahan, ngunit matigas ang kan'yang ina at tinawag pa ang kanilang dalawang security guard at ipinakaladkad s'ya palabas ng kanilang mansion.

"Mommy maawa po kayo, huwag n'yo pong gawin to sa akin," umiiyak na pagmamakaawa n'ya sa ina. Nakahawak s'ya sa rehas ng kanilang gate habang umiiyak at nagmamakaawa dito.

Kita n'ya ang kan'yang yaya Dolores na papalapit sa kan'ya. Umiiyak din ito at kita sa mga mata ang pagkahabag at pagkaawa sa kan'yang sitwasyon.

"Yaya please papasukin mo ako, wala akong mapupuntahan yaya, please," umiiyak na pagmamakaawa n'ya sa matanda. Ipinasok nito ang mga kamay sa butas ng rehas na bakal at sinapo ang kan'yang pisngi habang humagolhol ng iyak.

"P-Patawarin mo ako Amber, gusto man kitang tulongan pero wala akong magagawa sa mommy mo. Masakit sa akin ang makita ka sa ganitong sitwasyon at sinisisi ko ang sarili ko na hindi kita nabantayan ng maayos," hagulhol na iyak ng yaya n'ya habang sapo ang kan'yang pisngi.

"Yaya wala ka pong kasalanan. Ako po ang may kasalanan at kapabayaan. Hindi po kayo nagkulang sa akin yaya, ako po ang hindi nag-iingat," umiiyak na sagot n'ya rito.

"Yaya pumasok ka na! Pabayaan mo na yang alaga mo d'yan sa labas!" pasigaw na tawag ng mommy n'ya rito.

Humagolhol s'ya ng iyak ng makitang umatras ang kan'yang yaya pabalik sa bahay nila habang hilam sa luha ang mga mata at puno ng awa na nakatingin sa kan'ya.

"Yaya...! Mommy..! Daddy...!" malakas na sigaw n'yang sa labas ng kanilang bahay at nagmamakaawa sa mga ito na papapasukin s'ya pabalik sa loob.

Comments (17)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kawawa naman si Amber nasaan ang puso ng iyong mga magulang Amber
goodnovel comment avatar
Jenie Celeste Gabrido
Tama yn amber wag mong sundin cila
goodnovel comment avatar
Tria 0911
bakit kayo ganyan kay.Ambber .........hay kawawa.nman
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status