Share

Chapter 56

Erika's Pov

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa loob ako ng isang kuwarto na hindi pamilyar sa akin. Kaninong silid kaya ito at bakit ako narito? Ang huling natatandaan ko ay may bumangga sa likuran ng kotse ko. Tumilapon sa gitna ng kalsada ang kotse ko at pagkatapos ay binangga naman ito ng malaking truck. Nauntog ng ilang beses ang ulo ko sa kung saan-saang parte ng kotse ko bago ako nawalan ng malay.

Masakit ang ulo ko at medyo nahihilo ang pakiramdam ko. Nang kapain ko ang ulo ko ay natuklasan kong may napalibot palang benda sa aking ulo. Nang akmang babangon na ako sa kama ay saka naman bumukas ang pintuan at pumasok si David kasama ang isang lalaki na ngayon ko lamang nakita.

"Thank God you're finally awake, Erika!" Mabilis na napalapit sa akin si David nang makitang gising na ako.

"David? Nasaan ako? At bakit ka nandito? Hindi ba nasa seminar sa ibang bansa?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. Hindi ko na sinubukang bumangon sa halip ay umayos na lamang ako ng pagkaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status