Charles' PovMalakas na ibinato ko sa dingding ang basong hawak ko. Agad na nagkapira-piraso ito nang tumama sa pader. "Mona! Bring me a glass here!" malakas ang boses na utos ko sa maid. Nasa loob ako ng aking silid ngunit sinigurado ko na maririnig ng kahit sino sa maids ko ang boses ko. Ilang minuto lamang ay may baso na ulit ako ngunit hindi isa sa mga maids ko ang nagdala sa loob ng aking silid ng baso kundi ang kaibigan kong si Tony."Walang kahit isa sa maids mo ang gustong pumasok sa silid mo. Natatakot silang pagbalingan mo ng galit." Napapalatak si Tony nang makitang magulo ang silid ko. Maraming nagkalat na basag na bahagi ng baso sa sahig, magulong kagamitan, at amoy-alak ang loob ng aking silid. "Ano ba ang nangyayari sa'yo, Charles? Ikaw pa ba ang kaibigan na kilala ko?"Kinuha ko muna ang baso na hawak ni Tony, nilagyan ng alak at pagkatapos ay agad kong ininom bago ko siya sinagot. "Wala ng pag-asa na magkabalikan pa kami ni Erika, Tony. Hindi daw niya ako mahal at si
Erika's Pov"No need na ireto mo pa ako sa kahit sinong lalaki, Uncle Edgar. Hindi naman ako nagmamadaling mag-asawa," tanggi ko kay Uncle Edgar nang sabihin niya sa akin na may nais siyang ipakilala sa akin na anak ng kaibigan niya. Binisita niya ako sa bahay para kumbinsihin na makipag-blind date sa anak ng kaibigan nito. Alam kong nais lang niya na ma-divert sa ibang lalaki ang atensiyon ko at ma-in love ako sa ibang lalaki sa halip na kay Charles. Siguro kapag nalaman niyang pinutol ko na ang kumunikasyon ko kay Charles at malabong magkabalikan pa kami ay tiyak matutuwa siya."Kailangan mong tumingin sa ibang lalaki, Erika. Hindi lamang nag-iisa ang lalaki sa mundo," giit niya sa akin."I know, Uncle Edgar. Hindi mo na kailangan pang i-remind sa akin ang bagay na iyan. Ngunit kagit hindi niyo po ako ireto sa ibang lalaki ay marami pa rin po akong mga kaibigang lalaki," nakangiting sagot ko sa kanya para hindi siya ma-offend sa pagtanggi kong makipag-blind date sa lalaking inireret
Erika's Pov"Puwede bang umalis na tayo, David? Gusto ko nang umuwi," sabi ko kay David nang bumalik ako sa kanyang tabi. Pinilit kong hindi pumiyok ang tinig ko dahil may ibang mga kasama ito sa mesa. "What's the matter?" nag-aalalang tanong ni David sa akin sa mahinang tinig. "Please, I want to go home," pakiusap ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong niya.Nang hindi sinasadya ay nakita ni David si Charles na nakatayo hindi kalayuan sa amin at nakatingin ay agad nitong nahulaan kung bakit gusto ko nang umalis sa party. Nagulat ako nang makita ko si Charles sa party. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya pagkatapos ng huling pag-uusap namin. Ngunit ano nga ba ang inaasahan ko? Nasa party si Chona kaya natural lamang na narito din si Charles. Buntis ang babae kaya kailangan nitong alagaan. Sa ugali ni Chona ay natitiyak kong gusto nitong palaging kasama si Charles kahit saan man ito magpunta.Agad na nagpaalam si David sa mga kausap nito bago tumayo at hinawakan ang aking sik
Erika's PovHindi ako nakapagsalita ng ilang minuto nang marinig ko ang sinabi ni David. Gusto niya akong pakasalan. Alam ko na hindi niya ako lolokohin katulad ng ginawa ni Charles."Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari, David. At magiging unfair sa'yo kung papayag akong magpakasal sa'yo para lamang makalimutan ko si Charles. Ayokong matali ka sa isang relasyon na tanging ikaw lamang ang nagmamahal dahil alam ko kung gaano kasakit iyon, David. Kaibigan kita kaya gusto kong ang babaeng mahal mo at tunay na nagmamahal sa'yo ang pakakasalan mo at makakasama habambuhay. Hindi katulad ko na papayag lamang magpakasal sa'yo para makalimutan ang isang lalaking nanakit sa akin," mahabang paliwanag ko kay David. Lahat ng mga sinabi ko sa kanya ay sinsero at galing sa puso ko. "Kagaya ng sinabi ko ay nakahanda akong magpagamit sa'yo hanggang sa makalimutan mo si Charles, Erika. Hindi siya ang tamang lalaki para sa'yo. At alam ko na balang araw, pagdating ng tamang panahon ay makakalimut
Erika's PovPagkatapos ng office hour ay agad akong nagtungo sa opisina ni David para alamin kung pumasok na ba siya. Magmula kasi noong ni-reject ko ang kanyang marriage proposal ay hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi rin siya pumapasok sa trabaho kaya nag-aalala na ako sa kanya. Marami na siyang nakabinbin na trabaho na dapat niyang asikasuhin. Ilang beses ko siyang tinawagan sa cellphone niya at sa landline sa bahay niya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Pinuntahan ko rin siya sa bahay niya ngunit katulong lamang ang nakausap ko dahil ilang araw na raw na hindi umuuwi ng bahay ang boss nila."Hindi pa rin ba pumasok si David." tanong ko sa sekretarya nito.Mabilis na umiling sa akin ang sekretarya. "Hindi pa, Ma'am Erika. Marami na nga siyang mga papeles na dapat pirmahan at kailangan ng kanyang approval. May mga files na sinend ko sa email niya pero I doubt it kung nabuksan at nabasa na niya ang mga iyon."Lalo lamang akong nakaramdam ng pag-aalala kay David. Magmula nang
Erika's Pov Sa halip na puntahan si Charles sa bahay niya para sabihin sa kanya ang natuklasan kong kasinungalingan ni Chona ay nagpasya akong ipagpabukas na lamang ito. Gabi na at tiyak nagpapahinga na si Charles ngayon kaya hindi ko na lang muna siya aabalahin. Pumasok na lang muna ako sa isang ice cream parlor at kumain ng ice cream para lumamig ang ulo ko. Pagkatapos kong kumain ng ice cream ay bumalik ako sa supermarket para muling mamili ng mga grocery stocks at toiletries. Pasalamat ako na wala na si Chona sa grocery kaya hindi na muling nag-krus ang landas namin sa loob ng mall. Baka sa labis na kahihiyan ay umuwi na lamang ang babaeng iyon. Hindi ko napigilan ang muling makaramdam ng galit sa kanya. Hindi ko akalain na magagawa niyang magsinungaling sa labis na pagmamahal niya kay Charles. Sa tingin ko ay hindi lang niya mahal ang lalaki kundi obsessed na siya sa kanya. Matapos kong makapagbayad sa mga pinamili kong groceries ay nagpasya akong umuwi na. Paglabas ko ng m
Erika's PovHinila ni Chona ang walang malay na katawan ni Tess at itinabi sa akin. Wala siyang kamalay-malay na gising na ako kaya nang nasa tabi ko na siya ay bigla kong sinipa ng malakas ang kanyang tuhod. Napaluhod siya at napangiwi sa sakit."Gising ka na pala, Erika. Dapat ay hindi ka na gumising para hindi mo maramdaman ang sakit kapag pinatay na kita," nakangising wika ni Chona sa akin."Hindi ko hahayaan na magtagumpay ka sa masama mong plano laban sa akin," mariing sagot ko sa kanya pagkatapos ay mabilis akong bumangon at binigyan siya ng maraming sampal. Hindi niya inaasahan ang gagawin ko kaya siguro hindi siya nakalaban. Hindi ako huminto sa pagsampal sa kanya hangga't hindi siya nawawalan ng malay. Nang matumba siya at nawalan ng malay ay agad kong ginising si Tess. "Tess, gising! Kailangan nating makaalis sa lugar na ito."Hindi puwedeng iwan ko si Tess sa lugar na ito at iligtas ang aking sarili dahil natitiyak kong hindi siya bubuhayin ng kaibigan niyang nababaliw. Ka
Edgar's PovPagpasok ko pa lang sa sala ng bahay ko ay sinalubong agad ako ng nag-iisa kong anak na si Art. Tiyak na natalo na naman ito sa sugal ng buong magdamag dahil mukhang mainit ang ulo nito. Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mahinto na sa kanyang bisyo si Art. Dahil sa kanya kaya ako nakagawa ng malaking kasalanan."Where have you been, Dad? Kanina pa ako naghihintay sa'yo," galit na tanong niya sa akin nang lapitan ko siya."Galing ako sa hospital. Binisita ko si Erika at kinumusta ang kalagayan niya," mahinahong sagot ko sa kanya. Ayokong sabayan ang init ng kanyang ulo dahil tiyak na mag-aaway lamang kaming dalawa."So anong nangyari? Buhay pa ba ang babaeng iyon? Next year ay mag-twenty eight na siya. Kapag buhay pa rin siya hanggang next year ay matutuklasan niya ang tungkol sa pera ng mga magulang niya na nakapangalan sa kanya at naka-ten years time deposit. Kakausapin na siya ng taga-bangko kaya sa halip na sa atin