Erika's PovHinila ni Chona ang walang malay na katawan ni Tess at itinabi sa akin. Wala siyang kamalay-malay na gising na ako kaya nang nasa tabi ko na siya ay bigla kong sinipa ng malakas ang kanyang tuhod. Napaluhod siya at napangiwi sa sakit."Gising ka na pala, Erika. Dapat ay hindi ka na gumising para hindi mo maramdaman ang sakit kapag pinatay na kita," nakangising wika ni Chona sa akin."Hindi ko hahayaan na magtagumpay ka sa masama mong plano laban sa akin," mariing sagot ko sa kanya pagkatapos ay mabilis akong bumangon at binigyan siya ng maraming sampal. Hindi niya inaasahan ang gagawin ko kaya siguro hindi siya nakalaban. Hindi ako huminto sa pagsampal sa kanya hangga't hindi siya nawawalan ng malay. Nang matumba siya at nawalan ng malay ay agad kong ginising si Tess. "Tess, gising! Kailangan nating makaalis sa lugar na ito."Hindi puwedeng iwan ko si Tess sa lugar na ito at iligtas ang aking sarili dahil natitiyak kong hindi siya bubuhayin ng kaibigan niyang nababaliw. Ka
Edgar's PovPagpasok ko pa lang sa sala ng bahay ko ay sinalubong agad ako ng nag-iisa kong anak na si Art. Tiyak na natalo na naman ito sa sugal ng buong magdamag dahil mukhang mainit ang ulo nito. Napabuntong-hininga na lamang ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mahinto na sa kanyang bisyo si Art. Dahil sa kanya kaya ako nakagawa ng malaking kasalanan."Where have you been, Dad? Kanina pa ako naghihintay sa'yo," galit na tanong niya sa akin nang lapitan ko siya."Galing ako sa hospital. Binisita ko si Erika at kinumusta ang kalagayan niya," mahinahong sagot ko sa kanya. Ayokong sabayan ang init ng kanyang ulo dahil tiyak na mag-aaway lamang kaming dalawa."So anong nangyari? Buhay pa ba ang babaeng iyon? Next year ay mag-twenty eight na siya. Kapag buhay pa rin siya hanggang next year ay matutuklasan niya ang tungkol sa pera ng mga magulang niya na nakapangalan sa kanya at naka-ten years time deposit. Kakausapin na siya ng taga-bangko kaya sa halip na sa atin
Erika's PovKahit na hindi pa masyadong mabuti ang pakiramdam ko ay nakiusap ako sa doktor na payagan akong ma-discharge sa hospital. Hinayaan nga ako ng doktor na lumabas ng hospital ngunit pinapirma naman ako ng waiver. Para sakaling may masamang mangyari sa akin sa labas ng hospital ay hindi na nila ako pananagutan.Balak ko sanang magtungo sa bahay ni Charles pagkalabas ko ng hospital ngunit hindi natuloy dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Kaya sa halip na sa bahay ni Charles ako magtungo ay dumiretso na lang ako sa bahay ko.Pagdating ko kahapon sa bahay ko ay agad akong nahiga at natulog. Umaga na nang magising ako at mas maayos na ang pakiramdam ko. Nag-half bath lamang ako dahil sabi ng doktor bawal pa akong maligo dahil mababasa ang sugat ko sa ulo. Kaya nag-half bath na lang ako para naman hindi ako amoy mabaho pag humarap ako kay Charles mamaya. Hindi na ako makapaghintay na sabihin kay Charles ang buong katotohanan at pati na rin ang ginawang pagkidnap sa akin ni
Erika's Pov Nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha sa aking mga mata. Ipinangako ko na hindi na ako muling iiyak dahil kay Charles. Ngunit ngayon ay hindi ko mapigilan ang mapahagulgol matapos kong malaman ang buong katotohanan. Wala akong kaalam-alam na ang lalaking minamahal ko ang siyang dahilan kung bakit ako maagang naulilala sa mga magulang. At nakakagalit ang dahilan kung bakit nagawang patayin ni Charles ang mga magulang ko. Dahil sa shares nila sa kompanya nito. Nais makuha ni Charles ang shares ng mga magulang ko dahil ang shares nila ang makakapag-secure sa pagiging CEO nito sa kompanya. Ngunit bakit kailangan pa nitong patayin ang mga magulang ko para lamang makuha ang shares nila gayong kaya naman nitong makuha iyon sa pamamagitan ko? Hindi nga ba't nasa kanya na ang shares dahil inilipat ko na ito sa pangalan niya noong inaakala kong malapit na kaming magpakasal? Halos isang oras akong umiyak at hindi matanggap ang katotohanang natuklasan ko bago nagawang pahupa
Charles' PovDahil iniisip ni Erika na pinatay ko ang mga magulang niya sa pamamagitan ng hit and run ay nag-imbestiga ako. Base sa mga larawan at detalye na nakita at nabasa ko sa folder ay nangyari ang pagpatay sa mga magulang nito sa petsa matapos ang pakikipag-usap ko sa kanilang dalawa. Ngunit ang natatandaan ko nang gabing iyon ay ligtas naman silang nakaalis sa restaurant kung saan kami nagkita. Nakatingin ako sa mga magulang ni Erika nang sumakay sila sa kotse nila dahil magkatabing nakapark ang mga kotse namin. Sa impormasyong ito ay agad na malalaman na fabricated ang mga impormasyon na nasa loob ng folder na iniwan ni Erika sa bahay ko.Hindi ko alam kung ano ang purpose ng taong nagbigay kay Erika ng mga maling impormasyon ngunit hindi ko siya hahayaan na magtagumpay sa anumang binabalak niyang mangyari lalo na kung may kinalaman ito sa kanya."Are you sure na dito ang bahay ng lalaking nakakita noong gabing may nasagasaan kang dalawang aso?" tanong ni Tony na siyang pumu
Charles' PovSabay kaming napakunot ng noo ni Tony nang makita namin ang reaksiyon ni Dindo nang makita niya ako. Bigla itong namutla na para bang nakakita ng multo. "Magandang gabi, Dindo," bati ko sa dati kong employee. "S-Sir C-Charles. Ano po ang ginagawa niyo rito sa bahay ko? May kailangan po ba kayo sa akin?" nauutal na tanong nito sa akin. Nagkatinginan kami ni Tony dahil sa kakaibang ikinikilos ni Dindo ngunit nagkunwari kaming hindi napansin ang pagkataranta nito."May kailangan ako sa'yo kaya kita pinuntahan. May mga itatanong ako sa'yo na ilang bagay at sana ay masagot mo ako. Malaking tulong sa akin kung magsasabi ka ng totoo," prangkang wika ko kay Dindo. Lumunok ito ng ilang beses at iniiwas sa akin ang kanyang mga mata na para bang makikita ko sa mga mata niya ang katotohanan."A-Ano ang gusto mong malaman, Sir Charles?" nauutal pa rin na tanong niya sa akin. Halatadong may takot itong nararamdaman. "Bago kita tanungin ay hindi mo ba kami papapasukin sa loob ng baha
Charles' Pov"Ano na ang balak mong gawin ngayon, Charles?" tanong sa akin ni Tony habang nagda-drive siya ng kotse ko. Magulo ang isip ko ngayon. Hindi ako makakapag-concentrate sa pagmamaneho kaya nag-offer si Tony na siya na lamang magda-drive ng kotse ko. "Hindi ko alam, Tony. Until now, hindi ko pa rin matanggap na ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Erika," sagot ko sa kamya matapos kong humugot ng marahas na hininga. Mula kanina ay hindi na nawala ang mahigpit na pagkakakuyom ng aking mga kamao. "Mukhang wala na talagang pag-asa pa na maayos ang relasyon namin ni Erika. Wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanya."Marahang tinapik ni Tony ang isa kong balikat. "Huwag kang panghinaan ng loob, Charles. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Narinig mo naman ang sinabi ni Dindo, right? Malapit ng mamatay ang mga magulang ni Erika nang mabundol sila ng kotse mo. At may nagtulak sa kanila para mahagip sila ng kotse mo. That person wanted to frame you. Ang tanong, baki
Erika's PovNakaharap ako sa laptop ko at abala sa pagtatrabaho nang pumasok sa aking silid ang secretary ni David. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ko siya."Pumasok na ba si David?" excited na tanong ko sa sekretarya. Napansin ko na tila alanganin itong magsalita. "Bakit? Wala pa ba si David?" Biglang naglaho ang sayang nararamdaman ko. Hanggang kailan ba magtatago ang lalaking iyon? Hanggang kailan ba niya titikisin ang kompanya niya?"Nagbalik na po si Sir David, Ma'am Erika. But he's not alone. At kaya ako narito dahil nagpapatawag ng emergency meeting si Sir," sagot ng sekretary. Muli akong nakaramdam ng tuwa dahil nagbalik na si David ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ako biglang nakaramdam ng kaba nang sinabi nitong hindi nag-iisa ang boss namin."Sino ang kasama niya? At bakit siya nagpatawag ng biglaang meeting?" nakakunot ang noo na tanong ko. Malapit ng matapos ang office hours kaya bakit ngayon siya nagpatawag ng meeting? Mukhang may dalang hindi magandang