Erika's Pov Nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha sa aking mga mata. Ipinangako ko na hindi na ako muling iiyak dahil kay Charles. Ngunit ngayon ay hindi ko mapigilan ang mapahagulgol matapos kong malaman ang buong katotohanan. Wala akong kaalam-alam na ang lalaking minamahal ko ang siyang dahilan kung bakit ako maagang naulilala sa mga magulang. At nakakagalit ang dahilan kung bakit nagawang patayin ni Charles ang mga magulang ko. Dahil sa shares nila sa kompanya nito. Nais makuha ni Charles ang shares ng mga magulang ko dahil ang shares nila ang makakapag-secure sa pagiging CEO nito sa kompanya. Ngunit bakit kailangan pa nitong patayin ang mga magulang ko para lamang makuha ang shares nila gayong kaya naman nitong makuha iyon sa pamamagitan ko? Hindi nga ba't nasa kanya na ang shares dahil inilipat ko na ito sa pangalan niya noong inaakala kong malapit na kaming magpakasal? Halos isang oras akong umiyak at hindi matanggap ang katotohanang natuklasan ko bago nagawang pahupa
Charles' PovDahil iniisip ni Erika na pinatay ko ang mga magulang niya sa pamamagitan ng hit and run ay nag-imbestiga ako. Base sa mga larawan at detalye na nakita at nabasa ko sa folder ay nangyari ang pagpatay sa mga magulang nito sa petsa matapos ang pakikipag-usap ko sa kanilang dalawa. Ngunit ang natatandaan ko nang gabing iyon ay ligtas naman silang nakaalis sa restaurant kung saan kami nagkita. Nakatingin ako sa mga magulang ni Erika nang sumakay sila sa kotse nila dahil magkatabing nakapark ang mga kotse namin. Sa impormasyong ito ay agad na malalaman na fabricated ang mga impormasyon na nasa loob ng folder na iniwan ni Erika sa bahay ko.Hindi ko alam kung ano ang purpose ng taong nagbigay kay Erika ng mga maling impormasyon ngunit hindi ko siya hahayaan na magtagumpay sa anumang binabalak niyang mangyari lalo na kung may kinalaman ito sa kanya."Are you sure na dito ang bahay ng lalaking nakakita noong gabing may nasagasaan kang dalawang aso?" tanong ni Tony na siyang pumu
Charles' PovSabay kaming napakunot ng noo ni Tony nang makita namin ang reaksiyon ni Dindo nang makita niya ako. Bigla itong namutla na para bang nakakita ng multo. "Magandang gabi, Dindo," bati ko sa dati kong employee. "S-Sir C-Charles. Ano po ang ginagawa niyo rito sa bahay ko? May kailangan po ba kayo sa akin?" nauutal na tanong nito sa akin. Nagkatinginan kami ni Tony dahil sa kakaibang ikinikilos ni Dindo ngunit nagkunwari kaming hindi napansin ang pagkataranta nito."May kailangan ako sa'yo kaya kita pinuntahan. May mga itatanong ako sa'yo na ilang bagay at sana ay masagot mo ako. Malaking tulong sa akin kung magsasabi ka ng totoo," prangkang wika ko kay Dindo. Lumunok ito ng ilang beses at iniiwas sa akin ang kanyang mga mata na para bang makikita ko sa mga mata niya ang katotohanan."A-Ano ang gusto mong malaman, Sir Charles?" nauutal pa rin na tanong niya sa akin. Halatadong may takot itong nararamdaman. "Bago kita tanungin ay hindi mo ba kami papapasukin sa loob ng baha
Charles' Pov"Ano na ang balak mong gawin ngayon, Charles?" tanong sa akin ni Tony habang nagda-drive siya ng kotse ko. Magulo ang isip ko ngayon. Hindi ako makakapag-concentrate sa pagmamaneho kaya nag-offer si Tony na siya na lamang magda-drive ng kotse ko. "Hindi ko alam, Tony. Until now, hindi ko pa rin matanggap na ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Erika," sagot ko sa kamya matapos kong humugot ng marahas na hininga. Mula kanina ay hindi na nawala ang mahigpit na pagkakakuyom ng aking mga kamao. "Mukhang wala na talagang pag-asa pa na maayos ang relasyon namin ni Erika. Wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanya."Marahang tinapik ni Tony ang isa kong balikat. "Huwag kang panghinaan ng loob, Charles. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Narinig mo naman ang sinabi ni Dindo, right? Malapit ng mamatay ang mga magulang ni Erika nang mabundol sila ng kotse mo. At may nagtulak sa kanila para mahagip sila ng kotse mo. That person wanted to frame you. Ang tanong, baki
Erika's PovNakaharap ako sa laptop ko at abala sa pagtatrabaho nang pumasok sa aking silid ang secretary ni David. Napatayo ako sa kinauupuan ko nang makita ko siya."Pumasok na ba si David?" excited na tanong ko sa sekretarya. Napansin ko na tila alanganin itong magsalita. "Bakit? Wala pa ba si David?" Biglang naglaho ang sayang nararamdaman ko. Hanggang kailan ba magtatago ang lalaking iyon? Hanggang kailan ba niya titikisin ang kompanya niya?"Nagbalik na po si Sir David, Ma'am Erika. But he's not alone. At kaya ako narito dahil nagpapatawag ng emergency meeting si Sir," sagot ng sekretary. Muli akong nakaramdam ng tuwa dahil nagbalik na si David ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ako biglang nakaramdam ng kaba nang sinabi nitong hindi nag-iisa ang boss namin."Sino ang kasama niya? At bakit siya nagpatawag ng biglaang meeting?" nakakunot ang noo na tanong ko. Malapit ng matapos ang office hours kaya bakit ngayon siya nagpatawag ng meeting? Mukhang may dalang hindi magandang
ErikaPagpasok ko sa opisina ay hindi nagtagal pumasok din si David. Sinundan niya ako para siguro magpaliwanag kung bakit si May na ang CEO ng kompanya nito."I'm sorry, Erika. I'm sorry because—""Hindi ang sorry mo ang nais kong marinig kundi ang paliwanag mo, David! Mahigit two weeks kang hindi nagpakita sa kompanya mo tapos ngayon ay babalik ka rito para lamang sabihin na ibang tao na ang CEO ng kompanya na parehong pinahirapan nating mapalago? Ano ba ang nangyari sa'yo, David? Hindi ka naman dating ganyan!" Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng galit sa aking dibdib kaya biglang tumaas ang aking boses.Umupo si David sa couch at problemadong inihilamos ang mga palad sa mukha. Laglag ang mga balikat nito na para bang may mabigat itong pasan sa mga balikat."It's all my fault, Erika. I was so hurt dahil hindi mo ako mahal at hindi mo ako kayang mahalin. Hindi ako pumasok sa office dahil ayokong magtagpo ang mga landas natin. Hindi kita kayang harapin dahil nasasaktan lamang ako kapa
Charles PovBiglang nanlaki ang ulo ko nang makita kong tila sinadyang ibinangga ni Erika ang kotse nito sa likuran ng nakaparadang truck. Mula nang umalis ang kotse nito sa harapan ng kompanya ni David ay sinusundan na namin siya kaya alam namin na may ibang tao sa loob. Malayo ang distansiya ng kotse ko sa kotse niya kaya nang nilapitan siya ng isnag lalaki at pilit na pinapasok sa loob ng kotse nito ay hindi namin siya nagawang tulungan. Nagsisi tuloy ako kung bakit ako nagpark sa malayo. Nag-aalala kasi ako na baka mapansin ni Erika ang kotse ko at bigla na naman siyang umiwas kaya mas pinili kong mag-park sa malayo na sana ay hindi ko pala ginawa. Wala akong nagawa kundi ang sundan na lamang ang kotse niya at tingnan kung paano niya ibinangga ang kanyang kotse sa likuran ng truck para lamang hindi siya madala ng taong kumidnap sa kanya."Erika!!!' malakas kong sigaw. Nakita ko ang isang lalaking lumabas mula sa loob ng kotse ni Erika. Halatadong nagtamo rin ito ng masakit sa kat
Erika PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad kong napansin na nasa loob na ako ng ospital. Biglang nangunot ang aking noo. Ngunit hindi dahil nasa loob na ako ng ospital kundi dahil nakita ko si Charles sa loob ng silid na kinaroroonan ko at nakaupo sa upuan habang nakatitig sa akin. Ano ang ginagawa niya rito? Siya ba ang nagligtas at nagdala sa akin sa ospital? Sinubukan kong bumangon ngunit muli lamang akong napabalik sa pagkakahiga sa kama dahil biglang kumirot ang ulo ko na nababalutan ng benda. Agad namang napalapit sa akin si Charles para pigilan ako sakaling magtangka akong bumangon muli."Stay in bed, Erika. Kakabalik lang ng malay mo kaya mahina pa ang katawan mo," kausap niya sa akin sa seryosong mukha. Akmang hahawakan niya ang braso ko ngunit mabilis ko itong naiiwas sa kanya. "Stay away from me. Hindi ko kailangan ang tulong mo," mariin ang boses na sagot ko sa kanya. Kung iniisip niya na nakalimutan ko na ang ginawa niya sa mga magulang ko ay nagkakamali siya. Kahi