Charles PovBiglang nanlaki ang ulo ko nang makita kong tila sinadyang ibinangga ni Erika ang kotse nito sa likuran ng nakaparadang truck. Mula nang umalis ang kotse nito sa harapan ng kompanya ni David ay sinusundan na namin siya kaya alam namin na may ibang tao sa loob. Malayo ang distansiya ng kotse ko sa kotse niya kaya nang nilapitan siya ng isnag lalaki at pilit na pinapasok sa loob ng kotse nito ay hindi namin siya nagawang tulungan. Nagsisi tuloy ako kung bakit ako nagpark sa malayo. Nag-aalala kasi ako na baka mapansin ni Erika ang kotse ko at bigla na naman siyang umiwas kaya mas pinili kong mag-park sa malayo na sana ay hindi ko pala ginawa. Wala akong nagawa kundi ang sundan na lamang ang kotse niya at tingnan kung paano niya ibinangga ang kanyang kotse sa likuran ng truck para lamang hindi siya madala ng taong kumidnap sa kanya."Erika!!!' malakas kong sigaw. Nakita ko ang isang lalaking lumabas mula sa loob ng kotse ni Erika. Halatadong nagtamo rin ito ng masakit sa kat
Erika PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad kong napansin na nasa loob na ako ng ospital. Biglang nangunot ang aking noo. Ngunit hindi dahil nasa loob na ako ng ospital kundi dahil nakita ko si Charles sa loob ng silid na kinaroroonan ko at nakaupo sa upuan habang nakatitig sa akin. Ano ang ginagawa niya rito? Siya ba ang nagligtas at nagdala sa akin sa ospital? Sinubukan kong bumangon ngunit muli lamang akong napabalik sa pagkakahiga sa kama dahil biglang kumirot ang ulo ko na nababalutan ng benda. Agad namang napalapit sa akin si Charles para pigilan ako sakaling magtangka akong bumangon muli."Stay in bed, Erika. Kakabalik lang ng malay mo kaya mahina pa ang katawan mo," kausap niya sa akin sa seryosong mukha. Akmang hahawakan niya ang braso ko ngunit mabilis ko itong naiiwas sa kanya. "Stay away from me. Hindi ko kailangan ang tulong mo," mariin ang boses na sagot ko sa kanya. Kung iniisip niya na nakalimutan ko na ang ginawa niya sa mga magulang ko ay nagkakamali siya. Kahi
Erika's PovAkala ko ay hindi na babalik si Charles sa hospital para bantayan ako ngunit nagkamali ako. Dahil eksaktong palabas na si David ay dumating siya at muling nagbantay sa akin ng tahimik. Ngunit hindi ko siya kinausap. Nakakailang ang katahimikang namagitan sa amin ay tiniis ko iyon sa halip na kausapin siya. Hanggang nakalabas ako ng hospita at inihatid niya sa bahay ko ay hindi ko pa rin siya kinausap. Ni thank you sa effort niya sa pagbabantay sa akin at paghatid sa akin sa bahay ko ay hindi ko ginawa. Akmang bababa na ako sa kotse niya nang bigla niya akong tinawag."Erika, wait." Mukhang hindi siya nakatiis na hindi kami mag-usap bagonsiya umalis kaya siya na ang unang bumasag sa katahimikan sa pagitan namin."What is it?" blangko ang eskpresyon na tanong ko sa kanya matapos ko siyang lingunin."Nothing. I just want to say to always be careful when you go out of your house," paalala niya sa akin."I will. And thank you for what you did " Hindi ko natiis na huwag magpasal
Erika Wala pang isang minuto akong nakakabalik sa opisina ko ay biglang nagsipasok sa loob ng aking opisina ang ilang empleyado na nakarinig sa galit na sigaw ni May mula sa loob ng opisna nito. "You're the best, Ma'am Erika. Akala siguro ng babaeng iyon na walang sinuman sa loob ng kompanya ang may malakas ang loob na kalabanin siya," sabi ng sekretarya ng sekretarya ni May na sa halip ay sa boss nito kumampi ay sa akin pa siya kampi. "Magmula nang maging CEO siya ng kompanya ay parang reyna siya kung makapag-utos sa amin, Ma'am Erika. Hindi mo lang alam kung gaano kaming lahat naiinis sa kanya. Mabuti nga at inilagay mo siya sa dapat niyang kalagyan," wika naman ng sekretarya ni David. "Huwag niyong hayaan na apihin niya kayo. At ipanalangin niyo rin na sana ay maibalik na sa pamamahala ni David ang kompanya para mapalayas na rito ang babaeng iyan," sabi ko sa kanila habang naiiling. "Tama ka, Ma'am Erika. Ipapanalangin namin ang bagay na iyan para wala ng bruha sa kompanyang
Erika's Pov Abala ako sa pagtipa sa keyboard sa laptop ko nang pumasok si David sa opisina ko. Base sa hitsura ng mukha niya ay may dala siyang hindi magandang balita para sa akin. "What is it, David?" agad kong tanong sa kanya pagkaupo niya sa visitor's chair na nasa harapan ng aking table. "Alam mo na ba ang balita tungkol kay Charles, Erika?" tanong naman niya sa akin. Bigla akong kinabahan nang mabanggit niya ang pangalan ni Charles. Ilang araw nang hindi nagpapakita sa akin si Charles. Ang huling pagkikita at pag-uusap namin ay noong inihatid niya ako sa bahay matapos kong mag-overtime. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam sa akin. Hindi na niya ako sinundo sa trabaho para ihatid sa bahay ko. Ngunit may tatlong kalalakihan akong nakita na palaging nakabuntot sa akin. Sa una, inisip ko na masasamang tao sila ngunit isnag beses ay nakita ko si Tony na kasama nila habang nakasunod sila sa akin kaya agad kong naisip na si Charles ang nag-utos sa kanila na b
Erika Pov Agad na gumana ang aking isip. Mabilis kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko at palihim na kinuhanan ng video ang walang kamalay-malay na nag-uusap na sina Uncle Edgar at Art. Kailangan ko ng ebidensiya laban sa kanila. Mabuti na lamang at hindi ko pa nailalabas sa bulsa ko ang cellphone ko kaya may magagamit ako ngayon para makakuha ng ebidensiya laban sa uncle ko. May kutob kasi ako na may matituklasan ako ngayon na hindi maganda. "Walang kaalam-alam si Erika na hindi lahat ng mga ebidesiya na ibinigay ko sa kanya noon ay totoo. Hindi naman talaga si Charles ang pumatay sa mga magulang niya dahil patay ang kapatid ko at ang hipag ko nang itulak ko sila sa kalsada para kunwari ay nasagasaan at napatay sila ni Charles," tumatawang wika ni Uncle Edgar kay Art. "Walang kamalay-malay ang lalaking iyon na sa mga kamay ko namatay ang mga magulang ni Erika." Mariing nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para huwag lumabas ang mahinang hikbi. Baka kasi marinig ng dalawa at ma
Erika Pov "Ano ba ang sinasabi mo, pinsan? Puwedeng paki-klaro dahil hindi ko maintindihan?" Nagpatay-malisya ako sa sinabi niya. Baka kasi iba ang ibig niyang sabihin at hindi iyong pagpunta ko sa bahay nila. Ngunit nadismaya ako nang marinig ko ang sagot niya. "Don't play dumb, Erika. Hindi ba't nagpunta ka sa bahay kanina? And I'm sure narinig mo ang mga pinag-usapan namin ni Daddy tungkol sa'yo at kay Charles," nakangising sagot niya sa akin. Bigla akong namutla sa aking narinig. Paano nila nalaman na nanggaling ako sa bahay nila kanina? Nang umalis ako sa bahay nila ay hindi ko naman sila nakitang nakatingin sa akin? Kunwari ay tumawa ako at naglakad palapit sa hagdan. "Ano naman ang gagawin ko sa inyo? Galing ako sa mall. Nag-relax ako dahil masyadong pagod ang katawan ko. Baka naman ibang tao ang nakita mo at hindi ako?" "Still pretending, huh? Fine. Keep on pretending, Erika," nakaismid na sabat naman ni May. "Dalawa sila ng kanyang ama na nakakita sa'yo habang palabas k
Erika PovNanghihina na ang katawan ko dahil sa magkahalong gutom at uhaw. Dalawang araw na akong nakakulong sa storage room ng bahay nina Edgar at kahit isang butil ng kanin at isang patak ng tubig ay hindi nila ako binigyan. Ang rason ni Art ay papatayin naman daw nila ako kaya okay lang na hindi nila ako bigyan ng pagkain. Masasayang lang daw ang kakainin kong pagkain kapag patay na ako.Si Edgar naman ay pinipilit akong papirmahin sa dokumento na nagsasabing ibinibigay ko sa kanya ang karapatan na i-withdraw ang pera ng mga magulang ko na ipinamana nila sa akin at naka-time deposit kapalit ng pagkain at tubig. Ngunit tumanggi akong pumirma kaya hinayaan niya akong magutom. Papatayin pa rin nila ako kahit pirmahan ko pa ang dokumentong iyon kaya wala akong balak na pumirma. Naniniwala ako na hindi ako basta-basta hahayaan ni Edgar na mamatay hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.Hindi kayang gayahin ni Edgar o ni Art ang pirma ko dahil masyadong unique at complicated ang pir