Erika Wala pang isang minuto akong nakakabalik sa opisina ko ay biglang nagsipasok sa loob ng aking opisina ang ilang empleyado na nakarinig sa galit na sigaw ni May mula sa loob ng opisna nito. "You're the best, Ma'am Erika. Akala siguro ng babaeng iyon na walang sinuman sa loob ng kompanya ang may malakas ang loob na kalabanin siya," sabi ng sekretarya ng sekretarya ni May na sa halip ay sa boss nito kumampi ay sa akin pa siya kampi. "Magmula nang maging CEO siya ng kompanya ay parang reyna siya kung makapag-utos sa amin, Ma'am Erika. Hindi mo lang alam kung gaano kaming lahat naiinis sa kanya. Mabuti nga at inilagay mo siya sa dapat niyang kalagyan," wika naman ng sekretarya ni David. "Huwag niyong hayaan na apihin niya kayo. At ipanalangin niyo rin na sana ay maibalik na sa pamamahala ni David ang kompanya para mapalayas na rito ang babaeng iyan," sabi ko sa kanila habang naiiling. "Tama ka, Ma'am Erika. Ipapanalangin namin ang bagay na iyan para wala ng bruha sa kompanyang
Erika's Pov Abala ako sa pagtipa sa keyboard sa laptop ko nang pumasok si David sa opisina ko. Base sa hitsura ng mukha niya ay may dala siyang hindi magandang balita para sa akin. "What is it, David?" agad kong tanong sa kanya pagkaupo niya sa visitor's chair na nasa harapan ng aking table. "Alam mo na ba ang balita tungkol kay Charles, Erika?" tanong naman niya sa akin. Bigla akong kinabahan nang mabanggit niya ang pangalan ni Charles. Ilang araw nang hindi nagpapakita sa akin si Charles. Ang huling pagkikita at pag-uusap namin ay noong inihatid niya ako sa bahay matapos kong mag-overtime. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam sa akin. Hindi na niya ako sinundo sa trabaho para ihatid sa bahay ko. Ngunit may tatlong kalalakihan akong nakita na palaging nakabuntot sa akin. Sa una, inisip ko na masasamang tao sila ngunit isnag beses ay nakita ko si Tony na kasama nila habang nakasunod sila sa akin kaya agad kong naisip na si Charles ang nag-utos sa kanila na b
Erika Pov Agad na gumana ang aking isip. Mabilis kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko at palihim na kinuhanan ng video ang walang kamalay-malay na nag-uusap na sina Uncle Edgar at Art. Kailangan ko ng ebidensiya laban sa kanila. Mabuti na lamang at hindi ko pa nailalabas sa bulsa ko ang cellphone ko kaya may magagamit ako ngayon para makakuha ng ebidensiya laban sa uncle ko. May kutob kasi ako na may matituklasan ako ngayon na hindi maganda. "Walang kaalam-alam si Erika na hindi lahat ng mga ebidesiya na ibinigay ko sa kanya noon ay totoo. Hindi naman talaga si Charles ang pumatay sa mga magulang niya dahil patay ang kapatid ko at ang hipag ko nang itulak ko sila sa kalsada para kunwari ay nasagasaan at napatay sila ni Charles," tumatawang wika ni Uncle Edgar kay Art. "Walang kamalay-malay ang lalaking iyon na sa mga kamay ko namatay ang mga magulang ni Erika." Mariing nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para huwag lumabas ang mahinang hikbi. Baka kasi marinig ng dalawa at ma
Erika Pov "Ano ba ang sinasabi mo, pinsan? Puwedeng paki-klaro dahil hindi ko maintindihan?" Nagpatay-malisya ako sa sinabi niya. Baka kasi iba ang ibig niyang sabihin at hindi iyong pagpunta ko sa bahay nila. Ngunit nadismaya ako nang marinig ko ang sagot niya. "Don't play dumb, Erika. Hindi ba't nagpunta ka sa bahay kanina? And I'm sure narinig mo ang mga pinag-usapan namin ni Daddy tungkol sa'yo at kay Charles," nakangising sagot niya sa akin. Bigla akong namutla sa aking narinig. Paano nila nalaman na nanggaling ako sa bahay nila kanina? Nang umalis ako sa bahay nila ay hindi ko naman sila nakitang nakatingin sa akin? Kunwari ay tumawa ako at naglakad palapit sa hagdan. "Ano naman ang gagawin ko sa inyo? Galing ako sa mall. Nag-relax ako dahil masyadong pagod ang katawan ko. Baka naman ibang tao ang nakita mo at hindi ako?" "Still pretending, huh? Fine. Keep on pretending, Erika," nakaismid na sabat naman ni May. "Dalawa sila ng kanyang ama na nakakita sa'yo habang palabas k
Erika PovNanghihina na ang katawan ko dahil sa magkahalong gutom at uhaw. Dalawang araw na akong nakakulong sa storage room ng bahay nina Edgar at kahit isang butil ng kanin at isang patak ng tubig ay hindi nila ako binigyan. Ang rason ni Art ay papatayin naman daw nila ako kaya okay lang na hindi nila ako bigyan ng pagkain. Masasayang lang daw ang kakainin kong pagkain kapag patay na ako.Si Edgar naman ay pinipilit akong papirmahin sa dokumento na nagsasabing ibinibigay ko sa kanya ang karapatan na i-withdraw ang pera ng mga magulang ko na ipinamana nila sa akin at naka-time deposit kapalit ng pagkain at tubig. Ngunit tumanggi akong pumirma kaya hinayaan niya akong magutom. Papatayin pa rin nila ako kahit pirmahan ko pa ang dokumentong iyon kaya wala akong balak na pumirma. Naniniwala ako na hindi ako basta-basta hahayaan ni Edgar na mamatay hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.Hindi kayang gayahin ni Edgar o ni Art ang pirma ko dahil masyadong unique at complicated ang pir
Erika PovPagkatapos ng kasal namin ni Charles ay nag-honeymoon kami ng isang Linggo sa Bangkok, Thailand. Pagbalik naman namin sa bansa ay bumisita lamang siya sa kompanya niya. Hindi pa siya papasok dahil magbabakasyon naman kami at maglilibot sa iba't ibang bansa kasama si Rose. Nais nitong sulitin ang mga taon na hindi niya kami nakasama.Una kaming nagpunta sa South Korea, kung saan ay namasyal kami sa Jeju Island. Sumunod naman sa Japan. Winter season sa nasabing bansa kaya naman eksakto lamang ang pagpunta namin dito."Mom!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ng anak ko. Pagharap ko ay bigla na lamang sinalubong ng malaking snowball ang mukha na ibinato sa akin ng anak ko. Malakas na natawa naman si Charles nang makitang napuno ng maliliit na snow ang mukha ko."Ah, gusto mong maglaro ng batuhan, ha?" Yumuko ako at dumakot ng snow at ginawang snowball. "Tumakbo ka na dahil nandiyan na ako, Rose!"Napasigaw si Rose nang tumakbo ako palapit sa kanya habang binabato siya ng
Erika's Pov "Bakit ako nandito sa hospital, Raven?" nanghihina ang boses na tanong ko sa kaibigan ko nang pagbalikan ako ng aking malay. Tumulo ang mga luha ng kaibigan ko kaya hindi ko maiwasan ang mapakunot ang noo. "Bakit ka umiiyak? May sakit ba ako? Malapit na ba akong mamatay?" Mabilis na umiling si Raven at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi bago magsalita. "You're three weeks pregnant, Erika. "Erika? Nasa labas na si David. Mag-ready ka na." Naudlot ang pagbabalik-tanaw ko sa isa sa mga nangyari sa buhay ko noon nang pumasok ang kaibigan ko sa silid ng anak ko. Tumango lamang ako sa kanya at pagkatapos ay dagli rin siyang lumabas. Pagkalabas ni Raven ay muli kong tinapunan ang mukha ng natutulog kong anak. At muli, biglang rumagasa sa aking isip ang daluyong ng mga alaala na pilit kong kinalimutan... "Puwede bang tumigil ka na sa kakaikot mo diyan sa harapan ng salamin, Erika? Kanina pa ako nahihilo sa'yo," hindi napigilan ng best friend kong si Raven ang magreklamo
Erika's POV Naputol ang pagdaloy ng masakit na alaala sa aking isip nang maramdaman ko ang mainit na likido na bigla na lamang dumaloy sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinahid at saka binalikan sa aking isip ang eksena kung saan ay sinabi ni Raven sa akin na buntis ako nang pagbalikan ako ng malay matapos kong mahimatay nang marinig ko ang ini-anunsiyo ni Charles. Hindi ako nakapagsalita sa ibinalita ng kaibigan ko. Para akong namatanda sa aking narinig. Ako? Buntis? Bakit ngayon pa siya dumating? "Sigurado ka ba na sinabi ng doktor na buntis ako? Baka nagkamali ka lang ng narinig mo, Raven?" namumuo ang mga luha na tanong sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng anak kay Charles ngunit sa sitwasyon ko ngayon ay parang hindi ko pa kayang tanggapin na magkakaroon ako ng anak sa lalaking labis na nanakit sa akin. Umiling si Raven kaya napapikit ako ng aking mga mata. Hinawakan niya ang isa kong kamay at marahang pinisil. "Kailangan mong tanggapin ito, Erika. Magpakata