Erika's Pov Abala ako sa pagtipa sa keyboard sa laptop ko nang pumasok si David sa opisina ko. Base sa hitsura ng mukha niya ay may dala siyang hindi magandang balita para sa akin. "What is it, David?" agad kong tanong sa kanya pagkaupo niya sa visitor's chair na nasa harapan ng aking table. "Alam mo na ba ang balita tungkol kay Charles, Erika?" tanong naman niya sa akin. Bigla akong kinabahan nang mabanggit niya ang pangalan ni Charles. Ilang araw nang hindi nagpapakita sa akin si Charles. Ang huling pagkikita at pag-uusap namin ay noong inihatid niya ako sa bahay matapos kong mag-overtime. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam sa akin. Hindi na niya ako sinundo sa trabaho para ihatid sa bahay ko. Ngunit may tatlong kalalakihan akong nakita na palaging nakabuntot sa akin. Sa una, inisip ko na masasamang tao sila ngunit isnag beses ay nakita ko si Tony na kasama nila habang nakasunod sila sa akin kaya agad kong naisip na si Charles ang nag-utos sa kanila na b
Erika Pov Agad na gumana ang aking isip. Mabilis kong dinukot sa bulsa ko ang cellphone ko at palihim na kinuhanan ng video ang walang kamalay-malay na nag-uusap na sina Uncle Edgar at Art. Kailangan ko ng ebidensiya laban sa kanila. Mabuti na lamang at hindi ko pa nailalabas sa bulsa ko ang cellphone ko kaya may magagamit ako ngayon para makakuha ng ebidensiya laban sa uncle ko. May kutob kasi ako na may matituklasan ako ngayon na hindi maganda. "Walang kaalam-alam si Erika na hindi lahat ng mga ebidesiya na ibinigay ko sa kanya noon ay totoo. Hindi naman talaga si Charles ang pumatay sa mga magulang niya dahil patay ang kapatid ko at ang hipag ko nang itulak ko sila sa kalsada para kunwari ay nasagasaan at napatay sila ni Charles," tumatawang wika ni Uncle Edgar kay Art. "Walang kamalay-malay ang lalaking iyon na sa mga kamay ko namatay ang mga magulang ni Erika." Mariing nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para huwag lumabas ang mahinang hikbi. Baka kasi marinig ng dalawa at ma
Erika Pov "Ano ba ang sinasabi mo, pinsan? Puwedeng paki-klaro dahil hindi ko maintindihan?" Nagpatay-malisya ako sa sinabi niya. Baka kasi iba ang ibig niyang sabihin at hindi iyong pagpunta ko sa bahay nila. Ngunit nadismaya ako nang marinig ko ang sagot niya. "Don't play dumb, Erika. Hindi ba't nagpunta ka sa bahay kanina? And I'm sure narinig mo ang mga pinag-usapan namin ni Daddy tungkol sa'yo at kay Charles," nakangising sagot niya sa akin. Bigla akong namutla sa aking narinig. Paano nila nalaman na nanggaling ako sa bahay nila kanina? Nang umalis ako sa bahay nila ay hindi ko naman sila nakitang nakatingin sa akin? Kunwari ay tumawa ako at naglakad palapit sa hagdan. "Ano naman ang gagawin ko sa inyo? Galing ako sa mall. Nag-relax ako dahil masyadong pagod ang katawan ko. Baka naman ibang tao ang nakita mo at hindi ako?" "Still pretending, huh? Fine. Keep on pretending, Erika," nakaismid na sabat naman ni May. "Dalawa sila ng kanyang ama na nakakita sa'yo habang palabas k
Erika PovNanghihina na ang katawan ko dahil sa magkahalong gutom at uhaw. Dalawang araw na akong nakakulong sa storage room ng bahay nina Edgar at kahit isang butil ng kanin at isang patak ng tubig ay hindi nila ako binigyan. Ang rason ni Art ay papatayin naman daw nila ako kaya okay lang na hindi nila ako bigyan ng pagkain. Masasayang lang daw ang kakainin kong pagkain kapag patay na ako.Si Edgar naman ay pinipilit akong papirmahin sa dokumento na nagsasabing ibinibigay ko sa kanya ang karapatan na i-withdraw ang pera ng mga magulang ko na ipinamana nila sa akin at naka-time deposit kapalit ng pagkain at tubig. Ngunit tumanggi akong pumirma kaya hinayaan niya akong magutom. Papatayin pa rin nila ako kahit pirmahan ko pa ang dokumentong iyon kaya wala akong balak na pumirma. Naniniwala ako na hindi ako basta-basta hahayaan ni Edgar na mamatay hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.Hindi kayang gayahin ni Edgar o ni Art ang pirma ko dahil masyadong unique at complicated ang pir
Erika PovPagkatapos ng kasal namin ni Charles ay nag-honeymoon kami ng isang Linggo sa Bangkok, Thailand. Pagbalik naman namin sa bansa ay bumisita lamang siya sa kompanya niya. Hindi pa siya papasok dahil magbabakasyon naman kami at maglilibot sa iba't ibang bansa kasama si Rose. Nais nitong sulitin ang mga taon na hindi niya kami nakasama.Una kaming nagpunta sa South Korea, kung saan ay namasyal kami sa Jeju Island. Sumunod naman sa Japan. Winter season sa nasabing bansa kaya naman eksakto lamang ang pagpunta namin dito."Mom!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ng anak ko. Pagharap ko ay bigla na lamang sinalubong ng malaking snowball ang mukha na ibinato sa akin ng anak ko. Malakas na natawa naman si Charles nang makitang napuno ng maliliit na snow ang mukha ko."Ah, gusto mong maglaro ng batuhan, ha?" Yumuko ako at dumakot ng snow at ginawang snowball. "Tumakbo ka na dahil nandiyan na ako, Rose!"Napasigaw si Rose nang tumakbo ako palapit sa kanya habang binabato siya ng
Erika Pov Malapad ang aking ngiti habang hinahaplos ko ang medyo malaki ng umbok ng tiyan ko. I'm six months pregnant now. Ilang buwan na lamang ay magiging tatlo na kami sa aming pamilya. Mas lalong madaragdagan ang saya sa pamilya namin pagdating ng bagong miyembro ng aming pamilya. Huminga ako ng malalim. Araw-araw akong nagpapasalamat sa Diyos na sa wakas ay tumigil na rin ang pagdating ng mabibigat na problema sa buhay ko. Masayang-masaya ako ngayon lalo pa at araw-araw akong pinapasaya ni Charles. Mapagmahal, sweet, at sobrang maalaga ang asawa ko. Kaya naman wala na akong mahihiling pa ngayon maliban sa maging safe ang panganganak ko. "Adelina?" tawag ko sa bagong yaya ng anak ko. Hindi na bumalik ang dating yaya ng anak ko ngunit ipinalit naman niya ang pinsan niya. Mabait at masipag din si Adelina kagaya ng pinsan niya kaya naman maganda rin ang pakikitungo namin sa kanya. "May kailangan po kayo, Ma'am Erika?" tanong nito nang lumapit sa akin. Nasa hardin kasi at nagt
Erika Pov Nang magising ako ay nasa loob na ako ng ospital at nakahiga sa kama habang hawak ni Charles ang isa kong kamay at marahang hinahalikan. Napatayo ito nang makitang nagkamalay na ako."Thank God! Nagkamalay ka na rin sa wakas, Erika," natutuwang sambit ni Charles pagkatapos ay yumakap siya sa akin.Napakunot ang aking noo nang maramdaman kong hindi ko kayang maigalaw ang leeg ko. "Bakit hindi ko magawang maigalaw ang leeg ko, Charles?" Uamngat ang kamay ko at sinalat ang leeg ko. May plastic na bagay na nakalagay sa leeg ko."Naka-cast ang leeg mo kaya hindi mo ito maigalaw. Don't worry dahil hindi naman iyan magtatagal," sagot niya sa akin. Nakita ko na parang balisa ang mukha niya at hindi siya masyadong makatingin sa akin na labis kong ipinagtaka."May problema ba, Charles," hindi napigilang tanong ko sa kanya. "Si Adelina nga pala. Kumusta siya? Okay lang ba siya?""Don't worry about her. She's okay. At katulad mo ay nagpapagaling na lang din siya. Hindi naman malala an
Erika Pov Dumilim ang mukha ni Charles nang makita ang itim na bulaklak na hawak ko. Agad niya akong nilapitan at hinablot sa akin ang bulaklak. "Kanino galing ang bulaklak na ito?" mariin niyang tanong sa akin. Initsa nito ang bulaklak sa basurahan na nasa loob ng silid. "Hindi ko alam," mabilis kong sagot. "Basta na lamang may kumatok na delivery boy at ibinigay ang bulaklak na iyan. Akala ko ikaw ang nag-order niyan kaya ipinakuha ko kay Raven." "Oh my God, Erika! Nakakatakot naman ang taong nagpadala ng bulaklak na iyan sa'yo. Mukhang nais ka niyang mamatay," hindi napigilang komento naman ni Raven. Hinaplos pa nito ang mga braso na tila ba bigla itong nilamig dahil kinilabutan ito. "Ano ka ba, Raven. Binigyan lang ako ng itim na bulaklak mag-iisip ka na agad ng ganyan. Wala naman akong kaaway at ang taong nagnanais na pumatay sa akin ay nakakulong na," sawata ko sa kaibigan ko. Ang totoo ay nakaramdam din ako ng kaba at takot lalo pa at first time kong makatanggap ng it
Erika Pov "Hindi ba sinabi ko sa'yo na hindi ka puwedeng lumabas ng bahay hangga't hindi ako ang kasama mo? Bakit hindi mo sinunod ang sinabi ko sa'yo?" galit na sita ni Jake sa akin pagkapasok namin sa bahay. "At hindi ba kabilin-bilinan ko naman sa'yo na huwag mong hayaang lumaba sng bahay si Erin, Daina? Pero ano ang ginawa mo? Hindi mo lang siya hinayaan kundi sinamahan mo pa siya!" galit na baling naman nito sa pamangkin nito. "I'm sorry, Tito Jake. Hindi na mauulit ang nangyaring ito," umiiyak na paumanhin ni Daina sa tiyuhin. Halatadong takot ito sa kanyang tito kapag nagagalit ang lalaki. Sa isang buwan kong pananatili rito at pakikisama kay Jake bilang asawa niya ay ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganito katindi. At iisa lang ang aking na-realized ngayon. Hindi ko nga siya kilala. Wala akong familiarity na nararamdaman sa kanya kapag nagagalit siya, nagtatampo o naglalambing."Gusto mo akong nakakulong lamang sa loob ng bahay mo, Jake? Bakit? Dahil nag-aalala ka n
Erika Pov Habang nakatitig ako sa ama ng bata ay biglang kumislot ang aking puso at pagkatapos ay bumilis na ang pagtibok niyon. Mayamaya ay napahawak ako sa aking ulo dahil bigla itong sumakit. Para bang may mga alaala na nais lumabas sa aking isip ngunit hindi makalabas. "Let's go, Ate Erin. Sumasakit lamang ang ulo mo dahil sa kanila kaya umalis na tayo!" Hinawakan ulit ni Daina ang isa kong braso at hinila paalis. "Bakit gusto mong ilayo na kaagad si Erika, Miss? Dahil natatakot ka na bigla niyang maalala na anak at asawa niya ang mga taong nasa harapan niya?" Biglang kinausap ng lalaki si Daina kaya napahinto kami sa paglalakad. "Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo, Mister. Ngunit natitiyak ko na hindi mo asawa si Ate Erin dahil unang-una ay hindi Erika ang pangalan niya kundi Erin at pangalawa ay asawa siya ng Tito ko. Kaya kung naghahanap kayo ng nawawalang asawa mo ay sa police station kayo magpunta," mataray na sagot ni Daina sa lalaki. "Really? Kung totoo ang sinas
Erika/Erin Pov Wala sa bahay si Jake dahil pumasok ito sa trabaho kaya mas lalo akong na-bored sa loob ng bahay. Gusto kong mamasyal sa labas ngunit mahigpit na ipinagbilin ni Jake na huwag na huwag akong lalabas ng bahay lalo na kung hindi ko siya kasama. Magmula nang lumabas ako sa hospital ay hindi pa ako nakakalabas ng bahay para mamasyal man lang. Para may kinakatakutan siya o di kaya iniiwasan kung kaya't ayaw niya akong payagan na lumabas ng bahay. Hindi na ako nakatiis sa sobrang pagka-bored kaya pinuntahan ko sa silid nito si Daina, ang teenager na pamangkin ni Jake at kasama naming nakatira sa bahay. Niyaya ko siyang mamasyal kami sa mall dahil bored na bored na talaga ako rito sa bahay ngunit tumanggi siya. Mahigpit daw kasing ipinagbilin sa kanya ng Tito Jake niya na huwag akong hayaang lumabas ng bahay. Para naman ito sa kaligtasan ko kung kaya't ayaw niya akong payagang gumala. Baka raw kasi bigla akong maaksidente ulit. "Sige na, Daina. Mamayang hapon pa naman uuw
Erika Pov Nanginginig ang buo kong katawan at parang hindi ko magawang igalaw ang aking mga kamay. Nasa harapan na ako ng manibela ngunit hindi ko pa magawang hawakan ito at paandarin palayo sa lugar na ito. "Mommy! Let's go!" Malakas na boses ni Rise ang tila nakapagpagising sa aking diwa. Para akong nagkaroon ulit ng lakas dahil sa takot na boses na iyon ng anak ko. Hindi ko na isinuot ang seatbelt sa baywang ko at inapakan ko na lamang ang pedal para tumakbo ang kotse. "Are we safe now, Mom?" "I-I think so," nanginginig ang boses na sagot ko sa kanya. Akala ko ay nakatakas na nga kami mula kay Edgar ngunit hindi pa pala. Dahil bigla na lang may sasakyan ang malakas na bumalya sa likuran ng minamaneho kong kotse. Sabay kaming napasigaw ni Rose ng malakas. "Mommy! I'm scared!" umiiyak na wika ng anak ko. "Don't worry, baby. Mommy is here. Hindi kita pababayaan. Mommy will protect you, okay?" pagbibigay-assurance ko sa anak ko para mabawasan ang takot na nararamdaman niya. T
Erika Pov Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ko ang pintuan ng storage room. Mabuti na lang nilagyan nila ng ilaw ang silid at hindi katulad sa ginawa nila sa akin noon na hinayaan nila akong mangapa sa dilim. Nang mabuksan ko ang pintuan ay tumambad sa aking mga mata ang nakakaawang hitsura ng anak ko na halos magpadurog sa aking puso. Nakahiga sa malamig na sahig si Rose habang nanginginig sa lamig at nakapamaluktot. Nakapikit ng mariin ang mga mata nito at bakas sa mukha ang matinding takot. "R-Rose. A-Anak ko." Hindi ko napigilan ang pagpiyok ng boses ko dahil sa matinding awa sa kanya. Agad namang nagmulat ng mga mata ang anak ko at bumakas ang kasiyahan sa mukha nang makita ako. "Mom—" "Sshh. Huwag kang maingay." Agad ko siyang sinaway na huwag lakasan ang kanyang boses dahil baka may makarinig aa amin at mabuko pa nila na nandito ako. Agad namang nakaintindi ang anak ko. Tahimik itong tumayo at tumakbo palapit sa akin.Mahigpit na niyakap ko ang anak ko habang
Erika Pov Nang masiguro naming ligtas na si Dario ay umalis din kami sa hospital. Nagpaiwan sina Bruce at Raven para siyang magbantay at mag-asikaso sa mga pangangailangan ni Dario samantalang isinama ko pauwi sa bahay si Adelina para makapagpahinga. Alam kong hanggang ngayon ay shock pa rin ito sa nangyari kaya kailangan nitong makapagpahinga. "Manatili ka na lamang dito sa bahay, Erika. Kami na lamang ni Tony ang maghahanap sa anak natin," sabi ni Charles nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. Nakababa na si Adelina at tanging ako na lamang ang at Tony maliban kay Charles ang nasa kotse. Sasama kasi ako sa paghahanap ni Charles sa anak namin. Hindi ako mapapakali kung nasa bahay lamang ako at naghihintay ng balita kung nahanap na ba ang anak ko o hindi pa. "No, Charles. Sasama ako sa inyo. Ayokong maiwan sa bahay habang kayo ay naghahanap sa anak natin," mariing tanggi ko sa kanya. "Please, Erika. Mas mapapanatag ang loob ko kung mananatili ka lamang dito sa bahay. Do
Erika Pov "Anong sinabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo, Adelina," utos ko sa yaya ng anak ko. Natutulog kasi ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Adelina. Umiiyak ito habang nagsasalita at humihingi ng sorry sa akin. "Nakidnap si Rose, Ma'am Erika!" sigaw ni Adelina mula sa kabilang linya. Actually, narinig ko ang sinabi niya kanina ngunit baka nagkamali lamang ako ng dinig kaya ipinaulit ko sa kanya. Ngunit hindi pala ako nagkamali ng dinig dahil totoo pala ang narinig ko. Sa pinaghalo-halong takot, pagkabigla, at pag-aalala ay nabitawan ko ang cellphone ko. Kahit nagsasalita pa si Adelina ay wala na akong maintindihan sa kanyang mga sinasabi. Pakiramdam ko ay bigla akong nabingi at lumaki ang ulo ko kasabay ng pangangapal ng pakiramdam ko bago nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay. Nang magising ako ay maayos na akong nakahiga sa kama habang nakahawak naman sa isa kong kamay si Charles at bahagyang hinahalik-halikan ang likuran ng palad ko. Nasa loob din ng akin
Erika PovNang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng silid namin at nakahiga sa kama. Naalala ko ang aking nakita kaya muli akong napasigaw ng malakas. Dahil naman sa sigaw ko ay biglang pumasok si Charles na dumating na pala. Agad niya akong niyakap ng mahigpit para maalis ang takot na nararamdaman ko."Nakita ko ang laman ng regalo, Charles! Hindi porn videos kagaya ng sinabi mo sa akin! Maliit na kabaong na puno ng daga at may laman na patay na puno rin ng dugo! May tao ba na gusto ulit akong patayin? Bakit ako pinadalhan ng ganoong klaseng regalo? Si Uncle Edgar ba ulit ang nananakot sa akin?" nagpapanic na tanong ko kay Charles ng sunod-sunod. "Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?""Calm down, Erika. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa'yo ang totoo. Kung bakit mahigpit kong pinigilan sina Dario at Merlyn na sabihin sa'yo ang kanilang nakita. Dahil ayokong magpanic ka kapag nalaman mo ang totoo. Ayokong matakot ka kagaya ngay
Charles' PovGusto ko nang magmura ng malakas habang yakap ko si Erika. Mabuti na lamang at hindi ako nahuli ng dating. Hindi pa nakikita ng asawa ko kung ano ang laman ng regalong natanggap nito. Hindi nito nakita ang isang maliit na kabaong na maraming dugo at sa loob ay may patay na daga na nakahiga. Tiyak na mula sa patay na daga ang dugong nakakalat sa kabaong.Kasalukuyan akong nasa meeting room kanina at ka-meeting ang isang kliyente nang makatanggap ako ng tawag mula sa numerong hindi nakarehistro sa cellphone ko. Sinabi sa akin ng taong tumawag na boses ng lalaki na may regalo raw na matatanggap ngayon ang si Erika. Tiyak na magugulat daw ang asawa ko kapag nakita nito ang laman ng regalo. Agad akong kinutuban at nagkaroon ng masamang hinala nang marinig ko ang malakas na halakhak ng lalaking nasa kabilang linya. Ngunit bago ko pa man siya matanong kung sino siya at ano ang kailangan niya ay agad na nitong pinatay ang cellphone nito. Wala akong inaksayang oras. Mabilis akon