Erika Pov "Ano ba ang sinasabi mo, pinsan? Puwedeng paki-klaro dahil hindi ko maintindihan?" Nagpatay-malisya ako sa sinabi niya. Baka kasi iba ang ibig niyang sabihin at hindi iyong pagpunta ko sa bahay nila. Ngunit nadismaya ako nang marinig ko ang sagot niya. "Don't play dumb, Erika. Hindi ba't nagpunta ka sa bahay kanina? And I'm sure narinig mo ang mga pinag-usapan namin ni Daddy tungkol sa'yo at kay Charles," nakangising sagot niya sa akin. Bigla akong namutla sa aking narinig. Paano nila nalaman na nanggaling ako sa bahay nila kanina? Nang umalis ako sa bahay nila ay hindi ko naman sila nakitang nakatingin sa akin? Kunwari ay tumawa ako at naglakad palapit sa hagdan. "Ano naman ang gagawin ko sa inyo? Galing ako sa mall. Nag-relax ako dahil masyadong pagod ang katawan ko. Baka naman ibang tao ang nakita mo at hindi ako?" "Still pretending, huh? Fine. Keep on pretending, Erika," nakaismid na sabat naman ni May. "Dalawa sila ng kanyang ama na nakakita sa'yo habang palabas k
Erika PovNanghihina na ang katawan ko dahil sa magkahalong gutom at uhaw. Dalawang araw na akong nakakulong sa storage room ng bahay nina Edgar at kahit isang butil ng kanin at isang patak ng tubig ay hindi nila ako binigyan. Ang rason ni Art ay papatayin naman daw nila ako kaya okay lang na hindi nila ako bigyan ng pagkain. Masasayang lang daw ang kakainin kong pagkain kapag patay na ako.Si Edgar naman ay pinipilit akong papirmahin sa dokumento na nagsasabing ibinibigay ko sa kanya ang karapatan na i-withdraw ang pera ng mga magulang ko na ipinamana nila sa akin at naka-time deposit kapalit ng pagkain at tubig. Ngunit tumanggi akong pumirma kaya hinayaan niya akong magutom. Papatayin pa rin nila ako kahit pirmahan ko pa ang dokumentong iyon kaya wala akong balak na pumirma. Naniniwala ako na hindi ako basta-basta hahayaan ni Edgar na mamatay hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.Hindi kayang gayahin ni Edgar o ni Art ang pirma ko dahil masyadong unique at complicated ang pir
Erika PovPagkatapos ng kasal namin ni Charles ay nag-honeymoon kami ng isang Linggo sa Bangkok, Thailand. Pagbalik naman namin sa bansa ay bumisita lamang siya sa kompanya niya. Hindi pa siya papasok dahil magbabakasyon naman kami at maglilibot sa iba't ibang bansa kasama si Rose. Nais nitong sulitin ang mga taon na hindi niya kami nakasama.Una kaming nagpunta sa South Korea, kung saan ay namasyal kami sa Jeju Island. Sumunod naman sa Japan. Winter season sa nasabing bansa kaya naman eksakto lamang ang pagpunta namin dito."Mom!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses ng anak ko. Pagharap ko ay bigla na lamang sinalubong ng malaking snowball ang mukha na ibinato sa akin ng anak ko. Malakas na natawa naman si Charles nang makitang napuno ng maliliit na snow ang mukha ko."Ah, gusto mong maglaro ng batuhan, ha?" Yumuko ako at dumakot ng snow at ginawang snowball. "Tumakbo ka na dahil nandiyan na ako, Rose!"Napasigaw si Rose nang tumakbo ako palapit sa kanya habang binabato siya ng
Erika's Pov "Bakit ako nandito sa hospital, Raven?" nanghihina ang boses na tanong ko sa kaibigan ko nang pagbalikan ako ng aking malay. Tumulo ang mga luha ng kaibigan ko kaya hindi ko maiwasan ang mapakunot ang noo. "Bakit ka umiiyak? May sakit ba ako? Malapit na ba akong mamatay?" Mabilis na umiling si Raven at pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi bago magsalita. "You're three weeks pregnant, Erika. "Erika? Nasa labas na si David. Mag-ready ka na." Naudlot ang pagbabalik-tanaw ko sa isa sa mga nangyari sa buhay ko noon nang pumasok ang kaibigan ko sa silid ng anak ko. Tumango lamang ako sa kanya at pagkatapos ay dagli rin siyang lumabas. Pagkalabas ni Raven ay muli kong tinapunan ang mukha ng natutulog kong anak. At muli, biglang rumagasa sa aking isip ang daluyong ng mga alaala na pilit kong kinalimutan... "Puwede bang tumigil ka na sa kakaikot mo diyan sa harapan ng salamin, Erika? Kanina pa ako nahihilo sa'yo," hindi napigilan ng best friend kong si Raven ang magreklamo
Erika's POV Naputol ang pagdaloy ng masakit na alaala sa aking isip nang maramdaman ko ang mainit na likido na bigla na lamang dumaloy sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinahid at saka binalikan sa aking isip ang eksena kung saan ay sinabi ni Raven sa akin na buntis ako nang pagbalikan ako ng malay matapos kong mahimatay nang marinig ko ang ini-anunsiyo ni Charles. Hindi ako nakapagsalita sa ibinalita ng kaibigan ko. Para akong namatanda sa aking narinig. Ako? Buntis? Bakit ngayon pa siya dumating? "Sigurado ka ba na sinabi ng doktor na buntis ako? Baka nagkamali ka lang ng narinig mo, Raven?" namumuo ang mga luha na tanong sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong magkaroon ng anak kay Charles ngunit sa sitwasyon ko ngayon ay parang hindi ko pa kayang tanggapin na magkakaroon ako ng anak sa lalaking labis na nanakit sa akin. Umiling si Raven kaya napapikit ako ng aking mga mata. Hinawakan niya ang isa kong kamay at marahang pinisil. "Kailangan mong tanggapin ito, Erika. Magpakata
Erika's Pov Napabuntong-hininga ako ng malalim matapos maputol sa pangalawang pagkakataon ang pagdaloy ng mga alaala sa aking isip. May sumungaw na fondness sa mga mata habang hinahaplos ko ang pisngi ng anak ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi niya hinayaang mawala sa akin ang anak ko. Six years ago ay muntik na akong makunan matapos akong kausapin ni Jane. Agad akong isinugod ng kaibigan ko sa pinakamalapit na hospital dahil dinudugo na ako. At mabuti na lamang na naisugod agad ako sa hospital kaya naagapan ang pagkakalaglag ng anak ko sa aking sinapupunan. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay nagdesisyon akong magtungo sa Canada upang magbagong buhay. Hindi kasi ako makakapag-move on kung hindi ako lalayo. Ayokong muling malagay sa panganib ang buhay ng anak ko kaya mas mabuting sa Canada na lamang ako tumira. Tinulungan ako ng pamilya ng ninong ko na naka-base na sa Canada. Sa bahay nila ako tumira at ang bunso nilang anak ang nag-alaga kay Rose habang nagtatrabaho ako.
Charles Pov Naiinip na ako habang kausap ko ang mga kakilala ko sa party na pinuntahan ko. Wala sana akong balak na um-attend sa party na ito ngunit ipinaalala sa akin ni Linda, ang aking secretary, na a-attend daw sa party na ito ang CEO ng Wilson Company na si David Wilson. Wilson Company a new built company at kahit last year lamang ito pumasok sa mundo ng business ay unti-unti na itong nakakaangat. May potensiyal ang kompanyang ito pagdating sa mga Artificial Intelligence kaya naman iminungkahi ni Linda na makipag-cooperate ako sa CEO ng Wilson Company. Kaya ako narito sa party para makilala ng personal ang CEO ng kompanyang ito Nang hindi na ako makatiis sa pagka-bored sa usapan ng mga kaharap ko ay nag-excuse ako para magtungo sa comfort room. Ngunit hindi ako nagtungo sa comfort room sa halip ay nagtungo lamang ako sa area na konti lamang ang mga tao. Nalukot ang noo ko nang makita kong palapit sa akin ang nakangiting mukha ni May. Iiwas sana ako ngunit alam na niyang
Erika's PovHindi ko mapigilan ang makaramdam ng galit kay Charles. Ano ang karapatan niyang banggitin kung anong koneksiyon mayroon kami? Hindi ba pumasok sa isip niya na ayoko nang magkaroon pa ng koneksiyon sa kanya magmula nang niloko niya ako? "He knows everything about me, including what you did to me before, Mr. Evans," sagot ko kay Charles pagkatapos ay binigyan ko ng matamis na ngiti si David. "I know about Erika's past relationship, Mister Evans. Tanggap ko kung ano siya at kung sino siya. And with my help, nakapag-move on siya sa painful past relationship niya with you," seryoso ang mukha na wika naman ni David kay Charles. "If you will excuse us, ipapakilala ko lamang si Erika sa mga kaibigan at kakilala ko na present sa party. And by the way, it's nice to meet you, Charles Evans."Nginitian ako ni David pagkatapos ay hinila na niya ako para iwan si Charles. "I heard you're looking for investors for your big project."Sabay kami ni David na napahinto sa paglalakad nang