Share

Chapter 41

Erika's Pov

Tahimik lamang ako habang kumakain kami ng hapunan. Kanina ay nag-usap ng sarilinan sina Chona at Charles pagkatapos ay tahimik na umalis ang babae. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ngunit nakita kong nakangiti si Chona nang lumabas ng gate. Nag-usap ang dalawa sa gilid ng swimming pool habang ako naman ay nakatayo sa gilid ng bintana at pasimpleng nakasilip sa kanila. Nang makita kong nakangiting umalis si Chona ay biglang bumigat ang aking pakiramdam. Mabilis akong umakyat sa aking silid bago pa man makita ni Charles na nasa gilid ako ng bintana at nakasilip sa kanila.

Umakyat si Charles at kinatok ako sa aking silid ngunit hindi ko siya pinagbuksan ng pintuan. Nagkunwari ako tulog kaya walang naririnig na ingay sa labas. Ngunit napilitan akong lumabas sa aking silid nang sumapit ang gabi at kinatok ako ni Rose para kumain ng hapunan.

Lumabas ako sa aking silid ngunit hindi ko kinausap si Charles na kasama ng anak ko. Natitiyak kong inutusan nito ang bata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status