CHARLES' POV Mahigpit na naikuyom ko ang aking mga kamao habang palihim akong nakatingin kina Bruce at David na nakikipaglabam sa lalaking nagtatangka ng masama laban sa buhay ni Erika. Kanina, magkasama kami ni Bruce nang ma-text si Rave sa kaibigan ko at sinabi ang sitwasyon ni Erika. Sinabi rin ni Raven sa pamamagitan ng text ang plano ni Erika. Nang marinig ko ang plano ng huli ay agad akong tumutol. Nais ko nang puntahan si Erika sa coffee shop na kinaroroonan nito at ilayo sa lugar na iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Bruce informed me na kasama sa plano ni Erika si David kaya natitiyak kong hindi nito pababayaan ang babae. Halos hindi na ako humihinga nang makita kong namutla si Erika nang tutukan siya ng kutsilyo ng lalaki sa kanyang leeg. Labis-labis ang pag-aalalang nadarama ko para sa kaligtasan niya. Muntik na nga akong lumabas sa pinagtataguan ko kanina ngunit maagap akong napigilan ni Bruce. Una ay hindi alam ni Erika na kasama ako ng kaibigan ko at pangal
Erika's PovDahil nag-aalala ako sa kaligtasan ng anak ko kaya pinahinto ko muna ng pag-aaral si Rose at hinayaang dalhin siya ni Raven sa Amerika. Ngunit bago ginawa ang pasya na ito ay isinangguni ko kay Charles ang tungkol sa bagay na ito. Anak niya si Rose kaya hindi ko inaalis sa kanya ang karapatan na magpasya para sa anak ko. At kagaya ko ay nag-aalala rin siya sa bata kaya pumayag siya na pansamatalang isama ni Raven sa Amerika ang anak namin.Kung mananatili si Rose kasama ko ay mas malalagay sa panganib ang buhay nito kaya mas mabuting lumayo muna siya hangga't nakakawala pa nag taong may masamang balak sa akin. Ayokong dumating ang time na gamitin ng taong iyon ang anak para lamang mapatay ako. Hindi ko makakaya kung may masamang mangyayari sa kanya.Gusto ni Charles na may mata siya sa anak ko kaya pinasamahan niya kay Bruce si Raven papuntang ibang bansa. Doon ay natitiyak kong ligtas ang anak ko. Titiisin ko na lamang ang ilang araw o buwan na pangungulila ko sa kanya ka
Erika's PovHuminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Hindi ako puwedeng magpanic. Walang makakatulong sa akin at hindi ako makakapag-isip kung magpapanic ako. Ilang beses akong huminga ng malalim at nagbuga ng hangin hanggang sa nabawasan ang aking panic attack.Kinalampag ko ng malakas ang pintuan ng elevator at malakas ang tinig na humingi ako ng tulong. Nagbabakasakali akong may makarinig sa akin kahit isa sa tatlong guard ng kompanya na nagbabantay sa building. "Tulong! Nasa loob ako ng elevator! Tulungan niyo ako!" Ilang beses akong sumigaw para humingi ng tulong ngunit kahit anong lakas ng boses ko ay walang nakakarinig sa akin. Para bang walang tao sa buong building maliban sa akin.Biglang naalala ko ang lalaking bumangga sa akin kaninang umaga. Sa tingin ko ay siya ang may kagagawan ng pagka-trap ko sa loob ng elevator. Nakapasok sa loob ng building ng kompanya ni David ang tauhan ng taong nagpapapatay sa akin. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya ak
Erika's PovNang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Mag-isa lamang ako sa silid at walang nagbabantay sa akin kaya hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin dito. Ang huling natatandaan ko ay na-trap ako sa loob ng elevator at naubusan ng hangin kaya ako hinimatay. Akala ko ay patay na ako. Akala ko iyon na ang katapusan ko. Ngunit hindi pa pala. Dahil may taong nagligtas sa akin.Nang mailabas ako sa elevator at muling nawalan ng malay sa pangalawang pagkakataon ay may nakita akong pigura ng tao. Ngunit malabo ang paningin ko at halos dalawang segundo lamang akong nagmulat ng mga mata bago ako muling pumikit at nawalan ng malay kaya hindi ko nakilala kung sino ang nagligtas sa akin.Akmang babangon na ako sa kama nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang nurse."Huwag ka munang bumangon sa higaan dahil nanghihina ka pa, Erika. Magpahinga ka na lang muna para mabilis kang gumaling," kausap sa akin ng nurse nang lapitan n
Erika's PovDalawang araw lamang akong namalagi sa ospital pagkatapos ay hinayaan na ako ng doktor na ma-discharge. Sinundo ako ni Charles sa hospital at hinatid hanggang sa hotel na pansamantalang tinutuluyan ko. Gusto sana nito na sa bahay nito ako muling tumira ngunit mariin akong tumanggi. Ayokong manggulo si Chona kapag nalaman nitong sa bahay ni Charles ulit ako nakatira. "Are you sure that you're okay in this hotel? Paano kung makapasok dito ang taong nagtatangkang pumatay sa'yo?" Hindi mapigilan ni Charles ang mag-alala sa akin. Kahit na hindi niya sabihin sa akin na nag-aalala siya ay nakalarawan naman ito sa kanyang mukha."Mahigpit ang security sa hotel na ito kaya wala kang dapat na ipag-alala. Ligtas ako rito," pangungumbinsi ko sa kanya. Di hamak na mas mahigpit ang security ng hotel na ito kaysa sa kompanya ni David. Marami kasing nakatira at guest sa hotel na mga taong hindi basta-basta ang background. May mga pulitiko na sa hotel na ito itinira ang kabit nila at mag
Erika's PovPakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo sa pangalawang pagkakataon. Naramdaman ko ulit ang matinding sakit sa aking dibdib na una kong naramdaman noong nasaksihan ko kung paano ipinakilala ni Charles bilang babaeng pakakasalan ang ibang babae sa halip na ako. Nagsisikip ang dibdib ko sa aking nakita. Sina Charles at Chona ay magkatabing natutulog sa kama. Nakayakap ang isang braso ni Charles sa baywang ni Chona. At kahit hindi ko nakikita at nahuhulaan kong wala silang saplot sa katawan. Kung walang kumot na nakatakip sa kanilang mga katawan ay nakita ko sana ang kanilang kahubdan nang pumasok ako sa silid ni Charles.Si Chona ang unang nagising nang maramdaman nito ang aking presensiya. Sa halip na mahiya dahil sa tagpong naabutan ko ay ngumiti pa ng matamis ang babae na para bang nagmamalaki siya sa akin."Why are you here, Erika? Inistorbo mo ang tulog ko," tanong sa akin ni Chona sa tonong hindi naman naiinis. Hinalikan nito ang bahagi ng dibdib ni Charles na naka-expo
Erika's PovPagmulat ko ng aking mga mata ay nasa loob ako ng isang kuwarto na hindi pamilyar sa akin. Kaninong silid kaya ito at bakit ako narito? Ang huling natatandaan ko ay may bumangga sa likuran ng kotse ko. Tumilapon sa gitna ng kalsada ang kotse ko at pagkatapos ay binangga naman ito ng malaking truck. Nauntog ng ilang beses ang ulo ko sa kung saan-saang parte ng kotse ko bago ako nawalan ng malay.Masakit ang ulo ko at medyo nahihilo ang pakiramdam ko. Nang kapain ko ang ulo ko ay natuklasan kong may napalibot palang benda sa aking ulo. Nang akmang babangon na ako sa kama ay saka naman bumukas ang pintuan at pumasok si David kasama ang isang lalaki na ngayon ko lamang nakita. "Thank God you're finally awake, Erika!" Mabilis na napalapit sa akin si David nang makitang gising na ako."David? Nasaan ako? At bakit ka nandito? Hindi ba nasa seminar sa ibang bansa?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. Hindi ko na sinubukang bumangon sa halip ay umayos na lamang ako ng pagkaka
Erika's Pov Nang gumaling ako ay nagdesisyon akong bumalik na sa bahay ko. Ayaw sanang pumayag ni David ngunit wala itong nagawa nang ipagpilitan ko ang gusto ko. Natatakot pa rin ako dahil hanggang ngayon ay nanganganib pa rin ang buhay ko. Ngunit hindi habambuhay akong magtatago at iiwas sa taong iyon. Kailangan ko siyang harapin para sa ikatatahimik ng lahat. Maraming beses na nagtungo sa bahay ko si Charles para magpaliwanag ngunit bigo siyang makausap ako dahil hindi ko siya hinarap. Wala na kaming dapat pang pag-usapan. Buo na ang desisyon ko na alisin siya sa buhay ko kasama ng mga anak ko. Ngunit eksaktong papasok pa lamang ako sa gate dahil kadarating ko pa lamang sa trabaho nang bigla akong nilapitan ni Charles. Hindi ko napansin ang kotse nito na siguro ay naka-park sa malayo para sadyang hindi ko makita kaya hindi ako nakaiwas nang lapitan niya ako. "Mag-usap tayo, Erika. Please?" pakiusap niya sa akin. Hinayaan ko na lamang siyang sumunod sa akin dahil nakapasok na si