Erika's Pov "Mabuti at dumating ka, Charles. Help me. Sinasaktan ako ni Erika," umiiyak na sumbong ni Chona nang makalapit si Charles sa amin. "Bitiwan mo ang braso ni Chona, Erika," mariin ang boses na utos ni Charles sa akin. Base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi ko na kailangan pang magtanong sa kanya kung sino sa amin ni Chona ang pinaniniwalaaan. Obviously, naniniwala siya kay Chona na napakagaling mag-drama. "Sa susunod ay huwag mo akong gagalitin sa umaga kung ayaw mong habambuhay na maging twisted iyang braso mo," banta ko kay Chona bago ko padaskol na binitiwan ko ang braso nito. "Ouch. It hurts so much, Charles," umiiyak na sabi ni Chona kay Charles. Ipinakita pa nito sa lalaki ang namumulang bahagi ng braso nito dahil sa mahigpit na paghawak ko sa kanya. "Ano ba ang problema mo, Erika? Bakit ka nananakit ng ibang tao? Hindi ka naman ganyan dati," galit na sita ni Charles sa akin. Gusto nang mapatid ng pagtitimpi ko ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
Charles' PovInihatid ko si Chona sa bahay nito at pagkatapos ay kinausap ko siya ng masinsinan. Tinapat ko siya na hanggang kapatid lamang ang nararamdaman ko sa kanya at hindi na iyon magbabago pa kahit na kailan. Humingi rin ako ng tawad sa kanya dahil ginamit ko siya para pagselosin si Erika. Ngunit nag-backfire lamang sa akin ang ginawa kong pagpapaselos sa kanya. Mukhang hindi maganda ang ideya na naisip ni Bruce para tanggapin ni Erika ang marriage proposal ko. Sa halip na makatulong ay mas nakasama pa ito. Ngayon ay galit sa akin ang babaeng mahal ko.Nakiusap din ako kay Chona na kung sana ay huwag na niyang abalahin pa si Erika at huwag muna siyang magpupunta sa bahay ko. Dahil hindi effective ang ideya ni Bruce kaya sarili kong diskarte ang gagawin ko. Una ay kailangan kong malaman ang dahilan kung bakit niya ni-refused ang aking marriage proposal. Ano ba ang ang mga gusto at ayaw niya na dapat kong gawin at hindi dapat gawin. Gagawin ko ang lahat para tanggapin niya ang ak
Erika's PovParehong tahimik kami ni Charles pagkatapos may nangyari sa amin. Tanging malalalim na buntong-hininga mula sa kanya ang maririnig sa loob ng aking silid. Nang hindi na ako makatiis sa katahimikang namamagitan sa amin ay nagsalita na ako para putulin iyon."Malalim na ang gabi, Charles. Magdamit ka na at umuwi sa bahay mo," sabi ko sa kanya sa seryosong tono."Just like that, Erika? Iyan lang ang sasabihin mo pagkatapos ng nangyari sa atin? Dalawang beses nang may nangyari sa atin. Paano kung mabuntis ka?" Frustrated ang boses na sagot ni Charles sa akon. Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa akin."I believe na hindi ako mabubuntis, Charles. At mabuntis man ako ay kaya kong palakihin ang bata gaya ng pagpapalaki ko kay Rose.""Ano ba talaga ang problema mo, Erika? Bakit hindi ka magdemand na panagutan ko ang nangyaring ito? Am I not enough for you?" Sa pagkakataong ito ay tumaas ang boses ni Charles. Mukhang hindi siya papayag na hindi ko sagutin ang kanyang mga ka
Erika's PovBiglang namutla si Raven nang marinig ang sinabi ko. Mukhang na-traum ito noong pinagtangkaan akong patayin na kasama ko siya."Nasaan banda ang lalaking suspicious?" Napalunok pa si Raven sa labis na kaba.Hinawakan ko ang kamay nito at bahagyang pinisil. "Relax ka lang, Raven. Hindi niya tayo gagawan ng masama hangga't nasa loob tayo ng coffee shop na ito. At isa pa, ako lamang ang kailangan niya. Hindi ka madadamay as long as hindi ka sasama sa akin.""I'm scared, Erika. Ngunit hindi para sa akin kundi para sa'yo at kay Rose," ani Raven. Gustong-gusto nitong lumingon sa kinaroroonan ng lalaki ngunit hindi puwede. Makakahalata ang lalaki na napansin na namin siya kapag tiningnan ito ng kaibigan ko."I really want to see his face para sa susunod na makita ko siya ay agad akong tatawag ng pulis.""Ngumiti ka at pa-simpleng ilibot mo ang mga mata mo sa paligid. Kahit maka-eye-to-eye mo ang lalaki ay ngumiti ka lang at huwag kang magpapahalata sa kanya." Ginawa ni Raven ang
CHARLES' POV Mahigpit na naikuyom ko ang aking mga kamao habang palihim akong nakatingin kina Bruce at David na nakikipaglabam sa lalaking nagtatangka ng masama laban sa buhay ni Erika. Kanina, magkasama kami ni Bruce nang ma-text si Rave sa kaibigan ko at sinabi ang sitwasyon ni Erika. Sinabi rin ni Raven sa pamamagitan ng text ang plano ni Erika. Nang marinig ko ang plano ng huli ay agad akong tumutol. Nais ko nang puntahan si Erika sa coffee shop na kinaroroonan nito at ilayo sa lugar na iyon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Bruce informed me na kasama sa plano ni Erika si David kaya natitiyak kong hindi nito pababayaan ang babae. Halos hindi na ako humihinga nang makita kong namutla si Erika nang tutukan siya ng kutsilyo ng lalaki sa kanyang leeg. Labis-labis ang pag-aalalang nadarama ko para sa kaligtasan niya. Muntik na nga akong lumabas sa pinagtataguan ko kanina ngunit maagap akong napigilan ni Bruce. Una ay hindi alam ni Erika na kasama ako ng kaibigan ko at pangal
Erika's PovDahil nag-aalala ako sa kaligtasan ng anak ko kaya pinahinto ko muna ng pag-aaral si Rose at hinayaang dalhin siya ni Raven sa Amerika. Ngunit bago ginawa ang pasya na ito ay isinangguni ko kay Charles ang tungkol sa bagay na ito. Anak niya si Rose kaya hindi ko inaalis sa kanya ang karapatan na magpasya para sa anak ko. At kagaya ko ay nag-aalala rin siya sa bata kaya pumayag siya na pansamatalang isama ni Raven sa Amerika ang anak namin.Kung mananatili si Rose kasama ko ay mas malalagay sa panganib ang buhay nito kaya mas mabuting lumayo muna siya hangga't nakakawala pa nag taong may masamang balak sa akin. Ayokong dumating ang time na gamitin ng taong iyon ang anak para lamang mapatay ako. Hindi ko makakaya kung may masamang mangyayari sa kanya.Gusto ni Charles na may mata siya sa anak ko kaya pinasamahan niya kay Bruce si Raven papuntang ibang bansa. Doon ay natitiyak kong ligtas ang anak ko. Titiisin ko na lamang ang ilang araw o buwan na pangungulila ko sa kanya ka
Erika's PovHuminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. Hindi ako puwedeng magpanic. Walang makakatulong sa akin at hindi ako makakapag-isip kung magpapanic ako. Ilang beses akong huminga ng malalim at nagbuga ng hangin hanggang sa nabawasan ang aking panic attack.Kinalampag ko ng malakas ang pintuan ng elevator at malakas ang tinig na humingi ako ng tulong. Nagbabakasakali akong may makarinig sa akin kahit isa sa tatlong guard ng kompanya na nagbabantay sa building. "Tulong! Nasa loob ako ng elevator! Tulungan niyo ako!" Ilang beses akong sumigaw para humingi ng tulong ngunit kahit anong lakas ng boses ko ay walang nakakarinig sa akin. Para bang walang tao sa buong building maliban sa akin.Biglang naalala ko ang lalaking bumangga sa akin kaninang umaga. Sa tingin ko ay siya ang may kagagawan ng pagka-trap ko sa loob ng elevator. Nakapasok sa loob ng building ng kompanya ni David ang tauhan ng taong nagpapapatay sa akin. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya ak
Erika's PovNang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Mag-isa lamang ako sa silid at walang nagbabantay sa akin kaya hindi ko alam kung sino ang nagdala sa akin dito. Ang huling natatandaan ko ay na-trap ako sa loob ng elevator at naubusan ng hangin kaya ako hinimatay. Akala ko ay patay na ako. Akala ko iyon na ang katapusan ko. Ngunit hindi pa pala. Dahil may taong nagligtas sa akin.Nang mailabas ako sa elevator at muling nawalan ng malay sa pangalawang pagkakataon ay may nakita akong pigura ng tao. Ngunit malabo ang paningin ko at halos dalawang segundo lamang akong nagmulat ng mga mata bago ako muling pumikit at nawalan ng malay kaya hindi ko nakilala kung sino ang nagligtas sa akin.Akmang babangon na ako sa kama nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang nurse."Huwag ka munang bumangon sa higaan dahil nanghihina ka pa, Erika. Magpahinga ka na lang muna para mabilis kang gumaling," kausap sa akin ng nurse nang lapitan n