Share

CHAPTER 3

Author: Morriv
last update Last Updated: 2021-06-09 01:28:09

“HINDI nga? Gago! Chicks, pare!” 

“Kung nakita mo lang, baka yayain mo agad sa kama!” Malakas ang tawanan na narinig ni Maliyah nang magising siya. Sumulyap ang dalaga sa kanyang cellphone at nakitang alas-singko pa lang ng umaga. Naririnig pa nga niya ang tilaok ng manok sa `di kalayuan. 

Bakit ang aga magising ng mga ito? Sa bahay nila nagigising siya ng kahit na ano`ng oras lang. Hindi siya ginigising o pinapakialaman ng mga magulang niya. At wala ring pakialam ang mga ito sa kanya magmula noon pa. 

Patamad na bumangon ang dalaga sa kama at isinuot ang indoor slippers na inilabas ni Joacquin para sa kanya kagabi. Isang white polka-dots fluffy indoor slippers iyon. Hindi na siya nagtaka nang puti ang ibinigay nito. Kung gaano kalinis si Joacquin sa kwarto nito at sa ibang bagay ay ganoon naman siya kasalungat dito. Kahit kailan ay hindi siya naglinis ng sariling kwarto at laging ang mga katulong. Maliyah never liked the idea of cleaning. 

Akmang bubuksan na niya ang pinto nang may nauna nang magbukas nito. Bumungad sa kanya ang bagong gising na mukha ni Joacquin. Gulong-gulo ang buhok at may hawak pang unan at kumot. Sa sala ito natulog at nanghiram ng stand fan sa mga kaibigan sa kabilang kwarto para hindi lamukin sa labas. Nahihiya man si Maliyah ay si Joacquin ang nag-insist na hindi matulog sa kwarto nito kasama siya. 

Inintindi na lamang ng dalaga dahil na rin siguro sa tagal na hindi sila nagkita at may awkwardness pa sa pagitan nilang dalawa. Ngayon nga ay nakatingin ito at nagtaka ang dalaga. 

“Bakit?” Siya na ang unang nagsalita. 

“Pwede ba akong pumasok?” mahinang sabi nito. Nang marinig ang boses ng kaibigan ay tila ba may kung ano`ng kumiliti sa loob-loob ng dalaga. Joseph doesn’t sound like this when waking up in the morning. 

Saka lang niya na-realize na nakaharang pala siya sa pinto at hindi makadaan ang lalaki. 

Agad siyang tumabi at binigyang-daan ito. “I’m sorry, ano kasi, nawala sa isip ko na hindi ko pala kwarto ito,” nahihiya niyang sabi at niluwagan ang pinto. Natatawang inayos ni Joacquin ang nagulong bedsheet at unan sa kama nito. At ulit, nahiya na naman si Maliyah. Wala namang alam ang lalaki na lumaki siyang tamad at walang pakialam sa mga kalat. 

Humakbang si Maliyah nang mabilis at inagaw ang hawak ni Joacquin na kumot. “A-ako na. Ako naman ang humiga sa kama. Mag-ayos ka na lang.” 

“No, it’s okay. I mean, hindi naman malaking bagay ito. Lumabas ka na lang at nandoon na sina La Lourdes at Lo Delfin. Alam nilang may pumasok sa bahay na hindi pamilyar.”

“Lolo at lola ko sila,” aniya at agad na napalingon si Joacquin. Hindi pala niya nasabi kagabi na apo siya ng mga may-ari ng bahay. 

“Talaga? Hindi ko nalaman iyan kagabi o narinig habang nag-uusap kayo ni Jake.”

“Iyong mayabang na lalaki na iyon? Sinabi ko sa kanya na apo ako ng dalawang matanda pero hindi nakinig,” inis niyang wika at padabog na naupo sa kama. Nagulo na naman ang inayos ni Joacquin. 

Nilapitan siya ni Joacquin at ginulo ang kanyang buhok na magulo na talaga. “C’mon, mag-ayos ka at sasamahan kita sa labas. Ikukuha na lang muna kita ng kape.” 

Tinanguan lang niya ang lalaki at tinapos ang pag-aayos ng kama. Kung ano lang ang sa tingin niyang maayos sa kanyang paningin ay iyon na iyon. Binuksan ni Maliyah ang unang pinto ng cabinet at may malaking salamin na nandoon. 

“Pati salamin nasa loob ng cabinet. Dalawa nga full-length mirror ko sa kwarto, e,” pagkausap niya sa sarili. “Sabagay, lalaki naman kasi siya.” 

Inayos niya ang kaninang magulong buhok na hanggang balikat lang ang haba. Maliyah loved having her long hair before but started to cut it when she became too lazy to brush it. And now, she can wake up without worrying how messy it is since it’s short and no need to comb. 

Suot ang pulang fitted crop top at maong na shorts ay lumabas na si Maliyah ng kwarto. Paglingon niya sa kanang bahagi ng hallway ay nandoon ang mga lalaking nakausap niya kagabi at ngayon nga ay nagkakape. Bakit ang aga magising ng mga tao sa bahay na ito? 

“Nakaayos ka na pala,” nakangiting sabi ni Joacquin na mukhang kagagaling lang sa kusina. Ang dalawang hallway ay magkasalubong sa salang nasa gitna at magkabilaang dulo no`n ay commom bathroom at kitchen. 

“Salamat,” masayang wika niya at inabot ang isang tasa ng kape mula sa lalaki. “Gising na ba sina— ang may-ari nitong boarding house?” 

Kaagad na kumunot ang noo ng lalaki sa naging tanong niya. “You don’t call them lola and lolo?” 

“It’s been years since the last time I saw them. And no, I don’t call them lolo and lola.” 

Bumuntung-hininga ang lalaki at hinila siya pabalik sa loob ng kwarto. “Maupo ka muna,” pakiusap nito at kaagad naman siyang sumunod. Alam na ni Maliyah kung bakit pa sila bumalik ng kwarto. It’s about what she said last night and just now. 

Pabalik-balik na naglakad si Joacquin sa kanyang harapan at nasa baba nito ang kanyang kamay. Malalim ang iniisip at malamang hindi alam kung paano uumpisahan ang kanilang usapan. 

“It’s true that I didn’t grieve for my parent’s death. And I am not yet ready to tell it to—“

“I know. Kaya rin hindi ko alam kung paano uumpisahan since ang tagal nating hindi nagkita. And I don’t force you to tell me about your personal issues.” 

“Mabuti nang nagkakaintindihan tayo, Joacquin. You are my best friend since we were kids and you are special to me, but there are things I want to keep to myself.” 

Malamlam ang mga matang tiningnan siya ng lalaki at tinanguan. Agad din namang tumayo si Maliyah para yakapin ang kaibigan. Though it’s been years, she’s trying her best not to make things awkward between them. Whether they’ll admit it or not, they’re already grown-ups and a lot of things changed and will never be the same as before. 

“Tara na. Your grandparents doesn’t know you’re here.” 

Sabay silang lumabas ng kwarto at natigil ang tawanan ng mga lalaki sa sala. Sila na naman ang naging sentro ng atensyon sa pagkakataong ito. Ganoon pa rin ang ayos ng mga lalaki, naka-boxer umagang-umaga at may kanya-kanyang hawak na tasa ng kape. 

Gustong mainis ni Maliyah dahil kung hindi maingay ang mga lalaking nandoon ay sana mamayang alas-diyes pa siya gigising. Wala rin naman siyang pakialam kahit pa sabihing kay Joacquin ang kwartong iyon at magkaibigan sila. 

“Magandang umaga sa pinaka-gwapong boarder ng Liyah!” nakangiting bati ng isang lalaki na may blue boxers at itinaas ang hawak nitong tasa. Pero hindi ang boxers ang concern ni Maliyah kundi ang pangalang binanggit ng lalaki. 

“Wait, ano`ng sinabi mo? Ano ang pangalan ng lugar na ito?”

“Liyah, hija. Liyah ang pangalan ng bahay na ito. Bakit?” Sumulpot sa pinakaunang kwarto sa kaliwa ang isang matandang lalaki na ngayon ay suot-suot ang berde at manipis na long-sleeves, straw hat at gloves. Mahaba rin ang pantalong suot nito at itim na botas.

The old man’s white hair and beard are visible to her. This is her grandfather that she hasn't seen for a long long time. Her mother obviously looks like him and she can’t deny that fact. 

Ganoon pa rin ang mukha nito kahit noong mga panahong huli niya itong nakita. She can even see them in other people’s faces sometimes. 

“Nagugutom ka na ba? Maghahain lang ng pagkain ang lola mo,” saad ng kanyang lolo at hindi siya umimik. Hindi alam ng dalaga kung ano ba ang dapat niyang sabihin. The old man isn’t even curious about what she’s doing in his place. And will Maliyah even tell her grandparents about her real motive? 

“Paupuin na muna ninyo ang apo ko. Siya nga pala, Maliyah ang kanyang pangalan.” Apo ko. Apo raw siya nito. Parang gusto niyang matawa sa sinabi nito pero kailangan niyang maging mabait sa mga mata ng dalawang matanda. In that case, she can get what she wants. After that, she’ll leave the place and will never ever come back or see them again. 

Maliyah already planned everything the moment her parents died. All she needs to do is to make it happen and then she can live her peaceful life.

Matapos sabihin iyon ng kanyang lolo ay bumalik ito sa loob ng kwarto para siguro sabihan ang kanyang lola tungkol sa kanyang pagdating. Nagsipag-usog sa upuan ang mga lalaking kanina pa nakikinig sa usapan. Maging si Joacquin ay naupo sa kanyang tabi. Doon na rin nakita ni Maliyah si Jake na nakatayo sa railings at umiinom ng kape. 

Mataray niyang tiningnan ang lalaki. “See? Ayaw mong maniwala na apo ako ng mag-asawang may-ari ng upahan na ito.” May diin ang kanyang pagkakasabi at ibinaba ni Jake ang kaninang tasa na nasa bibig nito. 

Tiningnan siya nito sabay hingang malalim. “Sana rin naiintindihan mo na hindi ka namin kilala. Sana rin ipinakita mo sa amin ang identification card mo para nalaman namin na nagsasabi ka ng totoo,” supladong sabi nito at mabilis na tumalikod. Ito pa talaga ang may ganang maging suplado na ito na ang may kasalanan? 

Humigpit ang hawak ni Maliyah sa tasa ng kape na hawak niya ngayon. Wala pang gumanito sa kanya kahit mga kaibigan niya.

“Sino ba ang lintik na iyon?!” pagalit niyang tanong sa mga lalaking kaharap. “Akala mo kung sino makaasta.” 

“Si Jake,” sagot naman ng lalaki na nakaupo lang sa tapat niya. Gwapo rin at moreno. Malalaki ang biceps na talaga namang baka mahilig sa gym o physical work ang area. 

Nagtataka ang mukha nito. “Hindi ba kayo mag-pinsan? Apo rin siya nina La Lourdes at Lo Delfin, e. Si Jake. Ilang taon na siyang nandito sa lugar na ito,” pahayag nito. Inakala ng mga ito na pinsan niya ang mokong na gwapong iyon?

Gwapo? Inamin niyang gwapo ito? Well, kahit naman umamin siyang may hitsura ito ay walang mawawala sa kanya. Aminado rin si Maliyah na hindi nawala sa isip niya ang hitsura ni Jake kagabi bago siya matulog at nakapagtataka iyon. 

“No, he’s not Maliyah’s cousin. Nag-iisang anak lang ang kanyang mama at dalawa lang ang pinsan niya sa father’s side.” Si Joacquin na ang sumagot para sa kanya dahil natutulala na naman siya sa gitna ng pag-uusap. 

“Bakit ba ang aga ninyo nagigising?” Iyon talaga ang una niyang naging tanong sa mga lalaki na pare-parehas ang pattern ng boxers at tahimik. 

“Ang ganda ng tulog ko pero bigla kayong nagtawanan kaya nagising ako na sana ay alas-diyes pa ang gising ko talaga!” Nagtaray na siya. Mukhang ipinanganak talaga siyang mataray. 

“Dahil may kanya-kanya kaming mga trabaho. Kailangan naming magising nang maaga,” sagot ng lalaking may dalawang biloy sa magkabilaang pisngi. “I’m Alden,” pagpapakilala nito. 

Napataas siya ng kaliwang kilay at sa huli ay natawa. “Ang galing ko,” sarkastiko niyang sabi. “Alden. Bagay naman. Hindi ako magagalit sa `yo dahil Alden ang pangalan mo.”

“Crush mo?” tanong ng lalaking naka-de-kwatro at cool na cool uminom ng kape. “Ako, Daniel ang pangalan ko. Pwedeng Daniel Padilla or Daniel Matsunaga. Hindi ka na rin galit sa akin?” Nagpa-cute pa talaga at gulong-gulo ang buhok. Maganda ang pangangatawan. His set of teeth is so good to look at. Moreno rin ito at mukhang gym ang madalas uwian. 

Umiling siya. “Wala kang hawig sa dalawa, tsong.” 

Narinig niya ang mahinang tawa ni Joacquin sa kanyang tabi at nang tingnan niya ay naging seryoso bigla ang mukha. 

Sumandig siya sa sofa habang ang ibang nandoon ay kanya-kanyang nagsitayuan at pumasok sa mga kwarto. Mayamaya ay lumabas ang iba at may nakasabit ng tuwalya sa mga balikat. 

“Maghahanda na sila para sa mga trabaho.” Si Daniel ang nagsalita. 

“Ano`ng mga trabaho nila?” tanong niya. Lima ang mga iyon at tahimik din nang nag-uusap-usap sila roon sa sala. 

“Nagtatrabaho sila sa restaurant ni Jake,” sagot ni Alden. “Jake owns a restaurant.” 

Na-impress siya bigla nang marinig ang sinabi ng lalaki. Iyong lintik na suplado at mayabang? Isang restaurant owner? Mukhang magiging kaibigan niya ito. 

"Joacquin told you about him and his restaurant last night, Maliyah!" sigaw ng isip niya. Nakalimutan niya iyon. 

“And ikaw Joacquin?” baling niya sa katabi habang naka-krus ang mga braso. “Saan ka nagta-trabaho?” aniya. 

“I own a bookshop. Within this year, baka bumalik na ako sa business ng parents ko. They would love to see you, Ling.”

“I am a DJ pero hindi si Daniel Padilla, ah?”pagloloko ni Daniel. “`Di hamak na mas gwapo naman ako kaysa kay Joacquin. Hindi ba, Alden?” 

“Alam mo, Daniel? Maligo ka na lang doon at maghandang pumasok sa trabaho. Kanina ka pa nag-iingay, e,” inis niyang sabi. “Wala ka nga sa kalahati ng mukha nitong si Joacquin.” 

“Wala siyang trabaho,” sabat ni Joacquin. “Tumutulong muna siya rito sa dalawang matanda. Daniel’s been kicked out from their house and business,” wika ni Alden. 

So, ano? Kapag nandito siya sa bahay ay makakasama niya buong araw ang makulit na lalaking ito? Buti na lang naging gwapo! 

“Oh, shit!” bulong niya. 

Related chapters

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 4

    LIHIM na napaismid si Maliyah nang marinig ang sinabi ni Joacquin. Kung may trabaho ang kanyang lolo’t-lola, sisikapin niyang ipasama si Daniel sa mga ito at siya na ang tanging maiiwan sa loob ng bahay-paupahan na ito. That’s her only way to avoid men in this house especially Jake.Daniel tapped the mini-table in front of her to get her attention. “Alam ko na iyang iniisip mo, at ako rin. Kung ano ang nasa isip mo ay iyan din ang iniisip ko,” walang pakundangang sabi nito at umayos ng upo habang nasa likod ng ulo ang dalawang kamay.“Hindi ko sinabing ayaw kita makasama,” aniya at inirapan ito.Binigyan naman siya ni Daniel ng sarkastikong tawa. “Salungat sa ekspresyon mo ang sinasabi mo, mahal na prinsesa. Kung ayaw mo akong makasama, pwede

    Last Updated : 2021-06-26
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 5

    MALALAKAS ang katok na narinig ni Maliyah sa labas ng kwarto ni Joacquin. Nakatulog pala siya at nang tingnan kung ano`ng oras na ay alas-otso na pala ng gabi. Hindi pa rin siya nakakaramdam ng gutom kahit papaano. Matapos niyang kumain sa karinderya ay bumalik siya ng kwarto, nanood ng pelikula gamit ang dala niyang laptop at nakatulugan nga iyon.“Ano ba?!” sigaw niya sa napagbuksan at nakitang si Jake iyon. “Pati talaga sa pagtulog, ha?” aniya at akmang isasara ang pinto ay iniharang ng lalaki ang kaliwang palad nito na ikinagulat niya.“A-ano`ng ginagawa mo?!” bulalas niya at iniisip ang sakit na dulot ng malakas na pagbagsak niya sa pinto. Sa huli ay lumabas na siya lalo pa at seryoso ang mukha ni Jake na hindi man lang niya nakita ni pagkibot ng mga labi.

    Last Updated : 2021-07-07
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 6

    “BACON at itlog pa rin?” kunot-noong tanong ni Jake sa dalaga na nag-aayos ng mesa. He has been expecting something else knowing that she’s learning to cook. “Hindi ka nagluto ng iba kahit longganisa or kung anuman?”Namaywang ang dalaga. “Parang ang laki ng sahod ko, ah? Babayaran mo `ko ng sahod ko kahapon. Kinain ko lahat ng sunog para walang sayang,” mataray nitong sabi. Maliyah’s eyebrows are pulled together and her eyes are glaring at him. Kung makatingin ito nang ganoon sa kanya ay para bang ang laki ng kanyang kasalanan.“Stop glaring at me, woman,” banta niya. “You can’t cook well and we are all gonna pay you for doing your job,” seryoso niyang sabi at naghila ng upuan sa hapag. Kararating lang din ni Daniel.Gan

    Last Updated : 2021-07-07
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 7

    “HINDI ka ba nagtataka bakit nandito ang witch na iyan?” Kunot-noong nilingon ni Jake ang katabing si Daniel na abala sa kakakuskos ng mga damit nito pero kung anu-ano ang lumalabas sa mga bibig. Ang totoo ay sandaling napaisip siya sa sinabi nito.Ang sabi ni Maliyah ay mayaman ang pamilya nito at walang ibang ginawa ang dalaga kundi gumastos ng pera ng mga magulang ngunit bakit nga ba ito nandito sa Iloilo na walang makukuha sa mga matatanda? Ang wirdo nga at bakit hindi niya naisip iyon?“Bakit ang sungit mo kay Maliyah, Jake? Nagbago ka nang dumating siya rito.”“Ano`ng sinasabi mo?” tanong niya.Hinakot ni Daniel ang bula mula sa palanggana nito at inihip ito dahilan para mapunta sa mukha niya ang i

    Last Updated : 2021-07-07
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 8

    “INTINDIHIN mo na lang, Matt at bruha nga talaga iyan,” wika ni Aling Mila nang makitang hindi pa rin siya nilalabas ni Maliyah. Kani-kanina lang niya nalaman na Maliyah pala ang pangalan nito at talaga namang maganda katulad nito. Pero kung ibig sabihin ng pangalan nito ang pagbabasehan ay talagang bagay rito na parang laging galit sa mundo.Tinawid niya ang kalsada pabalik sa karinderya kung saan siya madalas tumambay at sobrang init. Ang tigas ng puso ng babaeng ito para tiisin siya na hindi labasin sa ganito kainit na panahon. Imposibleng natutulog ito na ang sabi ni Aling Mila ay kakarinig lang niya ng tili nito.“Hindi kaya…” Ilang hakbang na lang ay aabot na siya sa karinderya pero pinili niyang bumalik sa loob. Mas mabuti nang makasiguro kung talaga bang okay lang ito o hindi.

    Last Updated : 2021-07-10
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 9

    “PARANG nabaligtad yata at ako pa ang nanglibre sa `yo?” Iniwasan ni Maliyah ang tanong ni Matt sa kanya at inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. May bukol siya sa ulo at hindi iyon mawala sa kanyang isip. Kapag naaalala niya ang nangyaring pagbagsak sa laundry area ng bahay ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. It was indeed unexpected while she’s learning to press the button in that stupid washing machine. Maliyah never imagined washing her own clothes since maids used to do that for her.“Bakit ka naka-medyas? Hindi mo ba ramdam ang init? At bakit laging jersey shorts and tshirts ang suot mo? Wala kang ibang damit?” sunod-sunod niyang tanong at nag-scoop ng ice cream ulit. Nang lumabas sila ng ospital ay siya ang nagyaya kay Matt na pumunta sila sa plaza na bandang likuran lang ng bahay ng kanyang lolo’t-lola.

    Last Updated : 2021-07-13
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 10

    SIMULA nang sunod-sunod na bigyan ng pera ng kanyang lolo si Maliyah ay iyon din mismo ang nagtulak sa kanya na bilhin ang mga gusto. She never tried to help in the house and she feels like everything's coming back to its proper places.Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jake ay tinatarayan lang niya ito o `di kaya ay umiiwas na ito sa kanya. And it doesn't matter to her. Maliyah used to have friends when she's younger but they all left her after knowing what happened to her family.Maging ang kanyang lolo't-lola ay hindi nagpakita noong namatay ang kanyang mga magulang. It was only her.Totoong nakakatanggap siya ng pera mula sa kanyang lolo pero hindi niya ramdam na tanggap siya sa buong bahay. Hindi rin niya masisisi ang mga ito at okay lang sa kanya since ang plano niya ay hindi makipagkaibigan

    Last Updated : 2021-07-16
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 11

    MALIYAH’S morning is just the same for almost two weeks. Gigising na luto na lahat, kakain na lang siya at wala na halos lahat sa loob ng bahay. If Joacquin is here, he could bring her to his bookshop and stay there the whole time. Hindi rin bumalik si Alden at hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo ang lalaking iyon.Hindi siya masyadong makagalaw sa bahay na `to lalo na at hindi na rin ganoon kalaki ang binibigay ng kanyang lolo dahil kay Jake. Nakialam na naman ito sa pamilya nila at sana ay unti-unti na niyang nagagawa ang kanyang mga plano. She considered Matt’s idea to tame Jake but she can’t. Kailanman ay wala sa plano niya na magpakumbaba sa iba para lang makuha ang kanyang mga gusto.She ignored the idea, and now it seems like Matt is nowhere to be found. Hindi na ito nagpapakita sa karinderya ni Aling Mila kaya wa

    Last Updated : 2021-07-22

Latest chapter

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 26

    ILANG oras nang gising si Maliyah pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang kwarto. Nandoon pa kasi ang dalawang matanda. Alam niyang alam ng mga ito na bumalik siya. Imposibleng hindi sa lakas ba naman ng boses ni Daniel at Alden. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung papaano pakikitunguhan ang mga nandoon. Naisip nga niya na huwag na lang pansinin ang mga ito at bumalik sa dati niyang ugali na tila ba walang pakialam sa mundo since ganoon naman ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya una pa lang. She lived in that house for a month and showed her true self. They said something bad but it didn’t matter to her… at all. Kung aakto siya na parang dati, parang wala rin namang masama roon. Hindi siguro mamasamain ng mga ito iyon. Mabilis siyang bumangon mula sa kanya

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 25

    NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa.“At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay&mda

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 24

    “ANO`NG pumasok sa isip mo at umalis ka nang hindi nagpapaalam? Alam mo ba na grabeng pag-aalala ang naramdaman ko nang malaman kong umalis ka nang hindi ko alam?!” Napapikit na lamang ng mga mata si Maliyah matapos matanggap ang mga salitang iyon mula kay Joacquin. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng isa dahil nga ito ang pinakamalapit sa kanya.Nakita siya ni Joacquin na pumasok ng mall. Nandoon pala mismo sa loob ang bookstore nito. Pero imbes na doon siya dalhin ay sa isang kainan siya dinala ng lalaki. She has her bag with her and his stares are kind of scaring her. Ito ang kauna-unahang beses na nagalit si Joacquin sa kanya. He has been so gentle eversince and even the people in their place kept on saying that he will grow up as a fine young man. And they are right. Joacquin is more than that. His wife will be very lucky to have him as a husband.

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 23

    “WHERE the hell are you going?” Nagulat si Maliyah nang biglang may humabol sa kanya pababa ng hagdan. It was Jake. He looked pissed and she doesn’t know why. Siguro dahil iniisip nitong responsibilidad siya ng mga tao sa bahay na iyon kapag may nangyari sa kanya.It’s three in the morning and she wasn’t able to fall asleep thinking how to leave with a bit of money. And Maliyah decided to leave at exactly three without knowing why. With the money she is having, it cannot even make her survive for a week. Hinayaan lang niyang sumunod si Jake sa kanya hanggang sa baba ng hagdan na alam niyang nagdadalawang-isip kung tutulungan ba siya sa kanyang mga bitbit o hindi na.Maliyah feels something weird about Jake since the kiss happened. She often sees him glancing at her or trying to reach out every time they meet hal

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 22

    “COME again, Ma’am!” sigaw ni Matt habang papalabas siya ng convenience store. Bakit biglang naisipan nito na magtrabaho? Ang pagkakaalam niya ay tambay si Matt. Iyon lang ang ang nasa isip niya dahil madalas niyang makita ang lalaki na puro padaan-daan lang at maglalaro ng basketball.Pagdating sa labas ay agad na binuksan ni Maliyah ang isang canned beer at ininom. At malamang na sinikap niyang makatawid habang wala pang masyadong napapadaan. Kung sana ganito ang kalsada sa kanila noon, baka mas madalas siyang pabalik-balik sa paglalakad. Ni hindi nga niya makita ang mga makasalubong sa kalsada dahil sa traffic o sa dami ng sasakyang dumadaan at nagpapaunahan pa.One thing she regrets not bringing is her earphones. Drinking beer while walking in a silent road at night and listening to some music sounds so perfect. N

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 21

    KINAHAPUNAN ay maagang umuwi ang kanyang lolo’t-lola. Alas-singko pa lang ay nandoon na ang mga ito maging sina Daniel at Alden. Naririnig ni Maliyah ang boses ng mga ito mula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya ay nagtitipon-tipon ang lahat sa sala at si Rezel ay nandoon din na nakikipagtawanan. Dahan-dahang inilapat niya ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ito pero hindi niya marinig ang boses ni Jake.Masakit na masakit na ang kanyang ulo pero ayaw siyang dalawin ng antok. Si Jake ang kanyang nakikita sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. He’s been in her mind for almost a day and it’s making her crazy! How can someone stay in a person’s mind this long?“Maliyah…” Muntik na niyang mabunggo ang mga gamit na nakasabit sa gilid ng pintuan nang marinig ang mahinang tawag n

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 20

    “ANO`NG nangyari sa `yo at ngayon ka lang nagpakita?” Napailing si Maliyah sa naging tanong ni Aling Mila. Nang makaalis lahat sa bahay ay saka siya nagdesisyon na lumabas at tumambay na naman sa baba. Si Rezel? Hindi nga niya nakita kahit pa hindi siya lumalabas ng bahay. Kung magtatanong siya sa iba ay malamang sasabihin ng mga ito na sinira niya ang kanyang kasulatan.Tinapos niya munang nguyain ang kinakain. “Ang hirap kasi pakisamahan ng mga tao sa loob ng bahay na iyan,” reklamo niya at napapaypay ng palad sa sobrang init. “Bakit wala pa po kayong Christmas decorations? November na, ah?” tanong niya. Iyon talaga ang unang napansin ni Maliyah noong unang dating niya pero nawala rin sa kanyang isip dahil sa biglang gulo ang inabutan sa bahay ng dalawang matanda.“Ah, sa labasan mayroon. Dito kasi walang masyad

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 19

    JAKE is supposed to seal Maliyah’s lips just to keep her quiet. She was pushing him to his limits and Jake was a bit concerned about the other people in the house. Maliyah doesn’t care about anything or about anyone else. And Jake feels like kissing her is a bad move. Because right now, Maliyah’s eyes are closed and even if he likes it or not, his lips are moving like it has its own brain and can’t be controlled.The woman smells so delicate that it makes him want to close his eyes and caress her face. Halos isang minuto na silang nasa ganoong sitwasyon. Hindi niya hawak ang parehong kamay ng babae at ang tanging suporta lang ang mayroon siya ay ang dalawang kamay niyang nakatukod sa pader para ma-corner ang babae. Maging ang kanyang puso ay hindi niya maintindihan. Pareho ba sila ng nararamdaman ni Maliyah? Mabilis din ba ang tibok ng puso nito? This kiss feels like n

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 18

    “SAAN ka pupunta, Ling?” tanong ni Joacquin kay Maliyah matapos maabutan itong hila-hila ang dalawang bagahe. Kakauwi lang niya galing sa bookstore at ito ang kanyang naabutan. Seryoso ang mukha ni Maliyah at halos iwasan na siya. Kung hindi pa gumawa ng paraan si Joacquin na mahawakan at mapigilan ang babae ay malamang na nilampasan na siya nito. “Maliyah…” mahinang tawag niya rito at pilit na sinalubong ang diretsong tanong ng kaibigan. Wala pa siguro ang dalawang matanda kung kaya’t walang ibang pumipigil dito. Tinanggal ng dalaga ang kanyang pagkakahawak sa braso nito. “Pwede ba, Joacquin? Huwag na tayong magpanggap na magkaibigan pa rin. Marami na ang nagbago sa paglipas ng panahon. Salamat pa rin sa naging tulong mo at susuklian ko iyon, huwag kang mag-aalala,” malamig nitong sabi at lumakad na. Hirap na hirap si Maliyah sa mg

DMCA.com Protection Status