ILANG oras nang gising si Maliyah pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang kwarto. Nandoon pa kasi ang dalawang matanda. Alam niyang alam ng mga ito na bumalik siya. Imposibleng hindi sa lakas ba naman ng boses ni Daniel at Alden. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung papaano pakikitunguhan ang mga nandoon. Naisip nga niya na huwag na lang pansinin ang mga ito at bumalik sa dati niyang ugali na tila ba walang pakialam sa mundo since ganoon naman ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya una pa lang.
She lived in that house for a month and showed her true self. They said something bad but it didn’t matter to her… at all. Kung aakto siya na parang dati, parang wala rin namang masama roon. Hindi siguro mamasamain ng mga ito iyon.
Mabilis siyang bumangon mula sa kanyang kama at isinuot ang pares ng puting indoor slippers na bigay pa ni Joacquin galing sa ex nito noong unang salta niya sa bahay. Akmang lalabas na siya ng kanyang kwarto nang magsalita ang kanyang lolo.
“Hayaan na muna ninyo siya,” sabi nito at natigilan ang mga kasama nito sa labas. “Iwanan na lang ninyo ng makakain at hindi siya marunong magluto.” Sa paraan ng pagkakasabi ng kanyang lolo, walang laman. Malamig, tila wala siyang makapang sinseridad. Kung sinadya man nito na iparinig sa kanya ang mga salitang iyon ay hindi niya alam. Inasahan na rin niya na ganoon ang aabutan sa lugar. For all the years she hasn't seen her grandparents, she wasn’t expecting a warm hug at all. Kaya nga wala na siyang pakialam sa sasabihin ng mga ito.
“Since bumalik na si Maliyah sa bahay na `to, walang manggugulo sa kanya. Kung ayaw niyang kumausap sa inyo, hayaan niyo na. Hayaan na natin siya sa kung ano ang gusto niyang gawin,” dagdag pa ni Jake. Hahayaan siya sa mga gusto niya? Gusto nga niya ang ideyang iyon pero… bakit parang nasaktan siya nang marinig ang mga salitang iyon? She was alone for a long time and maybe… just maybe she wants to be noticed. Kaya lang ay ikatatahimik din niya kung hindi na siya kakausapin ng mga ito. She can focus on her plans and all. Pera na lang ni Joacquin ang kanyang hinihintay sa ngayon. She needs it. And she will leave the place after that.
Mayamaya ay nakarinig siya ng mahihinang yabag sa labas ng kanyang kwarto. “Paano naman ako magugustuhan ni Maliyah niyan? Balak ko pa naman sanang manligaw,” pahayag ni Alden. Napailing siya. Akala niya ay loko-loko lang ang lalaki pero talagang may gusto ito sa kanya? Hindi nga?
Biglang napa-aray si Alden matapos sabihin ang mga katagang iyon. Kung sino man ang sumapok sa isa ay hindi niya alam. Malamang si Daniel dahil mas loko-loko ang taong iyon.
“Kung magkakagusto ka rin lang, Alden, doon na sa mas matino. Aba naman! Wala ka pang nakatuluyan ng matagal dahil sa pagiging pihikan mo tapos magkakagusto ka lang sa katulad niya?” pagsaway ni Daniel. Bigla ay nainis si Maliyah sa kanyang narinig. Ano ang mali sa kanya? Dahil mataray siya? Siya lang ba ang nag-iisang mataray sa mundo? Dahil ba hindi ng mga ito gusto ang pinaggagawa niya?
Ilang sandali pa ay lumayo malayo na ang mga yabag. Ang unang pumasok sa isip niya ay nandoon ang dalawang matanda at nakikinig sa sinabi ni Daniel tungkol sa kanya. Nandoon ang mga ito habang pinagsasabihan siya ng mga salitang hindi magaganda. Pero walang ginawa ang mga ito.
Kaagad na napalingon si Jake sa katabing si Daniel nang sabihin ang mga salitang iyon. Kung gising pa si Maliyah ay malamang na narinig nito ang mga sinabi ng lalaki. Pero maaga pa at malamang na tulog pa ang dalaga.
“Walang mali sa kanya, Daniel,” sabat niya na ikinalingon din ng dalawa habang naglalakad sila papuntang sala. Nauna na kasing umalis ang dalawang matanda na nagbilin na hindi na muna sumama ang ilan at gustong mag-solo ng mga ito. Sa ngayon ay naisipan nilang magpirmi na muna sa bahay at wala sila sa mood na gumawa ng kung ano-ano. Apat sila at malamang na tatlo lang din sila ang mag-uusap-usap dahil hindi makikitungo ng maayos ang prinsesa ng bahay.
Malakas na tinapik siya ni Daniel sa kanyang braso. “Uy, hindi nga? Sinasabi ko na nga ba may lihim na pagtingin ka kay Maliyah, e. Ayaw mo pa kasing aminin noong tinatanong kita.” Kahit kailan ay loko-loko talaga si Daniel na walang ibang ginawa kundi isipin na joke lang lahat ng bagay.
Akmang sasapukin niya ito ay mabilis naman na umiwas ang huli. Nakita rin niya ang seryosong mukha ni Alden. Seryoso ba talaga ito sa pagkakagusto sa dalaga? Hindi si Maliyah ang tipo ng babaeng magugustuhan dahil lang sa maganda ang mukha nito. Hindi rin masama ang ugali nito pero kakaiba. She needs more patience and understanding when it comes to loving her. Loving her? Who said anything about loving her?
“Gusto mo rin siya?” tanong ni Alden na may pagtataka sa mukha. Kahit kailan ay hindi narinig ng mga ito na nagkagusto siya sa isang babae. Hindi siya pihikan. Hindi rin masama ang ugali niya. Attracted siya sa mga babae pero hindi aabot doon sa puntong gugustuhin niyang ligawan o maging nobya. Naisip na rin ni Jake na baka abnormal siya. O baka kaya siya nagkakaganito ay dahil…
“Bakit hindi ka makasagot?” sabat ni Daniel na ikinatigil ng kanyang iniisip. “Hindi naman siguro kayo mag-aaway dahil lang sa iisang babae `di ba? Ang babaw ng rason kapag ganoon.”
Pinagkrus niya ang magkabilang braso sa kanyang harapan at inis na tiningnan si Daniel. “Pwede bang tumigil ka sa pagbubunganga? Mas madaldal ka pa sa babae, e. At wala akong gusto sa kanya. Kung susubukan mo mang manligaw, sa tingin mo ba papasa ka?” seryosong tanong niya sa mukhang na-offend si Alden pero sa pabirong paraan. Maraming naging girlfriend si Alden. Marami na ring naikama at nalibot na mga lugar dahil sa mga babaeng nakakarelasyon nito.
This man is desperate to see the woman of his life. He is in his early thirties already and thinking of getting married but the longest relationship he has was just three months. Kung pagiging pihikan ang pag-uusapan, nangunguna na ito. Mayaman at gwapo si Alden. Maganda rin ang natapos nitong kurso sa isang unibersidad at kaya naman may karapatan itong mamili ng babaeng gugustuhin. Ang malala nga lang ay kung sakaling magkagusto man ito sa isang babae ay kung ayaw sa commitment, may sabit. Sa madaling salita, may asawa o ibang nobyo na. Malala magkagusto si Alden at gagastos ng pera sa babae pero hindi pa rin natututo.
Lumapit sa kanya si Alden at ipinatong ang kanang kamay sa kaliwang balikat niya. “Para na kitang nakababatang kapatid, Jake. Salamat naman dahil ayokong magkasamaan tayo ng loob kung sakaling isa sa atin ang makatuluyan ni Maliyah sa huli.” Nandoon ang seryosong ekspresyon ng mukha nito na muntik na niyang ikatawa. Samantala si Daniel naman ay halatang nagpipigil na nga talaga sa pagtawa. Kung ano man ang nakita ni Alden kay Maliyah ay wala na siyang magagawa.
“At sino maysabing papayag ako na manligaw ang isa sa inyo?” Sabay-sabay silang napalingon sa babaeng kanina pa nila pinag-uusapan. Suot nito ang isa sa mga T-shirt ni Joacquin. Mahaba at malaki iyon sa babae kaya lumalabas na wala itong suot pambaba. Naka-paa lang din ito at hawak-hawak ang cellphone ay seryosong nakatingin sa kanilang tatlo. Pero hindi ang tingin ni Maliyah ang nagpa-panic sa kanya. Mas hindi siya makalma habang nakikita ang mukha nito na mataray, gulo-gulo ang mahabang buhok at ang mga binti nitong sumisilip sa laylayan ng puting T-shirt ni Joacquin. How can someone be so pretty after waking up in the morning? He has seen women waking up and they were never like Maliyah. He never felt this unique feeling he is feeling right now.
Nandoon na naman ang pagtaas ng kaliwang kilay ng dalaga. “Bakit hindi kayo makasagot? Do my legs bother you, guys?” May sarkasmo sa boses nito na ngayon ay hindi na niya kinaiinisan. Dati naman ay makita lang niya itong magtaray ay nagpupuyos na siya sa hindi malamang dahil. Kahit si Jake ay hindi maintindihan ang kanyang sarili kung bakit siya nagkakaganito ngayon. That fucking one kiss that he insisted!
Isa ba iyon sa mga rason kung bakit may parte sa kanya na ayaw umalis ang babae? Dahil ba talagang may iba siyang nararamdaman dito? May nai-in love ba dahil lang sa isang halik? Ang bakla naman yatang pakinggan no`n kung sakali.
Nang walang ni isa sa kanila ang sumagot ay agad na tumalikod ang dalaga at nandoon pa rin ang mataray nitong mukha. Malamang kung nandito si Joacquin ay may kakampi ito. Doon na rin pumasok sa isip ni Jake na paano kung may gusto pala si Maliyah sa kaibigan kaya ito nandito? Paano kung gusto rin ito ni Joacquin kaya puro palpak ang mga naka-relasyon nito? Magkababata ang dalawa kaya hindi malabo na ganoon nga ang rason.
Walang nababanggit si Joacquin sa babaeng nagugustuhan nito na hindi pinangalanan kaya malabo rin. At bakit ba siya concern sa ganitong usapin?
Tumayo si Alden at inayos ang sarili. Tanging puting T-shirt lang naman ang suot nito at ang boxers na bughaw at puti, checkered pa. Gwapo nga ito pero minsan hindi maintindihan ni Jake ang mga taste na Alden pagdating sa pananamit.
Nakasunod ang mata nila ni Daniel sa isang kasama. “Saan ka naman pupunta?” tanong ni Daniel na talaga namang inunahan na siya. “Nakita mo ba ang taas ng kilay no`n? Talagang kakausapin mo? Akala mo naman papayagan manligaw dahil lang sa nakipag-inuman ng wine iyong isa.” Sa dami ng sinabi ni Daniel ay ang huling linya ang nagpakunot ng kanyang noo. Nakipag-inuman sa kanila si Maliyah? Ng wine? At kailan pa?
Biglang umigting ang kanyang panga nang ma-realize kung ano ang pinag–uusapan nila ngayon. “Nag-inuman kayo kasama si Maliyah? Saan at kailan? Bakit hindi ko alam `to?” sunod-sunod niyang tanong sa dalawa na sandaling natigilan at tumingin sa kanya. Wala siyang nalaman na ganito.
Nagkamot ng ulo si Daniel at tumikhim naman si Alden. “Bakit ka nagagalit? Hindi naman kami uminom sa labas, e. Diyan lang kami sa kusina uminom. Noong pagka-umaga, e nagsumbong kang nabutas iyong pinaka-iingatan mong painting sa kwarto mo,” paliwanag ni Daniel. Tila hindi pa alam kung ano ang sasabihin.
Huminga siya nang malalim. “Buti at hindi kayo nakita ng dalawang matanda rito?” aniya.
Lumapit si Alden na seryoso ang mukha. “Ano naman kung malaman nila? Kami lang naman ang kasama ni Maliyah at hindi na siya bata. Kaya na niya ang sarili niya,” paliwanag ni Alden. “At hindi kami masamang tao, Jake. Kilala mo kami.” Doon lang niya na-realize na parang nag-overreact nga siya sa sinabi ng dalawa.
“At wine lang iyong ininom namin,” dagdag ni Daniel.
Napahilot siya sa kanyang sentido. “Wala naman akong problema sa inyong dalawa, e. Si Alden, kapag nalalasing, may nasasabing hindi dapat. Kung ano-ano na lang basta may masabi.”
Tumingin sa kanya si Alden na handa nang i-depensa ang sarili pero mabilis ding binawi ang reaksyon dahil alam namang tama siya kaya hindi na umangal pa. Ano kaya ang nasabi nito na hindi dapat? Kaya mas pinipili ni Jake na laging sumama sa dalawa kapag lalabas lalo na kapag iinom dahil madalas na masangkot sa away ang mga ito. Malalaki lang ang mga katawan pero madalas ding hindi kaya lumaban sa suntukan kasi kung hindi pa sukang-suka sa alak, e hindi pa magsisi-uwian.
Matapos ang nalaman ay agad na tumungo sa hallway papuntang kusina ang kanyang mga tingin. Nandoon si Maliyah. Kung may nalaman man ito tungkol sa kanya mula kay Alden, malamang na sinugod na siya. Pero hindi. M*****a pa rin ito pero walang nababanggit. Hindi sadyang malaman ni Alden lahat ng kanyang sikreto. Kasalanan din naman niya na naging pabaya siya sa kanyang mga gamit at madaldal sa dalawang matanda. Pero may pabor sa kanya ang lalaki kung kaya’t hindi niya ito magawang kontrahin. Kailangan pa rin niya ang tulong na Alden kahit pa itanggi ni Jake.
There are a lot of things that Maliyah doesn’t need to know. She needs to stay that way. It wasn’t his plan to make her stay in that house but he can’t stop thinking about her. He has agendas and those are the reasons why he is in this city and she never expected that this woman would come and ruin his plans. They are not acquaintances. They are not friends. They are nothing but kissed each other one night and now, he can’t let her go away of his sight and it is stupid!
Jake needs to make sure that nothing or no one will get in the way of his plans. And not even Maliyah who is not leaving his f*cking whole system!
It took me a long time to update. Busy working. :(
“Aalis ka? Paano ako?” tanong ng kasintahan ni Maliyah. Nagmamadali kasi siyang maghakot ng kanyang mga gamit para tumungo sa lugar ng kanyang lolo’t-lola. Nakaupo ito sa dulo ng kama at nakatingin sa kanya mula sa reflection ng salamin.Maliyah’s parents died last week and now she’s planning to go to her grandparents’ town and she has her reason why go there instead of enjoying her life without her parents. It’s a long and a lame story after all.Mabilis na hinarap ni Maliyah ang kasintahan at hinalikan sa mga labi. “I’ll be back, babe. May kailangan lang akong kunin sa grandparents ko at babalik ako rito,” malumanay niyang sabi at niyakap ang lalaki.Maliyah’s been in a relationship with Joseph for three years already. She barely goes home and just stays in his house. Her parents don't mind though. They never cared about her.Niyakap siya nang m
“SHOULD I sleep in your room then?” tanong ni Maliyah. Agad na tumaas ang sulok ng labi ng lalaki.“Don’t try me, woman. I will not reject that kind of offer,” may diing pahayag ng lalaki at agad siyang napalunok. Sino’ng hindi mapapaisip sa ganda ng katawan nito? He’s tanned and… hot. Ang inaasahan ni Maliyah ay magugulat ito sa kanyang sasabihin. It’s actually her plan to make him let her sleep in one of the rooms and it didn’t work. Hindi siya iyong tipo ng babae na basta na lang matutulog sa iisang kwarto kasama ang isang lalaki.Kaagad na binitbit ng lalaki ang kanyang dalawang maleta na sa tingin niya ay dadalhin nito sa baba. And for Christ’s sake, she’s a woman! He’ll let her go to the hotel with an uncertainty of available rooms!Hinabol ng dalaga ang lalaki para pigilan ito. Maging ang mga lalaking kanina sa sofa na naglalaro ay nagsilab
“HINDI nga? Gago! Chicks, pare!”“Kung nakita mo lang, baka yayain mo agad sa kama!” Malakas ang tawanan na narinig ni Maliyah nang magising siya. Sumulyap ang dalaga sa kanyang cellphone at nakitang alas-singko pa lang ng umaga. Naririnig pa nga niya ang tilaok ng manok sa `di kalayuan.Bakit ang aga magising ng mga ito? Sa bahay nila nagigising siya ng kahit na ano`ng oras lang. Hindi siya ginigising o pinapakialaman ng mga magulang niya. At wala ring pakialam ang mga ito sa kanya magmula noon pa.Patamad na bumangon ang dalaga sa kama at isinuot ang indoor slippers na inilabas ni Joacquin para sa kanya kagabi. Isang white polka-dots fluffy indoor slippers iyon. Hindi na siya nagtaka nang puti ang ibinigay nito. Kung gaano kalinis si Joacquin sa kwarto nito at sa ibang bagay ay ganoon naman siya kasalungat dito. Kahit kailan ay hindi siya naglinis ng sariling kwarto at laging ang mga katulong. Maliyah nev
LIHIM na napaismid si Maliyah nang marinig ang sinabi ni Joacquin. Kung may trabaho ang kanyang lolo’t-lola, sisikapin niyang ipasama si Daniel sa mga ito at siya na ang tanging maiiwan sa loob ng bahay-paupahan na ito. That’s her only way to avoid men in this house especially Jake.Daniel tapped the mini-table in front of her to get her attention. “Alam ko na iyang iniisip mo, at ako rin. Kung ano ang nasa isip mo ay iyan din ang iniisip ko,” walang pakundangang sabi nito at umayos ng upo habang nasa likod ng ulo ang dalawang kamay.“Hindi ko sinabing ayaw kita makasama,” aniya at inirapan ito.Binigyan naman siya ni Daniel ng sarkastikong tawa. “Salungat sa ekspresyon mo ang sinasabi mo, mahal na prinsesa. Kung ayaw mo akong makasama, pwede
MALALAKAS ang katok na narinig ni Maliyah sa labas ng kwarto ni Joacquin. Nakatulog pala siya at nang tingnan kung ano`ng oras na ay alas-otso na pala ng gabi. Hindi pa rin siya nakakaramdam ng gutom kahit papaano. Matapos niyang kumain sa karinderya ay bumalik siya ng kwarto, nanood ng pelikula gamit ang dala niyang laptop at nakatulugan nga iyon.“Ano ba?!” sigaw niya sa napagbuksan at nakitang si Jake iyon. “Pati talaga sa pagtulog, ha?” aniya at akmang isasara ang pinto ay iniharang ng lalaki ang kaliwang palad nito na ikinagulat niya.“A-ano`ng ginagawa mo?!” bulalas niya at iniisip ang sakit na dulot ng malakas na pagbagsak niya sa pinto. Sa huli ay lumabas na siya lalo pa at seryoso ang mukha ni Jake na hindi man lang niya nakita ni pagkibot ng mga labi.
“BACON at itlog pa rin?” kunot-noong tanong ni Jake sa dalaga na nag-aayos ng mesa. He has been expecting something else knowing that she’s learning to cook. “Hindi ka nagluto ng iba kahit longganisa or kung anuman?”Namaywang ang dalaga. “Parang ang laki ng sahod ko, ah? Babayaran mo `ko ng sahod ko kahapon. Kinain ko lahat ng sunog para walang sayang,” mataray nitong sabi. Maliyah’s eyebrows are pulled together and her eyes are glaring at him. Kung makatingin ito nang ganoon sa kanya ay para bang ang laki ng kanyang kasalanan.“Stop glaring at me, woman,” banta niya. “You can’t cook well and we are all gonna pay you for doing your job,” seryoso niyang sabi at naghila ng upuan sa hapag. Kararating lang din ni Daniel.Gan
“HINDI ka ba nagtataka bakit nandito ang witch na iyan?” Kunot-noong nilingon ni Jake ang katabing si Daniel na abala sa kakakuskos ng mga damit nito pero kung anu-ano ang lumalabas sa mga bibig. Ang totoo ay sandaling napaisip siya sa sinabi nito.Ang sabi ni Maliyah ay mayaman ang pamilya nito at walang ibang ginawa ang dalaga kundi gumastos ng pera ng mga magulang ngunit bakit nga ba ito nandito sa Iloilo na walang makukuha sa mga matatanda? Ang wirdo nga at bakit hindi niya naisip iyon?“Bakit ang sungit mo kay Maliyah, Jake? Nagbago ka nang dumating siya rito.”“Ano`ng sinasabi mo?” tanong niya.Hinakot ni Daniel ang bula mula sa palanggana nito at inihip ito dahilan para mapunta sa mukha niya ang i
“INTINDIHIN mo na lang, Matt at bruha nga talaga iyan,” wika ni Aling Mila nang makitang hindi pa rin siya nilalabas ni Maliyah. Kani-kanina lang niya nalaman na Maliyah pala ang pangalan nito at talaga namang maganda katulad nito. Pero kung ibig sabihin ng pangalan nito ang pagbabasehan ay talagang bagay rito na parang laging galit sa mundo.Tinawid niya ang kalsada pabalik sa karinderya kung saan siya madalas tumambay at sobrang init. Ang tigas ng puso ng babaeng ito para tiisin siya na hindi labasin sa ganito kainit na panahon. Imposibleng natutulog ito na ang sabi ni Aling Mila ay kakarinig lang niya ng tili nito.“Hindi kaya…” Ilang hakbang na lang ay aabot na siya sa karinderya pero pinili niyang bumalik sa loob. Mas mabuti nang makasiguro kung talaga bang okay lang ito o hindi.
ILANG oras nang gising si Maliyah pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang kwarto. Nandoon pa kasi ang dalawang matanda. Alam niyang alam ng mga ito na bumalik siya. Imposibleng hindi sa lakas ba naman ng boses ni Daniel at Alden. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung papaano pakikitunguhan ang mga nandoon. Naisip nga niya na huwag na lang pansinin ang mga ito at bumalik sa dati niyang ugali na tila ba walang pakialam sa mundo since ganoon naman ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya una pa lang. She lived in that house for a month and showed her true self. They said something bad but it didn’t matter to her… at all. Kung aakto siya na parang dati, parang wala rin namang masama roon. Hindi siguro mamasamain ng mga ito iyon. Mabilis siyang bumangon mula sa kanya
NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa.“At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay&mda
“ANO`NG pumasok sa isip mo at umalis ka nang hindi nagpapaalam? Alam mo ba na grabeng pag-aalala ang naramdaman ko nang malaman kong umalis ka nang hindi ko alam?!” Napapikit na lamang ng mga mata si Maliyah matapos matanggap ang mga salitang iyon mula kay Joacquin. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng isa dahil nga ito ang pinakamalapit sa kanya.Nakita siya ni Joacquin na pumasok ng mall. Nandoon pala mismo sa loob ang bookstore nito. Pero imbes na doon siya dalhin ay sa isang kainan siya dinala ng lalaki. She has her bag with her and his stares are kind of scaring her. Ito ang kauna-unahang beses na nagalit si Joacquin sa kanya. He has been so gentle eversince and even the people in their place kept on saying that he will grow up as a fine young man. And they are right. Joacquin is more than that. His wife will be very lucky to have him as a husband.
“WHERE the hell are you going?” Nagulat si Maliyah nang biglang may humabol sa kanya pababa ng hagdan. It was Jake. He looked pissed and she doesn’t know why. Siguro dahil iniisip nitong responsibilidad siya ng mga tao sa bahay na iyon kapag may nangyari sa kanya.It’s three in the morning and she wasn’t able to fall asleep thinking how to leave with a bit of money. And Maliyah decided to leave at exactly three without knowing why. With the money she is having, it cannot even make her survive for a week. Hinayaan lang niyang sumunod si Jake sa kanya hanggang sa baba ng hagdan na alam niyang nagdadalawang-isip kung tutulungan ba siya sa kanyang mga bitbit o hindi na.Maliyah feels something weird about Jake since the kiss happened. She often sees him glancing at her or trying to reach out every time they meet hal
“COME again, Ma’am!” sigaw ni Matt habang papalabas siya ng convenience store. Bakit biglang naisipan nito na magtrabaho? Ang pagkakaalam niya ay tambay si Matt. Iyon lang ang ang nasa isip niya dahil madalas niyang makita ang lalaki na puro padaan-daan lang at maglalaro ng basketball.Pagdating sa labas ay agad na binuksan ni Maliyah ang isang canned beer at ininom. At malamang na sinikap niyang makatawid habang wala pang masyadong napapadaan. Kung sana ganito ang kalsada sa kanila noon, baka mas madalas siyang pabalik-balik sa paglalakad. Ni hindi nga niya makita ang mga makasalubong sa kalsada dahil sa traffic o sa dami ng sasakyang dumadaan at nagpapaunahan pa.One thing she regrets not bringing is her earphones. Drinking beer while walking in a silent road at night and listening to some music sounds so perfect. N
KINAHAPUNAN ay maagang umuwi ang kanyang lolo’t-lola. Alas-singko pa lang ay nandoon na ang mga ito maging sina Daniel at Alden. Naririnig ni Maliyah ang boses ng mga ito mula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya ay nagtitipon-tipon ang lahat sa sala at si Rezel ay nandoon din na nakikipagtawanan. Dahan-dahang inilapat niya ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ito pero hindi niya marinig ang boses ni Jake.Masakit na masakit na ang kanyang ulo pero ayaw siyang dalawin ng antok. Si Jake ang kanyang nakikita sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. He’s been in her mind for almost a day and it’s making her crazy! How can someone stay in a person’s mind this long?“Maliyah…” Muntik na niyang mabunggo ang mga gamit na nakasabit sa gilid ng pintuan nang marinig ang mahinang tawag n
“ANO`NG nangyari sa `yo at ngayon ka lang nagpakita?” Napailing si Maliyah sa naging tanong ni Aling Mila. Nang makaalis lahat sa bahay ay saka siya nagdesisyon na lumabas at tumambay na naman sa baba. Si Rezel? Hindi nga niya nakita kahit pa hindi siya lumalabas ng bahay. Kung magtatanong siya sa iba ay malamang sasabihin ng mga ito na sinira niya ang kanyang kasulatan.Tinapos niya munang nguyain ang kinakain. “Ang hirap kasi pakisamahan ng mga tao sa loob ng bahay na iyan,” reklamo niya at napapaypay ng palad sa sobrang init. “Bakit wala pa po kayong Christmas decorations? November na, ah?” tanong niya. Iyon talaga ang unang napansin ni Maliyah noong unang dating niya pero nawala rin sa kanyang isip dahil sa biglang gulo ang inabutan sa bahay ng dalawang matanda.“Ah, sa labasan mayroon. Dito kasi walang masyad
JAKE is supposed to seal Maliyah’s lips just to keep her quiet. She was pushing him to his limits and Jake was a bit concerned about the other people in the house. Maliyah doesn’t care about anything or about anyone else. And Jake feels like kissing her is a bad move. Because right now, Maliyah’s eyes are closed and even if he likes it or not, his lips are moving like it has its own brain and can’t be controlled.The woman smells so delicate that it makes him want to close his eyes and caress her face. Halos isang minuto na silang nasa ganoong sitwasyon. Hindi niya hawak ang parehong kamay ng babae at ang tanging suporta lang ang mayroon siya ay ang dalawang kamay niyang nakatukod sa pader para ma-corner ang babae. Maging ang kanyang puso ay hindi niya maintindihan. Pareho ba sila ng nararamdaman ni Maliyah? Mabilis din ba ang tibok ng puso nito? This kiss feels like n
“SAAN ka pupunta, Ling?” tanong ni Joacquin kay Maliyah matapos maabutan itong hila-hila ang dalawang bagahe. Kakauwi lang niya galing sa bookstore at ito ang kanyang naabutan. Seryoso ang mukha ni Maliyah at halos iwasan na siya. Kung hindi pa gumawa ng paraan si Joacquin na mahawakan at mapigilan ang babae ay malamang na nilampasan na siya nito. “Maliyah…” mahinang tawag niya rito at pilit na sinalubong ang diretsong tanong ng kaibigan. Wala pa siguro ang dalawang matanda kung kaya’t walang ibang pumipigil dito. Tinanggal ng dalaga ang kanyang pagkakahawak sa braso nito. “Pwede ba, Joacquin? Huwag na tayong magpanggap na magkaibigan pa rin. Marami na ang nagbago sa paglipas ng panahon. Salamat pa rin sa naging tulong mo at susuklian ko iyon, huwag kang mag-aalala,” malamig nitong sabi at lumakad na. Hirap na hirap si Maliyah sa mg