“ANO`NG nangyari sa `yo at ngayon ka lang nagpakita?” Napailing si Maliyah sa naging tanong ni Aling Mila. Nang makaalis lahat sa bahay ay saka siya nagdesisyon na lumabas at tumambay na naman sa baba. Si Rezel? Hindi nga niya nakita kahit pa hindi siya lumalabas ng bahay. Kung magtatanong siya sa iba ay malamang sasabihin ng mga ito na sinira niya ang kanyang kasulatan.
Tinapos niya munang nguyain ang kinakain. “Ang hirap kasi pakisamahan ng mga tao sa loob ng bahay na iyan,” reklamo niya at napapaypay ng palad sa sobrang init. “Bakit wala pa po kayong Christmas decorations? November na, ah?” tanong niya. Iyon talaga ang unang napansin ni Maliyah noong unang dating niya pero nawala rin sa kanyang isip dahil sa biglang gulo ang inabutan sa bahay ng dalawang matanda.
“Ah, sa labasan mayroon. Dito kasi walang masyadong tao sa mga bahay-bahay at nagsilipat kaya ang tanging maglalagay lang ay kami at iyong mga taga-dulo.” Ang tinutukoy nito ay ang parte kung nasaan si Mang Larry nakatira. Ang mga bahay sa dulong iyon ay sobrang magkakadikit na halos pati bulungan ng katabing-bahay ay maririnig mo. Gawa sa nipa ang dingding na luma na rin. May dalawang magkakaharap na bahay sa dulo ng kalye at ang katabi niyon ay ang ilog na. Dead-end na kumbaga. Sa gitna ng kalsada ay doon ang libangan ng mga tao kung saan may basketball ring.
Ang kabuhayan ng mga taga-roon ay pagbi-biyahe ng tricycle o `di kaya ay pedicab. Kaya lang hindi maingay sa kanila ang tunog ng mga iyon ay dahil may isang kalye roon na doon na dumadaan ang bumabyahe at diretso kalsada na.
“E, bakit hindi pa po kayo naglalagay?”
“Maglalagay na kami. Hindi mo ba alam? Mamaya ay nakatakda nang maglagay ng decorations dito. Iyong lolo’t-lola mo muna ang hihintayin at sila ang namumuno rito.”
“Bakit sila?” Baka mamaya ay hindi na siya kausapin ng ginang sa dami ng kanyang mga tanong dito. “Wala ba kayong barangay captain dito?”
Naupo si Aling Mila sa kanyang tabi na suot-suot ang floral nitong summer dress. Kakaunti pa ang customer nito at hindi pa pananghalian.
“Nasa kabilang kalye ang talagang bahay ng kapitan at maging ang barangay hall. Kaya tahimik dito ay dahil kami-kami lang ang nakatira rito. Iyong ibang bahay rito, puro paupahan ang mga iyan kaya walang mga tao. Ang lalaki nga, e. Nagsiuwian na ang nangupahan kasi nga malapit na mag-pasko.”
Ang gaganda nga ng mga bahay at ang iba naman ay walang tao dahil lumipat na sa ibang lugar ang may-ari. Gawa lahat sa kahoy katulad sa bahay ng kanyang lolo’t-lola.
“E, sino po ang may-ari ng mga paupahan na iyan?”
“Sa lolo’t-lola mo. Sila lang naman ang may maraming pera sa lugar na `to,” natatawang sabi ng ginang sa kanya. Maraming pera? E, sa lata nga lang nakalagay ang pera ng dalawang matanda.
Pero dahil mas nangibabaw ang nararamdaman niyang gutom ay ipinagpatuloy ni Maliyah ang pagkain at ito na ang kanyang agahan. Matapang kasi siyang nagsarili sa pagluluto ng kanyang pagkain kaya ayan tuloy, walang ni isa ang pumapansin sa kanya maging nagtitira ng pagkain. Kaya naman na niya ang kanyang sarili. She knows how to boil water for her cupnoodles and fry an egg.
Abala siya sa pagkain nang marinig ang boses ni Jenny. “Matt! Sabay na tayo!” sigaw ng babae at nang lingunin nga niya ay seryosong naghahabol si Jenny sa lalaki na ngayon ay tila wala ring pakialam sa babae. Dire-diretso itong maglakad na para bang walang naririnig.
Kahit kalahati pa lang ang nakakain niya ay tumayo na siya para harangan si Jenny. Hindi niya talaga ma-gets kung bakit may mga babaeng kagaya nito na mahilig maghabol sa mga lalaking nagugustuhan.
“Babae! Halika nga!” tawag niya kay Jenny na hinawakan ang laylayan ng tshirt nito sa likuran para hindi mahabol si Matt.
“Ano ba?! May sasabihin ako kay Matt, e!” reklamo nito na inis na hinarap siya at tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa damit nito.
Tumaas ang kanyang kaliwang kilay. “Ayan bang sasabihin mo ay hindi pa niya alam?” tanong niya.
Sandaling natahimik si Jenny na inayos ang nagulong buhok. Kakatapos lang nito maligo at basa pa ang buhok. “Alam na niya. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya.”
Nagkibit-balikat si Maliyah. “You need to read the situation. Kung matagal na pala niyang hindi pinapansin ang feelings mo, ibig sabihin huwag kang maghanap ng kasintahan dahil unang-una, sakit sa ulo iyang mga lalaki—”
“Aba, Maliyah! Huwag mo naman itulad iyang si Jenny diyan sa mga pinapaniwalaan mo,” saway ni Aling Mila sa kanya. “Hala, Jenny. Umuwi ka na at hayaan mo na muna si Matt. Mukhang mainit din ang ulo, e.”
“Tapos ano? Hahabulin mo pa rin kahit hindi na mainit ang ulo? Ikaw nga magsabi ka ng totoo, ano ba ang nagustuhan mo sa lalaking iyan?” At dahil nga feeling close siya ay dire-diretsong itinanong niya ang mga salitang iyon sa babaeng ngayon ay mangiyak-ngiyak.
Imbes na sagutin siya ay mas sinundan pa nito si Matt na nakalayo na sa kanila. “Sandali, Jenna!”
“Jenny ang pangalan ko!” sigaw nito at nilingon siya. Masama ang tingin ng babae kay Maliyah.
“Jenny, sandali!” tawag niya ulit at sumunod. Patakbo na kasing sinusundan ni Jenny si Matt. “Hintayin mo `ko at tutulungan kita.”
At dahil nga mas matigas ang ulo nitong isa kaysa sa kanya ay hindi siya pinakinggan. Mas lalo pa nga yata nitong binilisan ang pagtakbo habang siya ay dinoble ang bilis at si Matt na ang hahabulin. Busog pa naman siya kaya medyo mabigat ang kanyang katawan. Buti na lang at leggings pa rin ang kanyang suot kaya mas madali sa kanya ang gumalaw.
“Matt!” tawag niya sa lalaki na mabilis ang lakad. Wala man lang ito maski lingon sa kanya at mukhang sinunod nito ang sinabi niyang hindi na sila mag-uusap kahit na kailan. “Hoy!” sigaw niya at saka lang ito lumingon. Tumigil silang pareho sa paglalakad at maging si Jenny dahil hindi na niya naririnig ang mga hakbang nito. Nasa tapat sila ng mga bahay na walang nakatira. Ang tanging maingay lang ay ang nasa dulo kung saan maraming nakaparadang tricycle at may naglalaro ng basketball nang ganito kaaga. Iyon nga ang sadya ni Matt at naka-jersey shorts na ito.
“Bakit?” supladong tanong nito. Sandaling nainis si Maliyah nang maging ganito ang reaksyon ng lalaki. Ibang-iba sa Matt na binibiro siya at binu-bwisit palagi. May pinagdadaanan ba ito ngayon? O kaya naman ay galit ito sa kanya dahil sa nasabi niya noon? Wala na siyang pakialam sa lalaki pero makikialam siya sa sitwasyon nitong babaeng habol nang habol sa lalaking walang gusto rito.
“Mag-usap nga tayo sandali.”
“Kailangan ko nang humabol sa laro,” malamig nitong sabi. At nang tatalikod na ay nagsalita si Jenny.
“Pwede ba tayong mag-usap, Matt?” anang babae na nasa kanyang likuran. Hindi man lang ito nagtangkang maglakad para pantayan siya at makalapit sa lalaki. Nang tingnan ni Maliyah si Matt ay wala pa rin itong reaksyon na para bang hindi naririnig ang sinabi ni Jenny.
Agad na umatras si Maliyah at nakuha na niya ang atensyon ni Matt. Ang tanging habol lang naman niya ay mapahinto si Matt para masabi na ni Jenny ang kanina pa nitong nais sabihin sa lalaki.
Mas nagulat nga lang si Maliyah nang mabilis at seryosong lumapit si Matt sa kanya at agad siyang niyakap nang mahigpit. Ang bango ng lalaki ngunit mas nangingibabaw ang kanyang pagtataka sa galaw nito. Akala ba niya ay galit ang lalaki?
“Matt…” tawag niya. Nasa mismong harapan na niya kasi si Jenny na naiiyak habang nakatingin sa kanila. Maliyah can see how Jenny tries to suppress her tears in front of her.
“Sorry sa ginawa kong pagtaboy sa `yo noon, Maliyah. Mali ako, alam ko. Sana kausapin mo na ako—”
“Gusto ko lang sabihin na hindi na kita hahabulin pa, Matt," simula ni Jenny. "I mean, matagal-tagal na rin kitang ginugusto, ilang beses na akong umamin at… at ilang beses ko nang ginawa ang makakaya ko para magustuhan mo ako pero wala pa ring epekto sa `yo. Iyon lang. Sana maging masaya ka,” sabi nito at mabilis na umalis.
Nakakatawang isipin na nakayakap si Matt sa kanya. Nakapatong ang mukha nito sa kanya kanang balikat at siya naman ay hindi ito magawang itulak dahil mas nakapokus siya roon sa sinasabi ni Jenny. Bawat kibot ng labi nito at buntung-hininga para sikaping huwag lumabas ang mga nagbabadyang luha. This woman is indeed a strong one. Maybe Jenny doesn’t want Matt to see how hurt she is just to protect her own ego. Kahit si Maliyah ay ganoon din ang gagawin pero dahil kay Jake ay umiyak siya. She can’t forget how she bursted into tears in front of that man. Gusto na lamang niyang ibalik ang oras at isampal ang pera sa mukha nito pero wala siyang kapangyarihan na gawin iyon. Baka nga mas pwedeng ibalik na lang niya ang oras na hindi niya nakilala ang lalaki. She was fine not until meeting him. Jake changed her entire plan.
“Umalis na siya, Matt,” untag niya rito dahil hindi pa rin kumakawala sa pagkakayakap sa kanya.
“Alam ko. Nakikita ko siyang naglalakad palayo mula rito.” Hindi sigurado si Maliyah kung ano ba ang dapat na isipin. Walang gusto si Matt sa dalaga pero bakit ang lungkot ng boses nito?
Si Maliyah na ang kusang humiwalay sa lalaki at tiningnan ito. Doon niya napagtantong nakatanaw si Matt kay Jenny na nang lingunin nga niya at tumatakbo na papalayo. When she saw Jenny’s back, Maliyah knew she was crying. It must have hurt to suddenly stop liking someone because he cannot like you back.
“Pero seryoso ako sa sinabi ko kanina. Ako lang naman ang kaibigan mo rito, e.”
“Gago,” bulong niya at mabilis itong tinalikuran. Nagdesisyon na lang si Maliyah na umuwi kaysa sa makipag-usap sa isang ito na tila wala sa hulog ngayong araw. Didiretso na sana siya nang may maalalang sabihin kay Matt. “Kapag siya nakahanap ng ibang magugustuhan, sinasabi ko sa `yo, saka mo pa lang malalaman kung ano ang nararamdaman niya ngayon,” aniya at tuluyan nang umalis.
Habang papabalik siya ng bahay ay saka niya nakasalubong si Rezel na may bitbit na traveling bag. Busy ito sa kakapindot sa cellphone na maging siya ay hindi nito napansin. Kaya siguro hindi nakita ng dalawang araw ang babae ay dahil busy ito sa kakaikot sa ibang lugar ng Iloilo. Well, ito naman talaga ang sadya nito sa lugar. Baka nga talagang hindi sadya ni Rezel na pagmukhain siyang walang kwenta sa harap ng mga kasama nila sa loob ng bahay pero mas matatahimik si Maliyah kapag umalis na ito.
Halos magkakasabay silang papasok sa gate pero nang makita siya ni Rezel ay talaga ngang hindi ito nagsalita bagkus ngumiti ng tipid. Matalino nga naman dahil ang sabi lang niya ay huwag siyang kausapin pero hindi kasama roon ang pagngiti.
Umatras siya panandalian para makapasok si Rezel. Pinagmamasdan ito ni Maliyah mula sa likuran at nakasuot ng tanging puting lace romper ang babae. Ang kinis at puti ng balat ni Rezel pero ngayon ay tila naging mapula at ang hula niya ay nag-beach ito. Wala man lang niyaya ni isa sa mga tao sa bahay? Hindi ibig sabihin na siya kundi iyon mga lalaki na alam niyang sasama sakaling yayain nito.
Hanggang sa makarating sila sa itaas ay walang imikan. Dumiretso si Rezel sa kanang hallway kung nasaan ang kwarto nito kasama sina Daniel, Alden, at Jake habang siya ay umikot sa kaliwa kung nasaan ang kanyang kwarto na kasunod lang ng kwarto ng dalawang matanda.
Lihim na sinundan ni Maliyah ng tingin si Rezel at ni lingon nga ay wala ito. Mabuti na rin ang ganoon. Joacquin still talks to her and Maliyah doesn’t mind him. Baka mayamaya lang ay kailanganin niya ang lalaki kaya ayos lang sa kanya. Joacquin offered her his room and even money the first time he saw her, and this is what she thinks is a better solution to pay him for his good deeds.
Pabagsak niyang isinara ang pinto ng kanyang kwarto. Kung nandito si Alden ay malamang na mababatukan niya ito. Ayaw man niya ay inihatid niya ang dalawa sa kwarto ng mga ito. Kahit sa paglalakad ay magkaakbay pa rin ang dalawa. Malakas lang talaga ang panalangin ni Maliyah na sana ay hindi niya makasalubong si Jake at mukhang may nakinig naman sa tahimik niyang panalangin. Hanggang sa makabalik siya sa kanyang sariling kwarto ay walang Jake na nagpakita.
Ang bukod-tanging problema na lang ng dalaga ay kung paano haharapin si Jake dahil sa nangyari. Simula kasi kagabi nang mangyari ang halik ay ni isang oras, wala pa siyang tulog! Jake’s image appears the moment she closes her eyes.
KINAHAPUNAN ay maagang umuwi ang kanyang lolo’t-lola. Alas-singko pa lang ay nandoon na ang mga ito maging sina Daniel at Alden. Naririnig ni Maliyah ang boses ng mga ito mula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya ay nagtitipon-tipon ang lahat sa sala at si Rezel ay nandoon din na nakikipagtawanan. Dahan-dahang inilapat niya ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ito pero hindi niya marinig ang boses ni Jake.Masakit na masakit na ang kanyang ulo pero ayaw siyang dalawin ng antok. Si Jake ang kanyang nakikita sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. He’s been in her mind for almost a day and it’s making her crazy! How can someone stay in a person’s mind this long?“Maliyah…” Muntik na niyang mabunggo ang mga gamit na nakasabit sa gilid ng pintuan nang marinig ang mahinang tawag n
“COME again, Ma’am!” sigaw ni Matt habang papalabas siya ng convenience store. Bakit biglang naisipan nito na magtrabaho? Ang pagkakaalam niya ay tambay si Matt. Iyon lang ang ang nasa isip niya dahil madalas niyang makita ang lalaki na puro padaan-daan lang at maglalaro ng basketball.Pagdating sa labas ay agad na binuksan ni Maliyah ang isang canned beer at ininom. At malamang na sinikap niyang makatawid habang wala pang masyadong napapadaan. Kung sana ganito ang kalsada sa kanila noon, baka mas madalas siyang pabalik-balik sa paglalakad. Ni hindi nga niya makita ang mga makasalubong sa kalsada dahil sa traffic o sa dami ng sasakyang dumadaan at nagpapaunahan pa.One thing she regrets not bringing is her earphones. Drinking beer while walking in a silent road at night and listening to some music sounds so perfect. N
“WHERE the hell are you going?” Nagulat si Maliyah nang biglang may humabol sa kanya pababa ng hagdan. It was Jake. He looked pissed and she doesn’t know why. Siguro dahil iniisip nitong responsibilidad siya ng mga tao sa bahay na iyon kapag may nangyari sa kanya.It’s three in the morning and she wasn’t able to fall asleep thinking how to leave with a bit of money. And Maliyah decided to leave at exactly three without knowing why. With the money she is having, it cannot even make her survive for a week. Hinayaan lang niyang sumunod si Jake sa kanya hanggang sa baba ng hagdan na alam niyang nagdadalawang-isip kung tutulungan ba siya sa kanyang mga bitbit o hindi na.Maliyah feels something weird about Jake since the kiss happened. She often sees him glancing at her or trying to reach out every time they meet hal
“ANO`NG pumasok sa isip mo at umalis ka nang hindi nagpapaalam? Alam mo ba na grabeng pag-aalala ang naramdaman ko nang malaman kong umalis ka nang hindi ko alam?!” Napapikit na lamang ng mga mata si Maliyah matapos matanggap ang mga salitang iyon mula kay Joacquin. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng isa dahil nga ito ang pinakamalapit sa kanya.Nakita siya ni Joacquin na pumasok ng mall. Nandoon pala mismo sa loob ang bookstore nito. Pero imbes na doon siya dalhin ay sa isang kainan siya dinala ng lalaki. She has her bag with her and his stares are kind of scaring her. Ito ang kauna-unahang beses na nagalit si Joacquin sa kanya. He has been so gentle eversince and even the people in their place kept on saying that he will grow up as a fine young man. And they are right. Joacquin is more than that. His wife will be very lucky to have him as a husband.
NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa.“At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay&mda
ILANG oras nang gising si Maliyah pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang kwarto. Nandoon pa kasi ang dalawang matanda. Alam niyang alam ng mga ito na bumalik siya. Imposibleng hindi sa lakas ba naman ng boses ni Daniel at Alden. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung papaano pakikitunguhan ang mga nandoon. Naisip nga niya na huwag na lang pansinin ang mga ito at bumalik sa dati niyang ugali na tila ba walang pakialam sa mundo since ganoon naman ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya una pa lang. She lived in that house for a month and showed her true self. They said something bad but it didn’t matter to her… at all. Kung aakto siya na parang dati, parang wala rin namang masama roon. Hindi siguro mamasamain ng mga ito iyon. Mabilis siyang bumangon mula sa kanya
“Aalis ka? Paano ako?” tanong ng kasintahan ni Maliyah. Nagmamadali kasi siyang maghakot ng kanyang mga gamit para tumungo sa lugar ng kanyang lolo’t-lola. Nakaupo ito sa dulo ng kama at nakatingin sa kanya mula sa reflection ng salamin.Maliyah’s parents died last week and now she’s planning to go to her grandparents’ town and she has her reason why go there instead of enjoying her life without her parents. It’s a long and a lame story after all.Mabilis na hinarap ni Maliyah ang kasintahan at hinalikan sa mga labi. “I’ll be back, babe. May kailangan lang akong kunin sa grandparents ko at babalik ako rito,” malumanay niyang sabi at niyakap ang lalaki.Maliyah’s been in a relationship with Joseph for three years already. She barely goes home and just stays in his house. Her parents don't mind though. They never cared about her.Niyakap siya nang m
“SHOULD I sleep in your room then?” tanong ni Maliyah. Agad na tumaas ang sulok ng labi ng lalaki.“Don’t try me, woman. I will not reject that kind of offer,” may diing pahayag ng lalaki at agad siyang napalunok. Sino’ng hindi mapapaisip sa ganda ng katawan nito? He’s tanned and… hot. Ang inaasahan ni Maliyah ay magugulat ito sa kanyang sasabihin. It’s actually her plan to make him let her sleep in one of the rooms and it didn’t work. Hindi siya iyong tipo ng babae na basta na lang matutulog sa iisang kwarto kasama ang isang lalaki.Kaagad na binitbit ng lalaki ang kanyang dalawang maleta na sa tingin niya ay dadalhin nito sa baba. And for Christ’s sake, she’s a woman! He’ll let her go to the hotel with an uncertainty of available rooms!Hinabol ng dalaga ang lalaki para pigilan ito. Maging ang mga lalaking kanina sa sofa na naglalaro ay nagsilab
ILANG oras nang gising si Maliyah pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang kwarto. Nandoon pa kasi ang dalawang matanda. Alam niyang alam ng mga ito na bumalik siya. Imposibleng hindi sa lakas ba naman ng boses ni Daniel at Alden. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung papaano pakikitunguhan ang mga nandoon. Naisip nga niya na huwag na lang pansinin ang mga ito at bumalik sa dati niyang ugali na tila ba walang pakialam sa mundo since ganoon naman ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya una pa lang. She lived in that house for a month and showed her true self. They said something bad but it didn’t matter to her… at all. Kung aakto siya na parang dati, parang wala rin namang masama roon. Hindi siguro mamasamain ng mga ito iyon. Mabilis siyang bumangon mula sa kanya
NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa.“At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay&mda
“ANO`NG pumasok sa isip mo at umalis ka nang hindi nagpapaalam? Alam mo ba na grabeng pag-aalala ang naramdaman ko nang malaman kong umalis ka nang hindi ko alam?!” Napapikit na lamang ng mga mata si Maliyah matapos matanggap ang mga salitang iyon mula kay Joacquin. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng isa dahil nga ito ang pinakamalapit sa kanya.Nakita siya ni Joacquin na pumasok ng mall. Nandoon pala mismo sa loob ang bookstore nito. Pero imbes na doon siya dalhin ay sa isang kainan siya dinala ng lalaki. She has her bag with her and his stares are kind of scaring her. Ito ang kauna-unahang beses na nagalit si Joacquin sa kanya. He has been so gentle eversince and even the people in their place kept on saying that he will grow up as a fine young man. And they are right. Joacquin is more than that. His wife will be very lucky to have him as a husband.
“WHERE the hell are you going?” Nagulat si Maliyah nang biglang may humabol sa kanya pababa ng hagdan. It was Jake. He looked pissed and she doesn’t know why. Siguro dahil iniisip nitong responsibilidad siya ng mga tao sa bahay na iyon kapag may nangyari sa kanya.It’s three in the morning and she wasn’t able to fall asleep thinking how to leave with a bit of money. And Maliyah decided to leave at exactly three without knowing why. With the money she is having, it cannot even make her survive for a week. Hinayaan lang niyang sumunod si Jake sa kanya hanggang sa baba ng hagdan na alam niyang nagdadalawang-isip kung tutulungan ba siya sa kanyang mga bitbit o hindi na.Maliyah feels something weird about Jake since the kiss happened. She often sees him glancing at her or trying to reach out every time they meet hal
“COME again, Ma’am!” sigaw ni Matt habang papalabas siya ng convenience store. Bakit biglang naisipan nito na magtrabaho? Ang pagkakaalam niya ay tambay si Matt. Iyon lang ang ang nasa isip niya dahil madalas niyang makita ang lalaki na puro padaan-daan lang at maglalaro ng basketball.Pagdating sa labas ay agad na binuksan ni Maliyah ang isang canned beer at ininom. At malamang na sinikap niyang makatawid habang wala pang masyadong napapadaan. Kung sana ganito ang kalsada sa kanila noon, baka mas madalas siyang pabalik-balik sa paglalakad. Ni hindi nga niya makita ang mga makasalubong sa kalsada dahil sa traffic o sa dami ng sasakyang dumadaan at nagpapaunahan pa.One thing she regrets not bringing is her earphones. Drinking beer while walking in a silent road at night and listening to some music sounds so perfect. N
KINAHAPUNAN ay maagang umuwi ang kanyang lolo’t-lola. Alas-singko pa lang ay nandoon na ang mga ito maging sina Daniel at Alden. Naririnig ni Maliyah ang boses ng mga ito mula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya ay nagtitipon-tipon ang lahat sa sala at si Rezel ay nandoon din na nakikipagtawanan. Dahan-dahang inilapat niya ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ito pero hindi niya marinig ang boses ni Jake.Masakit na masakit na ang kanyang ulo pero ayaw siyang dalawin ng antok. Si Jake ang kanyang nakikita sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. He’s been in her mind for almost a day and it’s making her crazy! How can someone stay in a person’s mind this long?“Maliyah…” Muntik na niyang mabunggo ang mga gamit na nakasabit sa gilid ng pintuan nang marinig ang mahinang tawag n
“ANO`NG nangyari sa `yo at ngayon ka lang nagpakita?” Napailing si Maliyah sa naging tanong ni Aling Mila. Nang makaalis lahat sa bahay ay saka siya nagdesisyon na lumabas at tumambay na naman sa baba. Si Rezel? Hindi nga niya nakita kahit pa hindi siya lumalabas ng bahay. Kung magtatanong siya sa iba ay malamang sasabihin ng mga ito na sinira niya ang kanyang kasulatan.Tinapos niya munang nguyain ang kinakain. “Ang hirap kasi pakisamahan ng mga tao sa loob ng bahay na iyan,” reklamo niya at napapaypay ng palad sa sobrang init. “Bakit wala pa po kayong Christmas decorations? November na, ah?” tanong niya. Iyon talaga ang unang napansin ni Maliyah noong unang dating niya pero nawala rin sa kanyang isip dahil sa biglang gulo ang inabutan sa bahay ng dalawang matanda.“Ah, sa labasan mayroon. Dito kasi walang masyad
JAKE is supposed to seal Maliyah’s lips just to keep her quiet. She was pushing him to his limits and Jake was a bit concerned about the other people in the house. Maliyah doesn’t care about anything or about anyone else. And Jake feels like kissing her is a bad move. Because right now, Maliyah’s eyes are closed and even if he likes it or not, his lips are moving like it has its own brain and can’t be controlled.The woman smells so delicate that it makes him want to close his eyes and caress her face. Halos isang minuto na silang nasa ganoong sitwasyon. Hindi niya hawak ang parehong kamay ng babae at ang tanging suporta lang ang mayroon siya ay ang dalawang kamay niyang nakatukod sa pader para ma-corner ang babae. Maging ang kanyang puso ay hindi niya maintindihan. Pareho ba sila ng nararamdaman ni Maliyah? Mabilis din ba ang tibok ng puso nito? This kiss feels like n
“SAAN ka pupunta, Ling?” tanong ni Joacquin kay Maliyah matapos maabutan itong hila-hila ang dalawang bagahe. Kakauwi lang niya galing sa bookstore at ito ang kanyang naabutan. Seryoso ang mukha ni Maliyah at halos iwasan na siya. Kung hindi pa gumawa ng paraan si Joacquin na mahawakan at mapigilan ang babae ay malamang na nilampasan na siya nito. “Maliyah…” mahinang tawag niya rito at pilit na sinalubong ang diretsong tanong ng kaibigan. Wala pa siguro ang dalawang matanda kung kaya’t walang ibang pumipigil dito. Tinanggal ng dalaga ang kanyang pagkakahawak sa braso nito. “Pwede ba, Joacquin? Huwag na tayong magpanggap na magkaibigan pa rin. Marami na ang nagbago sa paglipas ng panahon. Salamat pa rin sa naging tulong mo at susuklian ko iyon, huwag kang mag-aalala,” malamig nitong sabi at lumakad na. Hirap na hirap si Maliyah sa mg