MALALAKAS ang katok na narinig ni Maliyah sa labas ng kwarto ni Joacquin. Nakatulog pala siya at nang tingnan kung ano`ng oras na ay alas-otso na pala ng gabi. Hindi pa rin siya nakakaramdam ng gutom kahit papaano. Matapos niyang kumain sa karinderya ay bumalik siya ng kwarto, nanood ng pelikula gamit ang dala niyang laptop at nakatulugan nga iyon.
“Ano ba?!” sigaw niya sa napagbuksan at nakitang si Jake iyon. “Pati talaga sa pagtulog, ha?” aniya at akmang isasara ang pinto ay iniharang ng lalaki ang kaliwang palad nito na ikinagulat niya.
“A-ano`ng ginagawa mo?!” bulalas niya at iniisip ang sakit na dulot ng malakas na pagbagsak niya sa pinto. Sa huli ay lumabas na siya lalo pa at seryoso ang mukha ni Jake na hindi man lang niya nakita ni pagkibot ng mga labi.
Naunang maglakad ang lalaki at sumunod siya papuntang sala. Pagdating nila roon ay nakatipon ang iilan. Tanging si Daniel, at siya lang ang nandoon. Tahimik. Tanging ang mga lalaki lang ang nandoon at si Joacquin ay kakaakyat lang. Tiningnan niya sa Joacquin nang may pagtataka dahil wala siyang ideya sa nangyayari. Ganoon na lang din ang pagkibit-balikat nito.
Padabog siyang naupo sa sofa katabi si Daniel na hindi man lang siya tiningnan. Siguro nga masama ang loob nito dahil sa huling napag-usapan nila na ayaw niya itong makasama sa loob ng bahay na silang dalawa lang.
“Nasaan ang iba?” tanong niya.
“Biyernes ngayon kaya uwian sa kanya-kanyang mga bahay,” kalmadong sagot ni Joacquin at naupo sa couch. Silang dalawa lang ni Daniel ang nasa mahabang sofa at si Jake ay nakatayo sa harap nila. Sa kanya lang din ito nakatingin. Bakit pa kasi hindi nito aminin na attracted ito sa kanya?
Naupo rin ito sa couch mismo roon at nagkrus ng mga braso sa dibdib. “Hindi ka nagluto ng pagkain para sa mga darating ngayong gabi?” pag-umpisa nito. “Hindi ba’t normal lang na magluluto ang kung sinumang maiiwan sa bahay?”
Natawa siya nang sarkastiko. “Excuse me? Umuupa kayo sa bahay na `to hindi ba? Apo ako ng may-ari—”
“You don’t even call them your grandparents, woman,” putol ni Jake sa kanyang sinabi. Nag-init ang kanyang ulo sa paraan ng pagkakasabi nito.
Tumayo siya at inilagay ang mga kamay sa magkabilaang baywang. “You don’t tell me what to do, Mr. Lavender!” sigaw niya na ikinatawa nina Joacquin at Daniel na agad namang tumigil nang tingnan ni Jake.
Tumayo rin si Jake para tapatan ang kanyang mga titig. “Hindi kami basta-basta umuupa lang dito. Pamilya kami rito. Si Daniel, umuupa rito pero nagluluto para sa lahat. We all do the same when we’re the ones left in the house. Hindi ba itinuro sa inyo na dapat ganoon? What did you do all your life then?”
“I spent my parents’ money on shopping and everything! I did nothing and all! And so what? They raised me with money and all and it’s not my fault!” galit niyang sabi at kahit kailan ay walang nang-insulto sa kanya nang ganoon. Pero hindi siya magpapatalo sa lalaking ito na umaaktong may-ari ng bahay.
Magsasalita pa sana si Maliyah nang bumukas ang pintuan ng kwarto ng dalawang matanda. Lumabas mula roon ang kanyang lolo.
“Joacquin, simula ngayon wala kang ibibigay kay Maliyah—” Naputol ang pagsasalita ng kanyang lolo nang pumasok doon ang ginang na may-ari ng karinderya at may hawak na pagkain sa plato at sa maliit na mangkok. Nakangiti pa ito dahil nga wala naman itong alam sa nangyayari sa kanila. Maybe it was wrong to move in this place. She never knew there’s a villain named Jake.
“Hija, ito, o. Pagkain na talagang niluto ko at naalala kita.” Ipinatong ng ginang ang pagkain sa maliit na mesa ng sala. “Hindi mo na rin kailangan bayaran ang mga kinain mo kanina at si Matt na ang nagbayad.” Mabilis lang ito at nagpaalam din. Matapos makaalis nito ay saka ulit siya kunot-noong tiningnan ni Jake.
“Kumain ka sa ibang bahay imbes na magluto? At wala kang pera? Sino`ng Matt ang nagbayad ng mga kinain mo?” sunod-sunod na tanong nito.
Napatirik siya ng kanyang mga mata. “Ang dami mong tanong, ah? Boyfriend ba kita?”
“Doon din papunta iyan,” sagot ni Daniel na gumuhit ng maliit na puso gamit ang mga hintuturo nito. “Biro lang,” sabay bawi nito nang pareho nilang tingnan ni Jake.
“Unbelievable!” bulalas ni Jake at napakamot sa ulo nito.
“Katulad ng sinabi ko kanina, Joacquin. Alam kong magkaibigan kayo ni Liyah mula pagkabata pero ayoko na bibigyan mo siya ng pera. Libre na ang pagkain at tirahan niya rito. Tama na iyon,” wika ng kanyang lolo. Nakalimutan ni Maliyah na nasa likod lang ang matanda. “At doon si Joacquin matutulog kina Daniel. Ikaw ang ookupa ng kwarto niya pansamantala.”
“Pero—” Magrereklamo pa sana siya nang pumasok na ang matanda sa kwarto nito.
“GANITO gamitin ang stove. Ikutin mo ito pakanan at kapag nakarinig ka ng click, automatic lalabas na ang apoy riyan,” turo sa kanya ni Joacquin sa kusina. Maliyah doesn’t have a choice but to do the household chores. She never tried cooking or even starting a washing machine, and now she’s here in this house to cook and wash her clothes by herself.
Kapalit ng kanyang pagtira sa bahay ay maglilinis siya araw-araw, maglalampaso at babayaran siya ng mga nandoon sa tuwing magluluto siya ng pagkain ng mga ito. She’s used to having money and get what she wants and if Maliyah won’t do this, it’s her loss. It seems like her grandparents don’t like her. The old man talks to her for a moment and then left to stay in the room. She saw the old woman only for once and that only morning where she ignored her.
Naiinis na nilingon niya si Joacquin. “Bakit mo pa kasi kailangang umalis? Kakarating ko lang dito sa Iloilo, Joacquin. Wala akong magiging kakampi rito kung wala ka!” aniya at nagdabog pa.
Pinisil ni Joacquin ang kanyang pisngi. “Baliw. Dalawang linggo lang ako mawawala at walang kasama si Mama sa bahay. Uuwi na ng Canada si Ate kasama ang asawa at mga anak niya,” tukoy nito sa nakatatandang kapatid na babae. “Si Papa ay saka pa lang uuwi galing sa trip nito kasama ang mga kaibigan. I can’t let my mom live alone, Maliyah.”
Sa huli ay siya na lang din ang sumuko. Napabuntung-hininga siya at tumango.
“Pero dahil kaibigan kita, ako na muna ang magluluto ng agahan para sa lahat ngayon tapos bukas, ikaw na. Panoorin mo nang mabuti, ah? Suplado si Jake at baka mapagalitan ka. Mamayang alas-nueve pa naman ang alis ko,” sabi ni Joacquin at sinimulan na nga lahat.
“F*CK! Ouch!” Nagising si Jake sa maliliit na murang narinig na nanggagaling mismo sa kusina. It’s definitely Maliyah. Nag-iisang babae lang ito sa bahay maliban sa lola nito na hindi na rin nagluluto roon.
Bumangon siya at tiningnan ang orasan sa bedside table niya. Four-thirty pa lang ng umaga at medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Suot ang sando at pajama ay antok na tinungo niya ang kusina
“Sh*t! Bakit sunog?” reklamo ng babae nang papalapit doon. “F*cking bacon!” Medyo napalakas ang boses ng dalaga at bahagya siyang napaatras. This woman is indeed a princess. She doesn’t even know how to cook a simple breakfast. Jake grew up in a poor family where their food for every day is still on the streets. Tricycle driver ang kanyang ama at labandera naman ang kanyang ina.
He was used to hard work ever since. Jake got a scholarship since he started high school because he is smart. His studies were never his parents’ problems. Kaya naman hindi na mahirap kay Jake ang mamuhay mag-isa dahil lumaki siya sa hirap.
“Haluin at iprito sa mantika. Mahina na apoy—”
“That’s not how you do it,” sulpot niya mula sa hallway at nagulat ang dalaga pagkakita sa kanya. Umagang-umaga ay pinakitaan siya nito ng pagtataray. Nagpatuloy ito sa malakas na pagbuhos ng itlog sa pan at naging dahilan iyon para magtalsikan ang mantika at napaatras ang babae.
Dahil sa gulat ay mabilis na napaatras ang babae na muntik nang tumama ang likod sa matigas na mesa sa likuran nito kung hindi siya naging maagap na hawakan ito sa likod. Nahigit ni Jake ang kanyang hininga nang napasubsob sa dibdib niya si Maliyah. Ramdam niya ang hininga nito sa kanyang dibdib at nakasiksik pa rin doon. Ang kanyang kaliwang kamay ay nasa likod nito at ang kanan ay nasa ulo ng babae na idinidikit ito sa dibdib niya. Her body sends warmth all over his body and he is… liking the feeling of it. She smells intoxicating. The fragrance is citrucy and Jake don’t know why but it actually excites him.
“Amoy sunog na— akala ko ba kakain pa lang ng umagahan? Parang busog na kayo, e.” Si Daniel na talaga namang nasa boses ang panunukso.
Jake slowly took Maliyah’s face away from his chest and cleared his throat. His heart is thumping faster from the fact that the cooking oil might shower in Maliyah’s face and body if she failed to step backward.
Magsasalita na sana siya nang biglang umayos ng tayo si Maliyah at hindi man lang nagpasalamat sa kanya bagkus ay parang mas galit pa ito sa kanya. Samantala tumalikod naman paalis si Daniel matapos ang maabutan sa kusina.
Hindi inalis ni Jake ang tingin sa babaeng halos umusok na ang ilong dahil sa galit at inis.
“Sira ka ba?!” biglang sigaw nito na hinampas pa siya sa braso. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ang babae. “Nasunog tuloy! Bakit mo kasi ako niyakap? Ifi-flip ko na iyong itlog, e!” reklamo nito at nilapitan ang kawali kung saan umuusok at nangangamoy na dahil sa nasunog na itlog.
“Kahit baligtarin mo iyon, sunog na rin. No wonder at first time mo ito. You really need to do it well,” aniya at mabilis na pinatay ang stove. Ni hindi man lang naisip ng babae na patayin muna ito since ito ang dahilan ng pagkasunog ng niluluto nito. “Ni hindi mo alam na kailangan munang patayin ang apoy? Wala kang sahod sa araw na `to dahil napunta na sa mga nasayang mong pagkain ngayon.”
“Excuse me, Mr. Lavender?”
“Stop calling me that,” saway niya at sumandig sa mesang kahoy na nandoon. “Magluto ka ulit,” utos niya.
Namaywang si Maliyah at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Inuutusan mo ba ako? Kung hindi ka nakialam dito, natapos na sana ako!”
Nangiti siya na sa tingin niya ay insulto sa babae. “Look at these slices of bacon, Princess. Burnt. Who will eat these?” tanong niya. “We are going to pay you for doing the chores, so please do your job well.”
Iniwan niya ito sa kusina at naghanda na para maligo.
Nagbiyak ng bagong mga itlog si Maliyah matapos tumalikod ni Jake. May pa-yakap-yakap pa ito sa kanya. Superhero ba ito? Ang akala siguro nito ay magkakaroon ng awkwardness sa pagitan nila matapos nitong magpaka-bayani na saluhin siya? Maliyah had men around her all her life. Kung hindi dahil sa pera niya, malamang dahil maganda siya. Jake is just attractive but blunt. She will never like someone like him.
Tinawag niya ang lahat para kumain at naramdaman niya ang pananakit ng kanyang mga kamay dahil sa panandaliang pagluluto. Mainit din ang kanyang pakiramdam.
“Hindi ka pa kakain?” tanong ng kanyang lola na wala pa ring reaksyon at nag-umpisa nang kumuha ng pagkain. Ayaw niyang magtanong at baka hindi siya nito pansinin.
“Nauna na po akong kumain,” aniya at tumayo lang sa gilid ng mesa at pinagmasdan ang mga nandoon. Ang mga tauhan ni Jake ay hindi na nag-almusal at doon pala ang mga ito kumakain sa restaurant ng lalaki.
“Sa kwarto kami kumakain ng lola mo,” sabi ng kanyang lolo na tila nabasa ang laman ng kanyang isip.
Abala naman si Jake sa pagkuha ng kanin at ulam. May iilang sunog na bacon at marahil ay itinapon ng dalaga ang mga nasunog kanina.
“Wala na akong kasalanan kung sakaling mapait ang niluto ko. You guys made me cook, so it’s not my fault,” mataray niyang sabi at umalis na roon sa kusina.
Bago pa siya tuluyang makaalis ay narinig niya ang sinabi ni Daniel. “Sa dead sea yata niluto itong itlog, Jake.” From that, Maliyah knew she failed.
Nailing din si Jake matapos matikman ang scrambled eggs na niluto ni Maliyah. Lumapit siya ng lababo at iniluwa iyon. Ni hindi niya magawang tapusin ang agahan dahil ang pangit ng lasa kaya naman naisipan niyang kausapin si Maliyah.
Pagdating niya sa harap ng pintuan nito at akmang kakatok na siya pero narinig ng binata na tila may kausap ito.
“How can a bacon taste like this?” Dinig niyang sabi nito at dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto at binuksan sa maliit na siwang. Nakita niya si Maliyah na nakatalikod mula sa pinto at nakatingin sa labas ng bintana habang katabi nito ang platitong may laman ng mga nasunog na bacon.
She's eating all the burnt bacon? Jake thought she's a princess? A princess eating food like this? Did he judge her wrong?
“BACON at itlog pa rin?” kunot-noong tanong ni Jake sa dalaga na nag-aayos ng mesa. He has been expecting something else knowing that she’s learning to cook. “Hindi ka nagluto ng iba kahit longganisa or kung anuman?”Namaywang ang dalaga. “Parang ang laki ng sahod ko, ah? Babayaran mo `ko ng sahod ko kahapon. Kinain ko lahat ng sunog para walang sayang,” mataray nitong sabi. Maliyah’s eyebrows are pulled together and her eyes are glaring at him. Kung makatingin ito nang ganoon sa kanya ay para bang ang laki ng kanyang kasalanan.“Stop glaring at me, woman,” banta niya. “You can’t cook well and we are all gonna pay you for doing your job,” seryoso niyang sabi at naghila ng upuan sa hapag. Kararating lang din ni Daniel.Gan
“HINDI ka ba nagtataka bakit nandito ang witch na iyan?” Kunot-noong nilingon ni Jake ang katabing si Daniel na abala sa kakakuskos ng mga damit nito pero kung anu-ano ang lumalabas sa mga bibig. Ang totoo ay sandaling napaisip siya sa sinabi nito.Ang sabi ni Maliyah ay mayaman ang pamilya nito at walang ibang ginawa ang dalaga kundi gumastos ng pera ng mga magulang ngunit bakit nga ba ito nandito sa Iloilo na walang makukuha sa mga matatanda? Ang wirdo nga at bakit hindi niya naisip iyon?“Bakit ang sungit mo kay Maliyah, Jake? Nagbago ka nang dumating siya rito.”“Ano`ng sinasabi mo?” tanong niya.Hinakot ni Daniel ang bula mula sa palanggana nito at inihip ito dahilan para mapunta sa mukha niya ang i
“INTINDIHIN mo na lang, Matt at bruha nga talaga iyan,” wika ni Aling Mila nang makitang hindi pa rin siya nilalabas ni Maliyah. Kani-kanina lang niya nalaman na Maliyah pala ang pangalan nito at talaga namang maganda katulad nito. Pero kung ibig sabihin ng pangalan nito ang pagbabasehan ay talagang bagay rito na parang laging galit sa mundo.Tinawid niya ang kalsada pabalik sa karinderya kung saan siya madalas tumambay at sobrang init. Ang tigas ng puso ng babaeng ito para tiisin siya na hindi labasin sa ganito kainit na panahon. Imposibleng natutulog ito na ang sabi ni Aling Mila ay kakarinig lang niya ng tili nito.“Hindi kaya…” Ilang hakbang na lang ay aabot na siya sa karinderya pero pinili niyang bumalik sa loob. Mas mabuti nang makasiguro kung talaga bang okay lang ito o hindi.
“PARANG nabaligtad yata at ako pa ang nanglibre sa `yo?” Iniwasan ni Maliyah ang tanong ni Matt sa kanya at inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. May bukol siya sa ulo at hindi iyon mawala sa kanyang isip. Kapag naaalala niya ang nangyaring pagbagsak sa laundry area ng bahay ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. It was indeed unexpected while she’s learning to press the button in that stupid washing machine. Maliyah never imagined washing her own clothes since maids used to do that for her.“Bakit ka naka-medyas? Hindi mo ba ramdam ang init? At bakit laging jersey shorts and tshirts ang suot mo? Wala kang ibang damit?” sunod-sunod niyang tanong at nag-scoop ng ice cream ulit. Nang lumabas sila ng ospital ay siya ang nagyaya kay Matt na pumunta sila sa plaza na bandang likuran lang ng bahay ng kanyang lolo’t-lola.
SIMULA nang sunod-sunod na bigyan ng pera ng kanyang lolo si Maliyah ay iyon din mismo ang nagtulak sa kanya na bilhin ang mga gusto. She never tried to help in the house and she feels like everything's coming back to its proper places.Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jake ay tinatarayan lang niya ito o `di kaya ay umiiwas na ito sa kanya. And it doesn't matter to her. Maliyah used to have friends when she's younger but they all left her after knowing what happened to her family.Maging ang kanyang lolo't-lola ay hindi nagpakita noong namatay ang kanyang mga magulang. It was only her.Totoong nakakatanggap siya ng pera mula sa kanyang lolo pero hindi niya ramdam na tanggap siya sa buong bahay. Hindi rin niya masisisi ang mga ito at okay lang sa kanya since ang plano niya ay hindi makipagkaibigan
MALIYAH’S morning is just the same for almost two weeks. Gigising na luto na lahat, kakain na lang siya at wala na halos lahat sa loob ng bahay. If Joacquin is here, he could bring her to his bookshop and stay there the whole time. Hindi rin bumalik si Alden at hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo ang lalaking iyon.Hindi siya masyadong makagalaw sa bahay na `to lalo na at hindi na rin ganoon kalaki ang binibigay ng kanyang lolo dahil kay Jake. Nakialam na naman ito sa pamilya nila at sana ay unti-unti na niyang nagagawa ang kanyang mga plano. She considered Matt’s idea to tame Jake but she can’t. Kailanman ay wala sa plano niya na magpakumbaba sa iba para lang makuha ang kanyang mga gusto.She ignored the idea, and now it seems like Matt is nowhere to be found. Hindi na ito nagpapakita sa karinderya ni Aling Mila kaya wa
“JAKE, do you like Maliyah?” diretsong tanong ni Rezel kay Jake na dahilan para maibuga ni Maliyah ang lemonade na iniinom. Matapos nilang kumain ay kanya-kanya silang linis ng mga katawan at nagdesisyon na magtipon-tipon sa sala.“I don’t hate her,” simpleng sagot ni Jake at inubo siya nang mahina.Tiningnan niya si Jake na mismong sa harapan lang niya nakaupo. “You do,” aniya.Umiling ang lalaki. “Nagalit ako sa `yo noon, oo. Ang insensitive mo, mataray ka na para bang ipinanganak kang may galit sa mundo at… prinsesa ka. No one wants a princess in their lives, Maliyah. People want someone who can understand and help them,” paliwanag nito.“So, you like her?” tanong ni
“Huwag ka nang babalik doon,” anang lalaki sabay bitaw sa kanyang kamay. Nandoon na sila mismo sa sakayan at pinarahan siya nito ng jeep na dumaan mismo sa kanilang harapan. Yumuko si Matt para makita ang driver sa loob. May sinabi ito na hindi niya maintindihan kaya naman ganoon na lang ang pagkunot ng noo ni Maliyah. Hindi kaya ipahatid siya nito sa delikadong lugar? Hindi rin dahil marami ang sakay ng maliit na jeep. “Ang liit naman ng jeep ninyo,” wika niya at mataray na tiningnan ang lalaki na halata pa rin ang galit sa mukha. “Anyway pautang ako ng pamasahe at wala na akong pera.” Agad na kumuha ng barya sa bulsa ang lalaki at inilagay sa kanyang palad. “Seven pesos? Ito lang?” Napakam
ILANG oras nang gising si Maliyah pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang kwarto. Nandoon pa kasi ang dalawang matanda. Alam niyang alam ng mga ito na bumalik siya. Imposibleng hindi sa lakas ba naman ng boses ni Daniel at Alden. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung papaano pakikitunguhan ang mga nandoon. Naisip nga niya na huwag na lang pansinin ang mga ito at bumalik sa dati niyang ugali na tila ba walang pakialam sa mundo since ganoon naman ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya una pa lang. She lived in that house for a month and showed her true self. They said something bad but it didn’t matter to her… at all. Kung aakto siya na parang dati, parang wala rin namang masama roon. Hindi siguro mamasamain ng mga ito iyon. Mabilis siyang bumangon mula sa kanya
NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa.“At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay&mda
“ANO`NG pumasok sa isip mo at umalis ka nang hindi nagpapaalam? Alam mo ba na grabeng pag-aalala ang naramdaman ko nang malaman kong umalis ka nang hindi ko alam?!” Napapikit na lamang ng mga mata si Maliyah matapos matanggap ang mga salitang iyon mula kay Joacquin. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng isa dahil nga ito ang pinakamalapit sa kanya.Nakita siya ni Joacquin na pumasok ng mall. Nandoon pala mismo sa loob ang bookstore nito. Pero imbes na doon siya dalhin ay sa isang kainan siya dinala ng lalaki. She has her bag with her and his stares are kind of scaring her. Ito ang kauna-unahang beses na nagalit si Joacquin sa kanya. He has been so gentle eversince and even the people in their place kept on saying that he will grow up as a fine young man. And they are right. Joacquin is more than that. His wife will be very lucky to have him as a husband.
“WHERE the hell are you going?” Nagulat si Maliyah nang biglang may humabol sa kanya pababa ng hagdan. It was Jake. He looked pissed and she doesn’t know why. Siguro dahil iniisip nitong responsibilidad siya ng mga tao sa bahay na iyon kapag may nangyari sa kanya.It’s three in the morning and she wasn’t able to fall asleep thinking how to leave with a bit of money. And Maliyah decided to leave at exactly three without knowing why. With the money she is having, it cannot even make her survive for a week. Hinayaan lang niyang sumunod si Jake sa kanya hanggang sa baba ng hagdan na alam niyang nagdadalawang-isip kung tutulungan ba siya sa kanyang mga bitbit o hindi na.Maliyah feels something weird about Jake since the kiss happened. She often sees him glancing at her or trying to reach out every time they meet hal
“COME again, Ma’am!” sigaw ni Matt habang papalabas siya ng convenience store. Bakit biglang naisipan nito na magtrabaho? Ang pagkakaalam niya ay tambay si Matt. Iyon lang ang ang nasa isip niya dahil madalas niyang makita ang lalaki na puro padaan-daan lang at maglalaro ng basketball.Pagdating sa labas ay agad na binuksan ni Maliyah ang isang canned beer at ininom. At malamang na sinikap niyang makatawid habang wala pang masyadong napapadaan. Kung sana ganito ang kalsada sa kanila noon, baka mas madalas siyang pabalik-balik sa paglalakad. Ni hindi nga niya makita ang mga makasalubong sa kalsada dahil sa traffic o sa dami ng sasakyang dumadaan at nagpapaunahan pa.One thing she regrets not bringing is her earphones. Drinking beer while walking in a silent road at night and listening to some music sounds so perfect. N
KINAHAPUNAN ay maagang umuwi ang kanyang lolo’t-lola. Alas-singko pa lang ay nandoon na ang mga ito maging sina Daniel at Alden. Naririnig ni Maliyah ang boses ng mga ito mula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya ay nagtitipon-tipon ang lahat sa sala at si Rezel ay nandoon din na nakikipagtawanan. Dahan-dahang inilapat niya ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ito pero hindi niya marinig ang boses ni Jake.Masakit na masakit na ang kanyang ulo pero ayaw siyang dalawin ng antok. Si Jake ang kanyang nakikita sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. He’s been in her mind for almost a day and it’s making her crazy! How can someone stay in a person’s mind this long?“Maliyah…” Muntik na niyang mabunggo ang mga gamit na nakasabit sa gilid ng pintuan nang marinig ang mahinang tawag n
“ANO`NG nangyari sa `yo at ngayon ka lang nagpakita?” Napailing si Maliyah sa naging tanong ni Aling Mila. Nang makaalis lahat sa bahay ay saka siya nagdesisyon na lumabas at tumambay na naman sa baba. Si Rezel? Hindi nga niya nakita kahit pa hindi siya lumalabas ng bahay. Kung magtatanong siya sa iba ay malamang sasabihin ng mga ito na sinira niya ang kanyang kasulatan.Tinapos niya munang nguyain ang kinakain. “Ang hirap kasi pakisamahan ng mga tao sa loob ng bahay na iyan,” reklamo niya at napapaypay ng palad sa sobrang init. “Bakit wala pa po kayong Christmas decorations? November na, ah?” tanong niya. Iyon talaga ang unang napansin ni Maliyah noong unang dating niya pero nawala rin sa kanyang isip dahil sa biglang gulo ang inabutan sa bahay ng dalawang matanda.“Ah, sa labasan mayroon. Dito kasi walang masyad
JAKE is supposed to seal Maliyah’s lips just to keep her quiet. She was pushing him to his limits and Jake was a bit concerned about the other people in the house. Maliyah doesn’t care about anything or about anyone else. And Jake feels like kissing her is a bad move. Because right now, Maliyah’s eyes are closed and even if he likes it or not, his lips are moving like it has its own brain and can’t be controlled.The woman smells so delicate that it makes him want to close his eyes and caress her face. Halos isang minuto na silang nasa ganoong sitwasyon. Hindi niya hawak ang parehong kamay ng babae at ang tanging suporta lang ang mayroon siya ay ang dalawang kamay niyang nakatukod sa pader para ma-corner ang babae. Maging ang kanyang puso ay hindi niya maintindihan. Pareho ba sila ng nararamdaman ni Maliyah? Mabilis din ba ang tibok ng puso nito? This kiss feels like n
“SAAN ka pupunta, Ling?” tanong ni Joacquin kay Maliyah matapos maabutan itong hila-hila ang dalawang bagahe. Kakauwi lang niya galing sa bookstore at ito ang kanyang naabutan. Seryoso ang mukha ni Maliyah at halos iwasan na siya. Kung hindi pa gumawa ng paraan si Joacquin na mahawakan at mapigilan ang babae ay malamang na nilampasan na siya nito. “Maliyah…” mahinang tawag niya rito at pilit na sinalubong ang diretsong tanong ng kaibigan. Wala pa siguro ang dalawang matanda kung kaya’t walang ibang pumipigil dito. Tinanggal ng dalaga ang kanyang pagkakahawak sa braso nito. “Pwede ba, Joacquin? Huwag na tayong magpanggap na magkaibigan pa rin. Marami na ang nagbago sa paglipas ng panahon. Salamat pa rin sa naging tulong mo at susuklian ko iyon, huwag kang mag-aalala,” malamig nitong sabi at lumakad na. Hirap na hirap si Maliyah sa mg