Share

CHAPTER 4

Author: Morriv
last update Last Updated: 2021-06-26 22:52:45

LIHIM na napaismid si Maliyah nang marinig ang sinabi ni Joacquin. Kung may trabaho ang kanyang lolo’t-lola, sisikapin niyang ipasama si Daniel sa mga ito at siya na ang tanging maiiwan sa loob ng bahay-paupahan na ito. That’s her only way to avoid men in this house especially Jake. 

Daniel tapped the mini-table in front of her to get her attention. “Alam ko na iyang iniisip mo, at ako rin. Kung ano ang nasa isip mo ay iyan din ang iniisip ko,” walang pakundangang sabi nito at umayos ng upo habang nasa likod ng ulo ang dalawang kamay. 

“Hindi ko sinabing ayaw kita makasama,” aniya at inirapan ito. 

Binigyan naman siya ni Daniel ng sarkastikong tawa. “Salungat sa ekspresyon mo ang sinasabi mo, mahal na prinsesa. Kung ayaw mo akong makasama, pwede mo namang sabihin sa lolo’t-lola mo. Buryo na rin ako sa loob ng bahay,” sabi nito na seryoso ang reaksyon at pumasok na ng kwarto. Samantala, wala siyang narinig na kahit na ano mula kay Joacquin. Tahimik lang ito na iniinom ang kape. 

Agad naman hinarap ng dalaga ang kaibigan. “Bakit ang tahimik mo?” tanong niya at seryoso siyang tiningan ng lalaki. Dahan-dahan nitong ibinaba ang tasang hawak. 

“Kahit kailan ay hindi ko nakitang nasaktan si Daniel nang ganoon,” wika nito. “I mean, hindi na talagang nasasaktan, offended? I can say that.” 

Nagtaka siya. “What do you mean offended?” 

“Si Daniel ang pinakagusto ng lahat sa bahay na `to. Mahal ng lolo’t-lola mo rin. Everyone stopped him from leaving this house and you just show him that you don’t like him,” pahayag nito at tinapik siya sa balikat. “Maliligo na muna ako at magbubukas pa ako ng shop ko,” paalam ni Joacquin at iniwan siyang mag-isa sa sala. Biglang napaisip si Maliyah sa inakto ni Joacquin dahil para sa kanya ay lumabas pa na parang siya ang may kasalanan. May nasabi ba siyang mali? 

“Hello, people! Aalis muna ako ng ilang araw at nagkayayaan kaming magbabarkada. Adios!” paalam ni Alden na may dalang maleta at naka-Hawaiian shirt. May pa-sombrero at sunglasses pa ito. Ni hindi ito tinanguan ni Maliyah. 

Naiiling siyang kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng mesa at binuksan. Sa isip ni Maliyah ay alam niyang messages at miss calls ng nobyo ang lalabas doon. Kung alam lang nito ang kinaroroonan niya ngayon ay malamang pagkagising pa lang niya, nandoon na ito sa labas ng bahay ng dalawang matanda. 

Habang iniisa-isa ang mga mensahe ni Joseph ay narinig niyang bumukas ang isang pintuan sa kanyang kanan, ibig sabihin ay kwarto iyon ng dalawa at saktong paglingon niya ay nakasalubong niya ang tingin ng babaeng matanda. Walang reaksyon ang mukha nito at diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Galit man ito o ano ay hindi niya alam. 

Nagdadalawang-isip siya kung iiwas ba o ngingitian ito since mula kagabi ay ito ang unang beses na nagkita sila maliban sa kanyang lolo na malugod siyang tinanggap. 

“Hello po,” magalang niyang bati at sabay ngiti. “Kamusta po ang tulog ninyo?” aniya pero imbes na sagutin ang kanyang naging tanong ay ganoon na lang ang pag-iwas ng tingin ng matanda at diniretso ang pasilyo papuntang kusina. 

“Aren’t you going to change your clothes?” bungad ni Jake nang makalabas ito sa kwarto. 

Agad na nasira ang kanyang mood dahil dito. “At bakit ko pa kailangan magpalit? Maganda naman na ako sa damit na `to,” mataray niyang sagot dito at ibinalik ang atensyon sa cellphone. 

“Sabagay at mukhang sasama si Daniel kina Inay at Itay kaya mukhang maiiwan ka rito,” parinig nito habang tinitingnan ang sarili sa salamin na nakadikit sa kaliwang dingding ng sala. Nang sulyapan ni Maliyah ang lalaki ay ngayon lang niya napansin na ang gwapo nito tingnan sa suot na royal blue sweat shirt at jeans. Naka-puting sneakers lang din ang lalaki. Sa isip ni Maliyah ay pupuriin niya sana ang lalaki nang may mapansin. 

Nanlaki ang kanyang mga mata nang tingnan siya nito roon mismo sa salamin. “What? You’ve seen me half-naked last night. You’re still mesmerized?” mayabang nitong tanong at lalo lang siyang nainis dahil unang-una, talagang naakit siya rito at pangalawa ay pinamumukha nito iyon sa kanya. 

“Excuse me? Ang wirdo mo, ano? Sweat shirt sa ganito kainit na klima?” 

He smirked. “Hindi ako ganoon ka-cheap para hindi lagyan ng aircon ang restaurant ko.” Bakit ba ang init ng dugo nito sa kanya? Inaano ba niya ito? At nang maisip na itanong iyon dito ay saka naman ito tumalikod at bumalik sa kwarto nito. Kaunti na lang at masusuntok niya ito. 

NAIWANG mag-isa sa loob ng bahay si Maliyah at sumama si Daniel sa dalawang matanda. Nagbakasyon sa kung saan si Alden. Naunang umalis ang mga tauhan ni Jake, sumunod naman sina Joacquin at sina Daniel. May wifi at aircon naman kaya solong-solo niya ang lugar. But then, this place reminds her of her own room in their house. She’s always inside, wait for her food or deliveries from online shops. Her parents are gone but it is still happening to her. 

She blocked Joseph’s number and planned to call him after a week. Nakailang movies na siya at kalaunan ay nagsawa rin. Tahimik ang buong bahay at ang tanging maingay lang ay ang katapat-bahay nila. Nang silipin ng dalaga mula sa bintana na nasa ikalawang palapag ng bahay ay may maliit na kainan pala sa loob nito at puro estudyante ang laman niyon. Nasulyapan pa lamang niya ang mga pagkain ay nakaramdam nga siya ng biglang pagkagutom. Ala-una na pala pagsulyap niya sa wall clock na nasa sala. 

“I’m starving…” aniya at hinimas ang tiyan. Saka lang siya napaisip sa ibinilin ng kanyang lolo kanina. 

“Kung kakain ka, nandoon sa kusina ang lahat ng kailangan mo at ito ang susi.” 

May susi nga itong iniabot sa kanya kaya dali-dali siyang tumakbo ng kusina para tingnan kung ano ang makakain doon. May ref din at in fairness naman na malinis ang kusina kahit pa sabihing mga lalaki ang nakatira sa loob ng bahay. Mas pinagtuunan ng pansin ni Maliyah ang pagbukas ng ref at doon nga ay wala siyang makitang makakain. Tubig, mga gulay at iilang mansanas ang nandoon. May hilaw na karne at itlog. 

“Ano`ng kakainin ko nito?” tanong niya sa sarili. Hindi siya nakahingi ng pera kay Joacquin. May mga bagay rin siyang gustong mabili online pero wala siyang panggastos. Tanging iilang damit at gamit lang ang kanyang nadala at naiwan halos lahat sa Manila. “Gusto ko ng lumpiang shanghai at carbonara.” Patamad na tinunton niya ang sala habang amoy na amoy ang pagkain sa ibaba. 

“OKAY na ba iyan?” tanong ng tindera sa kanya habang kumakain siya ng lumpiang shanghai at kanin sa mismong karinderya. Tumango siya rito dahil nga mas abala siya sa pagkain. Malinis ang lugar nito at naka-display sa isang glass na lalagyan ang lahat ng pagkain. Maraming pulang mesa na may brand pa ng isang softdrinks at iilang ceiling fan na plastik sa kisame. Malakas kaya ang hangin ng ganoong ceiling fan? Ngayon lang nakita ni Maliyah ang mga iyon. 

Ang dingding ng lugar ay puno ng mga hanging plants na sa tingin niya ay plastic lang din dahil may alikabok ang mga iyon. Puti ang pintura ng dingding habang may maliliit na paintings doon at iyong tipong nabibili lang sa gilid ng daan. 

Abala rin ang halos lahat ng kumakain sa loob ng karinderya dahil mayroong telebisyon sa mismong harap. Basketball ang palabas at mukhang reply pa. 

“Huwag mo namang tingnan ng ganyan ang karinderya ko, hija. Ngayon mo lang ba nakita ang mga ganitong bagay?” Nagtatakang tumingin siya sa ginang. Paano nito nalaman ang laman ng utak niya? Mayamaya at tumawa ito. “Mayaman ka kasing tingnan. Iyang damit mo pati cellphone. Makinis ka rin at maganda. Sa amoy mo pa lang… taga-saan ka ba kasi?” 

Matapos nitong putulin ang mga puri sa kanya ay iyon lang pala ang itatanong. 

Nag-order siya ng limang lumpia, isang serve ng kanin at chicken curry. Kagabi habang nasa eroplano ay kaunti lang ang kanyang nakain at sakto lang ang kanyang pera. 

“Galing po akong Maynila,” aniya habang kumakain. “Apo ako ng dalawang matanda riyan sa tapat,” patuloy niya habang sinusulyapan ang mga lalaking estudyante na kanina pa yata nagpapa-cute sa kanya. Naramdaman din ni Maliyah na natigilan ang ginang nang sabihin niyang apo siya ng dalawang matanda sa katapat na bahay. 

Tinarayan niya ang mga ito at hindi pinansin. Wala siyang panahon na patulan ang mga batang walang ibang magawa kundi ang magpa-cute sa mga babaeng makakasalubong o makita lang. 

Abala sa pagse-serve ang ginang na sa tingin niya ay ka-edad ng kanyang ina. “Bakit po puro estudyante ang customers ninyo?” hindi niya napigilang tanong. 

Ngumiti ito sa kanya at itinuro ang blue building na halos nasa likod ng bahay-paupahan. “Maritime University,” wika nito. 

“E, bakit po magaling kayong managalog?” 

Natawa ang ginang. “Para kang bata na ang daming tanong. Oo, taga-Maynila rin kami na napadpad dito.”  Iyon lang ang nasabi nito at bumalik na sa pagtitinda. 

Magtatanong pa sana siya nang makita ang isang kumpol ng lalaki na pinagdugtong ang dalawang pahabang mesa na nandoon para magsanib-pwersa ang mga ito. Feeling badboy rin itong lalaki na nasa kabisera at nakaipit pa ang toothpick sa bibig nito. Hindi rin ito nakasuot ng uniform kundi tanging black pants, sneakers at white shirt lang ito. So, hindi ito estudyante? 

“What?!” mataray niyang tanong at ang iba ay napatingin sa kanya. Imbes na sagutin siya ng mga lalaking nandoon ay nakita niya ang pagkindat ng lalaking leader sa kanya. Hindi ba halatang mas matanda siya sa mga ito?

Inakbayan siya ng ginang at pinaypayan gamit ang abaniko nito. “Huwag mo nang pansinin ang mga iyan at makukulit lang talaga. Mababait sila,” pahayag nito na hindi niya pinagtuunan ng pansin. Binilisan na lamang ni Maliyah ang pagkain at para makaalis na rin. 

Ilang subo na lang at tapos na siya nang may maramdamang presensya sa kanyang gilid. Maliyah’s not giving this person even a bit of her attention. She tried to eat quickly as she can and suddenly got choked by what she’s eating. 

Napahawak siya sa kanyang lalamunan nang may mag-abot ng isang basong tubig. Sandali siyang naubo at mataray na tiningnan ang lalaki. Nakatingala siya rito at napansin ang sobrang kapal ng kilay nito. 

Samantala lihim na nangingiti si Matt habang pinagmamasdan ang magandang mukha ng dalaga na ngayon ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Nakasabay niya itong pumasok sa karinderya ni Aling Mila at sa amoy pa lang ng pabango nito ay tila may kung ano`ng kiliti ang hatid sa  kanya. She’s gorgeous and he has never seen her before. Kaya naman kahit gutom na gutom siya ay mas natuon ang atensyon niya sa dalaga na puno ng kuryosidad ang nasa mukha at halatang bago lang sa lugar base na rin sa pananagalog nito habang kausap si Aling Mila. 

“Tubig? Nabulunan ka, e,” nakangiting sabi niya rito nang mapansing masama pa rin ang tingin sa kanya. 

Tinapik ni Maliyah ang kamay ng lalaki at mabilis na tumayo sa kanyang upuan. “I don’t just drink anybody’s water. Excuse me,” mataray niyang sabi at muntik nang mautal matapos makita ang ngiti ng lalaki. He’s handsome indeed. Moreno rin ang lalaki. She noticed a small mole under his left eye and his biceps under the white shirt. This man didn’t shave but he looks good in his short beard. 

"F*cking smear lips,” pabulong niyang sabi at mabilis itong iniwan. Kung hindi siya aalis ay malamang titingin lang siya sa itim na itim nitong mga mata na nakangiti rin kasabay ng mga labi nito. Ang puti rin ng mga ngipin nito at ang pula ng mga labi na marahil ay hindi pa nadapuan ng sigarilyo o kung ano pa man. “Ang rupok, Maliyah!” lihim niyang singhal sa sarili at sa huli ay sinulyapan ang lalaki sa karinderya habang binubuksan ang bahay paupahan. 

Nakatayo pa rin ito roon at wala na ang ngiti sa mga labi nito. He’s just there, gazing at her gently. Para bang kilala siya ng lalaki kung titigan siya nito. Kahit ang ginang na may-ari ng kariderya ay nakatingin sa kanya at nang magtama ang kanilang mga mata ay bigla itong ngumiti. Ang weird ng mga tao sa lugar na `to. Tuluyan na nga siyang pumasok sa loob at binaybay ang hagdan papasok ng bahay. Pagdating ng sala ay napakamot siya sa ulo.

“Bakit puro lalaki ang naabutan ko rito sa Iloilo?”  nababaliw niyang tanong sa sarili. 

Related chapters

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 5

    MALALAKAS ang katok na narinig ni Maliyah sa labas ng kwarto ni Joacquin. Nakatulog pala siya at nang tingnan kung ano`ng oras na ay alas-otso na pala ng gabi. Hindi pa rin siya nakakaramdam ng gutom kahit papaano. Matapos niyang kumain sa karinderya ay bumalik siya ng kwarto, nanood ng pelikula gamit ang dala niyang laptop at nakatulugan nga iyon.“Ano ba?!” sigaw niya sa napagbuksan at nakitang si Jake iyon. “Pati talaga sa pagtulog, ha?” aniya at akmang isasara ang pinto ay iniharang ng lalaki ang kaliwang palad nito na ikinagulat niya.“A-ano`ng ginagawa mo?!” bulalas niya at iniisip ang sakit na dulot ng malakas na pagbagsak niya sa pinto. Sa huli ay lumabas na siya lalo pa at seryoso ang mukha ni Jake na hindi man lang niya nakita ni pagkibot ng mga labi.

    Last Updated : 2021-07-07
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 6

    “BACON at itlog pa rin?” kunot-noong tanong ni Jake sa dalaga na nag-aayos ng mesa. He has been expecting something else knowing that she’s learning to cook. “Hindi ka nagluto ng iba kahit longganisa or kung anuman?”Namaywang ang dalaga. “Parang ang laki ng sahod ko, ah? Babayaran mo `ko ng sahod ko kahapon. Kinain ko lahat ng sunog para walang sayang,” mataray nitong sabi. Maliyah’s eyebrows are pulled together and her eyes are glaring at him. Kung makatingin ito nang ganoon sa kanya ay para bang ang laki ng kanyang kasalanan.“Stop glaring at me, woman,” banta niya. “You can’t cook well and we are all gonna pay you for doing your job,” seryoso niyang sabi at naghila ng upuan sa hapag. Kararating lang din ni Daniel.Gan

    Last Updated : 2021-07-07
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 7

    “HINDI ka ba nagtataka bakit nandito ang witch na iyan?” Kunot-noong nilingon ni Jake ang katabing si Daniel na abala sa kakakuskos ng mga damit nito pero kung anu-ano ang lumalabas sa mga bibig. Ang totoo ay sandaling napaisip siya sa sinabi nito.Ang sabi ni Maliyah ay mayaman ang pamilya nito at walang ibang ginawa ang dalaga kundi gumastos ng pera ng mga magulang ngunit bakit nga ba ito nandito sa Iloilo na walang makukuha sa mga matatanda? Ang wirdo nga at bakit hindi niya naisip iyon?“Bakit ang sungit mo kay Maliyah, Jake? Nagbago ka nang dumating siya rito.”“Ano`ng sinasabi mo?” tanong niya.Hinakot ni Daniel ang bula mula sa palanggana nito at inihip ito dahilan para mapunta sa mukha niya ang i

    Last Updated : 2021-07-07
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 8

    “INTINDIHIN mo na lang, Matt at bruha nga talaga iyan,” wika ni Aling Mila nang makitang hindi pa rin siya nilalabas ni Maliyah. Kani-kanina lang niya nalaman na Maliyah pala ang pangalan nito at talaga namang maganda katulad nito. Pero kung ibig sabihin ng pangalan nito ang pagbabasehan ay talagang bagay rito na parang laging galit sa mundo.Tinawid niya ang kalsada pabalik sa karinderya kung saan siya madalas tumambay at sobrang init. Ang tigas ng puso ng babaeng ito para tiisin siya na hindi labasin sa ganito kainit na panahon. Imposibleng natutulog ito na ang sabi ni Aling Mila ay kakarinig lang niya ng tili nito.“Hindi kaya…” Ilang hakbang na lang ay aabot na siya sa karinderya pero pinili niyang bumalik sa loob. Mas mabuti nang makasiguro kung talaga bang okay lang ito o hindi.

    Last Updated : 2021-07-10
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 9

    “PARANG nabaligtad yata at ako pa ang nanglibre sa `yo?” Iniwasan ni Maliyah ang tanong ni Matt sa kanya at inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. May bukol siya sa ulo at hindi iyon mawala sa kanyang isip. Kapag naaalala niya ang nangyaring pagbagsak sa laundry area ng bahay ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. It was indeed unexpected while she’s learning to press the button in that stupid washing machine. Maliyah never imagined washing her own clothes since maids used to do that for her.“Bakit ka naka-medyas? Hindi mo ba ramdam ang init? At bakit laging jersey shorts and tshirts ang suot mo? Wala kang ibang damit?” sunod-sunod niyang tanong at nag-scoop ng ice cream ulit. Nang lumabas sila ng ospital ay siya ang nagyaya kay Matt na pumunta sila sa plaza na bandang likuran lang ng bahay ng kanyang lolo’t-lola.

    Last Updated : 2021-07-13
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 10

    SIMULA nang sunod-sunod na bigyan ng pera ng kanyang lolo si Maliyah ay iyon din mismo ang nagtulak sa kanya na bilhin ang mga gusto. She never tried to help in the house and she feels like everything's coming back to its proper places.Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jake ay tinatarayan lang niya ito o `di kaya ay umiiwas na ito sa kanya. And it doesn't matter to her. Maliyah used to have friends when she's younger but they all left her after knowing what happened to her family.Maging ang kanyang lolo't-lola ay hindi nagpakita noong namatay ang kanyang mga magulang. It was only her.Totoong nakakatanggap siya ng pera mula sa kanyang lolo pero hindi niya ramdam na tanggap siya sa buong bahay. Hindi rin niya masisisi ang mga ito at okay lang sa kanya since ang plano niya ay hindi makipagkaibigan

    Last Updated : 2021-07-16
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 11

    MALIYAH’S morning is just the same for almost two weeks. Gigising na luto na lahat, kakain na lang siya at wala na halos lahat sa loob ng bahay. If Joacquin is here, he could bring her to his bookshop and stay there the whole time. Hindi rin bumalik si Alden at hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo ang lalaking iyon.Hindi siya masyadong makagalaw sa bahay na `to lalo na at hindi na rin ganoon kalaki ang binibigay ng kanyang lolo dahil kay Jake. Nakialam na naman ito sa pamilya nila at sana ay unti-unti na niyang nagagawa ang kanyang mga plano. She considered Matt’s idea to tame Jake but she can’t. Kailanman ay wala sa plano niya na magpakumbaba sa iba para lang makuha ang kanyang mga gusto.She ignored the idea, and now it seems like Matt is nowhere to be found. Hindi na ito nagpapakita sa karinderya ni Aling Mila kaya wa

    Last Updated : 2021-07-22
  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 12

    “JAKE, do you like Maliyah?” diretsong tanong ni Rezel kay Jake na dahilan para maibuga ni Maliyah ang lemonade na iniinom. Matapos nilang kumain ay kanya-kanya silang linis ng mga katawan at nagdesisyon na magtipon-tipon sa sala.“I don’t hate her,” simpleng sagot ni Jake at inubo siya nang mahina.Tiningnan niya si Jake na mismong sa harapan lang niya nakaupo. “You do,” aniya.Umiling ang lalaki. “Nagalit ako sa `yo noon, oo. Ang insensitive mo, mataray ka na para bang ipinanganak kang may galit sa mundo at… prinsesa ka. No one wants a princess in their lives, Maliyah. People want someone who can understand and help them,” paliwanag nito.“So, you like her?” tanong ni

    Last Updated : 2021-07-23

Latest chapter

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 26

    ILANG oras nang gising si Maliyah pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang kwarto. Nandoon pa kasi ang dalawang matanda. Alam niyang alam ng mga ito na bumalik siya. Imposibleng hindi sa lakas ba naman ng boses ni Daniel at Alden. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung papaano pakikitunguhan ang mga nandoon. Naisip nga niya na huwag na lang pansinin ang mga ito at bumalik sa dati niyang ugali na tila ba walang pakialam sa mundo since ganoon naman ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya una pa lang. She lived in that house for a month and showed her true self. They said something bad but it didn’t matter to her… at all. Kung aakto siya na parang dati, parang wala rin namang masama roon. Hindi siguro mamasamain ng mga ito iyon. Mabilis siyang bumangon mula sa kanya

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 25

    NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa.“At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay&mda

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 24

    “ANO`NG pumasok sa isip mo at umalis ka nang hindi nagpapaalam? Alam mo ba na grabeng pag-aalala ang naramdaman ko nang malaman kong umalis ka nang hindi ko alam?!” Napapikit na lamang ng mga mata si Maliyah matapos matanggap ang mga salitang iyon mula kay Joacquin. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng isa dahil nga ito ang pinakamalapit sa kanya.Nakita siya ni Joacquin na pumasok ng mall. Nandoon pala mismo sa loob ang bookstore nito. Pero imbes na doon siya dalhin ay sa isang kainan siya dinala ng lalaki. She has her bag with her and his stares are kind of scaring her. Ito ang kauna-unahang beses na nagalit si Joacquin sa kanya. He has been so gentle eversince and even the people in their place kept on saying that he will grow up as a fine young man. And they are right. Joacquin is more than that. His wife will be very lucky to have him as a husband.

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 23

    “WHERE the hell are you going?” Nagulat si Maliyah nang biglang may humabol sa kanya pababa ng hagdan. It was Jake. He looked pissed and she doesn’t know why. Siguro dahil iniisip nitong responsibilidad siya ng mga tao sa bahay na iyon kapag may nangyari sa kanya.It’s three in the morning and she wasn’t able to fall asleep thinking how to leave with a bit of money. And Maliyah decided to leave at exactly three without knowing why. With the money she is having, it cannot even make her survive for a week. Hinayaan lang niyang sumunod si Jake sa kanya hanggang sa baba ng hagdan na alam niyang nagdadalawang-isip kung tutulungan ba siya sa kanyang mga bitbit o hindi na.Maliyah feels something weird about Jake since the kiss happened. She often sees him glancing at her or trying to reach out every time they meet hal

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 22

    “COME again, Ma’am!” sigaw ni Matt habang papalabas siya ng convenience store. Bakit biglang naisipan nito na magtrabaho? Ang pagkakaalam niya ay tambay si Matt. Iyon lang ang ang nasa isip niya dahil madalas niyang makita ang lalaki na puro padaan-daan lang at maglalaro ng basketball.Pagdating sa labas ay agad na binuksan ni Maliyah ang isang canned beer at ininom. At malamang na sinikap niyang makatawid habang wala pang masyadong napapadaan. Kung sana ganito ang kalsada sa kanila noon, baka mas madalas siyang pabalik-balik sa paglalakad. Ni hindi nga niya makita ang mga makasalubong sa kalsada dahil sa traffic o sa dami ng sasakyang dumadaan at nagpapaunahan pa.One thing she regrets not bringing is her earphones. Drinking beer while walking in a silent road at night and listening to some music sounds so perfect. N

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 21

    KINAHAPUNAN ay maagang umuwi ang kanyang lolo’t-lola. Alas-singko pa lang ay nandoon na ang mga ito maging sina Daniel at Alden. Naririnig ni Maliyah ang boses ng mga ito mula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya ay nagtitipon-tipon ang lahat sa sala at si Rezel ay nandoon din na nakikipagtawanan. Dahan-dahang inilapat niya ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ito pero hindi niya marinig ang boses ni Jake.Masakit na masakit na ang kanyang ulo pero ayaw siyang dalawin ng antok. Si Jake ang kanyang nakikita sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. He’s been in her mind for almost a day and it’s making her crazy! How can someone stay in a person’s mind this long?“Maliyah…” Muntik na niyang mabunggo ang mga gamit na nakasabit sa gilid ng pintuan nang marinig ang mahinang tawag n

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 20

    “ANO`NG nangyari sa `yo at ngayon ka lang nagpakita?” Napailing si Maliyah sa naging tanong ni Aling Mila. Nang makaalis lahat sa bahay ay saka siya nagdesisyon na lumabas at tumambay na naman sa baba. Si Rezel? Hindi nga niya nakita kahit pa hindi siya lumalabas ng bahay. Kung magtatanong siya sa iba ay malamang sasabihin ng mga ito na sinira niya ang kanyang kasulatan.Tinapos niya munang nguyain ang kinakain. “Ang hirap kasi pakisamahan ng mga tao sa loob ng bahay na iyan,” reklamo niya at napapaypay ng palad sa sobrang init. “Bakit wala pa po kayong Christmas decorations? November na, ah?” tanong niya. Iyon talaga ang unang napansin ni Maliyah noong unang dating niya pero nawala rin sa kanyang isip dahil sa biglang gulo ang inabutan sa bahay ng dalawang matanda.“Ah, sa labasan mayroon. Dito kasi walang masyad

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 19

    JAKE is supposed to seal Maliyah’s lips just to keep her quiet. She was pushing him to his limits and Jake was a bit concerned about the other people in the house. Maliyah doesn’t care about anything or about anyone else. And Jake feels like kissing her is a bad move. Because right now, Maliyah’s eyes are closed and even if he likes it or not, his lips are moving like it has its own brain and can’t be controlled.The woman smells so delicate that it makes him want to close his eyes and caress her face. Halos isang minuto na silang nasa ganoong sitwasyon. Hindi niya hawak ang parehong kamay ng babae at ang tanging suporta lang ang mayroon siya ay ang dalawang kamay niyang nakatukod sa pader para ma-corner ang babae. Maging ang kanyang puso ay hindi niya maintindihan. Pareho ba sila ng nararamdaman ni Maliyah? Mabilis din ba ang tibok ng puso nito? This kiss feels like n

  • MIDNIGHT KISS   CHAPTER 18

    “SAAN ka pupunta, Ling?” tanong ni Joacquin kay Maliyah matapos maabutan itong hila-hila ang dalawang bagahe. Kakauwi lang niya galing sa bookstore at ito ang kanyang naabutan. Seryoso ang mukha ni Maliyah at halos iwasan na siya. Kung hindi pa gumawa ng paraan si Joacquin na mahawakan at mapigilan ang babae ay malamang na nilampasan na siya nito. “Maliyah…” mahinang tawag niya rito at pilit na sinalubong ang diretsong tanong ng kaibigan. Wala pa siguro ang dalawang matanda kung kaya’t walang ibang pumipigil dito. Tinanggal ng dalaga ang kanyang pagkakahawak sa braso nito. “Pwede ba, Joacquin? Huwag na tayong magpanggap na magkaibigan pa rin. Marami na ang nagbago sa paglipas ng panahon. Salamat pa rin sa naging tulong mo at susuklian ko iyon, huwag kang mag-aalala,” malamig nitong sabi at lumakad na. Hirap na hirap si Maliyah sa mg

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status