“PARANG nabaligtad yata at ako pa ang nanglibre sa `yo?” Iniwasan ni Maliyah ang tanong ni Matt sa kanya at inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. May bukol siya sa ulo at hindi iyon mawala sa kanyang isip. Kapag naaalala niya ang nangyaring pagbagsak sa laundry area ng bahay ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. It was indeed unexpected while she’s learning to press the button in that stupid washing machine. Maliyah never imagined washing her own clothes since maids used to do that for her.
“Bakit ka naka-medyas? Hindi mo ba ramdam ang init? At bakit laging jersey shorts and tshirts ang suot mo? Wala kang ibang damit?” sunod-sunod niyang tanong at nag-scoop ng ice cream ulit. Nang lumabas sila ng ospital ay siya ang nagyaya kay Matt na pumunta sila sa plaza na bandang likuran lang ng bahay ng kanyang lolo’t-lola.
“Ang dami mo namang tanong pero lagi akong nakaganito kasi madalas hindi planado ang paglalaro namin ng basketball. Para ready lang,” paliwanag nito at nakatingin lang sa malayo. Tanghaling tapat kaya naman walang tao sa plaza. Ang seesaw at swing maging ang slide ay walang ni isang bata. Tanging mga sasakyan sa magkabilaang bahagi lang ang naririnig nila. Amoy usok nga lang.
Siya ulit ang tiningnan ng lalaki. “E, ikaw? Bakit lagi kang naka-shorts o leggings at tank top?”
Maliyah calmly looked at Matt. “This is comfy for me. I don’t wear something that doesn’t bring comfort, simple,” aniya at ibinalik ang atensiyon sa ice cream. “Sana kasi chocolate ang kinuha mo, e. Bakit naman vanilla?” reklamo niya sa mahinang boses.
Mahinang natawa ang lalaki ang nag-de-kwatro. “Ako ang bumili kaya ako magde-desisyon at… friends na ba tayo?” tanong nito na ikinalingon niya ulit. “I mean, sinagip kita, tinulungan mo rin ako kanina sa ospital. Though hindi ka nagtatanong, alam ko na iniisip mo rin.”
“No, I am not thinking about it because I don’t care. We all got our own wounds, fresh or old that we don’t wanna let people know and I respect yours.” For the very first time, Maliyah said something about it. “And no, we’re never gonna be friends. You are my confrère,” wika niya at tinapik ito sa balikat. Ganoon na lang din ang pagkunot ng noo ng lalaki.
“Hindi ko na-gets. Ano `yong con—ano iyon?” tanong nito. “Ang hirap naman. Friends na nga lang na mas madaling sabihin, ayaw mo pa.”
“Nagrereklamo ka? I don’t make friends, Matt. I had friends but they’re all gone. If you can’t accept it, so be it. We are just strangers to each other after all.”
“Ipaliwanag mo na lang kasi ang ibig sabihin no`n tsaka ko pag-iisipan kung tatanggapin ko.”
Nailing na lang si Maliyah sa sinabi ng lalaki. Mayamaya ay nagyaya na nga siyang umuwi sila at mas kailangan niya ng pahinga lalo pa at wala nga sila ni isang oras sa ospital dahil nagising siya kaagad. Ipinaliwanag din niya kay Matt ang ibig sabihin ng confrére at umangal nga ito. Alam niya na aangal ito unless naiintindihan ng lalaki ang ibig niyang sabihin.
“Wala nga tayong trabaho, e,” umpisa nito. Umandar na naman tuloy ang pagkamataray ni Maliyah dahil sa narinig. “Huwag mo naman akong tingnan nang ganyan,” saad ng lalaki na bahagyang napaatras at iniharang ang parehong braso sa mukha.
Mahina niyang sinipa ang lalaki sa paa. “Kung wala kang maisip na business, ibig sabihin ako iyon, hindi ba? May plano ako kaya nagpunta ako sa lugar na `to. Don’t ever think of telling my grandparents about this or I’ll make sure to ruin your life, Mister,” aniya habang nakaturo ang daliri rito. “Sasabihin ko sa `yo kung ano iyon sa tamang panahon at babayaran kita ng nararapat, siyempre.”
“Wala ka namang pera,” puna ni Matt.
“Sa ngayon wala pa. Kaya pautangin mo muna ako. Ako pa rin naman ang boss mo basta magtiwala ka lang sa akin. For now, I have no choice since I don’t feel welcome in that house at all. Nahihirapan akong makuha ang loob ng dalawang matanda dahil kay Jake.”
Inakbayan siya ng lalaki na sandali niyang hinayaan. “Simple lang naman kasi ang problema mo, e. Loob ni Jake ang una mong kunin at pagkatapos no`n wala ka ng problema sa dalawang matanda.”
“PAANO ba kasi talaga? Hindi mo naman sinusunod iyong nasa instructions, e,” wika ni Maliyah. Dinala niya si Matt sa bahay-paupahan dahil wala rin siyang kasama at since napag-usapan nila na kukunin niya ang loob ni Jake ay nagdesisyon siyang magpatulong na lang sa pagluluto para naman may magawa siyang tama at lumambot ang puso ng mga tao sa bahay sa kanya.
“Hindi laging kailangan sundin ang procedure. Unahin mo ang— sibuyas kasi dapat ang mauna!” bulalas ni Matt na ikinagulat niya. “Sorry, hindi ka kasi nakikinig.”
Hinigpitan niya ang hawak sa sandok. “Baka nakakalimutan mo na hindi mo ako kaibigan? Boss mo ako kaya hindi tama iyang pagtaas ng boses mo.”
“Sunog na ang bawang,” kalmadong sabi ng lalaki. “Kaya dapat mas nauuna ang sibuyas kasi mas mabilis masunog ang bawang. Hindi ka nakinig.”
Nilingon niya ito. “Pinagsasabihan mo ba ako na parang magulang kita?”
“Ikaw ang may kailangan sa ngayon `di ba? Akala ko ba magpapaturo ka? Kung ayaw mong turuan, pwede naman muna akong umalis tapos tawagan mo na lang ako kapag okay na,” sabi ng lalaki at iniwan na ang hinihiwang manok.
Umiling siya at pinigilan ito sa braso. “Nope! Wala akong load kaya naman sa ngayon, susundin na kita. Ngayon lang, okay? Ano na susunod?”
“Kahit kailan talaga walang kangitit-ngiti iyang mukha mo,” anang lalaki. “Robot ka ba?”
“Adobo ba ako na panay mo pinupuna? Ayusin mo kasi ang pagtuturo!”
“WOW! Tama ba ang nakikita ko ngayon?” gulat na sabi ni Daniel nang makita ang nakahain sa mesa. Nauna nang kumain si Maliyah bago pa dumating ang mga tao sa bahay dahil alam din niyang walang mapag-uusapan sa hapag ang mga ito kapag nandiyan siya.
Maliyah’s not dumb to know what’s happening. These people have been together for years and she suddenly showed up like a long-lost princess. And she understands them if they are having a hard time welcoming her.
“Kumain na ako kaya kayo na ang bahala riyan. Pakilagay na lang ang mga plato sa lababo kapag tapos na kayong kumain at ako na ang maghuhugas,” aniya at tinalikuran ang mga ito. “At saka nga pala, kapag lumabas ng kwarto ang dalawa— I mean, sina Lolo at… Lola pakisabi na naipagtabi ko sila ng pagkain sa ref. Iinitin na lang.”
Walang sumagot sa dalawa at tila ba takang-taka ang mga ito sa kanyang ikinilos. Pagsarado niya ng kanyang pinto ay saka lang niya nagawang bumulong.
“Kapag hindi ko pa nakuha ang loob mo, Mr. Lavender, ewan ko na lang,” aniya at inihagis ang sarili sa kama. “Aray!” daing niya nang maramdaman ang sakit sa kanyang ulo. May maliit nga talaga siyang sugat doon at hindi man lang niya napansin? Gago talaga si Matt! Akala niya wala siyang sugat! Mahina niyang kinapa iyon at baka gasgas lang ang inabot niya.
Nang mag-unat siya ay doon din niya nakita ang maliit na gasgas sa kanyang kaliwang siko. Hindi gaanong mapapansin pero naramdaman niya dahil sa ginawang paghagis ng katawan sa kama. Dapat ba hindi niya ginawa iyon? Hindi na niya kaya ang pagsilbihan ang mga tao sa bahay pero ang isiping kahit shampoo o sabon para sa sarili ay hindi niya mabili, wala siyang ibang choice.
She doesn’t even have any experience working in corporations or anywhere. If Maliyah knew that her money would disappear after her parents died, she could’ve gotten all of it and hid it. And because she did not, now, she needs to do everything just to make things happen according to her plan.
Habang tinitingnan ang sarili at mga maliliit na sugat ay narinig ni Maliyah na inihatid ni Jake ang pagkain ng dalawang matanda. Maririnig sa labas ang mga yabag since gawa sa kahoy ang mga dingding at sahig. Kahit ano`ng gawin ni Maliyah ay hindi niya mapaniwalaan na totoong pamilya ang turing ng lalaki sa dalawang matanda. They are not family and how come he would want to be acquainted with her grandparents knowing they don’t even have the money? Because Jake loves the two oldies? That’s absurd! Who on Earth would still believe in such a thing? He has motives like her and she’s sure of it.
Ipinusod ni Maliyah ang kanyang mahabang buhok at tumungo ng kusina sana para hugasan ang mga plato pero pagtungo niya roon ay wala ng mga hugasin. Kung sino man ang naghugas ng mga iyon ay hindi niya alam.
“It’s time to get a shower, Maliyah,” pagkausap niya sa sarili at nang pabalik na siya sa kanyang kwarto ay saka naman niya nakasalubong ang kanyang lolo.
“L-lo…” aniya at halos iwasan na ng tingin ito. “Bakit po?”
Hinawakan siya nito sa balikat at mahinang pinisil iyon. Naglabas ito ng pera sa bulsa nito at iniabot sa kanya. “Hindi mo na kailangang gawin ang mga iyan para sa pera. Kaya naman kitang bigyan. Pasensya ka na at nakalimutan ko na lumaki kang sagana sa pera at mga materyal na bagay. Hindi ko man lang naisip na mahirap para sa `yo ang mag-adjust sa lugar na `to,” mahabang paliwanag ng matanda at ito mismo ang nagbukas ng kanyang mga palad para ilagay ang pera roon.
“Salamat,” aniya at tiningnan ito sa mga mata nito. Ganoon pa rin ang hitsura lalong-lalo na ang mga mata ng kanyang lolo noong huli niyang nakita ito ilang taon na ang nakakaraan.
“Gawin mo ang mga gusto mo at hindi mo na kailangang magpanggap dahil naiintindihan ko naman. Baka para sa iba mataray ka kasi hindi ka nila naiintindihan—”
“Gabi na po, Lo. Kailangan na ninyong magpahinga,” putol niya sa sinasabi nito at ngumiti rito. Tumango rin ang matanda at tinapik-tapik siya bago iwan. Habang papalayo ang kanyang lolo ay saka lang na-realize ni Maliyah kung gaano katagal ang mga taon na nawala sa kanila dahil hindi na siya binalikan ng mga ito.
“If this is your way to make up for the lost years, I’ll accept it because I need it but I can’t forgive both of you,” bulong niya at isinilid sa bulsa ang pera.
KINAUMAGAHAN ay malalakas na katok ang gumising sa kanya at kahit inis na inis siya ay sinikap niyang pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas.
Si Jake nga ang kanyang napagbuksan. “Bakit?” mataray niyang tanong sabay tingin sa pandesal nito. Naka-shorts lang ang lalaki at tsinelas. Bagong ligo at… mabango. Maliyah finds him attractive and obviously because she’s still a woman. But it will just always be an attraction and nothing more.
Magkasalubong ang mga kilay nito at tiningnan siya. “Did you just forget to cook? Lolo mo pa talaga ang naghanda ng agahan para sa lahat?” Galit na galit ang awra ng lalaki ngayon. At dahil nga wala na siyang kailangan sa lalaki ay may lakas na siya ng loob na tarayan o patulan ito.
Maliyah crossed her arms across her chest. “I don’t have to do it anymore. He already acknowledged me as his granddaughter, gave me money, and told me to do what I want. He’s making up for all the lost years,” confident niyang sabi at mas lalong nainis ang lalaki sa kanyang naging ngiti. “So, please, Mr. Lavender, leave my doorway and let me sleep more. Hindi ko na kailangan ang pera mo. Get lost.”
Malakas niyang isinara ang pinto sa mismong mukha ni Jake na ngayon ay galit na galit. He looked different the first time she saw him that night. Noong mismong gabing iyon ay kalmado ito at parang ilang segundo lang ay magiging kaibigan mo na. Ngunit nang sabihin niyang kailangan niya ng matutulugan ay biglang nag-iba ang naging reaksyon nito. Wala naman siguro itong bipolar disorder? Narinig pa nga niya ang pakikipagtawanan ng lalaki noong umagang nagising siya. Masasagot kaya ni Daniel ang kanyang mga tanong? Ito ang matagal na nakasama ni Jake sa loob ng bahay kasama ang dalawang matanda. She knew she couldn’t get anything from her grandpa.
SIMULA nang sunod-sunod na bigyan ng pera ng kanyang lolo si Maliyah ay iyon din mismo ang nagtulak sa kanya na bilhin ang mga gusto. She never tried to help in the house and she feels like everything's coming back to its proper places.Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jake ay tinatarayan lang niya ito o `di kaya ay umiiwas na ito sa kanya. And it doesn't matter to her. Maliyah used to have friends when she's younger but they all left her after knowing what happened to her family.Maging ang kanyang lolo't-lola ay hindi nagpakita noong namatay ang kanyang mga magulang. It was only her.Totoong nakakatanggap siya ng pera mula sa kanyang lolo pero hindi niya ramdam na tanggap siya sa buong bahay. Hindi rin niya masisisi ang mga ito at okay lang sa kanya since ang plano niya ay hindi makipagkaibigan
MALIYAH’S morning is just the same for almost two weeks. Gigising na luto na lahat, kakain na lang siya at wala na halos lahat sa loob ng bahay. If Joacquin is here, he could bring her to his bookshop and stay there the whole time. Hindi rin bumalik si Alden at hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo ang lalaking iyon.Hindi siya masyadong makagalaw sa bahay na `to lalo na at hindi na rin ganoon kalaki ang binibigay ng kanyang lolo dahil kay Jake. Nakialam na naman ito sa pamilya nila at sana ay unti-unti na niyang nagagawa ang kanyang mga plano. She considered Matt’s idea to tame Jake but she can’t. Kailanman ay wala sa plano niya na magpakumbaba sa iba para lang makuha ang kanyang mga gusto.She ignored the idea, and now it seems like Matt is nowhere to be found. Hindi na ito nagpapakita sa karinderya ni Aling Mila kaya wa
“JAKE, do you like Maliyah?” diretsong tanong ni Rezel kay Jake na dahilan para maibuga ni Maliyah ang lemonade na iniinom. Matapos nilang kumain ay kanya-kanya silang linis ng mga katawan at nagdesisyon na magtipon-tipon sa sala.“I don’t hate her,” simpleng sagot ni Jake at inubo siya nang mahina.Tiningnan niya si Jake na mismong sa harapan lang niya nakaupo. “You do,” aniya.Umiling ang lalaki. “Nagalit ako sa `yo noon, oo. Ang insensitive mo, mataray ka na para bang ipinanganak kang may galit sa mundo at… prinsesa ka. No one wants a princess in their lives, Maliyah. People want someone who can understand and help them,” paliwanag nito.“So, you like her?” tanong ni
“Huwag ka nang babalik doon,” anang lalaki sabay bitaw sa kanyang kamay. Nandoon na sila mismo sa sakayan at pinarahan siya nito ng jeep na dumaan mismo sa kanilang harapan. Yumuko si Matt para makita ang driver sa loob. May sinabi ito na hindi niya maintindihan kaya naman ganoon na lang ang pagkunot ng noo ni Maliyah. Hindi kaya ipahatid siya nito sa delikadong lugar? Hindi rin dahil marami ang sakay ng maliit na jeep. “Ang liit naman ng jeep ninyo,” wika niya at mataray na tiningnan ang lalaki na halata pa rin ang galit sa mukha. “Anyway pautang ako ng pamasahe at wala na akong pera.” Agad na kumuha ng barya sa bulsa ang lalaki at inilagay sa kanyang palad. “Seven pesos? Ito lang?” Napakam
PALABAS na ng convenience store si Matt nang makita sa peripheral vision niya si Maliyah sa kabilang parte ng kalsada at tinitingnan siya. As usual, naka-leggings at t-shirt na naman ang babae. Pakiramdam niya ay siya ang hindi kuportable sa suot nito. But still, it’s better than wearing shorts.“Bakit kaya siya nakatingin ng ganyan?” bulong niya at nakatigilid mula rito para kunwari ay hindi niya ito nakita at medyo madilim ang parteng iyon ng kalye. “Malamang minumura na ako niyan sa isip niya,” aniya at bumuntung hininga saka tinungga ang biniling energy drink. Gabi na hindi pa rin siya makatulog. May maliit na mesa at upuang magkakaharap sa labas ng convenience store. Maliban sa ibang bagay ay hindi rin mawala sa isip niya ang naging reaksyon ni Maliyah kaninang umaga nang halos ipagtabuyan niya ito sa harap ng maraming tao.
“IKAW nga ay umamin na, Jake. Hindi ko talaga maatim na hindi marinig mula sa `yo ang totoo,” kuryosong sabi ni Daniel habang nakaupo silang tatlo sa sala ng bahay. May trabaho si Joacquin at isinama si Rezel sa bookshop nito. Si Maliyah naman ay tumambay sa baba. Hindi sumama si Daniel sa dalawang matanda at sila ni Alden ay nagdesisyong isara muna ang restaurant at pareho silang pagod. Due to personal reasons ang nilagay nila sa karatula sa labas na nakadikit sa glass wall ng restaurant.Napakunot-noo si Jake sa naging pahayag ni Daniel. “Ano na naman ba?” walang gana niyang tanong dahil malamang sa malamang na walang kwenta rin ang kasunod niyon.“Na gusto mo si Maliyah. Sorry, Alden, ah?” baling nito sa katabing si Alden na parang pakialam at panay selfie lang din. “Alam kong gusto mo rin s
Gabi na nang umuwi si Maliyah sa bahay ng dalawang matanda. Pagdating niya roon ay walang ingay. Walang tao sa sala maliban kay Rezel na may ginagawa sa laptop nito. Nang magkasalubong ang kanilang mga paningin ay magandang ngiti ang ibinigay nito sa kanya pero dahil wala siya sa mood ay tango ang tanging sagot niya rito.“Saan ka galing? Hindi lumalabas ang mga lalaki sa kwarto nila, e. Pagdating namin ni Joacquin, walang tao rito,” wika nito.“Diyan lang. Buryo na ako rito sa bahay kasi kaya naisip ko na maglibot-libot,” paliwanag niya at nang magsimula na siyang maglakad ay nagsalita ulit si Rezel.“E, sino iyong Matt? May usap-usapan na inaagaw mo raw itong Matt sa nobya nito?”Napakunot-noo siya. “Ano? Sino
MATAGAL na pinag-isipan ni Maliyah ang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Natatakot siya pero mas nangingibabaw ang hangarin niyang mahanap ang taong ang tagal niyang pinagplanuhan. She has always imagined herself meeting that person. And now, it will only take a risk and all of her plans will fall apart.Ngayon nga ay nakatingin siya sa labas ng kanyang bintana. Maaga pa at hindi talaga siya nakatulog. The number never called again or even answered her call.Pabalik-balik siyang naglakad sa kanyang kwarto at kagat ang mga kuko sa kanyang daliri. She really can’t focus right now.“Bahala na,” aniya at mabilis na lumabas ng kanyang kwarto. Alas-siyete na ng umaga at malamang ay wala ng tao rito maliban sa kanya. Pagkalabas niya ng sariling kwarto ay tumayo siya sa m
ILANG oras nang gising si Maliyah pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang kwarto. Nandoon pa kasi ang dalawang matanda. Alam niyang alam ng mga ito na bumalik siya. Imposibleng hindi sa lakas ba naman ng boses ni Daniel at Alden. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung papaano pakikitunguhan ang mga nandoon. Naisip nga niya na huwag na lang pansinin ang mga ito at bumalik sa dati niyang ugali na tila ba walang pakialam sa mundo since ganoon naman ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya una pa lang. She lived in that house for a month and showed her true self. They said something bad but it didn’t matter to her… at all. Kung aakto siya na parang dati, parang wala rin namang masama roon. Hindi siguro mamasamain ng mga ito iyon. Mabilis siyang bumangon mula sa kanya
NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa.“At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay&mda
“ANO`NG pumasok sa isip mo at umalis ka nang hindi nagpapaalam? Alam mo ba na grabeng pag-aalala ang naramdaman ko nang malaman kong umalis ka nang hindi ko alam?!” Napapikit na lamang ng mga mata si Maliyah matapos matanggap ang mga salitang iyon mula kay Joacquin. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng isa dahil nga ito ang pinakamalapit sa kanya.Nakita siya ni Joacquin na pumasok ng mall. Nandoon pala mismo sa loob ang bookstore nito. Pero imbes na doon siya dalhin ay sa isang kainan siya dinala ng lalaki. She has her bag with her and his stares are kind of scaring her. Ito ang kauna-unahang beses na nagalit si Joacquin sa kanya. He has been so gentle eversince and even the people in their place kept on saying that he will grow up as a fine young man. And they are right. Joacquin is more than that. His wife will be very lucky to have him as a husband.
“WHERE the hell are you going?” Nagulat si Maliyah nang biglang may humabol sa kanya pababa ng hagdan. It was Jake. He looked pissed and she doesn’t know why. Siguro dahil iniisip nitong responsibilidad siya ng mga tao sa bahay na iyon kapag may nangyari sa kanya.It’s three in the morning and she wasn’t able to fall asleep thinking how to leave with a bit of money. And Maliyah decided to leave at exactly three without knowing why. With the money she is having, it cannot even make her survive for a week. Hinayaan lang niyang sumunod si Jake sa kanya hanggang sa baba ng hagdan na alam niyang nagdadalawang-isip kung tutulungan ba siya sa kanyang mga bitbit o hindi na.Maliyah feels something weird about Jake since the kiss happened. She often sees him glancing at her or trying to reach out every time they meet hal
“COME again, Ma’am!” sigaw ni Matt habang papalabas siya ng convenience store. Bakit biglang naisipan nito na magtrabaho? Ang pagkakaalam niya ay tambay si Matt. Iyon lang ang ang nasa isip niya dahil madalas niyang makita ang lalaki na puro padaan-daan lang at maglalaro ng basketball.Pagdating sa labas ay agad na binuksan ni Maliyah ang isang canned beer at ininom. At malamang na sinikap niyang makatawid habang wala pang masyadong napapadaan. Kung sana ganito ang kalsada sa kanila noon, baka mas madalas siyang pabalik-balik sa paglalakad. Ni hindi nga niya makita ang mga makasalubong sa kalsada dahil sa traffic o sa dami ng sasakyang dumadaan at nagpapaunahan pa.One thing she regrets not bringing is her earphones. Drinking beer while walking in a silent road at night and listening to some music sounds so perfect. N
KINAHAPUNAN ay maagang umuwi ang kanyang lolo’t-lola. Alas-singko pa lang ay nandoon na ang mga ito maging sina Daniel at Alden. Naririnig ni Maliyah ang boses ng mga ito mula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya ay nagtitipon-tipon ang lahat sa sala at si Rezel ay nandoon din na nakikipagtawanan. Dahan-dahang inilapat niya ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ito pero hindi niya marinig ang boses ni Jake.Masakit na masakit na ang kanyang ulo pero ayaw siyang dalawin ng antok. Si Jake ang kanyang nakikita sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. He’s been in her mind for almost a day and it’s making her crazy! How can someone stay in a person’s mind this long?“Maliyah…” Muntik na niyang mabunggo ang mga gamit na nakasabit sa gilid ng pintuan nang marinig ang mahinang tawag n
“ANO`NG nangyari sa `yo at ngayon ka lang nagpakita?” Napailing si Maliyah sa naging tanong ni Aling Mila. Nang makaalis lahat sa bahay ay saka siya nagdesisyon na lumabas at tumambay na naman sa baba. Si Rezel? Hindi nga niya nakita kahit pa hindi siya lumalabas ng bahay. Kung magtatanong siya sa iba ay malamang sasabihin ng mga ito na sinira niya ang kanyang kasulatan.Tinapos niya munang nguyain ang kinakain. “Ang hirap kasi pakisamahan ng mga tao sa loob ng bahay na iyan,” reklamo niya at napapaypay ng palad sa sobrang init. “Bakit wala pa po kayong Christmas decorations? November na, ah?” tanong niya. Iyon talaga ang unang napansin ni Maliyah noong unang dating niya pero nawala rin sa kanyang isip dahil sa biglang gulo ang inabutan sa bahay ng dalawang matanda.“Ah, sa labasan mayroon. Dito kasi walang masyad
JAKE is supposed to seal Maliyah’s lips just to keep her quiet. She was pushing him to his limits and Jake was a bit concerned about the other people in the house. Maliyah doesn’t care about anything or about anyone else. And Jake feels like kissing her is a bad move. Because right now, Maliyah’s eyes are closed and even if he likes it or not, his lips are moving like it has its own brain and can’t be controlled.The woman smells so delicate that it makes him want to close his eyes and caress her face. Halos isang minuto na silang nasa ganoong sitwasyon. Hindi niya hawak ang parehong kamay ng babae at ang tanging suporta lang ang mayroon siya ay ang dalawang kamay niyang nakatukod sa pader para ma-corner ang babae. Maging ang kanyang puso ay hindi niya maintindihan. Pareho ba sila ng nararamdaman ni Maliyah? Mabilis din ba ang tibok ng puso nito? This kiss feels like n
“SAAN ka pupunta, Ling?” tanong ni Joacquin kay Maliyah matapos maabutan itong hila-hila ang dalawang bagahe. Kakauwi lang niya galing sa bookstore at ito ang kanyang naabutan. Seryoso ang mukha ni Maliyah at halos iwasan na siya. Kung hindi pa gumawa ng paraan si Joacquin na mahawakan at mapigilan ang babae ay malamang na nilampasan na siya nito. “Maliyah…” mahinang tawag niya rito at pilit na sinalubong ang diretsong tanong ng kaibigan. Wala pa siguro ang dalawang matanda kung kaya’t walang ibang pumipigil dito. Tinanggal ng dalaga ang kanyang pagkakahawak sa braso nito. “Pwede ba, Joacquin? Huwag na tayong magpanggap na magkaibigan pa rin. Marami na ang nagbago sa paglipas ng panahon. Salamat pa rin sa naging tulong mo at susuklian ko iyon, huwag kang mag-aalala,” malamig nitong sabi at lumakad na. Hirap na hirap si Maliyah sa mg