“INTINDIHIN mo na lang, Matt at bruha nga talaga iyan,” wika ni Aling Mila nang makitang hindi pa rin siya nilalabas ni Maliyah. Kani-kanina lang niya nalaman na Maliyah pala ang pangalan nito at talaga namang maganda katulad nito. Pero kung ibig sabihin ng pangalan nito ang pagbabasehan ay talagang bagay rito na parang laging galit sa mundo.
Tinawid niya ang kalsada pabalik sa karinderya kung saan siya madalas tumambay at sobrang init. Ang tigas ng puso ng babaeng ito para tiisin siya na hindi labasin sa ganito kainit na panahon. Imposibleng natutulog ito na ang sabi ni Aling Mila ay kakarinig lang niya ng tili nito.
“Hindi kaya…” Ilang hakbang na lang ay aabot na siya sa karinderya pero pinili niyang bumalik sa loob. Mas mabuti nang makasiguro kung talaga bang okay lang ito o hindi.
“Saan ka pupunta? G*go! Trespassing ka!” sigaw ni Aling Mila nang wala anu-ano`y inakyat niya ang bakal na gate ng matandang mag-asawa. “Matt!” ulit ni Aling Mila.
Tila wala siyang narinig sa naging sigaw nito. Imposibleng walang pakialam ang babae sa cellphone nito na ang sosyal ng dating at kung tutuusin ay halos ayaw magpahawak o makipag-usap sa iba. Ang tanga niya para isiping wala itong pakialam at hinayaan siya sa labas na mainitan.
Ilang segundo lang ay tinatahak na ni Matt ang hagdan paakyat ng bahay at ang tanging naabutan niya sa itaas ay ang tahimik na bahay. Sofa at maliit na mesa sa ginta. May malaking salamin sa kaliwang bahagi ng sala na malamang ay doon nag-aayos ang mga tao sa loob ng bahay. Ito ang unang beses na nakaakyat siya sa bahay na `to kahit pa matagal na siya sa lugar. Malinis nga ito lalo pa at sobrang kintab ng sahig na gawa sa kahoy at ang puting pintura ng kabuuan ng lugar.
Sinubukan ni Matt na mangupahan sa bahay na ito pero wala nang kwarto na available kung kaya’t sa bahay-paupahan siya ni Aling Mila tumungo. Mabait ang ginang na mag-isa na rin sa buhay dahil namatay ang asawa at nag-iisang binatang anak nito ilang taon na ang nakakaraan.
“Maliyah!” sigaw ni Matt sa gitna ng sala. His voice echoed in the whole place but no one answered him. Gawa lang sa kahoy ang buong bahay na kahit sabihing makapal iyon ay hindi sapat para hindi siya marinig. Dalawang hakbang ay may hallway sa kanan at may hallway sa kaliwa kung saan naroroon ang mga kwarto. But upon looking at both hallways, there are no slippers outside the rooms and that means, there are no people inside of those.
“Nasaan kaya iyon?” Inisip niya na baka nasa banyo ito kaya naman inuna niyang puntahan ang kanang hallway, hanggang sa dulo ay tatlong malalaking banyo ang naabutan niya at sampayan. Lakad-takbo niyang tinungo ang kaliwang hallway at nakitang ganoon din ang sitwasyon doon pero mas una niyang nakita ang malapad na kusina. Sa kanan noon ay may tatlong banyo rin at labahan…
“Maliyah!” sigaw niya nang makitang nakahandusay ito sa madulas na sahig palabas ng sala. Nasa labahan pala ang babae at narinig niya ang impit na hikbi nito. Nakapikit ang mga mata ng babae kaya mas lalong nakaramdam ng kaba si Matt.
“Ano`ng nangyari sa `yo?” nag-aalalang tanong niya at unang iniangat ang ulo ni Maliyah. Tiningnan niya kung may dugo ba na kailangang agapan pero wala. Doon lang siya tuluyang nakahinga na kanina pa pala siya nagpipigil. Matt just doesn’t understand why he is feeling this way when he doesn’t even know her aside from her name. She’s a witch for people and yet, here he is helping and saving her life for Pete’s sake.
“Halika, kailangan kitang dalhin sa ospital. Five minutes lang mula rito.” Dahan-dahan niyang binuhat ang babae at sinikap na dalhin sa pinakamalapit na ospital.
MATT looked at the woman’s face carefully and smiled. She’s indeed gorgeous and even looks like an angel when her eyes are closed. How can she be so blunt and mean when her eyes are open? If she’s a fallen angel, would it be possible for him to like her? He’s used to the demure type of women here in Iloilo.
Maliyah has these natural thick eyebrows that women want. If talking about a pleasant face, this woman is really blessed, and apart from that, her full lips and pointed nose makes her more attractive. Kung tutuusin, wala ka ng maipipintas sa babaeng ito. Kung perfection ang pag-uusapan, she got everything!
Her family is wealthy based on what he heard, she’s pretty, and… that’s it. Wala nga talagang perperkto sa mundo kahit ano`ng pilitin ng isang tao.
Muntik na siyang bumaliktad sa inuupuang plastic chair. Nagbukas kasi ng mga mata bigla ang babae. “Why the hell did you bring me here?” mataray na tanong ng babae sa kanya. Gising na pala ito at hindi man lang niya namalayan. He was too busy looking at her peaceful face.
“Excuse me? Kinakausap kita,” istorbo ng babae sa kanyang iniisip. “Nagkabukol lang ako at wala akong pambayad sa ospital—”
“Ako na ang magbabayad. Hindi naman masyadong mahal iyan,” aniya. Saka lang ito tumahimik.
Sandaling tumingin sa kisame ang babae, may bandage ito sa ulo since malaki nga ang naging bukol nito. Buti na lang din at hindi dumugo ang ulo nito na malamang ay hindi ganoon kalakas ang impact.
“Babayaran na lang kita kapag nagkapera na ako. Bukas mababayaran na ako ni Jake,” saad ng babae na ang tinutukoy ay ang anak-anakan ng matandang mag-asawa. “Bakit kasi ang hirap buksan ng washing machine, hindi ako marunong.”
Kumunot-noo siya at tiningnan ang babae. “Hindi ka marunong mag-on ng washing machine?” tanong niya. Mayaman nga naman talaga ang pamilya ng babae pero kahit kailan ba ay hindi ito naglaba ng sariling damit? At bakit ito tila nagiging katulong sa bahay ng dalawang matanda?
Mahinang hinampas ng babae ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng kama. “Alam ko na ang laman ng isip mo at oo. Kahit kailan ay hindi pa ako gumagamit ng washing machine dahil hindi ko kailangan iyon. May pera ang mga magulang ko at kahit kailan ay hindi ko kailangang magtrabaho.”
“Naka-graduate ka ba ng college?” Ayan na naman ang mataray na mukha ng babae at mabilis itong bumangon na para bang kanina ay hindi ito naiiyak nang abutan niya. “I mean, kadalasan ng mayayaman ay walang pakialam sa trabaho kasi nga may pera ang mga ito.”
“Hindi ako naka-graduate, oo na. Busy ako sa ibang bagay.”
“Tulad ng?”
At dahil nga mataray ang babae ay malamang na hindi siya nito sasagutin sa mga katanungan niya. Prenteng umupo na lang si Matt sa plastic chair na nasa kanang bahagi ng hospital bed. At ngayon lang napansin ni Matt na iilang single beds pala ang nasa linya nila at maging sa mga katapat pero halos walang mga tao roon.
Ayaw ni Matt ang amoy ng ospital lalo na sa mga public dahil ibang-iba ang amoy nito kaysa sa private hospitals. Public hospital ang mas malapit sa lugar nila dahil nataranta na rin siya at naisip niyang mabuti na maagapan muna. This hospital doesn’t look clean but not too dirty, too. Paints are ripped and it’s so obvious that the place is too old because it looks more yellow than white.
Maging ang ilaw ay hindi maayos dahil sa ilang parte ng ward na iyon, may mga ilaw na hindi gumagana at kaya madilim doon lalo na sa kama kung nasaan si Maliyah. Iniisip niya kung paano nagagawa ng mga nurses nang maayos ang kanilang mga trabaho lalo na sa pagtutusok ng karayom kung ganoon kadilim ang lugar. It isn’t actually good for a person’s well-being but people with nothing would definitely still grab the chance to be in this place rather than try to step into private hospitals.
Kaninang pumasok sila ng ospital ay halos hindi sila mapansin ng mga nurses at doktor dahil andaming pasyente lalo na sa emergency room. May nadaanan pa silang namatay na kararating lang doon.
“Hindi pa ba tayo aalis? Ayoko ng amoy rito,” reklamo ng babae. Wala itong dextrose since nawalan lang ito ng malay dahil sa pagkakabagok ng ulo nito. “Halika na at magbayad ka ng bills ko.”
“Wala ka bang PhilHealth?” tanong niya sa babae na blangkong tingin ang ipinukol sa kanya.
“Wala akong alam sa phil-phil na sinasabi mo. Wala ako niyan kasi ang alam ko para sa mga mahihirap iyan.”
Napakamot siya ng kanyang ulo. “May ganyan nga lolo ko, e,” aniya at sinundan ang babae na unti-unting tinatanggal ang bandage sa ulo.
Nilingon siya nito at inihampas sa kanya ang bandage. “Why the hell did they put this on me? Wala akong sugat! Nakakainis, ah?” Siya na ang nahiya sa sinabi ng babae dahil tiningnan sila ng mga nandoon na kararating lang sa ward. Sana man lang ay hindi muna ito magtaray sa harap ng maraming tao. Magpapaliwanag pa sana siya pero huli na dahil may kailangang dumaan.
“Dito ka.” Mabilis niyang hinila ang babae dahilan para mapayakap ito sa kanya. May stretcher na dadaan sana at kung hindi niya hinila si Maliyah ay malamang na nabangga ito. She’s a careless witch indeed. Sunod-sunod na nagsidatingan ang mga stretchers at mukhang may aksidente na nangyari ang ilan sa kanila ay may mga paso sa katawan. Huli na nang ma-realize ni Matt na sobrang higpit ng kanyang yakap sa babae na naamoy niya ang buhok at perfume nito. She even smells great. Can he just hug her for a long time? Is he even allowed to do that? Baka masapak siya nang wala sa oras.
“You like hugging me that much?” saad ng babae habang nandoon pa rin ang mukha sa kanyang dibdib. “I like your scent. You almost smell like Jake-- f*ck!” bulalas nito na agad niyang tinakpan ang bibig. Masasamang tingin ang ipinukol sa kanila ng mga taga ward sa kanila.
Inilayo niya nang dahan-dahan ang babae. “Lumabas na tayo rito at pinagtitinginan tayo ng mga tao. Saka mo na isipin iyang bukol mo kapag nasa bahay ka na ninyo,” aniya at hinila ito palabas ng ward area.
When they reach outside the hospital, all they can hear are screams of patients covered with burns. Nagkalat ang mga ito sa hallway ng ospital at ang iilan ay bumbero na nasa stretcher. Halos aabot sa kinseng mga katao ang isinugod at natulala lang sa gilid si Matt. Pamilyar ang ganitong eksena sa kanya na halos hindi niya maikhakbang ang kanyang mga paa paalis sa lugar. Kung saan man siya nakatingin ay hindi niya alam.
He can even hear volunteers talking on their walkie-talkies and people murmuring around the area. Matt wonders how he can’t hear the shouts and screams of the doctors and nurses.
Nakikita niyang sumisigaw sa mismong harap nila ang iilang nurses at doctors pero wala siyang naririnig. Hindi niya marinig ang mga ito. He smells antiseptic and blood all over the place mixed with perfumes that almost made him vomit.
Mayamaya ay naramdaman niya ang dalawang mainit na kamay sa kanyang magkabilang tainga. And there, he heard his own heart beating faster. When Matt lowered her head, he saw Maliyah’s calm face, her eyes are just looking straight right through him.
“Are you okay now?”
Nakakarinig na siya. Naririnig niya ang boses ni Maliyah na klaro. She doesn’t sound angry or what and he likes the feeling of her palm on his ears. Matt suddenly feels safe because of her and now, she’s something that matters. Habang titig na titig siya sa mukha ni Maliyah ay naramdaman niya ang dahan-dahang paghila nito sa kanya paalis sa lugar na iyon. Pilit nitong iniwasan ang mga nakaksalubong nila at maging siya ay iniiwas nito para hindi mabangga.
Maliyah did her best to get Matt out of the scene. Nagtaka siya sa inakto nito nang makita ang mga pasyenteng biktima ng sunog. She saw him with horror in his eyes, he even grabbed her tightly like he’s scared. She knew what it was and did her best to calm him. He saved her when he barely knew her. For some reason, he’s the first person who saved her from something, and so Maliyah thought it’s a good thing to pay for a good deed that she received from the same person.
“You’ll be fine,” aniya at hawak-hawak ang kamay ng lalaki paalis ng ospital. Nang makalabas sila ay saka lang niya naalalang hindi pa sila nagbabayad ng bill kung kaya’t siya na ang nag-prisintang magbayad at iniwan na lamang sa labas si Matt.
“PARANG nabaligtad yata at ako pa ang nanglibre sa `yo?” Iniwasan ni Maliyah ang tanong ni Matt sa kanya at inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. May bukol siya sa ulo at hindi iyon mawala sa kanyang isip. Kapag naaalala niya ang nangyaring pagbagsak sa laundry area ng bahay ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. It was indeed unexpected while she’s learning to press the button in that stupid washing machine. Maliyah never imagined washing her own clothes since maids used to do that for her.“Bakit ka naka-medyas? Hindi mo ba ramdam ang init? At bakit laging jersey shorts and tshirts ang suot mo? Wala kang ibang damit?” sunod-sunod niyang tanong at nag-scoop ng ice cream ulit. Nang lumabas sila ng ospital ay siya ang nagyaya kay Matt na pumunta sila sa plaza na bandang likuran lang ng bahay ng kanyang lolo’t-lola.
SIMULA nang sunod-sunod na bigyan ng pera ng kanyang lolo si Maliyah ay iyon din mismo ang nagtulak sa kanya na bilhin ang mga gusto. She never tried to help in the house and she feels like everything's coming back to its proper places.Sa tuwing magkakasalubong sila ni Jake ay tinatarayan lang niya ito o `di kaya ay umiiwas na ito sa kanya. And it doesn't matter to her. Maliyah used to have friends when she's younger but they all left her after knowing what happened to her family.Maging ang kanyang lolo't-lola ay hindi nagpakita noong namatay ang kanyang mga magulang. It was only her.Totoong nakakatanggap siya ng pera mula sa kanyang lolo pero hindi niya ramdam na tanggap siya sa buong bahay. Hindi rin niya masisisi ang mga ito at okay lang sa kanya since ang plano niya ay hindi makipagkaibigan
MALIYAH’S morning is just the same for almost two weeks. Gigising na luto na lahat, kakain na lang siya at wala na halos lahat sa loob ng bahay. If Joacquin is here, he could bring her to his bookshop and stay there the whole time. Hindi rin bumalik si Alden at hindi niya alam kung saang lupalop na ng mundo ang lalaking iyon.Hindi siya masyadong makagalaw sa bahay na `to lalo na at hindi na rin ganoon kalaki ang binibigay ng kanyang lolo dahil kay Jake. Nakialam na naman ito sa pamilya nila at sana ay unti-unti na niyang nagagawa ang kanyang mga plano. She considered Matt’s idea to tame Jake but she can’t. Kailanman ay wala sa plano niya na magpakumbaba sa iba para lang makuha ang kanyang mga gusto.She ignored the idea, and now it seems like Matt is nowhere to be found. Hindi na ito nagpapakita sa karinderya ni Aling Mila kaya wa
“JAKE, do you like Maliyah?” diretsong tanong ni Rezel kay Jake na dahilan para maibuga ni Maliyah ang lemonade na iniinom. Matapos nilang kumain ay kanya-kanya silang linis ng mga katawan at nagdesisyon na magtipon-tipon sa sala.“I don’t hate her,” simpleng sagot ni Jake at inubo siya nang mahina.Tiningnan niya si Jake na mismong sa harapan lang niya nakaupo. “You do,” aniya.Umiling ang lalaki. “Nagalit ako sa `yo noon, oo. Ang insensitive mo, mataray ka na para bang ipinanganak kang may galit sa mundo at… prinsesa ka. No one wants a princess in their lives, Maliyah. People want someone who can understand and help them,” paliwanag nito.“So, you like her?” tanong ni
“Huwag ka nang babalik doon,” anang lalaki sabay bitaw sa kanyang kamay. Nandoon na sila mismo sa sakayan at pinarahan siya nito ng jeep na dumaan mismo sa kanilang harapan. Yumuko si Matt para makita ang driver sa loob. May sinabi ito na hindi niya maintindihan kaya naman ganoon na lang ang pagkunot ng noo ni Maliyah. Hindi kaya ipahatid siya nito sa delikadong lugar? Hindi rin dahil marami ang sakay ng maliit na jeep. “Ang liit naman ng jeep ninyo,” wika niya at mataray na tiningnan ang lalaki na halata pa rin ang galit sa mukha. “Anyway pautang ako ng pamasahe at wala na akong pera.” Agad na kumuha ng barya sa bulsa ang lalaki at inilagay sa kanyang palad. “Seven pesos? Ito lang?” Napakam
PALABAS na ng convenience store si Matt nang makita sa peripheral vision niya si Maliyah sa kabilang parte ng kalsada at tinitingnan siya. As usual, naka-leggings at t-shirt na naman ang babae. Pakiramdam niya ay siya ang hindi kuportable sa suot nito. But still, it’s better than wearing shorts.“Bakit kaya siya nakatingin ng ganyan?” bulong niya at nakatigilid mula rito para kunwari ay hindi niya ito nakita at medyo madilim ang parteng iyon ng kalye. “Malamang minumura na ako niyan sa isip niya,” aniya at bumuntung hininga saka tinungga ang biniling energy drink. Gabi na hindi pa rin siya makatulog. May maliit na mesa at upuang magkakaharap sa labas ng convenience store. Maliban sa ibang bagay ay hindi rin mawala sa isip niya ang naging reaksyon ni Maliyah kaninang umaga nang halos ipagtabuyan niya ito sa harap ng maraming tao.
“IKAW nga ay umamin na, Jake. Hindi ko talaga maatim na hindi marinig mula sa `yo ang totoo,” kuryosong sabi ni Daniel habang nakaupo silang tatlo sa sala ng bahay. May trabaho si Joacquin at isinama si Rezel sa bookshop nito. Si Maliyah naman ay tumambay sa baba. Hindi sumama si Daniel sa dalawang matanda at sila ni Alden ay nagdesisyong isara muna ang restaurant at pareho silang pagod. Due to personal reasons ang nilagay nila sa karatula sa labas na nakadikit sa glass wall ng restaurant.Napakunot-noo si Jake sa naging pahayag ni Daniel. “Ano na naman ba?” walang gana niyang tanong dahil malamang sa malamang na walang kwenta rin ang kasunod niyon.“Na gusto mo si Maliyah. Sorry, Alden, ah?” baling nito sa katabing si Alden na parang pakialam at panay selfie lang din. “Alam kong gusto mo rin s
Gabi na nang umuwi si Maliyah sa bahay ng dalawang matanda. Pagdating niya roon ay walang ingay. Walang tao sa sala maliban kay Rezel na may ginagawa sa laptop nito. Nang magkasalubong ang kanilang mga paningin ay magandang ngiti ang ibinigay nito sa kanya pero dahil wala siya sa mood ay tango ang tanging sagot niya rito.“Saan ka galing? Hindi lumalabas ang mga lalaki sa kwarto nila, e. Pagdating namin ni Joacquin, walang tao rito,” wika nito.“Diyan lang. Buryo na ako rito sa bahay kasi kaya naisip ko na maglibot-libot,” paliwanag niya at nang magsimula na siyang maglakad ay nagsalita ulit si Rezel.“E, sino iyong Matt? May usap-usapan na inaagaw mo raw itong Matt sa nobya nito?”Napakunot-noo siya. “Ano? Sino
ILANG oras nang gising si Maliyah pero hindi niya magawang lumabas ng kanyang kwarto. Nandoon pa kasi ang dalawang matanda. Alam niyang alam ng mga ito na bumalik siya. Imposibleng hindi sa lakas ba naman ng boses ni Daniel at Alden. Halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung papaano pakikitunguhan ang mga nandoon. Naisip nga niya na huwag na lang pansinin ang mga ito at bumalik sa dati niyang ugali na tila ba walang pakialam sa mundo since ganoon naman ang pagkakakilala ng mga ito sa kanya una pa lang. She lived in that house for a month and showed her true self. They said something bad but it didn’t matter to her… at all. Kung aakto siya na parang dati, parang wala rin namang masama roon. Hindi siguro mamasamain ng mga ito iyon. Mabilis siyang bumangon mula sa kanya
NAPATINGIN si Maliyah sa nagsalitang si Jake nang sabihin nitong maaari na siyang bumalik. Tila nag-iba yata ang ihip ng hangin sa pagitan nilang dalawa. Bakit naman nito gugustuhin na bumalik siya sa bahay kung saan sila unang nagkita at naging magkaaway? Kung sana ay nakita niya si Matt, mas makakatulong pa ito sa kanya. Kaya lang ay mukhang hindi na sila magkaibigan pa.“At ano`ng mapapala ko kung sakaling bumalik ako sa bahay na iyon?” tanong niya ng seryoso rito. Kahit pa sabihing wala na si Rezel sa bahay, parang ayaw niya na rin. Mismong ang matanda na ang nagsabing dapat siyang umalis. Hindi ba’t parang ang kapal naman ng mukha niyang bumalik pa kung sakali? Okay sana kung siya ang nag-inarte na umalis na lang basta.“Hindi ka na namin guguluhin. Walang kakausap sa iyo, pwede mong gawin ang mga gusto mo kahit na maingay&mda
“ANO`NG pumasok sa isip mo at umalis ka nang hindi nagpapaalam? Alam mo ba na grabeng pag-aalala ang naramdaman ko nang malaman kong umalis ka nang hindi ko alam?!” Napapikit na lamang ng mga mata si Maliyah matapos matanggap ang mga salitang iyon mula kay Joacquin. Alam niyang ganito ang magiging reaksyon ng isa dahil nga ito ang pinakamalapit sa kanya.Nakita siya ni Joacquin na pumasok ng mall. Nandoon pala mismo sa loob ang bookstore nito. Pero imbes na doon siya dalhin ay sa isang kainan siya dinala ng lalaki. She has her bag with her and his stares are kind of scaring her. Ito ang kauna-unahang beses na nagalit si Joacquin sa kanya. He has been so gentle eversince and even the people in their place kept on saying that he will grow up as a fine young man. And they are right. Joacquin is more than that. His wife will be very lucky to have him as a husband.
“WHERE the hell are you going?” Nagulat si Maliyah nang biglang may humabol sa kanya pababa ng hagdan. It was Jake. He looked pissed and she doesn’t know why. Siguro dahil iniisip nitong responsibilidad siya ng mga tao sa bahay na iyon kapag may nangyari sa kanya.It’s three in the morning and she wasn’t able to fall asleep thinking how to leave with a bit of money. And Maliyah decided to leave at exactly three without knowing why. With the money she is having, it cannot even make her survive for a week. Hinayaan lang niyang sumunod si Jake sa kanya hanggang sa baba ng hagdan na alam niyang nagdadalawang-isip kung tutulungan ba siya sa kanyang mga bitbit o hindi na.Maliyah feels something weird about Jake since the kiss happened. She often sees him glancing at her or trying to reach out every time they meet hal
“COME again, Ma’am!” sigaw ni Matt habang papalabas siya ng convenience store. Bakit biglang naisipan nito na magtrabaho? Ang pagkakaalam niya ay tambay si Matt. Iyon lang ang ang nasa isip niya dahil madalas niyang makita ang lalaki na puro padaan-daan lang at maglalaro ng basketball.Pagdating sa labas ay agad na binuksan ni Maliyah ang isang canned beer at ininom. At malamang na sinikap niyang makatawid habang wala pang masyadong napapadaan. Kung sana ganito ang kalsada sa kanila noon, baka mas madalas siyang pabalik-balik sa paglalakad. Ni hindi nga niya makita ang mga makasalubong sa kalsada dahil sa traffic o sa dami ng sasakyang dumadaan at nagpapaunahan pa.One thing she regrets not bringing is her earphones. Drinking beer while walking in a silent road at night and listening to some music sounds so perfect. N
KINAHAPUNAN ay maagang umuwi ang kanyang lolo’t-lola. Alas-singko pa lang ay nandoon na ang mga ito maging sina Daniel at Alden. Naririnig ni Maliyah ang boses ng mga ito mula sa labas ng kanyang kwarto. Ang dinig niya ay nagtitipon-tipon ang lahat sa sala at si Rezel ay nandoon din na nakikipagtawanan. Dahan-dahang inilapat niya ang tainga sa pinto at pinakinggan ang mga ito pero hindi niya marinig ang boses ni Jake.Masakit na masakit na ang kanyang ulo pero ayaw siyang dalawin ng antok. Si Jake ang kanyang nakikita sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. He’s been in her mind for almost a day and it’s making her crazy! How can someone stay in a person’s mind this long?“Maliyah…” Muntik na niyang mabunggo ang mga gamit na nakasabit sa gilid ng pintuan nang marinig ang mahinang tawag n
“ANO`NG nangyari sa `yo at ngayon ka lang nagpakita?” Napailing si Maliyah sa naging tanong ni Aling Mila. Nang makaalis lahat sa bahay ay saka siya nagdesisyon na lumabas at tumambay na naman sa baba. Si Rezel? Hindi nga niya nakita kahit pa hindi siya lumalabas ng bahay. Kung magtatanong siya sa iba ay malamang sasabihin ng mga ito na sinira niya ang kanyang kasulatan.Tinapos niya munang nguyain ang kinakain. “Ang hirap kasi pakisamahan ng mga tao sa loob ng bahay na iyan,” reklamo niya at napapaypay ng palad sa sobrang init. “Bakit wala pa po kayong Christmas decorations? November na, ah?” tanong niya. Iyon talaga ang unang napansin ni Maliyah noong unang dating niya pero nawala rin sa kanyang isip dahil sa biglang gulo ang inabutan sa bahay ng dalawang matanda.“Ah, sa labasan mayroon. Dito kasi walang masyad
JAKE is supposed to seal Maliyah’s lips just to keep her quiet. She was pushing him to his limits and Jake was a bit concerned about the other people in the house. Maliyah doesn’t care about anything or about anyone else. And Jake feels like kissing her is a bad move. Because right now, Maliyah’s eyes are closed and even if he likes it or not, his lips are moving like it has its own brain and can’t be controlled.The woman smells so delicate that it makes him want to close his eyes and caress her face. Halos isang minuto na silang nasa ganoong sitwasyon. Hindi niya hawak ang parehong kamay ng babae at ang tanging suporta lang ang mayroon siya ay ang dalawang kamay niyang nakatukod sa pader para ma-corner ang babae. Maging ang kanyang puso ay hindi niya maintindihan. Pareho ba sila ng nararamdaman ni Maliyah? Mabilis din ba ang tibok ng puso nito? This kiss feels like n
“SAAN ka pupunta, Ling?” tanong ni Joacquin kay Maliyah matapos maabutan itong hila-hila ang dalawang bagahe. Kakauwi lang niya galing sa bookstore at ito ang kanyang naabutan. Seryoso ang mukha ni Maliyah at halos iwasan na siya. Kung hindi pa gumawa ng paraan si Joacquin na mahawakan at mapigilan ang babae ay malamang na nilampasan na siya nito. “Maliyah…” mahinang tawag niya rito at pilit na sinalubong ang diretsong tanong ng kaibigan. Wala pa siguro ang dalawang matanda kung kaya’t walang ibang pumipigil dito. Tinanggal ng dalaga ang kanyang pagkakahawak sa braso nito. “Pwede ba, Joacquin? Huwag na tayong magpanggap na magkaibigan pa rin. Marami na ang nagbago sa paglipas ng panahon. Salamat pa rin sa naging tulong mo at susuklian ko iyon, huwag kang mag-aalala,” malamig nitong sabi at lumakad na. Hirap na hirap si Maliyah sa mg