Thrizel’s POVTahimik akong nakaupo sa malaking bato, nakahiwalay sa aking mga kasama. Kakatapos lang ng aming laro, humiwalay agad ako sa kanila. Umiinom lang ako ng beer habang dinadama ang malamig sa hangin. Gusto ko sanang magpainit sa bonfire ngunit naiilang ako sa pagtitig ni Thrale. Simula nang makita niya ulit ako, ganiyan na siya.Tumunog ang aking telepeno kaya kinuha ko ‘to sa bulsa. Bahagya pang nangunot ang aking noo dahil si Dominic ang tumawag. Ngayon nalang muli siya tumawag sa akin. Hindi ko mawari kung may dapat pa ba siyang alamin sa akin. Hindi niya naman na ako binabantayan, paraa saan pa ang pagtawag niya ngayon?“Bakit?” Kaswal kong pagtatanong.“Nagtetext sa ‘yo si Mr. X, hindi ba?” Kay Mr. X naman siya ngayon interesado. “Yes.”“Anong mga text niya?”Agad kong sinabi ang kaniyang hinihingi. “Noong nakaraang araw, nagbigay ng bulaklak. Sa birthday ni Aevie, maayos naman, pinag-iingat ako. Pagkatapos n’on, siya raw ang panganib ko. Anong mayroon?”“Nakakapagta
Thrizel’s POVMatapos ang pagsasagutan ng dalawang magkapatid. Ito na naman ako, nag-iisa sa labas ng resort. Ayokong makisalamuha sa kanilang pinag-uusapan, mas gusto ko pang damahin ang lamig ng hangin. Hindi man lang ako inaantok dito habang nakaupo. May kape naman sa aking gilid, inabutan ako ni Link kanina. Hindi kalayuan, natanaw ko ang isang pigura ng lalaki habang nakaupo sa dalampasigan. May ilaw sa kaniyang inuupuan kaya kita ko ang buhok niya. Kulay asul, walang iba kun’di si Blue. Nag-iisa lamang ‘to.Huminga ako nang malalim bago siya puntahan. Nakaupo siya sa buhangin kaya umupo rin ako. I asked him. “Pagkatapos ng nangyari kanina, hinatak na ako ni Link. Susundan sana kita sa tubig dahil nag-aalala ako.” Nilingon ko siya. “Ayos ka na ba? Grabe, may hinanakit ka palang gano’n. Hindi halata sa iyo.”Ilang minuto pa bago siya sumagot. Ibang-iba ang Blue kanina habang sumasayaw. Ngayon ay napupuno ito kalungkutan. Nakasimangot ang mukha. “Dahil ayokong intindihin ang pinopr
Thrizel’s POVMatapos kong batuhin si Thrale ng unan sa mukha ay niyaya ako ni Brooks bumaba. Ngayon ay nandirito kami sa buhangin, nakaupo. Pinapanood ang mga taong naliligo na nagbabakasyon din ngayon dito. Sa aming gilid ay sila Arella na naglalaro. Hinihintay ko lang umimik ang aking katabi dahil kanina pa kami nandirito.“Sa tingin mo nagkaayos na kaya ‘yong dalawa?” Panimula niyang tanong habang nasa malayo ang tingin. Seryoso ang kaniyang mukha.“Sila Ryke at Blue ba?” Dahan-dahan siyang tumango.“Nasaan ba silang dalawa ngayon? Kanina ko pa hindi nakikita si Blue.” Naglagay ako ng buhangin sa aking tuhod. Pinaglalaruan ito.“Masarap maging kapatid si Blue, sobrang galang.” Parang may naisip siya kaya ito napangiti. “Minsan kasi may pagkakamali rin tayo, hindi maiiwasan ‘yon. Gusto kong magkaayos ‘yong magkapatid na ‘yon. Pasimpleng nagagalit si Blue sa kaniyang kuya. Kapag magkasama kami nagkukwento tungkol sa kanilang dalawa. Naalala nga raw niya noong bata pa sila, naihi si
Brooks POVNandito kaming lahat sa sala. Tahimik lang, walang nagbibitaw kahit isang salita sa amin. Napabuntong hininga ako dahil iniisip ang dahilan ng babaeng ‘yon kung bakit umalis. Kung aalis man siya, sigurado akong magpapaalam siya sa akin. E, ano ‘tong ngayon? Dinaanan lang kami kanina. Sinaltik na naman ba ‘yon? Malamang si Thrale ang kasama sa iisang mesa.Tinawagan ko na siya ng maraming beses ngunit hindi sinasagot. Kung silang dalawa ni Thrale ang may problema, bakit ako no’n dinadamay? Hays, kapag talaga sinaltik siya, damay ang lahat. Babae nga naman. “She won’t leave us if you didn’t do anything. What happened to you and her again? When we sat in the chair. We’re fine, aren’t you?” Ang mga tingin ko ay inuusisa ang kilos ni Thrale. Nabibisto naman minsan si Thrale sa kaniyang kilos pero ngayon ay walang bago. Kalmado lang siya na hindi nangangamba.“Hon, nag-away na naman ba kayo?” Mahinhing pakikipag-usap ng kaniyang nobya sa kaniya. Malamang ay nag-away na naman sil
Thrale’s POVNang maino kong tumigil na sa pag-iyak si Thrizel ay nilapitan ko siya. Inaantok ito na lasing. Binuhat ko siya sa paraang shoulder carry. Wala siyang naging reklamo, para itong patay dahil nakalaylay ang kaniyang mga braso sa aking likuran. Pasalampak ko siyang hininga sa backseat. Napailing-iling at saka sinarado ang pinto.Humarap ako kay Link na hindi pa rin nakakaalis sa kaniyang kinatatayuan. Mukhang hindi niya alam na may hinanakit ang kapatid ko sa kaniya. Alam ko naman na ang dahilan ni Link kung bakit siya umalis. Nasabi niya na sa aking kailangan ng magbabantay sa aking nanay dahil uuwing Pilipinas si dad. Nakausap ko na rin ang aking mga magulang tungkol doon. Si Thrizel nalang ang hindi pa.Pumasok na ako sa kotse. Hindi ko muna binuksan ang makina dahil hinihintay kong pumasok si Link. Halata namang malalim ang kaniyang iniisip. Nilinga ko ang front mirror para makita ang kalagayan ni Thrizel. Nakapikit pero alam kong gising.“We talked about Kein, bakit ka
Thrizel’s POV“Aray!” Daing ko nang diinan ni Brooks ang paggamot ng sugat sa gilid aking labi.Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang hapdi. Ang lapad-lapad ng kamay ni Cide, hindi kalakihan ang aking pisngi. Naalala ko pa nga nang sampalin niya ako, napatabingi pa ako ng ulo. Ganoon kalakas ang pagkakabuwelo niya.“Wala ka bang balak gantihan ang Cide na ‘yon?” Napatingin ako kay Isla na nagtitingin-tingin sa mga gamit ni Brooks. Ngayon lang sila nakapasok dito.“What revenge do you want?” Maselang pagtatanong ni Brooks habang dinadampian ng ointment ang gilid ng aking labi. “Revenge for Thrizel?” Napatigil siya sa paglalagay. Tiningnan si Isla. “Ubusin ang tauhan ni Cide saka siya isunod? Hindi ako patol nalang nang patol. Mga alagad ko lang kaya nang iyamutmot si Cide.”Narinig ko ang pagsinghal ni Nafe. Tinapon ang sigarilyo sa bintana. “Hindi titigilan ni Cide iyang lampa mong kasama.” Ako ang kaniyang tinutukoy ngunit wala lang sa akin kung mamaliitin ako nito. “Oh, ano nang gaga
Thrizel’s POVIsang linggo na akong nagtatrabaho. Minsan ako lang umuuwi mag-isa sa nirentahan kong apartment. Ngingiti lang ako kapag hindi abala sila Brooks at Blue na nabibisita ako rito. Iba pa rin talaga kapag kasama sila. Kapag uuwi ako, wala man lang akong makausap. Walang bubungad sa aking tao. Iyong pagod ka na, mag-isa ka pa.Ganito ba talaga ang buhay? Kapag nasa murang edad talaga, mahirap buhayin ang sarili. Ikaw mismo gagawa ng paraan para mabuhay ka. Hindi ko naman tinatanggap ang perang binibigay ni Brooks, kaya ko namang magbayad ng bayaran. Ginusto ko ‘to, para sa akin ang ginagawa kong ‘to. Ilang buwan nalang naman, alam kong uuwi na ang mga magulang namin. Sa isang iglap, babalik ang lahat.“Ms. Wrent, I called you many times.”Napatingin ako kay Chef Sanchez na nakatingin sa akin. Kung susukatin ko ang kaniyang edad, sa tingin ko ay twenty-four. Makisig ang kaniyang katawan kaya ang ibang babae sa resto na ‘to, kinakikiligan siya. Ako lang ang pinakabata. Wala na
Thrale’s POV“Kuya! Kuya!” Napalinga ako sa batang babaeng naghuhukay ng buhangin sa tabi ng dagat. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglangoy kahit alam kong masakit sa mga mata ang tubig dagat. Kanina ko pa gustong umahon dito ngunit sigurado akong kapag tumapak ako sa buhangin, hahatakin ako ng batang babaeng ‘yon. Napatingin ako sa langit dahil palubog na ang araw. Napatingin din ako sa tubig dahil malalim na ang dagat. Masyado ng hapon kaya high tide pero ito kami ngayon, nandidito pa rin. Mukhang wala kaming balak umalis sa dagat. Bukod sa mahangin at malamig, kaming dalawa lang kaya natutuwa ako dahil masyadong tahimik. Masarap naman sa pandinig ang paghampas ng alon.“Kuya, bilis. May alimasag ditooooo!” Muling sigaw niya. Wala akong nagawa kun’di umahon. Nakaramdam ako ng lamig nang umihip ang hangin ng malakas. Hindi ko iyon ininda para makarating lang sa p’wedto ng babaeng ‘to. Sa aming dalawa, ako lang ang basa. Ako ang nasabik sa tubig.“Anong alimasag ba