Thrale’s POV“Kuya! Kuya!” Napalinga ako sa batang babaeng naghuhukay ng buhangin sa tabi ng dagat. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglangoy kahit alam kong masakit sa mga mata ang tubig dagat. Kanina ko pa gustong umahon dito ngunit sigurado akong kapag tumapak ako sa buhangin, hahatakin ako ng batang babaeng ‘yon. Napatingin ako sa langit dahil palubog na ang araw. Napatingin din ako sa tubig dahil malalim na ang dagat. Masyado ng hapon kaya high tide pero ito kami ngayon, nandidito pa rin. Mukhang wala kaming balak umalis sa dagat. Bukod sa mahangin at malamig, kaming dalawa lang kaya natutuwa ako dahil masyadong tahimik. Masarap naman sa pandinig ang paghampas ng alon.“Kuya, bilis. May alimasag ditooooo!” Muling sigaw niya. Wala akong nagawa kun’di umahon. Nakaramdam ako ng lamig nang umihip ang hangin ng malakas. Hindi ko iyon ininda para makarating lang sa p’wedto ng babaeng ‘to. Sa aming dalawa, ako lang ang basa. Ako ang nasabik sa tubig.“Anong alimasag ba
Thrale’s POV“Arella!”Napahilamos ako ng mukha dahil maggagabi na ay wala pa rin si Anissa. Ilang beses ko na siyang tinawagan, hindi niya pa rin makuhang sagutin. Nag-aalala ako para sa aking nobya dahil ngayon lang siya naging ganito. Hindi napapa-abot ng takip silim ‘yon. Kila Aevie lang naman pumunta. Bakit ang tagal-tagal?“Yes, Kuya Thrale?” Inosente niyang pagtatanong habang nagguguhit sa kaniyang papel.“Wala man lang bang text sa ‘yo si Anissa? Anong oras na, hindi pa umuuwi. Paano kung may mangyari sa kaniya? Fuck it!” “Wala po.”Napahinga ako nang malalim. Napahilamos na rin ng mukha dahil naiinis na ako. Alam niyang may naghihintay sa kaniya, hindi man lang umuwi ng maaga. Ayaw din sagutin ang mga tawag ko.“Calm down, Thrale. Baka naman kasi traffic kaya natagalan umuwi si Anissa.” Napaharap ako kay Gio na kalmado lang na nakaupo.Hindi ko siya pinakinggan. Kinuha ko ang aking selpon at lumabas ng bahay. Dito ko siya hinintay. Tinatawagan ko pa rin ang kaniyang numero p
Thrizel’s POVMaagang umalis si Chef Sanchez sa aking apartment kaya ang nandidito nalang ay si Blue. Sinabihan ko siyang huwag magpapapasok ng kung sino-sino dahil siya ang maiiwan. Hindi ko napansin kagabi na may dala siyang bag, ang laman no’n ay puro damit niya. Mukhang sa akin siya makikitira. Ayaw niya raw muna kay Brooks dahil hindi siya pinapansin nito. Kapag daw kasi ganoon iyon, nagpapakalayo siya.Naglakad na ako pababa ng hagdan. Tinanaw ko muna ang balkonahe ng aking apartment pero hindi dumiretso ang tingin ko roon, sa kabila. Balkonahe ito ng pintong katapat ko. Nakakapagtaka kasi dahil nakahawi ang kaniyang kurtina. Lagi kasi iyong nakasarado kaya napatingin ako. Alam kong lalaki ang umuupa riyan dahil napapansin ko siya minsan. Hindi ko nga lang kita ang kabuoan ng kaniyang mukha.Ililihis ko na sana ang aking paningin doon nang may makita akong matang nakatingin sa akin. Ang mata niya ay napapagiliran ng mga sinampay. Hindi ko nakita ang kabuoan ng mukha. Dahil sa kab
Thrizel's POVIsang linggo na ang nakalipas. Nagtataka ako sa mga kaibigan ni Thrale dahil panay daw hanap sa akin sa hideout, iyon ang balita sa akin ni Brooks. Hinahanap nga raw ako ng mga 'yon. Nasigurado nilang wala ako sa poder ni Brooks kaya sigurado akong nagtataka na si Thrale at hinahanap na ako no'n.Ang balita naman kay Blue, nasa apartment ko pa rin siya. Nandito nga ngayon sa resto, half day lang ako ngayon dahil gusto akong makita ni Lolo El. Pupunta kaming dalawa ni Blue roon. Paalis na sana kaso biglang tumunog ang aking selpon. Si Link ang tumawag."Bakit hindi mo man lang sinabi sa aming wala ka na sa poder ni Brooks? Dalawang linggo ka riyan sa resto nila Gio? Anong pumasok sa kokote mo para magtrabaho? Mas lalong magagalit ang mga magulang mo kapag nalaman nilang nagtatrabaho ka!" Napapikit ako sa kaniyang pagsigaw. Mukhang nalaman na nila. "Nagtrabaho ka para ano? Umiwas doon sa gagong Cide na 'yon? Kung hindi pa nalaman nila Ryke na wala ka sa poder ni Brooks, hi
Thrizel’s POVNasa oras ako ng trabaho nang bigla akong tawagin ni Link. Wala akong pagpipilian kun’di lumabas ng kusina dahil lamang sa kaniyang pagiging paladesisyon na palabasin ako sa kusina. Ang kapal pa ng kaniyang mukha dahil inaatat niya ang aming manager. Masungit iyon pero walang talab sa kaniya. Akala mo siya ang may-ari ng resto. Ni hindi nga sila magkaibigan ni Gio. Ayokong lumabas dahil alam ko na ang aming pag-uusapan pero ito ako ngayon.“How many times I have to tell you na hindi nga ako uuwi? Hindi rin ako magpapasa ng resignation letter para umalis dito. Masaya ako rito, Link. P’wede mo akong hayaan kung saan ako masaya.” Tinitigan ko siya ng seryoso dahil desididong-desidido ako sa aking sinabi.Nakatitig siya sa akin ng walang emosyon. Tila hindi nais ang aking pinaggagawa ngayon. “I’m worried. May Cide at may Mr. X, papatayin mo ba ako sa pag-aalala? Thrizel, kaya pinapauwi kita ng bahay dahil mababantayan kita. Lapitin ka ng gulo, hindi ko papalampasin ‘to. Pinu
Thrale’s POVIsang araw kong pinag-isipan kong ibibigay ko ba sa dugyot na lalaki ang aking pinsan. Paano kung mali na naman ako ng hinala? Paano kung mali sila Link at Dominic? Naguguluhan ako kung sinong babae ang nakuha ko. Nagkamali ba talaga ako ng dampot? Parang dati lang gusto kong patunayan sa lahat na tama ang hinala kong buhay si Arella. Ngayon, hindi ko tuloy alam kung maniniwala ba ako sa aking hinala. Sa ganoong pag-iisip ako nang biglang tumunog ang aking selpon. Nakita ko agad ang pangalan ni mom.“How are you, son? I have a good news!” Sabik na sabik ang kaniyang boses. Natawa pa silang dalawa ni dad.“I’m okay, mom. Maayos naman kami ni Thrizel.” Pilit kong pasayahin ang aking boses.“Uuwi kami ng daddy mo riyan. Miss ko na talaga kayong dalawa ng kapatid mo, kasama na si Anissa.” Lumungkot ang kaniyang boses ngunit may paglalambing. “Gusto ko na kayong makita. Hindi pa ako sure kung kailan ulit kami makakabalik diyan, can’t stay for complete family dahil marami pang
Link’s POVAng mga tingin ko ay nasa laptop ko lang dahil may inaasikaso ako. Dalawang oras na ako ritong walang nang didistorbo sa akin, ngayon lang mayroon. Napalingon ako kay Anissa at Thrale na parang nagtatalo. Hindi ko sila inintindi, patuloy pa rin sa ginagawa. Simula nang maisauli namin si Redelyn Gauniria kay Phryx Recas, sobrang tahimik na ng bahay lalo na’t wala si Thrizel. Siya lang naman ang nagpapaingay dito.“Saan ka na naman ba pupunta? May lalaki ka ba riyan?” Narinig ko ang pagtatanong ni Thrale kay Anissa kaya nilingon ko sila. Pinanood ang dalawang nagtatalo.“Thrale, wala. Sinasabi ko naman sa ‘yong kay Aevie ako pumupunta, hindi ba? May inaasikaso lang kami.” Kahit nakukuha na siyang sigawan ni Thrale, kalmado pa rin ang kaniyang pagsasalita. Kawawang babae.“Really, huh? Dapat ba maniwala ako? Kung pipirmi ka sa bahay at walang pupuntahan. Magiging kampante ak—”“Ang unfair naman.” Nagulat ako sa sinabi ni Anissa dahil mukhang mangangatwiran siya. Ngayon lang i
Thrizel's POV"Ilang beses ko bang sasabihing bawal lang lumabas?!" Napapikit ako sa kaniyang sagot. Ilang araw na akong hindi kumakain, hindi niya ako binibisita o kinukumusta. Kaya ang ginawa ko ay tumakas sa bintana para kumuhang pagkain sa kusina, bigla nga lang akong nahuli ng aking tatay."I'm hungry, dad." Tila akong batang kalye dahil sa aking hitsurang napakadungis. Kung ilang araw akong walang kain, ganoon din ako na walang ligo. Halata naman sa aking tatay na hindi niya ako bibigyan ng awa."Lalabas ka lang kapag umuwi ang nanay mo!" Sinalampak niya ako sa sofa. Tumama pa ang aking baba kaya napasimangot ako roon. Kamalas-malasan nga naman.Iniwan ako ng tatay ko dahil pumunta siyang kusina. Makalipas ang ilang minuto, naglapag siya ng pagkain sa lamesa. Tuwang-tuwa naman ako pero nang makita ko ang pagkain, agad nawala ang aking saya."Ayoko niyan, hilaw. Hindi ka naman marunong magluto." Nakuha ko pang humalukipkip habang nakanguso. "Gusto ko si mom ang magluluto, ayoko