Link’s POVAng mga tingin ko ay nasa laptop ko lang dahil may inaasikaso ako. Dalawang oras na ako ritong walang nang didistorbo sa akin, ngayon lang mayroon. Napalingon ako kay Anissa at Thrale na parang nagtatalo. Hindi ko sila inintindi, patuloy pa rin sa ginagawa. Simula nang maisauli namin si Redelyn Gauniria kay Phryx Recas, sobrang tahimik na ng bahay lalo na’t wala si Thrizel. Siya lang naman ang nagpapaingay dito.“Saan ka na naman ba pupunta? May lalaki ka ba riyan?” Narinig ko ang pagtatanong ni Thrale kay Anissa kaya nilingon ko sila. Pinanood ang dalawang nagtatalo.“Thrale, wala. Sinasabi ko naman sa ‘yong kay Aevie ako pumupunta, hindi ba? May inaasikaso lang kami.” Kahit nakukuha na siyang sigawan ni Thrale, kalmado pa rin ang kaniyang pagsasalita. Kawawang babae.“Really, huh? Dapat ba maniwala ako? Kung pipirmi ka sa bahay at walang pupuntahan. Magiging kampante ak—”“Ang unfair naman.” Nagulat ako sa sinabi ni Anissa dahil mukhang mangangatwiran siya. Ngayon lang i
Thrizel's POV"Ilang beses ko bang sasabihing bawal lang lumabas?!" Napapikit ako sa kaniyang sagot. Ilang araw na akong hindi kumakain, hindi niya ako binibisita o kinukumusta. Kaya ang ginawa ko ay tumakas sa bintana para kumuhang pagkain sa kusina, bigla nga lang akong nahuli ng aking tatay."I'm hungry, dad." Tila akong batang kalye dahil sa aking hitsurang napakadungis. Kung ilang araw akong walang kain, ganoon din ako na walang ligo. Halata naman sa aking tatay na hindi niya ako bibigyan ng awa."Lalabas ka lang kapag umuwi ang nanay mo!" Sinalampak niya ako sa sofa. Tumama pa ang aking baba kaya napasimangot ako roon. Kamalas-malasan nga naman.Iniwan ako ng tatay ko dahil pumunta siyang kusina. Makalipas ang ilang minuto, naglapag siya ng pagkain sa lamesa. Tuwang-tuwa naman ako pero nang makita ko ang pagkain, agad nawala ang aking saya."Ayoko niyan, hilaw. Hindi ka naman marunong magluto." Nakuha ko pang humalukipkip habang nakanguso. "Gusto ko si mom ang magluluto, ayoko
Thrizel's POV“Here’s your order, ma’am.” Nakasimangot akong humarap kila Aevie, Faru, Isla at Nafe nang ihatid ko sa kanila ang pagkain. Ewan ko sa apat na ‘to kung anong naisip para puntahan ako sa trabaho. Siguro sinabi ni Brooks sa kanila kung saan ako nagtatrabaho. Kailan ba walang didistorbo sa akin? Kailan ba ako hindi magkakaroon ng costumer na kilala? Nasa kusina ako, kitchen helper pero dahil sa kanila naging crew na naman. Hays. “Let’s join us, Thrizel.” Maarteng pagyayaya sa akin ni Faru habang hinihiwa ang karneng nasa kaniyang plato. “Aw, ang talim naman nito.” Maarte na may pagkatanga.“Nasa oras ako ng trabaho.” Pormal akong nakatayo sa kanilang harapan. Hindi ko makaalis dahil sa kalokohan nila.“Namiss kita, Thrizel. Ilang linggo ka kayang wala sa hideout ni Brooks kaya kami na mismo ang pumunta sa ‘yo.” Nginitian pa ako ni Aevie ng matamis pero kahit ganoon, hindi ako bumigay.“May utang na loob ka sa amin, weakshit.” Malamig pa rin ang emosyon kong nilalaan sa ka
Brooks POV“Anong dahilan mo para matakot kay Thrale?” Pangkokonpronta ko kay Cide. Magkaharap kaming dalawa ngayon dito sa harap ng aking hideout. Ngayon ko lang siya natanong, puno ng tanong ang aking isip kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.Napangisi siya pero wala lang ‘yon sa akin. Hindi ako apektado. “Wala ka na roon kung sino ang kakatakutan k—”“Kaibigan ko si Thrale kaya dapat kong malaman.” Putol ko sa nakakainis niyang tugon. Wala talaga siyang kwentang kausap kahit kailan. “I repeat, anong dahilan mo para matakot kay Thrale Wrent?”Tiningnan niya ako ng ilang sandali pero agad ding nilihis. Nagsindi siya ng sigarilyo. “Wala akong dahilan pero dapat lang na matakot sa kaniya.” Nangunot ang aking noo sa sagot nito. “Pinagloloko mo ba ako?”Hinithit niya ang sigarilyo sabay buga ng usok. “Lahat ng may kailangan sa akin, may kapalit. Bakit ko sasagutin ang tanong mo kung walang kapalit? Sasagutin ko lang kung ibibigay mo sa akin si Thrizel. Iyon lang, Brooks, sasabihi
Thrizel’s POVTatlong araw na ang nakalipas simula ang pangyayaring ‘yon. Nailibing na rin si lolo pero hindi ako pumunta. Ayokong makita siyang nakahiga sa gano’n. Tatlong araw na ang lumipas pero ito pa rin ako ngayon, hindi mawala sa isip ang sinabi ng doktor na wala na siya. Hindi ko matanggap. Sandali ko lang pala siya makakasama.Tinigil ko ang pag-iisip ko dahil nasa harapan ko si Z. “Saan ka na pala ngayon?” Wala na siyang kasama sa bahay ng kaniyang lolo. Siya nalang ang mag-isa.Ngumiti siya sa akin. “Kukunin ako ng mga tita ko, Thrizel.” Sa pagkakaalam ko, maraming pumuntang kamag-anak ni lolo. Kung marami, bakit hindi man lang nila kinuha at inalagaan? Bakit si Z lang ang nagbabantay sa kaniya?“Dito nalang siguro tayong dalawa. Iuuwi na ako sa probinsya. Mamimiss kita, salamat sa pagkakaibigan natin.” Yinakap ako nito. Agad din namang humiwalay. “Mag-iingat ka pala, ah? Patawarin mo na ang mga kaibigan mo. Mukha namang pinagsisisihan nila ang kanilang ginawa.” Bakit hin
Thrizel’s POVNandidito ako ngayon sa bahay. Oo, sa bahay. Pumunta ako para kunin ang isa kong selpon na nasa kwarto dahil iyon na ang aking gagamitin. Kung makukuha na naman ni Mr. X ang numero ko at panay pa rin siya mensahe sa bago, wala na akong pakialam doon dahil hindi ko naman na bubuksan. Sana hindi niya malaman ang ginawa kong ‘to.Sa ngayon, nakatingin ako kay Thrale. “Hindi ka magkakapasa sa mukha kung wala kang ginawa.” Ilang araw ko siyang hindi nakita. Nakita ko lang ngayon dahil pumunta ako rito sa bahay. Hindi ko alam kung anong naisip nito para pagtaguan ako. Nakakapagtaka naman kasi, panay na siya buntot sa akin dahil nabuburyo nga raw siya rito sa bahay. Tapos biglang hindi magpaparamdam? Hindi ko naman hinahanap ang kaniyang presensya. Nagtataka lang talaga ako.“Tsk!” Tinanggal niya ang daliri kong nakalapat sa kaniyang mukha. Bahagya niya pang iniwas iyon. “Wala nga ito. Nauntog lang ako riyan o kaya nahulog sa kama. Iyon lang...”Pinaningkitan ko siya ng mga ma
Thrizel's POV“Sino ba kayo?” Inis kong tanong dahil lahat sila ay nakatago ang mga mukha. Sila lang naman ang dumukot sa akin. Hinihintay ko ang kanilang sagot para naman may alam.“Inutusan kami ni Mr. X. Itikom mo nalang ‘yang bibig mo. Masyadong maputak.” Ani driver kahit na nakatago ang mukha, alam kong seryoso at masama ang ugali. Kakatanong ko lang, maputak agad? Pero sandali, nang malaman kong si Mr. X ang may utos nito. Doon ako kinabahan.“Pakawalan niya nga ako!” Todo piglas ako ng aking sarili. Kung alam ko lang na si Mr. X ang nag-utos nito. Sana hindi nalang ako nagpa-agos sa pagkuha nila sa akin.“Sabi nang pakawalan niyo ako! Ano b—” Hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang bigla akong tutukan ng balisong ng katabi ko sa leeg. Pigil hininga ako dahil ayoko pang mamatay.Sa buong biyahe, wala akong naging salita at piglas dahil hindi binaba ng lalaking ‘to ang nakatuktok sa aking leeg. Habang patungo kung saan man pupunta, padagdag nang padagdag ang aking kaba. Walang
Thrizel’s POVIlang araw na naman akong nandirito sa bodega. Ni hindi man lang ako nabisita ng aking nanay pero kahit ganoon, hindi ako nagkaroon ng sama ng loob. Naniniwala pa rin akong kukunin niya ako rito. Sa kasamaang palad, iisang beses lang akong dalhan ng pagkain sa isang araw ng aking tatay. Hindi iyon dahilan para manghina ako. Nilalakasan ko nalang ang aking loob. Mahal ako ng nanay ko.Nakahiga ako rito sa sahig. Tanging lumang comforter ang sapin. Napatayo lang nang bumukas ang pinto. Nakita kong masama ang tingin ng aking tatay. Hinawakan niya ako sa pulsuhan at hinatak. Masakit ang ginawa niyang ‘yon pero wala siyang nakuhang reklamo sa akin. Nagpaagos lang ako kung saan niya ako gustong dalhin. Nangunot ang noo ko dahil sa hardin ang tungo namin. Nang makarating, bigla ako nitong tinulak sa swimming pool.“Diyan ka hangga’t hindi ka kinukuha ng nanay mo! Mamatay ka sa lamig!” Hindi ako marunong lumangoy. Hindi ko alam kung paano i-aangat ang sarili ko sa tubig na ‘t