Brooks POVNandito kaming lahat sa sala. Tahimik lang, walang nagbibitaw kahit isang salita sa amin. Napabuntong hininga ako dahil iniisip ang dahilan ng babaeng ‘yon kung bakit umalis. Kung aalis man siya, sigurado akong magpapaalam siya sa akin. E, ano ‘tong ngayon? Dinaanan lang kami kanina. Sinaltik na naman ba ‘yon? Malamang si Thrale ang kasama sa iisang mesa.Tinawagan ko na siya ng maraming beses ngunit hindi sinasagot. Kung silang dalawa ni Thrale ang may problema, bakit ako no’n dinadamay? Hays, kapag talaga sinaltik siya, damay ang lahat. Babae nga naman. “She won’t leave us if you didn’t do anything. What happened to you and her again? When we sat in the chair. We’re fine, aren’t you?” Ang mga tingin ko ay inuusisa ang kilos ni Thrale. Nabibisto naman minsan si Thrale sa kaniyang kilos pero ngayon ay walang bago. Kalmado lang siya na hindi nangangamba.“Hon, nag-away na naman ba kayo?” Mahinhing pakikipag-usap ng kaniyang nobya sa kaniya. Malamang ay nag-away na naman sil
Thrale’s POVNang maino kong tumigil na sa pag-iyak si Thrizel ay nilapitan ko siya. Inaantok ito na lasing. Binuhat ko siya sa paraang shoulder carry. Wala siyang naging reklamo, para itong patay dahil nakalaylay ang kaniyang mga braso sa aking likuran. Pasalampak ko siyang hininga sa backseat. Napailing-iling at saka sinarado ang pinto.Humarap ako kay Link na hindi pa rin nakakaalis sa kaniyang kinatatayuan. Mukhang hindi niya alam na may hinanakit ang kapatid ko sa kaniya. Alam ko naman na ang dahilan ni Link kung bakit siya umalis. Nasabi niya na sa aking kailangan ng magbabantay sa aking nanay dahil uuwing Pilipinas si dad. Nakausap ko na rin ang aking mga magulang tungkol doon. Si Thrizel nalang ang hindi pa.Pumasok na ako sa kotse. Hindi ko muna binuksan ang makina dahil hinihintay kong pumasok si Link. Halata namang malalim ang kaniyang iniisip. Nilinga ko ang front mirror para makita ang kalagayan ni Thrizel. Nakapikit pero alam kong gising.“We talked about Kein, bakit ka
Thrizel’s POV“Aray!” Daing ko nang diinan ni Brooks ang paggamot ng sugat sa gilid aking labi.Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang hapdi. Ang lapad-lapad ng kamay ni Cide, hindi kalakihan ang aking pisngi. Naalala ko pa nga nang sampalin niya ako, napatabingi pa ako ng ulo. Ganoon kalakas ang pagkakabuwelo niya.“Wala ka bang balak gantihan ang Cide na ‘yon?” Napatingin ako kay Isla na nagtitingin-tingin sa mga gamit ni Brooks. Ngayon lang sila nakapasok dito.“What revenge do you want?” Maselang pagtatanong ni Brooks habang dinadampian ng ointment ang gilid ng aking labi. “Revenge for Thrizel?” Napatigil siya sa paglalagay. Tiningnan si Isla. “Ubusin ang tauhan ni Cide saka siya isunod? Hindi ako patol nalang nang patol. Mga alagad ko lang kaya nang iyamutmot si Cide.”Narinig ko ang pagsinghal ni Nafe. Tinapon ang sigarilyo sa bintana. “Hindi titigilan ni Cide iyang lampa mong kasama.” Ako ang kaniyang tinutukoy ngunit wala lang sa akin kung mamaliitin ako nito. “Oh, ano nang gaga
Thrizel’s POVIsang linggo na akong nagtatrabaho. Minsan ako lang umuuwi mag-isa sa nirentahan kong apartment. Ngingiti lang ako kapag hindi abala sila Brooks at Blue na nabibisita ako rito. Iba pa rin talaga kapag kasama sila. Kapag uuwi ako, wala man lang akong makausap. Walang bubungad sa aking tao. Iyong pagod ka na, mag-isa ka pa.Ganito ba talaga ang buhay? Kapag nasa murang edad talaga, mahirap buhayin ang sarili. Ikaw mismo gagawa ng paraan para mabuhay ka. Hindi ko naman tinatanggap ang perang binibigay ni Brooks, kaya ko namang magbayad ng bayaran. Ginusto ko ‘to, para sa akin ang ginagawa kong ‘to. Ilang buwan nalang naman, alam kong uuwi na ang mga magulang namin. Sa isang iglap, babalik ang lahat.“Ms. Wrent, I called you many times.”Napatingin ako kay Chef Sanchez na nakatingin sa akin. Kung susukatin ko ang kaniyang edad, sa tingin ko ay twenty-four. Makisig ang kaniyang katawan kaya ang ibang babae sa resto na ‘to, kinakikiligan siya. Ako lang ang pinakabata. Wala na
Thrale’s POV“Kuya! Kuya!” Napalinga ako sa batang babaeng naghuhukay ng buhangin sa tabi ng dagat. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglangoy kahit alam kong masakit sa mga mata ang tubig dagat. Kanina ko pa gustong umahon dito ngunit sigurado akong kapag tumapak ako sa buhangin, hahatakin ako ng batang babaeng ‘yon. Napatingin ako sa langit dahil palubog na ang araw. Napatingin din ako sa tubig dahil malalim na ang dagat. Masyado ng hapon kaya high tide pero ito kami ngayon, nandidito pa rin. Mukhang wala kaming balak umalis sa dagat. Bukod sa mahangin at malamig, kaming dalawa lang kaya natutuwa ako dahil masyadong tahimik. Masarap naman sa pandinig ang paghampas ng alon.“Kuya, bilis. May alimasag ditooooo!” Muling sigaw niya. Wala akong nagawa kun’di umahon. Nakaramdam ako ng lamig nang umihip ang hangin ng malakas. Hindi ko iyon ininda para makarating lang sa p’wedto ng babaeng ‘to. Sa aming dalawa, ako lang ang basa. Ako ang nasabik sa tubig.“Anong alimasag ba
Thrale’s POV“Arella!”Napahilamos ako ng mukha dahil maggagabi na ay wala pa rin si Anissa. Ilang beses ko na siyang tinawagan, hindi niya pa rin makuhang sagutin. Nag-aalala ako para sa aking nobya dahil ngayon lang siya naging ganito. Hindi napapa-abot ng takip silim ‘yon. Kila Aevie lang naman pumunta. Bakit ang tagal-tagal?“Yes, Kuya Thrale?” Inosente niyang pagtatanong habang nagguguhit sa kaniyang papel.“Wala man lang bang text sa ‘yo si Anissa? Anong oras na, hindi pa umuuwi. Paano kung may mangyari sa kaniya? Fuck it!” “Wala po.”Napahinga ako nang malalim. Napahilamos na rin ng mukha dahil naiinis na ako. Alam niyang may naghihintay sa kaniya, hindi man lang umuwi ng maaga. Ayaw din sagutin ang mga tawag ko.“Calm down, Thrale. Baka naman kasi traffic kaya natagalan umuwi si Anissa.” Napaharap ako kay Gio na kalmado lang na nakaupo.Hindi ko siya pinakinggan. Kinuha ko ang aking selpon at lumabas ng bahay. Dito ko siya hinintay. Tinatawagan ko pa rin ang kaniyang numero p
Thrizel’s POVMaagang umalis si Chef Sanchez sa aking apartment kaya ang nandidito nalang ay si Blue. Sinabihan ko siyang huwag magpapapasok ng kung sino-sino dahil siya ang maiiwan. Hindi ko napansin kagabi na may dala siyang bag, ang laman no’n ay puro damit niya. Mukhang sa akin siya makikitira. Ayaw niya raw muna kay Brooks dahil hindi siya pinapansin nito. Kapag daw kasi ganoon iyon, nagpapakalayo siya.Naglakad na ako pababa ng hagdan. Tinanaw ko muna ang balkonahe ng aking apartment pero hindi dumiretso ang tingin ko roon, sa kabila. Balkonahe ito ng pintong katapat ko. Nakakapagtaka kasi dahil nakahawi ang kaniyang kurtina. Lagi kasi iyong nakasarado kaya napatingin ako. Alam kong lalaki ang umuupa riyan dahil napapansin ko siya minsan. Hindi ko nga lang kita ang kabuoan ng kaniyang mukha.Ililihis ko na sana ang aking paningin doon nang may makita akong matang nakatingin sa akin. Ang mata niya ay napapagiliran ng mga sinampay. Hindi ko nakita ang kabuoan ng mukha. Dahil sa kab
Thrizel's POVIsang linggo na ang nakalipas. Nagtataka ako sa mga kaibigan ni Thrale dahil panay daw hanap sa akin sa hideout, iyon ang balita sa akin ni Brooks. Hinahanap nga raw ako ng mga 'yon. Nasigurado nilang wala ako sa poder ni Brooks kaya sigurado akong nagtataka na si Thrale at hinahanap na ako no'n.Ang balita naman kay Blue, nasa apartment ko pa rin siya. Nandito nga ngayon sa resto, half day lang ako ngayon dahil gusto akong makita ni Lolo El. Pupunta kaming dalawa ni Blue roon. Paalis na sana kaso biglang tumunog ang aking selpon. Si Link ang tumawag."Bakit hindi mo man lang sinabi sa aming wala ka na sa poder ni Brooks? Dalawang linggo ka riyan sa resto nila Gio? Anong pumasok sa kokote mo para magtrabaho? Mas lalong magagalit ang mga magulang mo kapag nalaman nilang nagtatrabaho ka!" Napapikit ako sa kaniyang pagsigaw. Mukhang nalaman na nila. "Nagtrabaho ka para ano? Umiwas doon sa gagong Cide na 'yon? Kung hindi pa nalaman nila Ryke na wala ka sa poder ni Brooks, hi