"Who said that we can't marry each other, Greta? I am now a free man." Inalis ni Damon ang wedding ring nila ni Arya sa kaniyang daliri.
"That fast? Processed na agad ang divorce papers niyo?" Greta couldn't help but smile."Hindi pa. Ipapadala ko pa sa lawyer ko sa States para masimulan ang proseso. If you want to see her signature on it, here." Tumayo si Damon at kinuha sa kaniyang case ang pirmadong divorce papers. Iniabot niya iyon kay Greta."I didn't expect that you could do this in just a day. Paano mo siya napapayag?" manghang tanong ni Greta."Kahit bihisan mo ang isang daga, daga pa rin ito. I told her that she needs to pay every cent that my family spent on his sick brother IF she will not sign the papers. She's poor so…"Mabilis na hinalíkan ni Greta sa labi si Damon. "You are cunning but I love it! Hanggang ngayon pala eh paniwalang-paniwala ang babaeng 'yon na ang mga Walton ang nagpagamot sa kapatid niya! Another thing, matalino ang desisyon mong sa America kayo nagpakasal. Bukod kasi sa hassle at matagal ang annulment process dito sa Pilipinas eh sobrang mahal pa ng fee!" Humagalpak siya tawa."Yeah. Arya is too naive and innocent. Napakabilis din niyang paikutin. She thought that we really spent a fortune just to save her dying brother and just to get her to marry me!" Kinuha ni Damon ang kaniyang wine glass at sinalinan iyon ng alak."What do you expect? Matalino siya pero nuknukan naman ng pagkatangà! Wait. Did you fire her as your company's chief finance officer?" Nakatingin si Greta sa kaniyang wine glass na ngayon ay sinasalinan ng alak ni Damon."Hindi pa pero plano ko na ring gawin kinabukasan." Uminom na ng alak si Damon. Nag-iwas siya ng tingin kay Greta. Ang totoo, hindi niya alam kung sino ang ookupa sa maiiwang posisyon ni Arya kapag tinanggal niya ito sa trabaho. Isa pa, nagdadalawang-isip siyang sibakin ito dahil sa angking talino at diskarte nito.Itinaas ni Greta ang kaniyang isang paa papunta sa binti ni Damon."I miss you so much, love. Tatlong taon din ang tiniis at hinintay ko para sa pagkakataong ito. Kung hindi pa namatay ang lolo mo eh, hindi pa natin maiisakatuparan ang divorce niyo ni Arya. I hate how much your grandfather loves that bítch." Greta crossed her arms as she looked away."Si grandpa lang naman ang may gusto kay Arya eh. Huwag ka nang magmukmok diyan. Ikaw naman ang mahal ko at ikaw lang din ang gusto ng pamilya ko para sa akin."Damon held Greta's hand and kissed it. "I want to own you tonight, love."Nagningning ang mga mata ni Greta. "You can own me not only tonight but also every night, my love." Sinalinan niya ng alak ang wine glass ni Damon. "Cheers?"Damon smiled. "Cheers.""Oo nga pala. Magkano ang ibinigay mong pera sa EX-WIFE mo?" Malagkit ang mga titig ni Greta kay Damon. She loves him but she loves his money more."Five hundred thousand pesos," mabilis na sagot ni Damon.Tumaas ang isang kilay ni Greta. Maya-maya pa ay ngumiti siya. "You're funny. You are a multi-millionaire but you only gave her that much.""For me, that's her price. I don't like to waste money on that woman. Didn't you know that I never bought her anything expensive within our marriage?" Damon smirked. His eyebrows furrowed when he noticed the commotion outside the restaurant."Parang may dumating na celebrity. Oo nga pala. Ngayong gabi, ipapakilala ni Don Fridman ang kaniyang nag-iisang tagapagmana sa mga VVIP business partners niya. Guess what? She's a woman like me! And…I'm planning to make her my best friend." Napuno ng excitement ang mga mata ni Greta habang nakatingin sa labas ng restaurant."Armani's wealth is twenty times more than ours. I wonder why it will be held here," Damon said, confused."Actually, may quick dinner lang sila rito. Requested daw ng apo ni Don Fridman. After ng dinner nila, saka sila pupunta sa Armani's Villa. Doon mismo gaganapin ang announcement tapos this coming Friday night naman ang pa welcome party. To be announced pa ang time and venue," ani Greta."Are you an Armani fan? Updated ka sa mga life events nila ah," pabirong sambit ni Damon."Of course, I'm a fan. Sino ba naman ang hindi makikipag-socialized sa kanila? They almost owned this place! I mean, the whole, San Juan!" Greta exclaimed."You have a point. Even my family adores them so much lalong-lalo na si grandpa." Damon's eyes widened when he saw Arya. "What is she doing here?" he whispered."Who?" Greta asked."Don't mind it. Let's eat? We miss each other so much so let's cherish this night together." Nagsimula nang kumain si Damon. Muli siyang tumingin sa direksyon kung saan nakita niya kanina si Arya pero wala na ito roon. 'Where did she go? Sinusundan ba niya ako? Kulang pa ba sa kaniya ang kalahating milyong piso?' isip-isip niya."Hey! Kanina pa kitang tinatawag. Bakit wala ka sa iyong sarili? Sino ba talaga 'yong nakita mo kanina?" inis na tanong ni Greta.Hinaplos ni Damon ang pisngi ni Greta dahilan para mapapikit ito. "Relax, love. I'm sorry. I got occupied by something. Speaking of the Armanis, bukas makikilala ko na ang sinasabi mong tagapagmana ni Don Fridman. Nahirapan kaming makakuha ng appointment sa kanila. They even reject us pero kanina lang, tumawag si mama. Nagkaroon ng himala. Pumayag na silang makipag-meeting.""Really, love? Omg! P'wede ba akong sumama?" Nag-puppy eyes si Greta. "Please. I want to meet her." Ngumuso siya."Stop doing that. You're too cute," natatawang sabi ni Damon. "Okay, p'wede kang sumama sa akin pero dapat on time and behave ka. Malaking pera ang mawawala sa amin kapag hindi ko na-close ang deal na 'yon bukas.""No problem, love. If you want, I can even help you. I'm a businesswoman, remember?" Greta licked her lips, then she bit it."I almost forgot. Okay. Sure but for now, let's finish eating first. I want to eat something after this." Damon looked at Greta seductively.Napangiti si Greta. "Ang landi mo talaga. Sure ka ba? Hindi ka naging gan'yan kay Arya?"Damon's eyes darkened. "After we lost our baby, nawalan na ako ng gana sa kaniya." Pinuno niya ng alak ang kaniyang wine glass at nilaklak iyon ng diretso.Napalunok si Greta. "I'm sorry.""Why are you sorry? Hindi mo naman pinapatay ang anak namin, 'di ba?" Titig na titig si Damon sa mukha ni Greta.Greta almost got choke. "Of course, I didn't. Ibig kong sabihin, sorry kasi pinaalala ko na naman sa'yo 'yong about ka–"Tumawa nang malakas si Damon. Tumawa rin si Greta."I'm just kidding, love. Sige na. Ubusin mo na ang pagkain mo. Excited na ako sa sunod nating pagsasaluhan," ani Damon."Ako rin, love. Excited na excited na," bulong ni Greta. Hinawakan niya ang kamay ni Damon.Ibinaba ni Arya ang hawak niyang magazine nang umalis na sina Damon at Greta. Nakaupo siya sa kabilang table."Senyorita Arya, kanina pa po kayong hinahanap ng lolo niyo. Pinapatawag na po kayo ni Don Fridman. Kailangan niyo na raw pong umalis," sambit ng kanang-kamay ng pamilya Armani na si Mang Ruben.Tumayo mula sa pagkakaupo si Arya. Ngumiti siya kay Mang Ruben. "P'wede po bang magtanong? Sino po ang secretary ni lolo?""Si Miss Mariz po. Bakit po, senyorita?" magalang na tugon ni Mang Ruben."May mobile number ka po ba niya? Gusto ko po kasi siyang makausap." Kinuha ni Arya ang kaniyang cell phone."Mayroon po." Kinuha ni Mang Ruben ang cell phone niya. Hinanap niya ang mobile number ni Mariz at agad na ibinigay kay Arya."Maraming salamat po. Mauna na po kayo sa sasakyan. Pakisabi po kay lolo, susunod po ako agad after five minutes," magalang na wika ni Arya.Yumuko si Mang Ruben. "Masusunod po, senyorita."Nang makaalis si Mang Ruben ay agad na tinawagan ni Arya ang numero ni Mariz."Miss Mariz, this is Arya Armani. I want to cancel my meeting with Mr. Damon Walton, tomorrow. Another thing, kindly inform them about the cancellation, one hour after the exact time of the scheduled meeting. Yes. Sure. Thank you, Miss Mariz." Arya ended the call. She smiled. "Let's play some games, Damon and Greta. Excited na akong makita ang mga pagmumukha niyo bukas.""Mama, totoo ba na on-process na ang divorce nina Ate Arya at Kuya Damon?" tanong ni Dionne, ang nakababatang kapatid ni Damon.Ngumiti si Divina Walton, ang current vice president ng Walton Insurance Incorporated. Si Damon ang kasalukuyang presidente ng naturang kumpanya."Oo, totoo ang nabalitaan mo. Greta is back at dahil wala na ang iyong grandpa, there is no more reason para ituloy ng kuya mo ang relasyon niya sa babaeng 'yon. Besides, she's worthless. Arya is just an obedient housewife. She's nothing compared to Greta." Nag-aayos ng kaniyang sarili si Divina. Pulang-pula ang kaniyang labi, gano'n din ang kaniyang mga pisngi. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang nakasimangot na mukha ni Dionne sa salamin. "Bakit malungkot ka? Don't tell me, naaawa ka sa babaeng 'yon?""Mama, she has a name. She's ARYA. Three years niyo na siyang tinatawag na "babaeng 'yon". And, she's not worthless. Did you forget how she saved our company from the verge of bankruptcy? She's great
Kabanata 3"Bakit mo pa ba ipinakuha sa akin ang mga gamit mo, ate? Hindi mo na naman kakailanganin ang mga ito." Pinagulong ni Aiven ang mga maletang dala niya."Ayokong mag-iwan ng kahit anong bakas sa bahay na 'yon." Isinuot ni Arya ang dangling earrings na regalo sa kaniya ng lolo niya sa kaniyang kaarawan. Nagkakahalaga iyon ng sampung milyong piso!"Nakakasilaw naman ang hikaw mo. Ang daming diyamante. Oo nga pala, tama ang hula mo. Pumunta sa mansyon ni Damon si Dionne." Kinuha ni Aiven ang tuxedo na binili ng ate niya."Naibigay mo ba ang USB?" Binuksan ni Arya ang isang drawer na puno ng mga mamahaling kuwintas. Ang lahat ay may angking ganda pero wala ng mas gaganda pa sa iniwang regalo ng kaniyang yumaong ina, ang L'Incomparable necklace na nagkakahalaga ng $55 Million! Ito ang may pinakamalaki at pinaka makinang na diyamante sa buong mundo. Mayroon itong dilaw na bato na tumitimbang ng lagpas 407 carats at nakakabit ito sa isang daan at dalawang diyamante! Marahan niya ito
Kabanata 4"Anong ginagawa mo rito?" Lumingos sa paligid si Damon. "Nasaan si Arya?" kunot-noong tanong niya."I'm working here," pagsisinungaling ni Aiven.Marahang nagpakawala nang malalakas na tawa si Damon. "Gabi na, nakuha mo pang magbiro. Hindi basta-basta tumatanggap ng empleyado ang mga Armani. Kahit nga katulong at driver eh mataas ang standards nila. Huwag mo nga akong lokohin. At saka, alam kong hindi ka pa nananawa sa pakikipag-basag-ulo sa kalye.""Sobrang yaman ng mga Armani pero hindi niyo sila katulad na masyadong mapagmataas. Hindi nila tinitingnan kung gaano kataas ang grado mo noong kolehiyo o kung gaano ka kagaling, mas tumitingin sila sa ugali. Kadalasan kasi, mas tuso at mas mapanlinlang ang mga taong sobrang daming nalalaman." Ngumiti nang nakakaloko si Aiven.Damon clenched his jaw. "So, you're really working for them?"Tumango si Aiven."How about my wife? Nandito rin ba siya?" Damon said out of nowhere. Maging siya ay nagugulat sa mga lumalabas sa bibig niya.
Kabanata 5“Paano nakapasok ang babaeng ‘yon sa buhay ng mga Armani? Maging ang kaniyang walang kwentang kapatid ay naroroon din! Ang kakapal ng mga mukhang makihalubilo sa ating mga mayayaman! Nakakatakot ang kanilang pagiging ambisyosa at ambisyoso!” Itinapon ni Divina ang kaniyang bag sa sofa. Naglakad siya nang pabalik-balik habang sapo-sapo niya ang kaniyang noo. Iniisip pa rin niya kung paano naging malapit si Arya kay Don Fridman sa loob lang ng maikling panahon!“Huwag niyong ibahin ang usapan, mama. Kanina niyo pa isinasali sa usapan ang magkapatid na Villanueva. Let's talk about your infidelity! Kailan pa kayo nagkaroon ng relasyon ng Rupert na ‘yon? Bakit niyo nagawang pagtaksilan si papa? Paano niyo kamin nagawang lokohin?” galit na galit na sambit ni Dionne.Huminto sa paglalakad si Divina. Marahan niyang ini-angat ang kaniyang paningin kay Dionne. “Ikaw na bata ka. Isa ka pa! Kailan mo ba gagamitin ‘yang utak mo, ha? Doon ka pa talaga nag-eskandalo sa mansyon ng mga Arma
Kabanata 6 “Excuse me, miss. I have a reservation under Mr. Damon Walton’s name. Andito na ba siya?” Pormal na pormal ang ayos ni Greta. Nakataas ang kaniyang isang kilay habang hinihintay ang sagot ng front desk staff. “Please proceed to the VVIP room number 8, Miss…” “Greta. Greta De Vil.” Agad niyang kinuha ang keycard sa staff at taas-noong naglakad patungo sa nasabing silid. Inis na inis si Greta kay Damon dahil hindi man lamang siya nito tinawagan buong magdamag. Nabalitaan niya ang nangyaring kaguluhan sa party ng mga Armani kagabi, sangkot ang kaniyang itinuturing na future mother-in-law. Sa kagustuhang malaman ang buong detalye ng kuwento ay tinawagan niya si Divina Walton at nagtanong ng mga bagay-bagay rito. Sa dulo ng kanilang pag-uusap ay aksidenteng nabanggit ni Divina na nagta-trabaho na sa mga Armani ang dati nitong manugang na si Arya. Naulit din nito ang tungkol sa pagkaka-promote ni Arya bilang General Manager ng Armani Groups. “Arya, hindi ko alam na talentado
Kabanata 7 “Hey, where are you going? We have a meeting.” Kunot na kunot ang noo ni Damon habang hawak-hawak niya ang braso ni Arya. Nakita niya itong nagmamadaling naglalakad patungo sa kinaroroonan ng elevator. Tinitigan ni Arya nang mata sa mata si Damon. Lumipat ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso. Agad naman iyong inalis ni Damon. “You're twenty minutes late. Ayoko sa lahat ay iyong pinaghihintay ako,” mahinang sabi ni Arya. “I'm sorry. I got stuck in heavy traffic. Can you please reconsider?” Ngayon lang napansin ni Damon ang suot ni Arya. Sobrang bagay ng dress nito sa kaniya. Mas binigyan din ng makeup nito ang maganda nitong mukha. Parang ibang tao ang kaharap niya. His ex-wife is modest and conservative. Ayaw rin nitong maglagay ng mga kolorete sa mukha. Hindi tuloy niya maitanggi sa kaniyang sarili na kaakit-akit at kahali-halina ngayon ang kaniyang dating asawa. Hindi rin niya mapigilang mapakagat sa kaniyang labi. “Stop staring at me like that,
Kabanata 8 “That whóre! I really want to smash her into tiny pieces!” galit na galit na sigaw ni Arya. Pagkagaling niya sa hotel ay dumiretso siya agad sa bagong tinutuluyan niyang condotel para maglabas ng inis sa katawan. She's doing boxing right now. “Gusto niyo po bang i-bribe ko ang mga biggest investors sa business ni Miss Greta para iwan siya ng mga ito? I can do it if you want to, senyorita. It's just a piece of cake for me,” suhestiyon ni Mariz habang pinag-aaralan ang profile ng mga investors sa negosyo ng dalawang pamilya - De Vil at Walton. Pinunasan ni Arya ang kaniyang pawis sa mukha. Fit na fit sa kaniya ang suot niyang gym outfit. Lalong lumabas ang halos perpektong kurba ng kaniyang katawan. Lumabas siya ng ring at dumiretso sa bench para kumuha ng tubig. Mabilis niya iyong ininom. Uhaw na uhaw siya dahil may isang oras na rin siyang nag-eensayo. Bago pa man niya makilala si Damon, hilig na niya ang mag-boxing. Mahusay rin siya sa taekwondo at karate. Madalas kasi s
Kabanata 9 “Ivy, hindi talaga siya umalis sa puwesto niya buong maghapon?” tanong ni Arya habang nakatingin sa natutulog na si Damon. “Opo, senyorita. Hindi pa rin po siya kumakain. Wala po siyang bukambibig kung hindi kayo. Palagi po siyang nakaabang sa pagdating niyo,” tugon ni Ivy. ‘Damon, why are you doing this? Are you really desperate to close that deal?’ Arya thought. “Gisingin ko na po ba, senyorita?” Ibinaba ni Ivy ang dala niyang documents sa table. “Hindi. Hayaan mo lang siyang matulog. It's already six, makakauwi ka na. Salamat sa paghihintay sa akin.” Umupo si Arya sa office chair. “Sure po ba kayo, senyorita? Wala na po ba kayong ipag-uutos? Bilin po kasi ni Sir Aiven na huwag daw po akong aalis hanggang hindi po siya dumarating. Ayaw raw po niya kayong maiwan mag-isa kasama si Sir Walton,” salaysay ni Ivy. “No. It's okay. Overtime ka na nga ng two hours dahil sa paghihintay sa akin. I'm sure na hinihintay ka na ng baby mo. Huwag mo akong alalahanin, kaya ko naman
Kabanata 104“Senyorita?"‘This idi0t still thinks that I am Arya pero sabagay, I will become an Armani later. Everybody will bow to me once they learn that I am a real Armani, that I am also the daughter of Xavier Armani!’ Mariz thought.“Senyorita, bakit niyo po katagpo ang kuya ko?" pag-uulit ni Dionne.Mabilis na umaksyon si Marissa. Para sa kaniya, hindi pa iyon ang tamang panahon para malaman ni Dionne ang tungkol sa kaniyang apo. Hinagip niya ang kamay nito at saka hinim@s-him@s. “Hija, your brother insisted this meeting for business,” pagyayabang ni Marissa. Nilingon niya ang kotse ni Dionne. "Are you with him?”Mabilis na umiling si Dionne."Sad. Did he ask you to meet us instead?” Marissa asked again.Muling umiling si Dionne."I see.” Kunwaring tumingin si Marissa sa suot niyang Patek watch. "Our time is precious. I guess, your brother missed a golden opportunity. Pakisabi na lang sa kaniya na hindi na kami interesado sa business proposal niya. He wasted our time.”Tinitig
Kabanata 103“Nasa’n na ba siya? Hindi ako p'wedeng magtagal dito. Baka maisahan ni Jett ang mga tauhan ko," ani Mariz habang palinga-linga sa paligid.“Sigurado ka bang sisipot ang lalaking ‘yon? Kailan mo pala pauuwiin ng Monte Rocca ang anak mo? He needs to see him." Naglagay muna ng sunblock si Marissa habang nakaupo sa harap ng kotse.“Kapag maayos na ang lahat, saka ko muling pababalikin ang anak ko rito sa Monte Rocca. Naghihikahos ang mga Walton. Wala akong mahihita sa kanila," may pag-irap na sabi ni Mariz.“Boba! Eh bakit kikitain mo pa si Damon? Wala rin namang pera ang isang ‘yon!" Tumaas ang isang sulok ng nguso ni Marissa. Ngayon naman ay naglalagay na siya ng dark red lipstick.“I need him. Wala man siyang pera, alam kong mahal pa siya ni Arya kaya magagamit ko pa rin siya laban sa kapatid ko,” mabilis na sagot ni Mariz.Tumaas ang dalawang kilay ni Marissa. ‘Sasabihin ko na ba sa kaniya na hindi talaga sila magkapatid ng Arya na ‘yon? Na gagamitin ko lang siya para mak
Kabanata 102“Pakawalan niyo ako rito! Mga duwag ba kayo? Sa halip na nakikipaglaban kayo ng patas ay itinali niyo ako rito! Bakit? Takot ba kayong mapatay ko kayong lahat, HA?!" gigil na sigaw ni Jett habang pilit na kumakawala sa pagkakatali sa kaniya.“Anong tingin mo sa amin, uto-uto? Tumahimik ka nga riyan at baka hindi ako makapagpigil! Isara mo ‘yang bibig mo kung gusto mo pang mabuhay!" sigaw ng isang tauhan.Ngumisi si Jett sabay dura sa sahig. "Ang sabihin niyo, mga duwag kayo. Pati matandang babae ay pinapatulan niyo.” Napatingin siya kay Dra. Santos na nakagapos din tulad niya.“Tumahimik ka sabi!" "Paano kung ayoko?” nang-aasar na sambit ni Jett.Magpapaputok na sana ng baril ang isang tauhan nang pigilan siya ng mga kasamahan niya.“Ikalma mo ang sarili mo. Utos nina ma’am na huwag nating papatayin ang isang ‘yan. Kailangan pa nating mahuli ang mga kasamahan niya. Kailangan nina ma’am ng malaking pera. Fifty million kada ulo ang hihingin nila sa matandang Thompson kapag
Kabanata 101“Arya…”Matapos makalaya ni Damon ay agad niyang inalam kung saan niya matatagpuan si Arya. Lalapit na sana siya sa ex-wife niya nang bigla siyang harangin ni Aiven.“You have no right to touch her. You’re not her husband anymore,” Aiven said in a serious tone.Ngumisi si Damon. “Who are you to tell me that, huh? You’re not her real brother so fucK off.” Itinulak niya si Aiven. Napaupo ito sa sahig.Mabilis na inalalayang tumayo ni Arya si Aiven. “Damon, ano bang ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong niya. Kasalukuyan siyang nasa OLHOS dahil ipinatawag siya ng reproductive endocrinologist at fertility specialist na nagsagawa ng intrauterine insemination (IUI) o mas kilala sa tawag na artificial insemination (AI) sa kaniya matapos nilang ikasal noon ni Damon.“I’m here to check on something. Ikaw?” Napatingin si Damon sa doktorang nasa harapan nila nina Arya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Doc, long time no see. Anong mayro’n?” Tumaas ang kaniyang dalawang kilay.“Mr. Walto
Kabanata 100“Biglang nawala ang signal ni Jett. Ano kayang nangyari sa kaniya? Sana okay lang siya," nag-aalalang turan ni Jacob.“Huwag mong alalahanin ‘yon. Sa ating tatlo, si Jett ang pinakamagaling makipaglaban. Remember his previous job?” ani Jackson habang maingat na umaakyat ng hagdan. Palinga-linga rin siya habang hawak ang isang bariL."Nakakapagtaka,” ani Tamahome.Napahinto sina Jacob at Jackson sa pag-akyat sa hagdan."Bakit, Tama? Anong problema?” tanong ni Jacob."Wala na tayong nakakasalamuhang kalaban. Kung sa backdoor at main door pa lang ay marami na ang nakabantay, bakit wala man lang kahit isa rito?” wika ni Tamahome. Marahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay na may hawak na bariL.Kumunot ang noo ni Jackson. May punto si Tamahome. Simula makalampas sila sa may backdoor ay naging madali na para sa kanila ang makarating kung nasaan man sila ngayon.“Patibong?" bulong ni Jacob. Napatingin sa kaniya sina Jackson at Tamahome."Anong ibig mong sabihin, Hakob?” salubong
Kabanata 99Matapos malaman ni Jett kung saang palapag niya makikita ang mastermind sa likod ng pagkaagas ng anak ni Arya noon ay agad niyang binugb0g ang dalawang bantay hanggang sa mawalan ng malay ang mga ito. Hinila niya ang mga ito patungo sa isang tagong parte ng lumang gusali at saka itinali. Ipinagpag niya ang kaniyang mga kamay.“Now, I need to go upstairs," Jett murmured.Hahakbang na sana si Jett palabas ng silid nang bigla siyang nakarinig ng mga palapit na yabag at malulutong na tawanan. Maingat siyang humakbang paurong. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang maramdaman niyang palakas nang palakas ang mga boses at yabag.“Fúck. ‘Pag minamalas ka nga naman," mahinang sambit ni Jett. Mabilis niyang iniikot ang kaniyang mga mata sa loob ng silid. Nahagip ng kaniyang mga mata ang nakataling dalawang bantay. “ShíT. Kapag nakita nila ang mga tukm0l na ‘to, sigurado akong maaalarma sila. I need to hide them and I need to find a way to escape this room." Limang katao ang masayang na
Kabanata 98“Ano na kayang nangyari kay Jett?” nag-aalalang sambit ni Jacob habang patuloy sa paglalakad.“Huwag mong alalahanin ‘yon. Tuso at mautak rin ang isang ‘yon kaya malabong mapahamak ‘yon. Na manipulate na niya ang mga guards sa entrance. Na hacked na rin niya ang security system kaya sigurado akong nakapasok na siya sa lungga ng kalaban,” ani Jackson. Kunot na ang kaniyang noo dahil kanina pa silang paikot-ikot sa likod ng lumang gusali pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang makitang back door.“Oras na malaman ng mastermind na may aberya sa security system nila, sigurado akong magiging alerto na sila kaya kailangan nating mag doble ingat. Baka nagpaplano na sila ngayon kung paano tayo ididispatsa.” Huminto sa paglalakad si Tamahome. Nangangati na ang kaniyang ilong sa sobrang daming tanim na bulaklak sa likuran ng lumang gusali. Napabahing siya nang sunod-sunod.Sabay na napalingon sina Jacob at Jackson sa kaibigan nilang pulis.“Allergy ka pala sa bulaklak.” Umupo si
Kabanata 97“Sige na. Baka may kaunti kayong labis na pagkain at tubig diyan. dalawang oras na kasi akong naliligaw rito," pakikiusap ni Jett habang pasimpleng sumisilip sa loob.“Ang kulit mo! Sinabi ng wala kaming ekstrang pagkain at tubig. Umalis ka na!" "Oo nga! Umalis ka na bago pa magalit ang boss namin! Nakakatakot pa namang magalit ‘yon. Kaya no’ng pumatay ng tao.”Nagkunwaring natatakot si Jett. Niyakap niya ang kaniyang sarili. Umatras siya ng dalawang hakbang. “T-talaga ba? Kung gano’n…”“Kung gano’n ano?"Lahat ng dalawang bantay ay nakaabang sa sunod na sasabihin ni Jett.“P’wede niyo ba akong dalhin sa kaniya?" seryosong tanong ni Jett.Nagtawanan ang mga bantay.“Nasisiraan ka na ba ng bait? Para mo na ring inihain ang sarili mo sa demonyita.”“Oo nga! Seryoso ka ba? Mukhang nalipasan na nga ito ng gutom. Hindi na siya makapag-isip nang maayos.”“May tubig ba kayo riyan? Bigyan niyo nga itong lalaking ‘to at baka mahihimasmasan sa mga pinagsasasabi niya!"Natigilan sa
Kabanata 96“Dra. Santos…”"Sige na po. Payagan niyo na akong makita ko ang aking asawa. Pangako, mag-iingat ako nang husto,” nagmamakaawang sambit ni Dra. Santos.Bumuntong hininga ang babae. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sinabi ko? Nakailang ulit na ako sa'yo ah! Gusto mo bang mahuli ka ng mga pulis? Alam mo namang wanted ka na! Hindi mo ikamamatay kung hindi mo masilayan ang pagmumukha ng tarantad0 mong asawa pero maaari mong ikamatay ‘yang katang@han at pagiging padalos-dalos mo! Mabuti na lamang at nakabalik ako agad at nakita ka ng isa sa mga tauhan ko na paalis dito sa hideout dahil kung hindi, baka humihimas ka na rin ng rehas tulad ng ulaga mong asawa!”Natahimik si Dra. Santos. Naalala na naman niya ang paulit-ulit na pagtataksil sa kaniya ng kaniyang pinakamamahal na asawa."We need to move. Malakas ang pakiramdam kong hindi na tayo ligtas sa lugar na ito lalo na ngayon," ani ng babae.“Pagod na akong magpauli-uli. Pagod na akong magtago! Gusto ko nang sumuko!" mahi